Sixteen
LINDZZY
"Malamang 'tong bruha na 'to nakarating nang langit kaya ganito at tulala," naririnig ko ang sinasabi ni Jice pero mas nangingibabaw sa akin ang mga katagang binitawan niya.
Noong unang beses kong marinig na sinabihan niya ako ng mahal niya 'ko ay halos hindi ko mapaniwalaan, ngunit kagabi ay kitang kita ko sa mga mata niya na puno ng sinseridad ang pagkakasabi niya no'n sa'kin.
"Parang ang sarap ng jugjugan n'yo bru, hanggang ngayon sinasariwa mo. Pajugjug ka ulit, baka bumalik na 'yang kaluluwa mo," napalingon ako sa kanya saka ko siya kinurot sa pisngi.
"Bibig mo nanaman!"
"Aray---! Pano kasi naman Lindzzy, high na high ka pa. Gaano ba kasarap ang romansa ni Sir Aeidan at parang nasa ikapito ka pa ring kalangitan?" Kinakabahan talaga ako sa paraan ng pagsasalita niya.
"Isa! 'Yang bibig mo sabi ko," banta ko sa kanya ngunit nginisian lamang niya ako bigla.
"Siguro hindi lang SOH CAH TOA ang ginawa n'yo?" Saka pa niya tinaas baba ang kilay niya sa akin. "Baka nag-karpintero kayo sa pinuntahan n'yo," saka pa siya humalakhak na ikinakunot ng noo ko.
"Anong nag-karpintero? Sa dagat kami---" hindi ko naituloy ang sasabihin ko dahil bigla lamang niyang pinitik ang noo ko.
"Shutaenang utak mo talaga. Nakakagigil madalas! Ibig kong sabihin doon kayo lumagari at nagpukpukan! Naiinis na akong kausap ka, Lindzzy! 'Yong mga joke at pang-aasar ko nauuwi sa explanation!" Saka niya ako inismiran.
Napanguso ako at hinawakan siya sa braso. "Paano kasi hindi mo nalang ako deretsohin na pukpukan at lagari, hindi ko naman magegets talaga kung karpintero pa ang gagamitin mo," pang-aalo ko sa kanya.
"Oo nga pala. Si Sir Aeidan pala ang una at huli mo. Sabihin ko nga kay Sir na i-full performance ka naman tsaka yugyugin ng baliktaran para naman boom blaaag shwing tiwtiw booogshhh blaaaam ang labasan mo," at nagpadyak-padyak pa siya at suntok sa ere na animo talaga gusto niya yatang alugin ang buong pagkatao ko.
Naku Jice, kung alam mo lang. Mas higit pa si Aeidan sa mga ini-imagine mong 'yan.
"Ginawa mo namang gera---"
"Gera naman talaga, bru. Isipin mo ba naman may putukan tapos bumabaha pa ng semilya--- este bala," haaaay jusko. Mabuti na lamang at nasa lower ground facility kami dahil kung nagkataon natakpan ko nanaman ang bibig niyang hindi marunong pumreno.
"Kinakabahan na 'ko madalas sa'yo. Saan mo ba galing 'yang mga sinasabi mo?" Iiling-iling na wika ko.
"Wala. Inagination ko ang limit," saka niya nanaman ako nginisihan. "Kaya kahit hindi mo 'ko sagutin kung gaano kalaki, kasarap at kagaling si Sir, keri lang. Malakas imagination ko," tatawa-tawa niyang wika sa akin.
"Jice Saavedra! Pati asawa ko---"
Napamulagat ang mata niya saka ako sinapok. "HUWOW! MAPANG-ANGKIN!"
"Asawa ko naman talaga siya ah?"
"Oo nga, asawa mo nga."
"Ba't parang ayaw mong asawa ko si Aeidan? Asawa ko naman talaga siya---"
"Yes. And only I, was meant for you." Kapwa kami napalingon ni Jice sa nagsalitang iyon at nakita namin si Aeidan na nakangisi.
