Seven
LINDZZY
"No one messes with my wife. Ako lang ang may karapatan sa asawa ko, walang kahit na sino."
"A--Aeidan!"
Hindi ako makapaniwala sa ibinulalas niyang iyon. Hindi ako makapaniwala na sa harap mismo ni Ms. Lapid niya iyon ibubulgar at ilalahad.
"A--Asawa?" Gulat na gulat na wika nito saka ako binalingan ng isang mapang-usig at mapangutyang tingin. "ASAWA KA NI MR. RICAFORT!?"
"Yeah. She's my wife Amanda," saka lumapit sa akin si Aeidan at hinapit ako sa bewang. "Now, get back to your sanity and fuck your own life. I have no extra time to deal with your fucked up attitude," malamig na wika niya.
Nakita ko ang pangingilid ng luha ni Ms. Lapid saka ako pinukulan ng isang mapagbantang tingin.
"Sa palagay ninyo patatahimikin ko kayo?" Galit na bulalas nito. "Your relationship is forbidden---"
"We're not in a relationship. We are husband and wife. Legally married with legal marriage contract approved by both parties. Definitely not underage. Stop this Amanda, hindi ko na masikmura ang kapraningan mo," wala pa ring emosyon na sagot ni Aeidan. Tila hindi siya nababagabag. Kung ako ang tatanungin, kabado na ako sa maaaring gawin ni Ms. Lapid, hindi ko alam kung anong gagawin kong dipensa kung sakali.
"The fact na pumatol ka sa estudyante mo---"
Natigil ang pagsasalita niya nang magkakasunod na umiling si Aeidan. "Kinasal na kami bago pa ako nagtransfer sa eskwelahan na ito. Wala kang maibubutas sa akin," nakangisi niyang turan na halatang lalong nagpasiklab sa galit ni Ms. Lapid. "And by the way, you're fired."
Ako man ay nabigla sa itinuran niyang iyon. Anong ibig niyang sabihin doon? Anong fired? Anong kapangyarihan ang mayroon siya para magsisante ng tao?
"A--Anong ibig mong sabihin!? At sino ka para tanggalin ako!?" Sigaw ni Ms. Lapid sa kanya.
"My mamita Yna Azalea Freezell owns this university, she's the sole owner of this. I got the permission directly from her to fire an abusive professor like you," gulo at pagkalito ang bumalandra sa mukha ni Ms. Lapid at maging ako. Hindi ko pa nga talaga siya lubusang kilala. Wala pa akong katiting na ideya kung ano pa ang nasasakop at kayang sakupin ng isang Freezell--- Ricafort na gaya niya.
He even bought me for one billion pesos despite of his plain and ordinary work as a professor. Not that I am degrading teachers' pay, but a billion is too good to be true.
"I--Isa kang Freezell!?" Gulat na pahayag nito na animo nanginig ang lahat ng dapat manginig sa kanya.
"Absolutely. Now backoff, bago ko pa ipabawi kay Lindzzy ang ginawa mong pagsampal sa kanya," matigas na wika niya na tuluyang nagpatiklop kay Ms. Lapid.
"Hindi matatapos dito ang lahat Sebastian!" Sigaw niya bago tuluyang lumabas na opisina ni Aeidan.
Mga ilang segundo na ring nakakaalis si Ms. Lapid nang ibaling ni Aeidan sa akin ang mga mata niya. "B--Bakit mo ginawa 'yon?" Utal na tanong ko ukol sa pagbubulgar niya ng totoong estado naming dalawa.
"I did what I needed to do. Besides, it's not as if I was lying. We're married for real," nakangising depensa niya na animo wala siyang pakialam sa kahit na ano o kahit kanino basta ang mahalaga ay ang iniisip niya. Hindi ko mahuli ang mga gusto niya, hindi ko mahuli ang takbo ng isip at pananaw niya. May sarili siyang diskurso na siya lamang ang maaaring sumuporta.
"P--Pero Aeidan kasi, baka mamaya malaman ng mga estudyante dito. Alam mo naman kung paano ang trato---"
"At mababawasan ang mga manliligaw mo?" Wala akong mahimigan na kahit ano sa binitawan niyang iyon. Walang selos, walang galit.... wala. Tila isang simpleng pahayag na ngangailangan lamang ng kasagutan. How can I love such dim, sadist, and emotionless person?
"W--Wala akong manliligaw," sagot ko saka ako lumayo sa kanya at muling naupo sa sofa.
Tinapunan niya ako ng isang tingin na hindi ko mawari kung ito ba ay nang-uusig o ano. "Okay," simpleng sagot niya sa akin.
"T--Totoo ang sinasabi ko!" Hindi ko alam kung bakit sinabi ko pa iyon samantalang hindi naman niya ako tinatanong.
"No one's doubting you Lindzzy but you seems to be so defensive," biglang tumalim ang tingin niya sa akin.
Ipinihit niya ang katawan niya paharap sa akin saka niya ipinatong ang isang kamay niya sa sandalan ng sofa.
