MISSION FAILED?

CHAPTER THIRTEEN


“Hinay-hinay naman sa pag lagay, sasakalin mo ata ako eh,” mahina kong saad at tumayo habang inayos ko ang suot kong polo. Galit na naman ang babaeng to, tahimik yan at nanakit pag galit, hindi ko naman siya maiintindihan minsan kaya inoobserba ko na lang siya kapag ganito.

Humarap ako sa kanya at tiningnan ang kulay ng pendant sa necklace pero tumalikod ito, hindi ko nakita ang kulay ng kanya dahil busy ako kakatingin sa device, nagtataka lang ako kung bakit pa kailangan ng rankings? May saysay ba ito sa school? Sa tingin ko kasi hindi naman ito kailangan, kung with honors yan oo mayroon pero s acolors? Anong gamit niya sa color coding?

“Anong kwintas ang kinuha mo? Yung kulay, anong kulay ang nakuha mo?” tanong ko at napalingon ako sa paligid, sobrang tahimik naman kaya napalingon ako at tama nga ang hinala ko maraming mata ang nakatingin sa gawi namin hindi ko na sila pinansin at humabol kay Kelly.

Hindi man lang ako hinintay at hindi rin sinagot ang tanong ko, papalabas na kami ng building kaya ibinalik ko ang poker face ko. Makakalimutan ko nanamang nagpapanggap pala ako, bilang boyfriend niya.

Tahimik lang akong sumusunod sa kanya habang iniisip kung ano na naman ba ang nagawa ko na hindi niya nagustuhan, pang limang beses na niya itong pagtatampo sa akin, pabigla-bigla na lang kasi siya and iniintindi ko na lang. Minsan na nga lang siya mag pakita ng kakaiba sa akin, kinuha ko na itong pagkakataon na makilala siya ng mabuti.

“Kelly,” tawag ko sa kanya, napasapo na lang ako sa noo ko ng tumakbo na siya papasok ng isang building, gusto pa niya atang magpahabol. Pumasok na rin ako sa pintuan at sumalubong sa akin ang maingay na paligid, isang cafeteria ang pinasukan namin.

I walked calm and quite, madaming students dito ngayon, lunch time na pala pero hindi pa naman ako gutom kaya hahanapin ko siya, maganda ang interior ng cafeteria ngayon, para kang pumasok ng isang restaurant na napakasikat dahil sa mga lighting at furniture dito.

“That’s mine!”

“Mellan my loves!”

“Idol! Ganda mo!”

Napalingon ako sa grupo ng mga lalaki na ngayon ay nagsisigaw, napatigil ako sa kakahanap kay Kelly ng madaming lalaki ang tumakbo at lumapit sa bukana ng entrance. Humarap na lang ako doon dahil hindi ko mahahanp si Kelly sa ganitong sitwasyon, nakatayo na lahat ng lalaki na sa sobrang dami nila ay hindi ko na makikita pa si Kelly sa liit niya.

Huwag niyo akong isubong ha, nagsasabi lang ako ng katotohanan, matatangkad kasi ang mga lalaki dito ng ilang pulgada kaysa sa kanya.
Anyway, sino kaya ang ang Mellan na pinagkakaguluhan nila?

Pamillyar din ang pangalan na ito sa pandinig ko, nakatingin lang ako sa nagkukumpulang lalaki sa harapan ko, kung nakikita niyo lang ang nangyayari ay para akong isang outcast dahil sa kaka-tayo ko dito sa bandang walang katao-tao, hindi na ako nagtangkang lumapit dahil hindi naman ako ganun, tumalikod na ako at nagsimulang hanapin si Kelly ng may sumigaw na ikinalukot ng noo ko. 

“Mellan Charm Villon!”

Ang lakas ng boses niya na parang naka-megaphone sa ginawa niya, at kilala ko ang boses na yun. Kilalang-kilala ko ang tinis at tono ng boses niya, sino nga ba ang tao na hindi kilala ang boses ng isang Dexon Falcon?

The most top trending singer in town, nalaman ko lang ito hours ago, magdamag akong nakinig sa mga music niya na ang lalim ng mga mensahe,  parang relate na relate ako eh pero ang layo naman kasi hindi ako nawalan ng kapatid at hindi rin broken sa lovelife.

“Pre gusto ba niya mamatay ng maaga?”

“Is he insane? Mukhang baguhan, lagot.”

Sinilip ko ang table ni Dexon na sampung malalaking hakbang ang layo sa kinatatayuan ko, bakit ba sa lahat ng pwesto ay sa bandang gilid ko pa siya nakaupo?

