Nineteen
LINDZZY
"Halika lumapit ka sa'kin," kanina pa 'ko nakikipagpatintero kay Jice. Gigil na gigil siya sa akin.
"Hindi ko nga kasi alam! Hindi ko rin naman nga kasi inaasahan," halos nagmamakaawa na ako sa kanya. Balak niya yata akong sapukin.
"Hindi ako natutuwa talaga sa'yo at sa asawa mo! LINDZZY JUSKO NAMAN! TUMATAE AKO NO'N BIGLA NALANG NAGWAWALA AT NANGALABOG SI KUYA SA PINTO NG BANYO! AKALA MAY GINAWA AKONG KALOKOHAN DITO SA SCHOOL, PAANO 'YANG ASAWA MO SA LANDLINE PA NAMIN TUMAWAG! SHUTANGENA TALAGA!" Angil niya sa akin sabay banta pa ng kamao niya.
"Hindi kasi alam ni Aeidan 'yong number mo. Tsaka ano ba kasing kinagagalit mo? 'Yong inakala ni kuya Jico na may mali kang ginawa sa school---"
"IYONG NAUDLOT 'YONG PAGTAE KO DAHIL SA KABA!" Putol niya sa akin na halata ko pa rin ang pagngingitngit niya.
"Jice naman, bati na kasi tayo!" Saka ako tumakbo patungo sa kanya at bigla siyang niyakap. "Sorry na. Mag-iingat na ako lagi promise."
"Pasalamat ka mas mahal kita kaysa sa tae ko. Naku Lindzzy kung hindi lang talagang tatamaan ka sa'kin ng matindi. Gabi na kasi bakit pumayag ka pang mautusan sa building na 'yon!? Minsan gusto kong ako nalang 'yong maggapos sa'yo, e!" Dagdag na sermon pa niya. Mukha talaga siyang mas may edad sa aming dalawa.
"Hindi na nga po mauulit---"
"Hindi na talaga mauulit, Lindzzy. Because if that thing happens again, I can't promise that I would still remain calm," singit ni Aeidan na ngayon ay kadarating dala ang jacket na kinuha niya sa opisina. Isinuot niya ito sa akin saka ako biglaang hinatak at niyakap sa harap mismo ni Jice.
"Huwow. Mga walang respeto sa single. Sa harap ko pa talaga ang mga walang konsiderasyon," singhal niya ngunit hindi siya pinansin ni Aeidan. Inilapit lamang nito ang labi niya sa tainga ko.
"I can't lose you. Hindi ko kakayanin," simpleng wika niya ngunit tagos na tagos sa kaibuturan ko.
"Pasensya ka na talaga---"
"Hindi ka na lalayo mula sa akin ngayon. I will be around you 24/7. I will be with you through night and day. Kapag ikaw ang nawala sa akin Lindzzy, handa akong pumatay, handa kong salungatin ang kahit na sino," putol niya sa akin. Ramdam ko ang sinseridad at tensyon niya sa mga binitawan niyang salita.
"EHEM! MAY SINGLE. EHEM! DINELAY N'YO NA 'YONG PAGTAE KO SIR, BAKA PWEDE NAMAN IUWI N'YO NA 'KO BAGO PA KAYO MAGLAMPUNGAN DYAN, EHEM LANG EHEM!" Uubo-ubong wika ni Jice kaya't napalayo sa akin si Aeidan at bumaling sa kanya.
"Thank you for your help, Ms. Saavedra---"
"Jice nalang po kasi nga Sir!"
"Thank you, Jice. Pasensya na rin sa abala. Alam kong inaalagaan mo ang Mommy mo," wika ni Aeidan sa kanya.
"Wala 'yon, Sir. Basta po sa susunod sa phone ko nalang kayo tumawag. Akala kasi ng kuya ko puro kabalbalan ang ginagawa ko, hehehe." Tila ngayon ay hihiya-hiyang sagot niya. "Pero Sir, baka naman nakaplan ka, pasaload mo naman ako minsan, para makapag-unli naman ako," pakipaalala sa akin na wala nga palang hiya sa katawan si Jice. Nakakalimutan ko kasi kung minsan.
"Ihahatid ka na namin. Pasensya at salamat ulit," wikang muli ni Aeidan saka ako pinagbuksan ng pinto patungo sa passenger's seat at si Jice naman ay pumasok na sa likod.
"Sir, baka na-trauma 'yong frenny ko. Pakialis mo nalang through your yummy jugjug later---"
"Jice!!!"
"Mwehehehe."
TINOTOO at tinupad ni Aeidan ang mga binitawan niyang salita sa akin nang gabing iyon. Ngayon ay nakasit-in siya sa klase ko dito sa trigo. Pinagtitinginan na siya ng ibang estudyante at hiyang hiya na ako, dahil nga halo-halo kami sa klase na 'to.