Para naman talaga siyang kabute. Kung kailan niya nais lumitaw sa harap ko, lilitaw at lilitaw siya sa ayaw at sa gusto ko.
"Sir Aeidan, rapper ka ba sa Malate?" Ngayon naman ay napalingon ako kay Jice dahil sinabi niyang iyon. Nakakatakot ang itsura niya. Parang may hindi siya magandang sasabihin?
"I'm your professor. Was I supposed to be a rapper in Malate?"
Biglang lumapit sa tainga ko si Jice at bumulong. "Shutaena n'yong mag-asawa ang hirap n'yong banatan ng joke," iritadong bulong niya bago bumaling muli kay Aeidan. "Sabihin mo kasi Sir, bakit!"
"Fine. Why?"
Biglang ngumisi si Jice na ikinadagundong ng puso ko. "ITINUTOK MO! PINASOK MO! AND BOY WALANG DAPLIS!" Pagkanta niya bago nagtatakbo palayo sa amin ni Aeidan.
Jusko! Iniwan niya ako rito na alanganin. Kung anu-anong pagsasasabihin tapos ako 'tong malalagay sa peligro. Jusko talagang Saavedra 'yon!
"Sa kanya ka ba natututo ng mga pananalita at kilos mo nitong mga nakaraan?" Hindi ko mahimigan ang tinig niya dahil tila blangko ang emosyon nito.
"H--Hindi naman. May pagkapilya lang talaga si Jice, pagpasensyahan mo na lang---"
"I will tell her to give you more advices. I like seeing your wild side in bed, the tigress Lindzzy, the braver and naughtier version.... just in bed. I ain't talking about your personality here, just the way you move in bed... with me... totally naked," halos mag-init lahat ng dapat mag-init sa akin.
"A--Are you fantasizing something right now?" Hindi ko napigilan na nasabi ko. Bigla ay isinandal niya ako sa poste saka hinawakan ang baba ko.
"What if I really do? You... me... in a room full of pleasuring tools, experimented foods and spreads? I would penetrate you loud and hard. I would fuck you 'til you can no longer moan. I would drain you 'til your knees get as soft as jelly," puno ng pang-aakit ang tinig niya. Hindi ko alam paano tatakasan si Aeidan sa tuwing ganito siya.
"B--Baka may makakita sa atin," awat ko sana sa kanya.
Imbes na lumayo ay inilapit niya pa ang labi niya sa tainga ko. "By the looks of it, my dearest wife is already wet down there. I could feel the wetness dripping by just merely fucking you with my words."
Naramdaman ko ang pagkabasa ng tainga ko, at doon ko napagtanto na pinasadahan niya ito ng dila niya. Binabaliw n'ya talaga ako.
"I am not satisfied for what we did yesterday at the beach. Maybe we can try it out at the veranda of our suite?"
Para akong natuod. Mukhang hindi seminar ang pinuntahan ko, tila ito extended honeymoon.
NAGSASALITA ang presenter na si Ma'am Kassey sa harap at itong si Jice ay kain lang ng kain sa tabi ko. Kung hindi ko kilala ang babaeng 'to, iisipin ko talagang buntis siya sa lakas niyang kumain.
"Makinig ka nga. Iyan ka nanaman," hinampas ko pa nang bahagya ang hita niya.
"Inaantok ako sa pagsasalita niya. Ang ituturo lang naman niya ay CPR, alam na alam ko naman na 'yon dahil laging need ni Mommy 'yon," bored na sagot niya sa akin.
"NOW, CAN I HAVE THIS PROFESSOR IN FRONT," lahat kami ay napalingon sa tinawag na iyon nang presenter sa mic at nakita kong si Aeidan ang tinutukoy niya.
Tumayo si Aeidan at lumapit sa presenter. Aaminin ko, maganda ang presenter. Mahaba ang buhok, mukha rin siyang mahinhin, mapungay ang mga mata, matangos ang ilong, maganda ang korte ng mga labi niya at maganda ang hubog ng katawan.
