RANKS
CHAPTER TWELVE
Dazinco’s POV
“Zain, bakit may limousine sa harapan ng entrance?” nakatingin kami ngayon ni Kelly sa kumikintab na limousine sa harapan namin, hindi ko rin siya masagot kasi pati ako hindi ko alam kung bakit mayroong kotse na ganito dito sa loob ng campus. Kagagaling lang namin sa labas, dalawang oras kami off campus, kumain kami sa resto at ito namang kasama ko nagpasama papunta ng mall, window shopping lang naman ang ginawa namin.
Then dumating kami at ito ang nadatnan namin, kumpulang tao sa gitna ng entrance road, yung nakikita mo sa isang k-drama, yung sa ‘The Heirs’ ba yun? Basta yung pagkapasok mo sa mayaman na school at makikita mo muna ang roundabout na fountain, ganun yun dito kaya lang hindi fountain ang nakalagay kun’di ang school logo.
“Guys! Tingnan niyo,” napalingon kami lahat sa lalaking sumigaw, nakaturo ang kanyang kamay sa isang screen sa side walk ng school, lumapit naman kami doon ni Kelly. Pagkalapit namin doon ay isang bulletin board ang nakita ko, malaking screen ito na parang isang television pero bulletin board ang usage niya.
“Message to the students, here we post our announcements.” Basa ng isang babae sa harapan namin, may pinindot doon ang lalaki at nag-iba ang format ng screen, tatlo ang division nito, sa right side ay isang parihaba na naka-label na ‘ANNOUNCMENTS’ at sa left side naman ay divided sa dalawa, sa itaas ay ‘PROGRAMS’ at sa ibaba naman ay ‘WANTED’ ang nakasulat. Napakunot ang noo ko sa pinakahuling kahon na nabasa ko, ano naman ang meaning ng wanted sa bulletin board?
“May listahan dito ng pangalan,” napatingin kami sa announcement section, may nakalagay nga ng mga apilyedo at sampu lang ang mga ito, napatigil ako ng makita ang limang pangalan sa screen, napalunok ako ng laway ko dahil nandoon rin ang pangalan ko at ni Kelly. Tinuloy ko na lang ang pagbabasa ng anouncment, bakit kasali ang names namin sa listahan.
Kelly, Zain, Maddison, Sunshine, Salynn
“Please meet the principal at the main building, bring your phone with you.” Napakunot ang noo ko sa dulo ng mensahe, lumingon ako kay Kelly.
“Tara, baka importante.” Hinawakan ko ang kamay niya at naglakad na papunta sa main building, nilagpasan lang namin ang bulletin at nasa harapan na namin ang glass door, sampung hakbang ang ginawa namin bago kami nakarating sa harapan ng glass door binuksan na namin ito at may sumalubong na lalaki sa amin na nakasuot ng black suit.
Mukha siyang bodyguard ng isang ceo or something na malaki ang posesyon na kailangan ng kaligtasan mula sa kalaban.
“You’re late, come with me, the boss is waiting for you.” Nagakatingin kami ni Kelly, sumunod na lang kami ng naglakad na ito patungo sa elevator, pinindot niya ang button na P ang nakalagay, ito ang pinakaitaas ng building na ito, sa tingin ko lang. Namulsa na lang ako at tahimik na naghintay, bakit kaya kami pinapatawag?
First day pa naman namin tapos principal’s office ang bagsak namin, wala naman ata kaming violation na ginawa, paano kaya kung nalaman niya ana nagpapanggap lang ako? Nalaman kaya niya ang fake identity ko?
Bigla akong Kinabahan sa iniisip ko, ‘wag naman sana tama ang iniisip ko kasi baka hindi ako makapasok sa taon na ito, like first senior high pero hindi ko man lang ma-experience dahil sa pagpapanggap ko? That’s a bad luck for a year kung mangyari man sa’kin to, napatayo ako sa kasasandal sa wall ng tumigil na ang pag-andar nito, lumabas na kami at lumiko sa right, narrating namin ang isang glass wall, blurred siya kaya hindi makikita ang nasaloob ng kwarto.
Tumayo naman ang isang babae na nakaupo sa likod ng lamesa, kunot noo ko lang itong tiningnan, company ba ang napasukan namin?
