THE FELON

CHAPTER NINE

“Don’t worry, I can manage, sige, bye.” Napaupo ako sa sahig ng umaalis si Kelly para isara ang pinto, itinungkod ko ang dalawang braso ko sa sahig para hindi ako mag handusay sa tiles. Malalaki at mabilis ang ginagawa kong paghinga, napalunok ako habang nakatingin sa kamay kong nanginginig.

“Anzi, what happened to you?”

“Water, give me some water.” Utos ko ng hawakan niya ang ulo ko at hinaplos, agad naman siyang tumayo at kumuha ng tubig, ininum ko ito agad ng makalapit siya sa akin. Sumandal na lang ako sa kanya at nag-breathing exercise, napatignin ako sa orasan, seven-thirty na. Eight ang start ng opening program, tumayo ako habang inaalalayan ni Kelly.

“Okay ka lang talaga?” tumango lang ako at hindi na nagsalita pa, kailangan na naming umaalis, ayaw ko pa namang mahuli sa pagpasok ng university, it’s my first time being a senior student there. Kinuha ko ang cellphone sa table at tumayo ng mabuti, nag-text at send. Lumingon ako kay Kelly na ngayon ay nag-aalala pa rin na nakatingin sa akin, ngumiti lang ako sa kanya at uminom ng tubig.

“Don’t worry too much, maayos talaga ang pakiramdam ko, water is all I needed.” I assured her, tumango-tango naman siya at nagbuga ng hangin, showing a relieved sigh.

“Anyway, tara na, malapit na mag simula ang flag ceremony.” Naglakad ako pabalik sa kwarto para kunin ang backpack ko, all black ang kulay nito para naman hindi na ako papalitpalit ng bag pag magpalit ako ng disguise, dalawa ang binili ko pero magkaiba ng design.

As Zian, may tataka ang front pocket ng bag, white printed gun, tapos bilang Anzi naman ay rose printed ito, black color ang tela and print naman ay red. Lumabas na ako ng makuha ko na ito, hindi ito mabigat sa ngayon dahil wala pa naman ang papers na kakailanganin.

“Uhmm, Anzi,” napatingin ako kay Kelly ng magsalita siya, lumapit naman ako at nagtataka siyang tiningnan. “Pwede naman sa university na walang dalang gamit sa first day?” nagaalanganin niyang tanong, napaisip naman ako, based on what I know, pwede naman ata kung may rason kang masasabi na acceptable bilang rason na hindi ka nagdala ng bag. Tiningnan ko naman siya at tumango, napangiti naman ako ng nawala ang kaba sa kanyang mata.

“Let’s go.” Tumango naman siya at binuksan ang pinto, sumunod na rin ako at isinara na ito. Sumakay na kami ng elevator at pinindot button na papunta sa ground floor. Ilang minutong katahimikan ay nakarating na rin kami sa lobby, pagkabukas pa lang ng elevator door ay bumungad sa amin ang ingay at mga ilaw na siyang ikina-iwas ko, tinakpan ko ang mukha ko gamit ang kamay ko at pilit inaaninang kung ano ang nangyayari.

“Raynez Cruz, from the day you vanished…”

“Miss Cruz, what can you say about being missing for one year?”

“The world is craving for an explanation, can you avail a time for an interview?”

Napakunot ang noo ko sa pinagsasabi ng mga reporter na ito, I figured it out, from the bright flashes and noisy chatters of these people and also their outfit.

What are they doing here? Interview? Raynez? Don’t they know that barging in here like this makes them look like an uneducated person, they’re trespassing? At bulag ba sila? Hindi si Raynez ang kasama ko at lalo ng hindi naman ako dahil nakatago ako sa anyong lalaking, hindi ba nila alam ang mukha ng kanilang idol?

Hinablot ko ang braso ni Kelly at hinila palabas ng elevator, I don’t have time entertaining these people, they’re a bunch of barking dogs. Habang lumalakad at sumisiksik para makadaan ay bigla kong nabitawan ang braso ni Kelly na siyang dahilan ng kanyang pagkadapa, natahimik rin sa wakas ang paligid at natigil na rin ang flash ng mga camera. Tsk, hindi man lang makatulong sa kapwa.

Sinamaan ko ng tingin ang lalaking paharang-harang sa daanan, wala ba siyang mata at hindi niya nakita na may dadaan? Lumapit ako sa pwesto ni Kelly at hinila siya patayo, tiningnan ko ang mukha niya at tinanong kung nasaktan ba siya, umiling lang siya at pinagpag ang kanyang suot na blue skirt.

Pinahiram ko muna sa kanya ang damit ko, terno nito ay maputing blouse at sweater na blue gaya ng skirt. Ako naman ay simpleng colored blue long sleeved polo at terno ng black slacks, semi-formal type ang OOTD namin ngayong dalawa, inakbayan ko siya at siniguradong hindi na siya makakawala pa. Hinarap ko ang mga ito at nagsalit, they shouldn’t be inside this building in the first place.