"Can I have? Sungalngalin ko kaya siya nitong supot ng nova?" Gigil na wika ni Jice. "Bru, kung hindi ka tatayo, ako nalang ang babawi ng asawa mo---"
"Sira ka. Baka i-dedemonstrate lang nila 'yong pinapaliwang ni Madam," sagot ko kay Jice kahit ang totoo ay may iba akong nararamdaman.
"Lindzzy, malapit na kitang patayuan ng monumento sa katangahan mo!" Gigil na wika niya. Kulang na lang sa akin niya isapok 'yong supot ng nova.
"Wala naman ginagawang masama---"
"Hihintayin mo pa!?"
"WE WILL DEMONSTRATE IN FRONT OF YOU THE RIGHT POSTURE AND POSITION TO RESUSCITATE SOMEONE," wika nito saka nagsimulang humiga sa matt na nasa harap.
"SHEMMMS! ANG BAGAY N'YO PO NI SIR AEIDAN!" Sigaw ng isang estudyante.
"OO NGA! MAGANDA AT GWAPO! PAKAPERFECT NAMAN!" Sigaw naman ng nasa gilid ko.
Sila siguro ang ibang estudyante na hindi pa nakaka-alam ng sitwasyon namin ni Aeidan.... o baka talagang ganoon lamang nila ka-ayaw sa akin.
"Shutaena ng mga 'to, ipagpapares ko sa pirana ang mga nguso nila! Bagay-bagay! Bagayin ko kaya mga ngala-ngala nila!" Pinagilan ko pa si Jice dahil balak niya pa talagang tumayo at mukhang manunugod.
"Kumalma ka nga. Hayaan mo na. Wala naman mangyayari kung papatol ka sa kanila," mahinang wika ko sa kanya.
"TALAGA BA? BAGAY BA KAMI NI SIR?" Alam kong may himig pagbibiro ang sinabing iyon ni Ma'am Kassey ngunit hindi ko talaga nagustuhan iyon.
"YES MA'AM! SIGURADONG MAGIGING GWAPO AT MAGANDA ANG MGA ANAK N'YO!" Sigaw pabik ng estudyante.
"Huwag kang magwo-walk out! Tatadyankan talaga kita!" Ramdam ko ang gigil ni Jice. Hindi nalang ako kumibo.
"Students, tone down your voices," bawal ni Aeidan sa istriktong tono.
Pinatayo kami ng mga nag-aassist at pinalapit sa paggaganapan ng demonstration. Mabibigat ang paa ni Jice na sumunod dahil na rin niyakag ko siya.
"I believe as a college professor, alam na ni Sir Aeidan kung anong gagawin niya," wika ni Ma'am Kassey.
Nakita ko ang pagtango ni Aeidan ngunit ang totoo ay nais ko siyang pigilan.... lalo na nang makita kong ipinuwesto niya ang mga palad niya sa dibdib ni Ma'am Kassey. Parang pinipiga ang puso ko na makakita na mayroon siyang ibang babaeng hinahawakan.
"A--Aeidan..." Kusang lumabas ang bulong na iyon sa mga labi ko. Hindi ko napigilan.
Nakita ko siyang napalingon sa akin, ngunit blangko lamang ang mga ekspresyon ng mga mata niya na ipinukol sa akin.
"Let's start," wika ni Ma'am Kassey at doon ay idinemonstra ni Aeidan ang tamang pag-CPR.
"Deym! Hawak ni Sir Aeidan 'yong dibdib, frets!" Dinig kong mahinang bulong ng isang lalaking estudyante.
"Swerte, puta!"
Habang nakikita kong nakadantay ang kamay niya sa dibdib ng babae ay parang mas lalo akong sinasakal sa sikip ng paghinga ko.
Natapos sila at kinaya ko kahit na papaano.... ngunit ngayon ay tila hindi ko na alam kung kakayanin ko pa.
Pumwesto sila para sa MMR at tila pinatigil nito ang inog ng mundo ko.
"Shutangena, bru. Hihintayin mo bang mag-abot pa ang labi nila!?" Singhal ni Jice sa akin saka nag-walk out sa tabi ko. Alam kong gusto niya lang na maging matapang ako ngunit tila hindi ko kaya.
