PBB 1
Ika-39 araw sa loob ng bahay ni Kuya
"Naks! Nice naman ng t-shirt natin, Mia. Paarbor naman!" biro ni McKenzie sa dalagang kalalabas lang ng girls' bedroom.
"Yoko nga," sagot ng dalaga sabay ismid sa lalaki. Dumiretso siya sa kitchen kung saan nandoon ang kapwa niya housemates na sina Jaya at Cameron.
"Good morning," inaantok pang sabi ni Mia. Umupo siya sa high stool sa tabi ng dalawa na naghahanda ng almusal nilang lahat.
"Westlife ba 'yang nasa t-shirt mo, mare cakes?" Inginuso ni Jaya ang harap ng damit ni Mia.
Sunod-sunod ang pagtango ng dalaga na tila ba tuluyan nang nagising sa pagkakataong iyon. Nagkaroon siya ng enerhiya nang mabanggit ng kapwa housemates ang Westlife.
"Oo, mare cakes! Huge fan nila ako!" kinikilig pang sabi ng dalaga.
Napatigil sa paghihiwa ng hotdog si Cameron. "Hmm... Hindi ako familiar sa names nila pero alam ko 'yung mga kanta nila. Di ba, sa kanila 'yung ano... Swear It Again saka My Love?"
"Bingo!" Napapapalakpak pang sabi ni Mia. Makikita sa mga mata nito ang pagkislap na animo'y stars na nagti-twinkle twinkle.
Tumayo mula sa pagkakasadlak sa high stool si Mia. Kumuha siya ng sianse na nakasabit katabi ng mga sandok.
"Ikaw na ang magpiprito?" takang tanong ni Jaya.
Masiglang tumango si Mia. "Itabi niyo, ako na." Kinuha niya ang mga hotdog na hiniwa ni Cameron pati na rin ang itlog na hinahalo-halo ni Jaya sa isang bowl.
Sila naman ngayon ang umupo high stool habang pinapanood ang kapwa housemate na nagpeprepara ng lulutuin.
"Kuwentuhan mo naman kami tungkol sa pagka-fanatic mo sa Westlife. Medyo 'di ako relate e. BTS na ang naabutan ko," request ni Jaya.
Sumegunda si Cameron. "Pamilyar naman ako sa Westlife pero Backstreet Boys songs talaga ang paborito ko." Binalingan nito si Mia. "Di ba patay na 'yung isang member? Si Brian Mcfadden?"
Natalima ang tinanong. "Hoy, hindi ah. Buhay na buhay pa siya. Hindi siya namatay. Umalis lang sa grupo." Nabahiran ng tamlay ang tinig niya.
"Ay, sorry na! Nabasa ko lang sa internet. Buti nilinaw mo."
Ipinagpatuloy na ni Mia ang pagluluto. Mayamaya pa ay nakapaghanda na siya ng almusal. Nagsangag na rin siya para kumpleto.
Nasa kalagitnaan sila ng pagkain nang pumailanlang sa loob ng bahay ang kantang Uptown Girl na bersyon ng Westlife.
Napatigil sa pagsubo ng kanin si Mia. Kinikilig siya!
"Kuya ha? Ang chismoso mo talaga. Nakikinig ka sa chikahan namin kanina," saad niya habang inililibot ang mga mata sa webcams na nakakalat sa bahay.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top