Eight

LINDZZY

    

"I don't care about that Lindzzy. I'm not jealous if that's what you were thinking. I'm not capable of loving someone romantically. I don't love anyone.... not even you."

     

Halos hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko dahil sa sinabi niya. Walang mga salitang lumalabas sa labi ko. Walang emosyon na nais kumawala sa mga mata ako. Ang nais ko lang ngayon ay maglaho.

     

"Get back to your work. Mag-usap nalang tayo sa bahay," wika niya saka naglakad patungo sa sasakyan niya.

        

Hindi ko alam kung anong nangyari basta't ito ako ngayon at hawak ang laylayan ng damit niya mula sa likuran habang nakayuko. Naramdaman ko ang pagkabasa ng pisngi ko. Mayroon na palang naglalandas na mga luha dito.

   

"A--Aeidan," naibulalas ko kasabay ng mga banayad na hikbi na pinipilit kong pigilan. Ayaw kong umiyak ngunit hindi ko maisa-ayos ang isip ko.

    

"Enough, Lindzzy. Sa bahay natin pag-usapan ito. I need to go," saka niya sana aalisin ang pagkakahawak ko sa laylayan ng damit niya ngunit agad kong hinigpitan ang hawak ko. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Hindi ko maintindihan ang nais ko. Nasasaktan ako.... hindi ko inakalang magiging ganito.

      

"Hindi ko hihilingin na mahalin mo 'ko," wika ko habang pinipigilan ang mga luha ko. "Hindi mo ako kailangang mahalin kung hindi mo kaya."

       

Nagulat ako nang bigla niya akong hatakin at ipasok sa sasakyan saka siya sumakay rin at minaneho ito patungo sa kung saan. Tulala lamang ako at may mga luhang naglalandas sa mata habang nasa byahe.

        

Huminto kami malapit sa isang malaking bahay saka kami bumaba. Hinatak niya ako patungo sa tagong bahagi sa hindi kalayuan.

        

May lumabas na mag-asawa sa malaking gate kasama ang isang batang babae na sa wari ko ay tatlong taong gulang. Masaya silang nagtatawanan habang papasakay ng sasakyan nila.

      

"Did you see them?" Napalingon ako kay Aeidan na ngayon ay matamang nakatingin sa akin.

      

"Anong ginagawa natin---"

      

"She's Francia, my former buddy. She's as naive and innocent as you when I first met her. She surrendered her whole self to me, she even gave me everything she has without thinking of herself and her future," halos hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi niya sa akin ngayon.

       

"Bakit mo sinasabi sa akin ito?"

         

"She left me when I told her I don't love her, that I am not capable of falling in love. She found the right one for her. She built a family that suits her well. Akala ko masasaktan ako sa pag-alis niya pero hindi, I even found you as her replacement. Demonyo ako, Lindzzy. Maamo ang mukha sa labas, masayahin, tila madaling mahuli ang ugali, pero demonyo ako. Hindi kita kayang mahalin," tila lalo akong pinagsukluban ng lahat-lahat sa sinabi niyang iyon. Higit pa sa salitang sakit ang nararamdaman ko.

       

Tumingin ako sa mga mata niya at wala akong makitang emosyon mula roon. Tanging blangkong tingin na hindi maipaliwanag. "Gaya ng sinabi ko kanina, hindi ko hinihiling na mahalin mo rin ako."

        

"I'm sorry for doing this to you, Lindzzy. I married you not because I love you nor I feel something for you. I married you just to get my own satisfaction and the good fact that I will never be left alone again. Alam kong kapag naitali na kita sa akin, hindi mo na ako maaaring iwan kahit pa sabihin ko na hindi kita kayang mahalin. I'm sorry for being the most selfish and self-centered demon that you've ever met." He confessed. This confession really banged my who system.

      

Palaso ang mga salita niya na pumupunit sa puso at damdamin ko. All this time, akala ko kahit paano ay may nararamdaman na siya para sa akin. Pero ito pala ako, mali... ako lang pala ang umaasa sa isang bagay na walang kasiguraduhan.