Tumingin akong muli sa kanya at sa gulat ko ay napatingin din siya sa akin. Magkakasunod na pag-iling ang ginawa ko na wari bang sinasabi ko na huwag niyang ituloy kung ano man ang dapat na gagawin niya, ngunit hindi ko nagustuhan ang isinagot niya sa akin.... umiling din siya na wari bang sinasabi niya na kailangan niyang gawin iyon.
Tila ako tuod na nakatanghod sa asawa ko habang hinihintay ko na dumampi ang mga labi niya sa labi ng babaeng tila pumapatay sa akin ngayon.
Nang itutuloy na ni Aeidan ang paglapat ay bigla akong tumalikod at tumakbo papaalis ng lugar na iyon. Hindi ko alam kung saan ako dinala ng paa ko, basta tumakbo lamang ako nang tumakbo.
Nakarating ako sa isang tila abandonadong pasilidad at doon ko ibinuhos ang lahat ng luha na nais kong pakawalan kanina pa. Doon ko inilabas ang sakit na nararamdaman ko.
"Lindzzy," napalingon ako sa nagsalita at nakita ko si Aeidan na humihingal pa. Mukhang hinabol talaga niya ako.
Humarap ako sa kanya at doon ay ipinakita ko lahat ng sakit na ibinigay niya. "P--Paano mong nagagawa sa akin 'to? Paano mong nagagawang saktan ako gayong puro pagmamahal lang naman ang ibinibigay ko sa'yo? Napakasakit mo naman magmahal," nailagay ko ang mga palad ko sa mukha ko at doon ay humagulgol ako.
"You are still doubting my love for you and yourself and it pains me more," napa-angat ang tingin ko sa kanya dahil sa sinabi niyang iyon sa akin.
"H--Hindi iyon ang punto rito, Aeidan. Masakit na makita na may hinahawakan kang iba, pero mas masakit na makita na kahit anong pigil ko sa'yo na huwag mong ituloy ay hindi mo 'ko pinakinggan. Gaano ba kahirap na intindihin na asawa mo 'ko at nasasaktan ako kung may lalapit na babae sa'yo?" Ngayon ko lamang nailabas ng ganito ang mga iniisip at sakit na nararamdaman ko. I was never vocal of my pain.
Imbes na sumagot ay lumapit siya sa akin saka inilagay ang mga nalaglag kong hibla ng buhok sa likod ng tainga ko at iniangat ang baba ko upang magtama ang mga mata namin.
"Why do you kept on doubting yourself, Lindzzy? I told you I love you, and I am so damn in love with you. Hindi na ako magmamahal pa ng iba o nang kahit na sino pa. It will always be you now," wika niya sa akin ngunit iniiwas ko lamang ang mukha ko sa kanya.
"Hindi mo 'ko naiintindihan," saka ako nagpilit na lumayo sa kanya.
"I do. I swear, I do. Ikaw ang hindi nakakaintindi sa'kin," nakita ko ang pagdaan ng pait sa mga mata niya.
"P--Paano kong iintindihin na may ibang babae kang hinahawakan? Dadampian ng mga labi mong dapat ay para sa akin lang?Immature ba 'ko no'n?" Giit ko sa kanya.
"It was all an act to test if you really did believe me when I told you that I love you. Hindi ko iyin itinuloy. Hindi mo 'ko pinaniwalaan nang sabihin ko sa'yong mahal kita," that wasn't a question. It was a pure statement.... na ramdam ko ang sumbat.
"Naniwala---"
"Believe me that I love you, because I really do Lindzzy. I will no longer live if it wasn't for you. You're all I have and I will never let anyone stole you from me. I love you and I need you. You're all I need to go on. You're all I want to keep existing. You are my strength Lindzzy, and this love I feel for you is my greastest weakness."
--
AWEEEEEE! SALAMAT SA MGA TAONG LAGING NAGPOPROMOTE SA AKIN! GUSTO KO KAYONG I-KISS. HUHUHU. ALABYUOL!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top