JH UNIVERSITY
CHAPTER ELEVEN
“Hindi ka kumain.” Bumaba ako at hinawakan ang kanyang kamay, tininggala ko siya. “Kain tayo ng brunch, tutal hindi ka pa nakapag-almusal at gutom pa talaga ako,” saad ko at hinila na siya papalayo sa crowd, hinila ko siya sa other side ng gate.
Dito kami sa guard house dadaan, mayroon namang pinto doon na papalabas. Malapit na kami sa pinto ng guard house ng may sumigaw, sigaw na sinasabing nakita kami, hindi na ako lumingon at hinila na siya papasok.
“Bakit kayo nandito?” gulat na tanong ng isang lalaki na sa tingin ko ay nasa edad na forty at pataas, ngumiti naman ako at magsasalita na sana ng magsalita si Anzi.
“Sir Josh, maari niyo po ba kaming paraanin diyan? Ayaw ko po kasi kaming dumaan doon, makikita nila ang sinta ko doon, ang daming pogi baka maagawan ako.” Kunot noo ko siyang tiningnan at tinapik ang kanyang dibdib para kunin ang atensyon niya, “What are you doing?” pabulong kong saad, pumikit lang siya at sinabing makisabay lang, hinarap ko naman si sir Josh at ngumiti. I glanced at her, still amazed with the deep tagalog.
“Oh, sige iho, protektahan mo yan, kay gandang binibini,” saad niya at binuksan ang pinto, lumabas na kami at nagpasalamat, tinakbo na namin ang pagpunta namin sa kotse para hindi pa maabutan ng mga tao. Hinihinggal kong isinara ang pinto, napalingon ako sa driver’s seat ng hindi pa sumasakay si Anzi.
Nakatayo siya habang nakadikit ang kanyang kamay sa bintana ng kotse, agad akong bumaba ng makita ko ang kamay niyang nakahawak sa kanyang leeg, hinablot ko na rin ang tubig sa bag ko.
“Bakit ka ba hindi nag-almusal, alam mo naman na hindi ka sanay na walang laman ang tiyan mo kapag unang limang oras ng araw,” sermon ko habang lumalakad papalapit sa pwesto niya, she has this illness or something na hindi ko matukoy, siya lang ang kilala ko na mayroong ganitong, agad ko siyang inaalayan at binuksan ang pinto, pagkaupo niya ay inabot ko sa kanya ang tubig.
Nilagok niya lahat ng tubig at huminga ng malalim pagkatapos, hinaplos ko ang likod niya para kumalma na ang puso niya. Fast rate ng heartbeat ay nagt-trigger sa karamdaman niyang ito, kapag hindi siya nakakain sa limang oras ng first hours niya pagkagising, magulo noh? Sasusunod ko na lang ma-e-explain, kailangan kumain ng babaitang to.
“Ano, kaya mo ba mag-drive ngayon?” nag-aalala kong tanong, mahina naman siyang tumango at umarap na sa manibela, ako na naglagay ng seatbelt ng hindi niya ito mahila.
“Huwag mong pilitin kung hindi mo pa kaya, tatawag na lang ako ng grab,” sabi ko at tumayo na, isinara ko na ang pinto at pumunta sa kabila, sumakay na at kinuha ang selpon, napatingin ako sa kanya ng harangan niya ang screen ng phone ko gamit ang kanyang kamay.
“No need, kaya ko na. I’m okay now.” Magsasalita na sana ako ng paandarin na niya ang engine at umalis na kami ng parking lot…
Someone’s POV
“Excuse me,” saad ko at naglakad na ulit, nandidito ako ngayon sa hallway habang daladala ang sandamak na libro, kung hindi lang ako mabait baka itinapon ko na lang ito sa basurahan, ang bigat kaya ng mga ito.
Lumiko na ako sa kanan pero napaupo na lang ako dahil sa impact na tumama sa akin, ang ending nasa sahig ako at ang libro ay nagsikalat sa sahig, dahandahan akong umupo at tiningnan ang mga libro, mahirap na kung masira ang mga ito, mas mahal pa nga ang mga ito kaysa sa buhay ko, baka expelled na ako kinabukasan.