“Next time, use your eyes, it’s there to use. Now, out of my way, we still have a meeting to catch.” Napangisi naman ako ng umatras sila at nagbigay daan, deretso na kaming lumabas at sumakay ng kotse. Sampung minuto ang lumipas ay nakarating na kami sa gate ng university, himala at walang masyadong traffic ngayon, na tanaw ko ang mga estudyate na nagsisipasukan sa gate.

“Ganito ba sila sa first day?” tanong niya, tumango naman ako at pumasok na papunta sa parking lot ng school. She’s pertaining to those students waiting at the front gate, they’re probably waiting for someone popular or someone who has beauty, first day na first day either guwapong transferee ang inaabangan or ang mga sikat na tao dito sa univ.       

Nag-park na ako at pinatay ang makina nito, nilingon ko si Kelly, nakatingin siya sa labas ng bintana na parang isang bata na ngayon lang nakapasok sa isang magarbong eskwelahan. Yes, magarabo like luxurious and elegant school for elites, bumaba na ako at sumalubong sa tenga ko ang ingay ng tao.

“Pogi!”

“Transferre ba siya?”

“New fafa!”

Hindi ko na pinansin nag tilian ng mga babae at pinagbuksan ng pinto si Kelly, nagaalanganin pa siyang bumaba kaya nilahad ko ang kamay at inaabot naman niya ito, sa pag baba niya ng kotse ay ingay na naman ng mga babae ang namayani, they don’t really change, same old students.

“Zian ba itatawag ko sayo pag sa school?” tumango naman ako sa bulong niya, isinara ko na ang kotse at namulsa, nilingon ko si Kelly ng hindi siya sumunod sa paglakad ko, nakayuko lang siya sa pwesto niya habang pinipisil ang kamay niya. Bumalik na lang ako sa tabi niya at inakbayan, binigyan ko ng nakakatakot na tingin ang mga babae na parang gustong sugurin si Kelly sa binibigay nilang tingin sa kanya, umaalis na kami doon at dumeretso sa gymnasium.

The school has upgraded to a much more comfortable place, para siyang hotel kung titingnan, but, instead of bedrooms, classrooms are made. Entrance pa lang ng building 1 ay iba na ang hitsura, nilagpas namin ang building one at pumunta sa lugar kung saan kita namin ang mga nakapilang estudyante.

Pumila kami, may pila dito at each student ay kailangan mag-log in sa log book, mas high-tech na ngayon dahil may malaking touchscreen sa dulo ng pila na ito. Yumaman ata ang may-ari ng university na ito, from a diary of someone, base sa pagdiscribe niya ay hindi gaano ka garbo ang dating, para siyang oridaryong school.

“Zian, ang ganda ng school na ito,” bulong niya, she’s right. Ang ganda talaga ng school nito, sa entrance pa nga lang maganda na paano pa kay kung sa loob nito, yung classroom, yung office? Hindi na ako makapaghintay na tinggnan ang mga silid dito, kami na ang next in line kaya pinauna ko na si Kelly.

Fill up the form, stand straight and smile at the camera.” 

Naka tingin lang ako sa ginagawa ni Kelly, matapos niyang sagutin ang mga form ay tumingin siya sa camera na nakasabit lang sa itaas ng screen, pumasok na siya ng matapos ang kanya. Lumapit naman ako at pinindot ang transferee, may dalawang button, yung isa old student at isa naman yung pinindot ko, nilagay ko ang personal information.

Tumingin naman ako sa camera ng lumitaw ang ‘smile’ button, may timer na nag start, wait dapat yung ugali ni Zian ang iapapakita ko, malay ko kung identification card pala ito tapos ngingiti ako. Hindi ako ma-focus sa pagiisip ng mag countdown na ito, shit, ano ba ang characteristic na ipoportray ko?

I’m Zian Roosevelt, a pretend male here in this school year, a portraying boyfriend of Kelly Mae Sanchez, napasilip ako sa timer, six seconds left.

6

I’m a protective type, I should use this.

5

I’m an introvert, hmmm… isali ko na rin bilang Zian.

4

I suffered, cold type ata to, bagay naman.

3

Self-love, I love myself then should I be arrogant? Nah…

2

I’m a rebel, I’m handsome and beautiful at the same time, Alluring.

1

Then it’s settled, I’m Zian Roosevelt, a protective boyfriend and the alluring badass.  

Smile!

Ngumisi ako sa camera at namulsa, nag-click na at nagflash, umaalis na ako doon at pumasok sa gym, bumunad sa akin ang malaking silid. Madaming tao, umaabot ata sa tatlong libong estudyate, himala at madaming nag-enroll dito, pinagmasdan ko ang kabuoan ng gym.

White celling, white walls, black bleachers, peach colored flooring, basketball rings at the back side of this room, neat and clean looking kung makikita mo. I averted my eyes to the stage, a theatre like stage, red curtains and a big speaker all over the gym, impressive, maraming napalitan talaga dito sa gym.

“Good morning ladies and gentlemen, the program will be starting any moment now, please settle down.” Announce ng isang lalaki sa speaker, tumingin ako sa stage pero wala naman akong nakitang tao doon, control room ata siya nag-announce, nagsipunta na ang mga tao sa bleachers kaya sumabay na rin ako, habang naghahanap ng mauupuan ay hinahanap ko na rin si Kelly. Nasaan na ba siya napadpad?