         

Yumuko ako saka ko kinagat ang pang-ibabang labi ko upang pigilin ang bawat hikbi na nais kumawala at umalingawngaw mula sa akin. Hindi ko alam kung paano ang gagawin ko sa sakit na nararamdaman ko. Ang tanging alam ko lamang ay pag-iyak.

      

"Hayaan mo na lang na mahalin kita. Hayaan mo na lang na narito ako lagi sa tabi mo gaya ng gusto mo. Hayaan mo lang akong maging tanga. Huwag mo lang ulit sasabihin na hindi mo 'ko kayang mahalin. Kuntento ako sa kung ano tayo, kuntento ako sa kung ano lang ang kaya mong ibigay," nasambit ko mula sa bugso ng damdamin ko.

      

"The fact that you are my wife, you have all the chance and rights about me. Kaya kong panindigan ang ginawa kong pagpapakasal sa'yo. Just this one thing Lindzzy, stop expecting.... stop expecting that I might fall inlove with you, dahil hindi---"

      

"Hindi ako madamot na tao, Aeidan," saka ako nagtaas ng tingin at ngumiti ng mapait sa kanya. "Kaya kong ibigay lahat ng gusto mo basta't kaya ko, kaya kong ialay sa'yo lahat ng hihilingin mo, pero bakit ikaw ang damot mo? Madamot kang tao."

        

Napangiti rin siya ng mapait sa itinuran ko. "Hindi ako madamot, Lindzzy. Hindi ko lang talaga kayang ibigay ang gusto mo. Hindi kita kayang mahalin sa paraan na nais mo. Hindi tayo pareho. You can call me abnormal, but this is me. I'm opening myself to you. Sinasabi ko para hindi ka na umasa."

       

"Nasasaktan lang ako sa sinasabi mo Aeidan. Mas masakit kaysa sa katotohanan na hindi mo kayang magmahal. Hindi ba sapat na napapalapit na ako sa'yo?" Mapait pa rin na wika ko.

      

"No matter how closest you get to me, you'll never arrive at this side of mine, Lindzzy... not now, not ever. You just simply can't."

    

Nais ko pang sumagot ngunit mas pinili ko na lang na tumakbo paalis ng lugar na iyon. Bahala na kung saan ako dadalhin ng mga paa ko. Bahala na kung saan ako dadalhin ng sakit na nararamdaman ko. Kung bakit naman kasi magmamahal nalang ako, sa taong gaya pa niya.

      

    

   

    

    

  

  

HINDI ko alam bakit sa isang bar ako dinala ng mga paa ko. Hindi pa ako nakapunta dito kahit na minsan. Hindi ko pa naranasan ang malasing o kahit pa ang uminom ng alak sa tanang buhay ko. Hindi kami mayaman kaya't wala akong karapatan magwaldas ng perang pinagpaguran ng mga magulang ko.

        

"Uy, ang aga naman ng costumer," wika ng isang lalaki na naglilinis ng mga mesa.

       

"Pasensya na. Hindi ko kasi alam na hindi pa kayo nakabukas---"

     

"Ay hindi miss. Grabe ka naman," saka ito tumawa. "Bukas naman na kami, kaso lang hindi ako sanay may customer na agad ng ganito kaaga. Mukha ka pa man ding brokenhearted," dagdag pa nito na ikinayuko ko. Ganoon ba kahalata ang mukha ko?

       

"Ano po bang tinitinda n'yo dito?" Tanong ko na bigla na lamang ikinabunghalit ng tawa ng lalaki.

       

"Bago ka lang sa isang bar, 'no?" Usisa nito na mabilis kong ikinatango. "Kung makatanong ka para ka namang nasa palengke," at patuloy siyang tumawa. "Halika," giya niya sa akin patungo sa counter na puno ng mga alak. Sumunod naman ako at naupo sa isang mataas na upuan.