"A--Aeidan," kabadong pahayag ko dahil unti-unti na ang paglapit ng katawan niya sa akin na tila ano mang oras ay bigla na lamang susunggab.
"Keep in your mind that I am your husband. Wala ka ng ibang dapat gawin at tandaan. Iyon lang," wika niya saka na biglang bumawi at tumungo sa office chair niya.
Iyon naman lagi ang iniisip ko Aeidan, kaya't kahit hindi mo sabihin na mahal mo ako, alam ko na habang buhay ka nang nakatali sa akin.
"Aalis na ako," tumayo ako at nakayukong tumungo sa pinto.
"Bakit ka nga pala naparito?" Tanong niya na siyang nagpahinto sa akin sa paglalakad.
Pumihit ako paharap saka ako ngumiti sa kanya ng tipid. "I am your new student assistant. Please take care of me," bigla namang sumilay ang nakakalokong ngisi mula sa mga labi niya na animo walang diskusyunan na naganap dito sa opisina niya.
"I have always been taking care of you Lindzzy, maybe this time, the research and extension program will meet the real researcher and the master of experimentation," hindi ko alam kung anong dulot ng mga salitang iyon basta't isa lamang ang alam ko...... may hatid itong kiliti na hindi ko mawari.
"MALAPIT na akong magtampo sa'yo, bigla mo nalang ako nilalayasan sabay babalikan. Ano bang akala mo sa'kin? Basahan? Kung kailan mo lang nais gamitin, doon mo hahanapin?" Pagdadrama ni Jice dahil sa tagal ng paghihintay niya sa akin.
"Sorry na kasi. Hindi ko naman kasi inaasahan na magkakasalubong ang landas namin ni Ms. Lapid," wika ko sa kanya. Kinuwento ko ang nangyari pero hindi kasama ang pagdating ni Aeidan sa sinabi ko.
"Sinabi ko na kasi sa'yo noon pa, nuknukan ng insekyora sa'yo 'yong prof na 'yon. Palibhasa mukha kasing bisugong binababad sa init ng araw kaya't deads na deads kay Sir Aeidan. Naku Lindzzy! Pasalamat siya at hindi mo ako kasama dahil kung oo, baka binoxing ko pa 'yong nguso niyang matulis pa sa nguso ng tulingan!" Gigil na wika niya na may kasama pang aksyon ng mga nais niyang gawin. Mood changer talaga si Jice para sa akin. She's my happy pill.
"Sira ka," tumatawang wika ko.
"Maiba ako bru," kinabahan ako sa tono niyang iyon dahil alam kong mag-uusisa siya.
"Ano?"
"Nililigawan ka ba no'ng epal na si Shawn San Joaquin?" Wika niya na halos ikasamid ko dahil umiinom ako ng softdrinks. Narito nga pala kami sa cafeteria.
"Hindi! Sira ka---"
"Yes I do. Ngayon palang malalaman ni Lindzzy," kapwa kami napalingon ni Jice sa boses na iyon at lumapit si Shawn na nakangiti saka naupo sa tabi ko.
"EPAL!" Sigaw ni Jice sa kanya.
"She's single, I'm single. Walang mali roon," supalpal niya kay Jice kaya't napatalim ang tingin nitong isa sa kanya.
"E HINDI NGA KITA GUSTO PARA KAY LINDZZY!" Nagulat ako sa ginawang pagsigaw na iyon ni Jice.
"I don't care. Ikaw lang naman ang may ayaw. I haven't heard Lindzzy's opinion," saka ito bumaling sa akin at ngumiti. Hinawakan niya ang isang kamay ko.
"S--Shawn, I---"
"Nope. You'll answer me tomorrow at our date," kapwa kami nagulat ni Jice sa pagde-desisyon niyang iyon.
Binawi ko ang kamay ko at tumingin sa kanya. "Hindi ako pwede bukas Shawn. May trabaho ako sa restaurant," mahinang wika ko ngunit lalo lamang niya itong ikinangiti.
"Well, that's great! Doon nalang tayo mag-date sa pinagtatrabahuhan mo. Sa oras ng pahinga mo tayo kakain," pagpapatuloy niya na tila wala akong karapatang tumanggi. Nahihirapan ako dahil una at higit sa lahat, may asawa akong tao. Ikalawa, hindi ako makatanggi at sabihin na may asawa na ako. Ikatlo, kinorner niya ako sa sitwasyon kung saan hindi ako maaaring tumanggi.
"S--Sige."
"LINDZZY!" Gigil na tinig ni Jice ang pumailanlang.
"Okay tomorrow. Text mo nalang ako sa oras ng pahinga mo or better yet, pupunta na lang ako ng maaga. Don't worry, hindi mo kailangan sabihin ang lugar na pinagtatrabuhan mo. I'm interested to you, kaya kong malaman iyon in just a snap of my finger," tumatawa niyang wika bago kami tuluyang iniwan ni Jice.
"Nanggigigil ako sa'yong babae ka!" Singhal sa akin ni Jice pag-alis ni Shawn.