“Zian,” gulat akong napalingon sa tumawag sa akin, handa na akong suntukin ang nangulat sa akin ng mukha ni Kelly ang nakita ko, siya lang pala. Hinila niya ako kung saan, na punta kami sa first bleacher, ang pinaka malapit sa stage, umakyat na ako sumasabay sa paghila niya.

Lahat ng nadadaanan naming tao ay napapalingon sa amin, ano naman ang problema nila sa amin? Nakangiti lang si Kelly at umupo na, tumabi na rin ako sa kanya at humarap sa stage, naitass ko ang kilay ko ng makita ang mga mata na nakatingin sa amin, of course sa isip ko lang yung angat kilay thingy, mapagkaalaman pa akong bakla.

“So, how was the log-in? Ano nilagay mo? Yung profile,” usisa ni Kelly sa akin at nilapit ang mukha sa gilid ng pisnge ko, sinamaan ko ng tingin ang mga tao kaya umiwas na sila sa gawi namin, humarap na ako sa kanya at napangise na lang dahil maganda ang kinalabasan ng log-in kanina. Ang ganda talaga ng ginawa ko kanina sa picture taking na iyun.

“Awesome, of course ni lagay ko ang pangalan ko, as Zian Roosevelt,” bulong ko sa kanya, pinalo naman niya ako sa balikat at lumingon sa stage habang nakatakip sa kanyang mukha. I just chuckled and snaked my arms around her shoulders, hinila ko siya sa tabi ko at tahimik na minamasdan ang mga estudyante na unti-unting pinupuno ang mga bleachers, anim ang bleacher dito sa gym, tatlo sa kaliwang wall at tatlo naman dito sa kanan.

“Now, let’s start the program,” rinig ko ulit sa speaker, isang minuto ang katahimikan ay bigla na lang ako napakapit sa kinauupuan ko, nahigpitan ko na rin ang pag-kaaakbay ko kay Kelly. Tilian at sigaw ang bumalot sa buong gym, umusog lang naman ang bleacher at napunta sa gitna, nakaharap na kami ngayon sa stage, literal na nakaharap talaga.

Kung kanina ay nakaharap kami sa gitna ng gym, ang court kung saan na gaganap ang games, ngayon ay nasa gitna na kami ng court habang nakaharap sa stage. Ng huminto ang bleacher ay nilingon ko si Kelly, gulat itong nakatingin sa harapan.

“Kelly, ayos ka lang?” tanong ko at hinaplos ang kanyang balikta, lumingon siya sa akin at tumango, tumango na rin ako at nilibot ang mata ko sa iba. Gulat sila at naipikit ko ang isa kong mata ng may nakita akong muntikan ng mahulong sa kinauuopuan niya, mabuti naman at may humawak sa kanya, seven feet off the ground pa naman ang pwesto niya, like me and Kelly. Sino ba ang may ideya nito at parang gusto nitong mamatay ang tao?

“Sira ka ba! Hoy! Mag-inform naman kayo kung may bigla kayong gagawin!”

Napalingon ang lahat ng may sumigaw sa pinakalikod ng gym, isang lalaki na nakasuot ng salamin, mukha siyang mayaman sa suot niyang polo, slacks at naka-black necktie pa siya. Nakatayo siya at patingin-tingin sa paligid, hinahanap ang nagsasalita sa speaker, mayroon namang babae na humawak sa kanyang balikat at pinaupo ito, napatawa ako ng mahina dahil sa nakita, hinila lang naman ito at marahas na pinaupo.

Girl power, that’s it, give your man some manners. Sino ba ang may matinong utak na magsisigaw sa kawalan, ni hindi nga namin makita ang nagsasalita tapos sisigaw pa siya, lahat kami gulat pero hindi kami nagreklamo, ang mas mabuting gawin ay manahimik muna sa ngayon at matapos ang meeting na ito ay yun ang oras na mag-reklamo.

Matapos ang programang ito ay pupuntahan ko ang principal, oo, straight to the office, that should be the way, kung matapang ka, deretso ka na sa office para hindi ka na maka-distubo ng iba.  

“Sorry for the sudden movements, our guest for today will be on the stage shortly.”

Tinuon ko na lang sa stage ang mata ko para tinginan ang sinasabi nitong bisita, first day guest agad? Napatinggala ako sa celling ng magsimulang mag-dim ang mga lights at nag focus sa stage, grand entrance lang ba?

Humalikhip ako at hinintay ng tahimik ang guest, sino naman kaya ang guest na dadating? Hindi naman ako na-notify na may guest na darating, unti-unti na nilang binubuksan ang curtain, isang lalaki na nakasuot ng three piece suit ang bumungad sa amin.

Pagkatingin ko pa lang sa kanyang mukha ay kumulo ang dugo ko sa kanyang ngiti, ngiting alam kong may nakatagong mabaho at maduming nakaraan, he’s a living felon.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top