"The value of x in this equation is?"
"It is two," tila bored na sagot niya saka naghigab pa.
"Mr. Ricafort!" Pang-apat na bulyaw na sa kanya iyan ni Mr. Fajardo.
"Sorry," saka pa siya nag-peace sign kay Mr. Fajardo na ikinangiti at ikinailing na lamang ng matandang guro.
"Kung hindi lang ako nagligaw noon sa asawa ko, siguro hindi kita maiintindihan. Pasalamat ka't mahal na mahal ko pa rin ang misis ko Mr. Ricafort kaya't naiintindihan kita," wika ni Mr. Fajardo at biglang napa ohhhhh ang mga kaklase ko sa subject na ito.
Hindi pa nga pala alam ng lahat na mag-asawa kami.
"Binabakuran ko lang Sir, alam mo naman sa ganda ng mga misis natin, mahirap na rin ang maagawan," tatawa-tawang sagot naman ni Aeidan.
"Aeidan, please," bulong ko sa kanya. Gusto ko na talaga siyang manahimik muna. 'Yong mga mata ng mga kaklase kong babae, parang patalim na tumatarak sa akin.
"That ends our lesson for today," napalingon ako kay Mr. Fajardo at nakita kong kumindat ito kay Aeidan.
Bigla na lamang kinuha ni Aeidan ang bag ko saka ako hinatak palabas ng room. Talagang gusto niyang sentro kami ng atraksyon.
"May asawa na pala si Mr. Ricafort!" Dinig kong wika ng babae na tourism student.
"Now ko nga lang na knows girl," sagot naman nang isa.
Hindi ko sila pinansin at itinuon ko ang atensyon ko kay Aeidan na ngayon ay hatak-hatak pa rin ako. "Saan tayo pupunta? Bakit parang nagmamadali ka?"
Sa halip na sagutin ay isinakay niya ako sa sasakyan saka ako nilagyan ng seatbelt bago umikot patungo sa driver's seat. "I will bring you to heaven."
Ramdam ko ang pag-iinit ng mga pisngi ko sa narinig kong iyon mula sa kanya.
Tahimik ako buong byahe dahil na rin sa huli niyang sinabi. Sino ba naman ang hindi? Kilala kong sadista ang asawa ko tapos sasabihin na dadalhin ako sa langit? Ano naman po ba kasing iisipin ko, jusko!
Sa sobrang layo ng byahe namin ay hinatak ako ng antok. Nagising na lamang ako na tila nakalutang ako sa ere at may malamyos na hangin ang tumatama sa balat ko.
Pagmulat ko ng mga mata ko ay bumungad sa akin ang kalangitan na punong puno ng mga maliliwanag na bituin at doon ko napagtanto ang kinaroroonan namin. Nasa tuktok kami ng bundok at ngayon ay buhat-buhat niya ako.
Nang makita niyang gising na ako ay kinintalan niya ako ng halik sa noo ko bago ako ibinaba. "Ang ganda naman dito...." Manghang wika ko. Tila ba kasi abot ko ang mga bituin mula sa kinaroroonan namin.
"I told you, I will bring you to heaven. Kilala kita, heaven para sa iyo ang mga ganitong klaseng lugar," wika niya kaya't napabaling ang tingin ko sa kanya.
Ngumiti ako ng tipid saka ako napayuko. "A--Akala ko hindi mo pa ako lubusang kilala---" hindi ko natapos ang sinasabi ko dahil bigla niya akong hinatak saka niyakap ng napakahigpit.
"You hate lizards. You hate kamote. You don't eat okra. You love eating peras and lanzones. You love stars despite of your lack of knowledge about them. You love the phases of the moon. You hate adobong walang sabaw. You love baking kahit na hindi mo pa ako naipag-bake. You love cooking," mahaba niyang turan na ikinangilid ng mga luha sa mga mata ko.
"S--Sabi mo hindi mo 'ko mahal noon? Bakit alam mong lahat iyan?" Sumbat ko sa kanya habang mahigpit pa rin ang yakap niya sa akin.
"Because of those information I just said, I realized how much I love you, and how deeply I fell inlove with you," sambit niya bago ako marahan na inilayo sa kanya saka tinitigan sa mga mata. "Dahan-dahan kong naramdaman. Dahan-dahan akong inatake. Dati akala ko na hobby ko lang ang pag-alam sa mga kilos, gusto at ayaw mo, pero mali ako. During that time, I was slowly falling for your entiretity. Hindi ko na kaya na hindi ka nakikita, na hindi natitikman ang luto mo. I tried avoiding it but I wasn't a good dodger. In the end, I was purely struck," sa tuwing nagsasalita ng ganito si Aeidan na ramdam ko ang sinseridad niya ay tila ba ako inuugoy sa gaan ng pakiramdam.
