Seventeen
LINDZZY
Nakauwi na kami ngayon sa bahay namin at ito ako ngayon naghahanda ng kakainin.
"Pasensya na sa pang-aabala ko po ha," wika ni Kassey na ngayon ay nakaupo sa sofa namin.
"Hala okay lang 'yon. Pasensya na talaga. Hindi ko alam," nahihiyang wika ko dito ngunit sa halip ay tinawanan lamang ako nito.
"Nako ate! Ayos na ayos lang po 'yon. Tsaka hindi pa naman po tayo magkakilala, normal lang naman na magkakamali ka," tumatawa nitong wika sa akin ngunit napayuko pa rin ako dahil sa hiya.
Sino ba naman ang hindi?
*****
"Kassey!" Napalingon ang babaeng tinawag ni Aeidan. Hawak-hawak niya ang mga kamay ko habang hatak ako palapit kay Kassey.
"Yes, Mr. Ricafort?" Kunot noong wika nito sa amin.
"Stop with the formality. You may be a good actress but it's useless now," walang emosyon na wika ni Aeidan dito. "I have seen the outcome of your acting. Now, explain to this woman, lady."
Sa gulat ko ay bigla na lamang tumawa si Kassey saka biglang ngumuso kay Aeidan. "Kuya you're such a whacko! Ngayon mo lang kami ipagkikilala ng asawa mo, sa ganitong paraan pa. My god!"
"Just explain."
Lumapit sa akin si Kassey saka kinuha ang kamay ko na hawak ni Aeidan at sa gulat ko ay sinalikop niya ito sa dalawang kamay niya. "Hi ate Lindzzy, patawarin mo 'ko! I'm Kassey Lou-- Pineda, kuya Aeidan's younger cousin," pagpapakilala nito na literal kong ikinagulat.
"C--Cousin?"
"Opo! Si Lolo Guio ko po, at si Lola Guia ni kuya Aeidan are siblings po. Bale si Mommy Eliara ko at si tita Aeickel po are cousins," paliwanag nito sa akin na lalo kong ikinagulantang.
"Her mom, was my mom and dad's witness as well as Lola Sapphire when they got married while drunk. Lolo Guio was the judge who proceeded with their drunk wedding," sabat naman ni Aeidan.
"And kuya Aeidan set this up to make you jealous, ate Lindzzy! He's a real whacko!" Saka pa ito dumila kay Aeidan.
"Pasensya ka na, Kassey---"
"HOY HALIPAROT NA BISUGONG MASARAP IGINATAAN!" Lahat kami ay napalingon sa tinig na iyon ni Jice habang parang mananabunot na pasugod siya sa direksyon namin.
"Jice!" Saka ako mabilis na humarang sa kanya.
"Huwag mo 'kong harangan, Lindzzy! Patitikimin ko ng ganti ng isang api ang haliparot na 'yan---"
"Pinsan siya ni Aeidan!"
Biglang napatigil si Jice sa pagpupumiglas at namula ang mukha.... marahil ay sa hiya? "PINSAN!?"
"Yes, Ms. Saavedra. So may I ask you now to calm down?" Turan sa kanya ni Aeidan.
"Kalmado na 'ko, Sir." Saka pa siya nag-flip ng buhok na animo ayos na ang lahat. Hindi pala siya nahihiya. Wala palang ganoon si Jice.
"Pasensya na talaga Kassey," paghingi kong muli ng paumanhin.
"Okay lang po talaga, ate Lindzzy. Ako rin naman ang may kasalanan dahil pumayag ako sa set up ni kuya," nakangiting wika nito sa akin.
"Now it was all cleared, may I have my wife? May kailangan pa kaming pag-usapan---"
"Weh? Usap lang? Hindi ako naniniwala na usap lang, Sir."
Gusto ko na lang talagang hatakin si Jice palayo sa mundo dahil sa talas ng dila niya.
*****
"Hindi ka pa ba uuwi?" Tanong ni Aeidan kay Kassey habang kumakain kami.
"Ang mean mo talaga! Ang bait-bait mo noong bata tayo! Si kuya Aeignn nga ang iniisip kong magiging mean, pero ikaw pa ang mas naging salbahe!" Singhal sa kanya ni Kassey.
"You wish. Hindi mo palang lubusang nakikilala si kuya," sagot naman ni Aeidan sa kanya.
"Whatever! Uuwi ako tomorrow early morning. May kailangan din kasi akong asikasuhin," wika nito.
"The earlier, the better," sagot muli ni Aeidan. Hindi ako makasingit sa kanila dahil tila sila mga meteors na nagsasalpukan.
"After I helped you to gain ate Lindzzy's favor, gaganituhin mo na 'ko. Hmp! By the way ate Lindzzy, ang sarap-sarap po ng luto mo," baling nito sa akin. "Kaya siguro kahit ang pinakamanhid na taong nakilala ko, natutong magmahal dahil sa sarap mong magluto at mag-alaga."