       

May inabot ito sa akin na eleganteng baso. "Ano po ito?"

     

"Ladies drink lang 'yan. Wala akong balak na lasingin ka o gawan ka ng kahit ano. Halos kaedad mo siguro ang kapatid ko, kaso wala na siya," mapait na wika nito kaya't nagtaas ako ng tingin sa kanya.

        

"Paanong wala na?" Usisa ko saka uminom sa ibinigay niyang inumin. Napangiwi ako sa nag-agaw na pait, asim at tamis.

    

"She took her own life," tila binalot ako ng kilabot sa sinabi ng lalaki. "Kaya kapag may kagaya mong napapadpad dito sa bar ko, ine-entertain ko nalang kaysa gumawa pa kayo ng mga bagay na labag sa batas ng Nasa Itaas," wika nito. "Masakit para sa isang kuya na gaya ko na wala ako noong maraming dinadala ang kapatid ko kaya't bumabawi na lamang ako sa mga nakakasalamuha ko," nakangiting wika nito sa akin na wari ba ay mapapawi noon ang dinadala niya.

       

"It is regretful to lose someone, after all." Tanging naihayag ko saka tinungga ang inumin. "By the way I'm Lindzzy. Ikaw po?"

      

"Darryl," sagot niya. "So brokenhearted ka ba talaga?" Nakangising wika niya.

       

"Broken po ba ang tawag kapag sinabi ng asawa mo na hindi ka niya kayang mahalin?" Tanong ko saka napayuko. Ito nanaman ang sakit.

      

"Nagsumpaan kayo na magmamahalan hanggang kamatayan kaya't talagang masakit 'yan. It was like breaking his own promise," sagot nito sa akin.

          

"I never promised to love you, Lindzzy," bigla akong napalingon at nakita ko si Aeidan na matalim ang tingin sa akin. Mukhang sinundan niya ako.

       

"I guess ikaw ang asawa niya?" May iba sa tinig na iyon ni Darryl.

       

"Bakit kasi sa dami ng lugar pagtatayuan mo ng bar mo, dito pa?" Wika ni Aeidan at doon ko tuluyang napagtanto na magkakilala sila.

     

"Hi Lindzzy, I'm your husband's closest friend," biglang sabat ni Darryl at doon ko lamang napagtanto.... siya ang lalaking lumapit noon sa akin sa burger machine!

     

"Stop your act. Baka samain ka pa sa'kin. Iuuwi ko na siya," wika ni Aeidan saka ako hinapit sa bewang.

      

"Bro, be man enough. You chose her over every girl drooling for you. Let her have the whole you as you already took the whole her," magulong sambit ni Darryl na hindi ko naintindihan. Bagay sila ni Jice, magulo rin 'yon kausap kung minsan.... o baka ganito ang epekto ng alak sa utak, nakakalito at nakakagulo.

          

"Let me mind this business. Mind yours," sagot ni Aeidan saka na ko niyakag paalis ng bar na iyon.

     

Habang nasa sasakyan ay wala kong kibo. Ito ang kauna-unahan naming naging away sa loob ng mahigit kalahating taon na pagsasama namin.

        

"Disobedient will get you nowhere, Lindzzy. Hindi ko nagugustuhan ang ipinagbabago mo," tila nanginig ang sistema ko sa nakakatakot na paraan ng pagkakahayag niya ng mga salitang iyon.

   

"I--I'm sorry," nasabi ko saka napayuko.

      

"If you really want me to fall inlove with you, then be it. Hindi ako bobo, I do understand and support different possibilities. I might close my doors for your expectations, but my windows are widely open. Look for a window where you can penetrate me. Maybe... just maybe, I will be able to welcome you at the other side of mine."

    

I need more patience..... and my pure love for him. Lahat naman tayo siguro kusang lumalambot sa taong nagpapakita sa atin ng totoong pagmamahal. Kapit lang Lindzzy, you'll get there.

     

--

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top