PBB 5
Lumipas ang nomination night. Napahinga nang maluwag si Mia dahil hindi siya kabilang sa mga nominado. Ibig sabihin noon ay extended pa ang pananatili niya sa bahay ni Kuya.
Pagkalipas ng tatlong araw ay napapansin ni Mia ang pagkawala ng iba niyang kapwa housemates.
"Nasaan sina Tina at Jared?" tanong niya kay Cameron.
Kumibit-balikat lang ang dalaga.
Hindi na nag-usisa pa si Mia dahil mayamaya ay sumusulpot na rin naman na ang mga ito. Mapapalitan naman ng dalawang pares na mawawala din ng ilang oras. Hindi niya bini-big deal. Magkakasama man sila sa bahay ay may kani-kaniya pa rin silang personal na buhay.
Halos isang linggo rin ang mabilis na lumipas. Palapit na rin nang palapit ang Westlife concert. Pinipilit iwaksi ni Mia ang kaisipang 'yun kasi malulungkot lang siya. Saka hindi rin niya mai-share 'yun sa iba niyang kapwa housemates dahil baka iba pa ang ipakahulugan ng mga ito sa fangirl problems niya. May mga tao kasi na ang tingin sa mga ganoon ay petty things at ang tingin nila sa mga taong malaki ang problema sa pagpa-fangirl ay mga mabababaw na tao.
Hindi nila napansin na eviction night na naman pala. Hindi man nominado ay kinakabahan pa rin si Mia. Hangga't maaari ay ayaw niya nang nababawasan sila. Isa siyang tao na madaling ma-attach at kung may mawawala man, nagiging emosyonal siya.
Dumating na nga ang oras. Si Zeke ang natanggal. 'Yung kengkoy nilang housemate na bagama't hindi mo maaasahan sa gawaing-bahay ay isa naman sa nagpapagaan ng atmospera dahil sa jokes na binibitiwan nito. He was indeed the clown of their batch.
Kinuha na ni Zeke ang maleta at bago siya lumabas ay isa-isa niyang niyakap ang housemates. Nang dumako siya kay Mia ay binulungan niya ito.
"I'll watch the Westlife concert for you. Magpi-picture at magvi-video ako ng marami tapos ipapakita ko sa 'yo!"
Humigpit ang pagyakap ni Mia kay Zeke. "Salamat."
Nang tuluyang makalabas ito ay nabalot ng lungkot ang bawat isa sa kanila. Hindi maikakailang masyado na rin silang napalapit sa binata.
Nang kahit papaano'y naka-recover sila ay dumako sina Mia, Jaya at Cameron sa may garden.
"Tara, gawan natin ng dance step 'yung Uptown Girl?" out of nowhere ay nasabi ni Jaya.
Gulat man ay napaoo na lang si Mia. Sumabay na rin si Cameron.
Hindi nahirapan si Jaya sa pagbuo ng steps dahil likas siyang magaling na dancer sa labas. Nag-workshop pa ito sa G-force.
Aliw na aliw naman si Mia. Sa pagkakataong iyon ay nakalimutan niya kahit papaano ang lungkot na naramdaman sa pag-alis ng dating housemate.
"Big brother, music naman d'yan." Natawa si Jaya sa isinigaw ni Cameron.
Lahat sila nagulat nang mayamaya nga ay umalingawngaw na ang chorus ng Uptown Girl. Wala silang sinayang na oras. Sinabayan nila ang tugtog.
"Salamat, Big brother!"
Sa gabing iyon ay nakatulog si Mia nang may ngiti sa kaniyang labi.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top