"And I want to taste that feels again after you leave, bakit kasi hindi pa ngayon?" Giit nanaman ni Aeidan. Hindi pa 'ko nakakapagpasalamat pero bumabanat nanaman siya kay Kassey.
"Ang sama-sama mo talaga! Mag-eearphones nalang ako para hindi ko marinig ang ungol n'yo. Enjoy the night and go wild, kuya. I don't care," ismid naman sa kanya ni Kassey.
"Kassey pasensya ka na. Nagbibiro lang maman si Aeidan---"
"I am not!"
"He's not!"
Sabay na sabay pa ang pagkakasabi nila noon kaya't natahimik na lamang ako.
"Make sure to wear your earphones, 'cause I'm gonna rock this whole house."
"You're so gross!"
Tumayo si Kassey matapos maubos ang pagkain niya at nagtungo sa banyo kaya't naiwan kaming dalawa ni Aeidan sa hapag.
"If she's not here, hindi sana tayo kumakain ngayon... o baka ako lang ang kumakain ngayon. The greatest meal in the most savage way," bulong niya sa akin na tila ikinabagabag ko.
"W--Wala ka ba talagang kasawaan?"
"I will never get enough of you, Lindzzy. You are the main course. You are like a breakfast to me, because you are most important meal of the day."
Pagkain ba 'ko?
"MAS gugustuhin ko nalang mamanyas kesa magjowa," singhal sa akin ni Jice. Tinatanong ko kasi siya kung dahil ba sa akin kaya hindi pa rin siya nagkakaboyfriend.
"Sabagay. Tsaka siguro Jice, kawawa 'yong jowa mo sa'yo. Masyado ka kasing amazona," tatawa-tawang wika ko.
"Huwow! Palibhasa ang bruha kasi may asawang gwapo, matalino, magaling sa kama, pang malakasan, pang rampahan! Sarap mo rin sampalin sa matris!" Saka niya pa ako inambaan.
"Joke lang po," nakangiti kong wika sa kanya.
"Teka nga maiba ako, sino ba 'yang babaeng nasa tabi natin? Kanina pa tingin ng tingin kakalbuhin ko 'yan," napalingon ako sa itinuro niya at muli kong ibinaling ang atensyon ko sa kanya.
"Si Elle," tipid na sagot ko.
"Ahh--- Shutangena! 'Yong ex ni Sir!?" Marahan akong tumango sa sinabi niya. "Bakit binabantayan ka? Babantay salakay ba!?"
"Inupahan ni Aeidan para hindi na rin ako mabully dito sa school," sagot ko sa kanya.
"Huwow. Kakaiba talaga ang asawa mo, uupa nalang, ex niya pa. 'Yong mindset n'yong mag-asawa parang taong nakaibabaw kapag nagse-sex, tataas bababa," nakataas ang kilay na wika niya sa akin.
"Iyang bibig mo nanaman," banta ko sa kanya.
"Lindzzy," napalingon ako at nakita kong si Elle pala ito.
"Bakit?"
"Pinapatawag ka ni Aeidan," wika niya sa akin saka na nagpatiuna sa paglalakad.
Nagpaalam ako kay Jice. Sumunod naman ako at ngayon ay nasa likuran ako ni Elle. "Ayos lang ba sa'yong bantayan ako?" Basag ko sa katahimikan sa pagitan namin.
"Hindi," tipid na sagot niya at patuloy na naglakad. "Mas gugustuhin ko pang patayin ka kaysa bantayan, pero hindi ko magagawa dahil mas malalagay sa alanganin ang buhay at trabaho ko," dagdag nito na ikinagulat ko.
"Pwede ko naman sabihin kay Aeidan na hindi mo na ako kailangan bantayan---"
"You don't have to. Honestly, I do enjoy staying at this school," bigla siyang humarap sa akin kaya kami napahinto sa paglalakad saka ngumisi. "Nakikita ko si Aeidan anytime I want, napagpapantasyahan ko ang asawa mo kahit na nakaharap ka," pahayag niya na ikinabigat ng paghinga ko.
"Sinabi ko na sa'yo na huwag si Aeidan, Elle. Mahal ko ang asawa ko, at alam kong mahal niya rin ako," wika ko sa kanya. Nagpapasalamat ako na hindi ako nautal.
"Pinaniwalaan mo talaga si Aeidan nang sabihin niya sa'yong mahal ka niya? Akala ko inosente ka lang Lindzzy, tanga ka rin pala," nakangisi nitong wika sa akin.
"Hindi ko kailangan nang kahit na anong opinyon para paniwalaan ko siya. May pagkakaunawaan kami at iyon at iyon lang ang papaniwalaan ko," sagot ko sa kanya saka na sana magsisimulang maglakad nang bigla na lamang niyang haklitin ang braso ko.