"Jice hindi mo kasi naiintindihan ang sitwasyon ko. Besides, nakita mo naman kung gaano siya kakulit. I will reject him tomorrow, don't worry. Alam mo naman kung sinong gusto ko," at mahal ko gusto ko pa sanang idagdag.
"Fine! Whatever. Basta't balitaan mo ako dahil kapag hindi, sisiguraduhin kong ako nalang ang aasawa kay Sir Aeidan!" Kapwa nalang kami natawa sa huling salita na binitawan niya.
Jice is such a pure friend. Crush niya noon pa si Aeidan pero dahil alam niya kung gaano ko kagusto si Aeidan, bigla nalang niyang sinabi na i-auncrush na lang daw niya ito dahil ayaw niya ng conflict sa pagkakaibigan namin. Wala akong masasabi at maisusumbat sa kanya. She loves me, that's for sure. She's always after my well-being.
NAKAPASOK na ako sa restaurant. Hindi ko na rin hinintay na magising si Aeidan dahil alam kong pagod nanaman siya. Hindi dahil sa kung anong milagro, rather, he made some powerpoint presentation for the boardmeeting with Madam Yna Azalea Freezell.
"MAMA!" Sigaw ko saka yumakap kay Mama Eva na ngayon ay ngiting-ngiti rin na yumakap sa akin.
"Nakakainis 'nak. Namimiss kita kasi dalawang beses nalang sa isang linggo kung makita kita," tila malungkot na wika niya.
Lumayo ako sa kanya saka ginagap ang mga kamay niya. Alam ni Mama Eva na ikinasal na ako at mayroon na akong asawa ngunit hindi niya alam na sa isang mayamang lalaki na gaya ni Aeidan. Hindi niya pa ito nakikita.
"Mama, alam mo naman ang sitwasyon ko ngayon, 'di ba po? Huwag po kayong mag-alala, isang tawag n'yo lang naman po ay darating agad ako. Gano'n kayo kalakas sa akin," saka ko pa ito sinundan ng ngiti. Wala talaga akong masabi kay Mama Eva, napakabuting tao.
"O'siya anak, sige na at kumilos na tayo. Maya-maya niyan ay dadami na ang mga tao. Alam mo naman kapag araw ng Sabado," wika niya na ikinatango ko at mabilis na ikinatalima.
Nag-aayos ako nang pagsusulatan ko ng mga orders nang may pumasok mula sa pinto.
"Good morning po," bati ko saka ngumiti sa dalawang tao na mukhang magkasintahan..... bisexual couple?
"Good morning din," bati sa akin noong lalake na hindi ko mawari kung lalake ba talaga dahil ang tinig niya ay masyadong feminine.
"Hey waitress! Bawal mainlove kay tibs! Babae 'yan. Akin 'yan! Asawa ko 'yan! Ilang beses ko nang pinutukan 'yan! Isa pa may Ayrill at Arkael na kami!" Halos masamid ako sa sinabi ng lalaki sa harap ko. Ibig sabihin babae ang gwapong ito na nasa harap ko. Para siyang si tita Aeickel na gwapo pero babae.
"Malaki talaga 'yang sira ng ulo mo kups! Jusko kailan ka ba magbabago!" Makulit na wika ng babae na ikinatawa lang ng asawa niya.
"Ano pong order---"
"Lindzzy!" Napatigil ako sa pagsasalita sa pagdating ni Berna. "May naghahanap sa'yo. Asawa mo raw. Ako na muna dito."
Kumabog ang dibdib ko at mabilis na pumunta sa itinurong parte ni Berna. Kabado ako dahil baka nagtungo si Aeidan dito dahil hindi ko na nagawang nagpaalam.
Pagpunta ko doon ay nadatnan ko si..... Shawn na maluwang ang pagkakangiti sa akin.
"Hi!" Bati niya.
"Hi." Siya ba ang tinutukoy na asawa ko raw?
"Sorry to disturb you. I just wanted to see you," wika niya saka nagtungo sa second floor.
Isinigaw ko na lamang ang sagot ko dahil tila ayaw niyang marinig. "Ah sige. Magtatrabaho muna ako---"
"Lindzzy! Anong ginagawa mo dyan? Kanina ka pa hinahanap no'n!" Wika ni Berna na napagawi dito at mukhang magbibigay ng order sa counter.
Napalingon ako sa itinuro niya at nakita ko ang isang pamilyar na pamilyar na bulto na mataman lamang nakatingin sa akin.
Wala na akong inintindi pang iba. Inilang hakbang ko ang layo ko sa pinto ng restaurant at tinungo si Aeidan.
"You forgot your phone," wika niya nang makalapit ako saka inabot ang telepono ko.
"Aeidan... about what you saw. Shawn insisted---"
Hindi ko natapos ang dapat na sasabihin ko dahil mukhang mali ako..... the whole time, I was wrong.... hindi ko pa siya lubusang kilala.
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
"I don't care about that Lindzzy. I'm not jealous if that's what you were thinking. I'm not capable of loving someone romantically. I don't love anyone.... not even you."
Mali nga ako...
--
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top