"W--Why are you telling this to me now?" Hindi ko alam kung bakit iyon ang mga salitang lumabas sa mga labi ko.
"I know I gave you too much pain when I told you I will never learn to love you. Gusto kong bawiin ang sakit na iyon. Gusto kong iparamdam sa'yo na mahal na mahal kita. Gusto kong makalimutan mo na sinabi ko iyon sa iyo. Gusto kong ikaw mismo ang makaalam at makaramdam kung gaano na kita kamahal ngayon. Words doesn't have weights without actions. I want you to see and feel my sincerity, Lindzzy."
Kusang tumulo ang mga luha ko sa narinig kong iyon sa kanya. Inabot ko ang batok niya ng dalawang kamay ko saka ako tumingkayad at pinagtama ang mga labi namin.
I'm speechless, might as well let him feel too how I feel towards him with this kiss.
We shared the kiss for about one minute until we both decided to let go. "I love you so much," he said straightly to my eyes.
"I love you too, Aeidan. The stars are the witness of how much I love you and how much I am willing to give everything for you---"
He kissed me quickly to refrain me from speaking. "No, Lindzzy. From now on, all the sacrifices will come from me. Lahat ng bagay na ipinagdamot ko sa'yo noon, ngayon ko ibubuhos. Let me love you the way I am capable at. Let me heal you as I was the one who hurted you. Let me be your protector, your lover and your reality," I nodded slowly as an answer.
This is too good to be true.
"SABIHIN mo kasi sa amin Sir ano bang kaaway ang tinutukoy mo? May utang ba kayo na hindi n'yo nabayaran? Pero mukha ka kasing ritsxzkid kaya imposible 'yon," wika ni Jice dahil narito kami ngayon sa bahay namin ni Aeidan. Pinilit niya akong dalhin siya dito dahil nacu-curious daw siya sa kaaway ni Aeidan... maging ako rin naman.
"Jice naman. Kumain ka naman muna kasi. Mamaya ka na magtanong," sita ko sa kanya.
"Bru! Nashoshokot akey! Wala pa man din 'yong bodyguard mong si Ellelokaloka mamaya ay habang kasama mo ko dekwatin tayo, at jusko po iiwan kita," litanya niya sa akin.
"I will never let that happen again, Jice. I will protect my wife at all cost. No one can ever harm her now," sagot ni Aeidan saka uminom ng tubig.
"Sir kasi, sino nga 'yong kaaway? Kapag nakilala ko 'yon, bubog de impyerno ang aabutin sa akin no'n. Jombag kung jombag sa akin 'yon, head to toe!"
"My mom is still searching and collecting the infomations and evidences. As for now, siguro mas makakabuti na hindi ka muna maglalalapit kay Lindzzy---"
"Over my dead, gorgeous, yummylicious, juicylicious chicken joy--- charot! Syempre Sir hindi naman pwede 'yon. Ako lang ang kaibigan ng asawa mo, lalayuan ko pa. No way!" Parang gusto kong maantig sa narinig kong sinabi ni Jice. "Bigyan mo ako ng isang milyon, lalayuan ko ang asawa mo," parang gusto ko na lang palang mangurot na lang ngayon. Malaki na talaga ang sira niya.
Iiling-iling na napatayo si Aeidan saka nagtungo sa silid namin.
Matapos naming magligpit ni Jice ng mga pinagkainan namin ay tumungo kami sa sala at nanood ng tv.
"Bru, hindi ka pa ba buntis?" Tanong ni Jice dahil biglang nag-commercial ang anmum sa tv.
"Hindi ako mabubuntis, Jice." Tipid na sagot ko sa kanya.
"Ay? Mahina ba lumangoy 'yong semilya ni Sir?"
"Sira ka," kinurot ko siya sa pisngi.
"Aray ha! Ano pala ang dahilan?" Tanong niya sa akin kaya't napayuko ako.
"Hindi ba nasabi ko na sa'yo noon na may pcos ako?" Wika ko sa kanya.
"Oh tapos? Kapag ba may pcos kailangan hindi na palaban ang matris?" Kunot noong sagot na patanong niya sa akin.
"No. I'm actually taking medicine para maging maayos, but that medicine is actually a---"
"Birth control pill," kapwa kami napalingon ni Jice dahil nasa likod na pala namin si Aeidan habang may dala na bote ng beer.
"Sir kapang gulat mo!"
Hindi niya pinansin si Jice, sa halip ay ibinaba niya ang mukha niya malapit na malapit sa mukha ko na ikinagulat ko. Amoy na amoy ko na ang hininga niya sa lapit namin sa isa't isa.
"Stop taking that pill. Kilala ko ang semilya ko. It will absolutely get you pregnant. No need of that medicine. My semen is the cure."
--
HINDI KASI AKO MAKATULOG. HUHU.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top