Umumang siya sa tainga ko saka bumulong. "Hindi ka mahal ni Aeidan. Hindi marunong magmahal si Aeidan. Sa akin siya nagsimula, sa akin siya babalik dahil sa akin siya magtatapos. I made him that way. I made him the way he is now. Ako ang may sanhi, hindi maaaring ikaw ang makatanggap ng bunga," wika nito saka pabalibag na binitawan ang braso ko.
Tila nanghihina ang mga tuhod ko. Tila gustong sumabog ng dibdib ko sa sakit dahil sa pagpapamukha niya sa akin na hindi ako ang una, na hindi ako ang may karapatan kay Aeidan.
"Hindi mo mahal si Aeidan, Elle." Nakayukong wika ko sa kanya. Pinipigilan ko ang pagpatak ng mga luha sa mga mata ko. "Kasi kung mahal mo si Aeidan, hindi mo na siya babawiin sa akin. Hindi mo na siya babawiin sa taong nakikita mong nagpapasaya sa kanya. Kung mahal mo talaga si Aeidan, mas pipiliin mo na masaktan ka nalang kaysa siya---"
"Katangahan ang ganyang klase ng pagmamahal Lindzzy, at hindi ako tanga!"
"Hindi kailanman magiging katangahan ang pagpapalaya sa taong nakikita mong hindi na masaya sa'yo. Ang klase ng pagmamahal ko kay Aeidan ay mapagparaya, dahil kung hindi ko siya mapapasaya, ibibigay ko siya sa'yo kung magagawa mong pasayahin siya," wika ko sa kanya.
"Then give him back to me now!"
I saw desperation in her eyes. Mahal nga ba niya talaga si Aeidan?
"No one can ever take me away from Lindzzy," kapwa kami nagulat ni Elle sa pagdating na iyon ni Aeidan. Lumapit siya sa akin saka ako hinapit sa bewang.
"Aeidan," wika ni Elle.
"I have no plans going back to you. I may have started with you, but this Mrs. Lindzzy Ricafort beside me is my finish line. If it wasn't her 'til the end, I might as well be gone," saka niya ako hinalikan sa noo. "I will no longer give her reason to leave me, to give up on me, nor not to fight for me. I will do everything to make her feel at ease. Do something to her or with our relationship and you'll surely regret it," mahabang turan ni Aeidan.
Tila ako inuugoy sa alapaap sa mga narinig kong binitiwan niyang salita.
"Hindi ba't sinabi mong hindi ka marunong magmahal? Hindi ba!?" Sigaw ni Elle sa kanya.
"We may had sex before but that's all. No strings attached. You were never my girlfriend, Elle. You offered yourself selflessly, you taught me things that wasn't supposed to be taught, you planted something in me, but that's all. No more, no less. It's just like you were the virus, and Lindzzy was my cure."
Ramdam ko ang talim ng mga salita ni Aeidan. Hindi na nakapagsalita pa si Elle dahil bigla na lamang akong hinatak ni Aeidan palayo sa kanya.
"A--Aeidan," pagtawag ko sa kanya kaya't napahinto siya sa paghatak sa akin saka humarap.
"Please tell me that you don't believe her. Please, Lindzzy." Kitang kita ko ang frustration sa mga mata niya. "Because if you do, I no longer have any idea how to prove myself and my love for you. Binuhos ko na lahat. Mahal kita. Mahal na mahal kita. Akala ko hindi ko kayang magmahal, pero mali ako. You taught me. Your sweet smiles taught me. Your pure soul showed me. Your innocence caught me. You made me fall in love in love with you so effortlessly. That one feeling that I thought I would never feel? You made me catch and feel it. Only you.... ikaw lang... ang isang inosenteng Lindzzy Sebastian lang."
I want to cry. Yes. I do really want to cry right now. The sincerity... the pureness... the love... it was all present in his eyes.
SOMEONE
Nakikita kong mahal nila ang isa't isa. Masaya akong makita na nakikita ko siyang masaya, dahil kahit papaano malaki na rin ang naging puwang niya sa puso ko.
Nakatanghod lamang ako sa kanila habang may mga nagdadanan na estudyante sa harap ko na waring hindi ako napapansin. Well, I'm just a nobody. Walang makakapansin sa akin rito. Walang makakahalata kung sino at ano ako.
Sana sa oras na malaman niya ang lihim nila sa isa't isa ay mapanatili niya ang pagmamahal na mayroon siya. Sana sa oras na malaman niya kung ano nga ba ang sitwasyon na kinaroroonan niya ay maging matatag siya. Hindi ko gugustuhin na makita siyang nasasaktan dahil mas nasasaktan ako.
"Uuwi ka na ba?" Tanong ng taong kakalapit lamang sa akin.
"May klase pa 'ko," tipid na sagot ko.
Ito lang ako, ang taong hindi n'yo lubusang kilala.
--
SALAMAT SA PAGBABASA, KOMENTO AT VOTES MO. ❤
PS. Sinong narito na matapos i-marathon ang five bullets pati ang first installment ng eight grenades? Hahaha. Happy reading. ❤
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top