“Madam is waiting, kanina pa.” Lumapit sa amin ang babae at itinulak papasok sa malaking brown door na binuksan ng lalaki para sa amin, bumungad sa amin ang isang desk na pwedeng dalawa ang gumamit nito sa haba at lawak ng space, ang upuan naman ay nakatalikod sa gawi namin kaya hindi ko alam kung may nakaupo ba doon o wala dahil sa laki ng sandalan, ang vibe naman ng loob ay isang office talaga, modern an modern ang dating.
“They’re here madam, Ms. Sanchez and Sir Roosevelt,” magalang na saad ng babae at lumabas na, dalawang minuto ang katahimikan na bumalot sa office bago humarap sa amin ang madam na sinasabi nila, napanganga ako sa nakita kong babae na nakaupo sa swivel chair ng office na ito. She’s our principal?!
Jane’s POV
Hello there! I’m Martha Jane known as Madam Jane here in JH University, guess what position I have here.
.
.
.
.
I’m their principal, oo principal ako ng JH University, wala lang nag-apply ako dahil na bored ako kakabasa ng teen fictions, gusto ko rin maranasan ang school life sa eleganting paaralan at makita rin ang buhay ng estudyante dito, anyway, pinatawag ko ang dalawang ito dahil may rason ako.
Sino namang matinong principal na ipapatawag ang student na walang dahilan? Edi ako, choss, magawa ko rin kaya yun minsan. Humarap na ako sa dalawa ng matapos ang timer ko, oo sinadya kong patagalin ang pagharap ko, gusto ko kasi, I’m the boss kaya. Joke ulit, pagkaharap ko ay ang gulat at pagtataka ng mukha nung lalaki ang napansin ko.
“What’s with the face Mister Roosevelt?” seryoso kong saad, oo seryos ako kasi nasa school ako, baka palaysin pa ako ng nag-hire sa akin. Hindi porket principal ay ako na ang may-ari ng school, hidden lang kasi ang profile ng may-ari ng school kaya nag-hire sila, kahit nga ako hindi ko kilala, sa totoo niyan one month ago nila ako na-hire.
Kinakabahan pa nga ako kanina dahil dumating ang limang Falcon, parang hihimatayin ako sa kaba kanina sa mga tindig at mata nilang nakatingin sa akin, nagpapasalamat talaga ako sa isa doon na hindi nakakatakot tumingin.
“Where is the principal?” nagising ako sa malalim kong pagiisip, ang lamig naman ata ng boses ng lalaking ito, sinilip ko naman si Ms. Sanchez, kanina pa siya tahimik. Taas kilay ko namang tiningnan si Mister Roosevelt, bakit niya hinahanap ang principal eh nasa harapan na niya ako? Tumayo ako at pinagsiklop ang braso sa ilalim ng dibdib ko, hindi ba ako mukhang principal ng school na ito?
“I’m here, can’t you see.” Umiling naman siya at nilibot ang tingin sa paligid, nilipat ko naman ang mata ko kay miss Sanchez, “Miss Sanchez, who do you think I am?” tanong ko, ngumiti naman siya at nagtago sa likod ng kasama niya, napabunga na lang ako ng hangin sa inasta ng dalawang ito, kinuha ko na lang ang dalawang envelop sa ibabaw ng mesa at inaabot sa kanila, kahit nagtataka ay tinanggap pa rin nila ito.
“Your profiles.” Maikli kong sabi at umupo, binuksan naman nila ito at nilabas ang papel na nakapaloob sa brown envelope. I compiled their profiles, starting from their Identification card, booklet of their uniform for the week, locker number, dorm keys, school credit card and lastly a device to tell their rank once they entered the education building, doon na rin nila makikita ang schedule nila.
I know it sounds weird but that how’s this school works, weird din siya sa’kin ng pumasok ako pero na sanay na rin, it’s unique and I love it.
There are three major buildings, the main building which is this place where all the staffs are located like teacher’s office, principal’s office, guidance and more, alam niyo na kung ano yun. Second is the education building, dito mahahanap ang mga classrooms, libraries and laboratory. The last one is the arena behind these main building on the right side, it’s hard to say so they need to walk around to see it on their own.