Nakatutok lang ang mata ko sa floor habang iniisip kung paano ako tatakas dito para hindi makilala ni Dexon, mahirap na baka makilala niya ako which is impossible, sinasabi kasi ng utak ko ay dapat magingat pa rin kahit impossible ang pangyayaring yun.

Napa-atras ako ng isang hakbang ng nagmamadaling pumunta ang isang babae sa table ni Dexon, aalis na talaga ako ng marinig ko ang isang malutong na sampal kaya napalingon na ako ng tuluyan doon, ang nakatabinging ulo ni Dexon at ang nakasarang kamao ng babae ang nakita ko na agad ikinakunot ng noo ko, what the?

Hindi ko na namalayan agad na pa lang gumalay ang katawan ko at lumapit sa pwesto nila habang tiningnan ang mukha ni Dexon, nagaalala ako dahil ang tahimik lang niya, ni hindi siya lumingon o nagsigaw na nasaktan siya.

“Who are you?” Umayos ako ng tayo at walang emosyong nilingon ang babae, wala siyang karapatang manampal ng tao na wala namang ginawang mali sa kanya. Nakita ko ang pagbuka ng bibig niya at ang paglaki ng mata niya pagkaharap ko, umabante ako ng isang hakbang at siya naman ay umatras ng dalawa, takot rin naman pala ang isang to, bakit ba siya nananampal ng tao?

“I’m nobody, but, you just violently welcomed a new student,” ganun pa rin ang tono ko sa pagsalita, serious ako dito, grabe naman siya mag-welcome, baguhan nga kaya hindi niya alam kung may rules ba na hindi siya pwedeng tawagin. Narinig ko naman ang pagsangayon ng iba sa paligid, ang iba naman ay tahimik lang na nanonood, umayos siya ng tayo at taas kilay na akong tiningnan ngayon.

“I’m Mellan Charm Villon, the daughter of the sponsor for your clothes so, I have the right to teach him a lesson for saying my full name with his filthy mouth,” mataray niyang saad at inikutan pa ako ng mata, I scoffed. What a very dumb mind she has, anak lang siya ng sponsor sa damit namin pero wala siyang karapatang tapakan ang isang tao.

“Oh, yeah, Charm right?” bored kong tanong, I clicked my tongue before she can utter a word.

“Shut up, I don’t care about the rules you have about your name, it isn’t our fault that we, the new students, don’t know about your name rules.” Nagsigawan ang mga tao lalo na ang mga babae, I think the girls hate her, ngisi lang ang ibinigay ko sa babaeng nasa harapan ko.

Umupo siya at nakayuko sa kanyang pwesto, nakatining lang ako sa kanya ng bigla itong umiyak, bigla akong nagising, lalapitan ko sana siya ng matandaan kong nagpapanggap pala ako.

“You’re mean,” saad niya sa gitna ng kanyang paghikbi, napalunok ako ng lahat ng mata ng mga lalaki ay matalim ang tingin sa akin, pinakalma ko ang katawan ko at walang pakialam na tiningnan sila. Hindi dapat ako magpapa kita ng kahinaan sa kanila, kasi kung sa unang araw ay makita nilang mahina ako, masisira na agad ang mission na ginawa ko.

“Don’t look at me like that, I didn’t touch her.” Taas kamay kong saad na parang sumusuko ako sa pulis, totoo naman na hindi ko hinawakan ang babaitang ito, nagiinarte lang sa tingin ko. Nilapitan na nila si Ms. Villon at pinatahan ito, napangiwi ak ng slight lang, akward kaya kung hindi ko kilala ang umaali sa akin tapos mga lalaki pa, halso lalaki lang ang lumapit sa babaeng ito.

Habang busy sila sa pagtatahan sa kanya ay umatras na ako para hanapin ulit si Kelly. Na saan na ba yun nagsusuot? Grabe naman siya at hindi man lang niya napansin na hindi na ako nakahabol sa kanya, tumalikod na ako at humarap kay Dexon na ngayon ay tulala pa rin.

“Hey, are you okay?” tumingin naman siya sa kin at tumango, ang late niya ata i-process ng nangyari, yumuko siya at tumingin sa kanyang sapatos.

Hmm, ano kaya ang ugali niya? Nung nasa party kasi wala siyang kibo the whole party, para siyang isang display na dinala ng Falcon brothers doon, hindi ko rin naman napagtuonan ng pansin dahil hindi talaga ako makatingin sa mga mukha nila ng gabing iyun. Hindi ako mapakali no’n, lahat kaya lalaki ang katabi ko at mga may status pa na napakataas, hindi pa naman ako handa na madaming lalaki agad ang makakaharap ko.

“Anyway, got to go now, see you, anywhere.” Nakangiti ako ng slight habang sinasabihan siya, naglakad na ako papalayo sa pwesto nila at napalingon na lang sa kanya ulit ng sumigaw ito. Parang tinatawag niya ang atensyon, nakita ko ang pagbuka ng bibig niya pero tiniikom rin agad kaya ako na ang nagsalita.

“Stay out of trouble kay?” bilin ko, tumango lang naman siya kaya umaalis na ako doon. Sampung minuto pa ay nahanap ko na siya, biglang kumulo ang dugo ko sa nakita.

“Come on, don’t be a hard to get, sama ka na sa amin, Malaki ang mak— Ack!”

Hindi ko na hinintay na tapusin ng lalaki ang sasabihin niyang hindi ka-ayaaya, unag bwelo ko ay sa kanyang bibig na bastos, wala siyang respeto, lakas din ng katapangan, isipin niyo nga, sa loob ng school kung saan maraming makakakita ay nagawa niyang bastusin ang isang babae. Agad akong lumapit sa kanya at inapakan ang kanyang dibdib para hindi pa siya makatayo, galit ako at alam kong kita niya yun sa mukha ko dahil pinapakita ko sa kanya iyun.

“How dare you,” he said with his greeted teeth, mas diniinan ko ang pagkakatapak ko sa dibdib niya, nagsalita pa, dapat ako ang magsasabi sa kanya ng how dare he. Habang nakahiga siya ay sinuri ko naman ang hitsura niya, may hitsura naman ang lalaking ito kaya lang kailangan pa niya ng sampung ligo bago maging tao, malaki ang pangangatawan niya kumpara sa dalawang lalaki na kasama niya na nakatayo lang sa gilid at pinapanuod ang kanilang leader na nakahiga sa floor.

Ang kasuotan naman niya ay isang gangster wannabe, pwede ba silang pumasok dito sa school na wala man lang maayos na kasuotan, yung presentable ba? Kung may bata man dito sa campus baka nagtatakbo na iyun habang umiiyak sa takot, nakakatakot kaya ang hitsura niya lalo na sa mga bata na maliliit na ang nagkikita lang nila ay ang makapal nitong dibdib at buhok na hanggang balikat ang haba, para siyang papatay ng tao sa totoo lang, kung may dala lang itong axe pwede na niya itong itapon sa target at deds na agad.

“Zian, hayaan mo na,” mahina at mahinahong saad ni Kelly na ikinalingon ko sa kanya, umaalis na ako sa kakaapak at iniwan ang lalaki para tiningnan ang katawan niya kung may galos lang man o punit sa damit niya, aba, ang laki kaya ng katawan ng lalaking yun kaysa sa kanya kaya tama lang na mag-aalala ako.

“I’m okay, pinabayaan ko lang ang lalaking yun kanina pero hinawakan ako bigla, sasapakin ko na nga yun kaya lang dumating ka.” Seryoso niyang saad habang nakatingin ng deretso sa mata ko,

“Sayang nga eh,” bigla niyang dugtong at nag-sad face na ikinatawa ko, hindi ko yun inasahan, mahina kong hinila ang buhok niya at binitawan rin agad ng maramdaman ko ang lalaki na ngayon ay nakatayo lang sa likod ko. Balik na naman ako sa straight face bago ako humarap sa higanting lalaki, oo higante dahil yun ang tingin ko.

“Who are you, and what is your problem?” galit niyang tanong habang naka hawak sa kanyang ilong at bibig, hindi ko siya sinagot at nanatiling nakatingin sa kanya ng walang pake sa kanyang sasabihin. Wala talaga, dalawang tao na ang nasuntok ko at lahat lalaki, may dadagdag pa ba nito mamaya? First day na first day ko pa naman, sinilip ko si Kelly, hatak lalaki kasi ang kasama kong ito, sana lang ito na ang huling lalapit sa kanya.

“Leave,” sabi ko at ibinalik ko ang tingin sa kanya, kailangan niyang umalis sa harapan ko dahil baka hindi ko na siya palabasin ng building na ito na walang black eye, naiinis kasi ako sa mukha niya.

Umalis na siya ng tahimik kaya nagpasalamat ako doon, hinila ko na si Kelly sa isang table na bakante at ibinigay sa kanya ang binili kong pagkain, masaya naman niya itong kinain kaya ngumiti lang ako. Tahimik ko siyang pinanood at at ease na ang katawan ko ng may sumira no’n, isang nagpa-alerto sa katawan ko.

“Ate?! Is that you!” napalunok ako ng marinig ko ang boses na dapat kong sinabihan na may mission ako, ramdam ko ang pagtingin ng mga tao sa gawi namin dahil sa sigaw.

Mission failed na ba?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top