“Lima lang kayong transferees kaya pinatawag ko kayo, I bet you already read the announcement at the bulletin right?” tumango lang sila at busy sa kakatingin sa papel, pumalakpak ako ng tatlong beses para kunin ang kanilang atensyon.
“My nerdy appearance doesn’t define what status I have, I may look like a student but truth to be told I already graduated. Now please explore the campus and enjoy your stay,” Saad ko at pinindot ang call button sa telephone na naka-connect kay Wilma, my secretary slash bestfriend.
“Please accompany them to the Ed building,” humarap ako sa kanila ng pumasok si Wilma, “good luck with the tests.” Nakangiti kong paalam, nakita ko pa ang paglingon ni mister Roosevelt at may sasabihin ng isinara na ni Wilma ang pintuan.
Bukas pa naman ang mass test na mangyayari, sa ngayon ay maglilibot muna ang mga students para ma-familiarize sila sa campus, madaming nagbago dito dahil ibang-iba siya sa picture na nakita ko sa brochure ng school, last year pa ata ang brochure na yun.
Author’s POV
Madam Jane is busy thinking so let’s move to the students, the two transfer students are now accompanied by Miss Wilma. Nakalabas na ang dalawa at dumeretso sa Ed building, hindi na sila nagpasama kay Miss Wilma dahil ayaw pa nilang disturbuhin ito, pero sa katutuhanan ay alam talaga nila kung na saan nakapwesto ang bulding, sino nga ba ang hindi makakita ng building kung ang entrance pa lang nito ay makikita mo na ang mga students na nakapila.
“To know your schedule, step at the red platform.” Basa ng isang student sa dala niyang kahon, isa itong maliit na screen na parang cell phone pero wala namang pindutan.
The device will automatically light up to its corresponding color to show the given rank for the student, it is a very high-tech device that only ang expert can understand its function. Red for Class E, white for class B, yellow for class A and royal blue for the class S. Once you see the color on the device a jewellery is given when you return the device to the staff, the students got to choose from a variety of jewels.
“Zian, bakit ka nga ba nagpanggap?” Kelly whispered onto her ears, she nod and looked at her ID, “To learn the life of a man, paano ba sila kumilos at ano pa.” she said and smiled, she has her purpose to this mission she has, the moment she wake up on that hospital something inside her pushed her to learn about men.
At first she didn’t entertain those ideas but when she discovered that she has three brothers she pursued it, the first reason was unknown to her so she sticks to the idea that she has to learn to understand her brothers when the time comes.
Kelly is first to step on the platform, five minutes has passed and a color showed at the device, she has the white color. Pumunta na siya sa table kung saan ibinabalik ang device at pumili ng kwentas, she picked a pendant, a white colored pendant necklace.
Sinuot na niya ito at tumabi sa isang gilid para hintayin si Zian. Tumapak na siya sa platform at limang minutos na naman ang lumipas bago lumitaw ang kulay sa device, walang emosyon niya itong tiningnan at ibinalik para kunin ang kapalit nito.
“Can I possess two of these?” tanong niya at napangiti na lang siya ng tipid sa pag-payag ng babae, pinulot niya ang kulay blue na bato na nakalagay sa isang chain, necklace at isang bracelet na pag-babae. Binigyan niya ng ngiti ang babae bago umaalis at lumapit kay Kelly, naiwan namang kinikilig ang babae sa ginawa niya, she just used her smile to get those jewels.
Dazinco’s POV
“Zian, bakit dalawa kinuha mo?” sinuot ko na ang necklace at ibinulsa ang bracelet, ang sagot ko sa tanong niya ay secret pa rin sa ngayon. Oo madami na akong secret at hindi pa sa ngayon ag oras na ibubunyag ko, ngumiti ako sa kanya ng hindi ko siya nasagot.
Nakatinggala lang siya sa akin na tila inaabangan ang sagot ko, bugtong hininga na lang ang nagawa ko ng hindi ko masuot ang kwintas, inaabot ko na lang sa kanya.
“May gagawin ako sa ikalawa, pakilagay.” Pa-irap niyang kinuha ang kwintas sa palad ko at nagmartsa paunta s alikod ko, nag-adjust naman ako ng tayo ng muntikan na niya ako sakalin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top