“Are you okay?” napatinggala ako sa nagsalita, isang lalaki, lalaking napakalayo sa katotohanan ang mukha. Para siyang character sa isang nobela na lumabas sa katotohanan, alluring vibe. Magical siyang tingnan, yung mata niya, ang ganda, blue with a mixture of faint amber, nakakapanibago.
Napadako ang mata ko sa kanyang labi, bakit ang ganda ng labi niya? Dinaig pa niya ang akin sa ganda, nabalik ako sa realidad ng may tumatakbong babae ang lumapit sa amin, napatingin na lang ako sa mga libro at pinulot ito, yung mata ng lalaki, nagtataka siyang nakatingin sa akin. He’s probably thinking I’m a weird girl, tinitigan ko ba naman ng napakatagal.
Inayos ko ang salamin ko at tumayo na, hindi naman ako nasaktan, malakas ang katawan ko, hindi ito agad-agad na sasaktan sa simpleng pagkabagsak lang. Isa-isa kong pinulot ang mga libro, ang hassel naman talaga ng buhay pagka naging teacher’s pet ka, lahat na lang iuutos sayo.
Bubuhatin ko na sana ang mga libro ng may kumuha ng anim at isa naman ay pito, ang natira lang ay dalawa. Pinulot ko na ito at nagtatakang nilingon ang kumuha ng labig talong libro, nakangiting mukha ng babae at walang emosyong lalaki ang nakahawak nito ngayon.
“Uhmm, hindi niyo naman ako kailangang tulungan, ibalik niyo na sa akin iyan, prince at princess.” Nakatungo kong saad, this is my role, isa lang akong hamak na passerby sa school na ito, kungbaga sa palasyo isa akong katulong at sila ang mga amo ko, napatingin ako sa kanila ng nagtataka silang sumagot.
“Prince, princess? Pasensiya na pero hindi kami kabilang sa mga kung anumang royalties, transferee kami dito at estudyante na rin.” Napangiti naman ako sa sinabi ng magandang babae na nasa harapan ko ngayon, kaya pala bago sila sa paningin ko, bagong students.
“Ganun po ba, uhm sa paaralan kasing ito ay may mga patakaran sila,” panimula ko, kunot noo naman silang nagtinginan at ibinalik ang tingin sa akin.
“Patakaran? Ano namang klasing patakaran?”
“Mahaba-haba po ang listahan ng patakaran nila pero sa ngayon sasabihin ko kung ano ang class, ranks at ang pag-address namin sa isa’t isa.” Naglakad na ako at sinenyasan silang sumunod,
“Apat ang klase at ranko dito, ang pinakamababa ay ang Class E. Dito ang mga estudyanteng mahihirap, sila ang mga kasama sa scholarship, yung commuter kapag pauwi at papunta dito, yung orphan at ang iba ay pulubi na may connection sa commoner.” Huminto kami sa building kung saan nakadistino ang classroom ko, humarap ako sa kanila at ngumiti.
“Isa akong estudyante na kasali dito, Class E ako. We are called the slaves, basta mababa ang ranko sa isang palasyo.” Mahina naman akong ngumiti ng makita ko ang gulat nilang mukha, except sa lalaki, ang plain ng mukha niya. Hindi man lang nagpakita ng pagkagulat, naglakad na ako at nagpatuloy sa explanation.
“Class B naman tayo, dito ang mga average ang buhay, yung may kaya, sila ang mga estudyante na hindi gaano kahirap ang buhay hindi rin gaano ka yaman. They are called the commoners, parang katamtaman lang sila sa palasyo.”
Class A, ang mga estudyateng kayang bumili ng kotse na aabot isang daang libo, ang mag waldas ng pera na parang tumutubo sa likod ng bahay nila, sa madaling salita ang mga spoiled rich kids. Hindi sila masyadong gumagamit ng palayaw or ano, uhmm titles? Basta, pwedeng miss and mister tapos idagdag ang pangalan nila okay na sila doon.”
At ang pinakamataas ang klase ay ang mga Class S, dito ang mga estudyanteng ang engrande ng buhay, sila ang mga royalties, company owners, famous celebrities, and the billionaires. Sila ang mas ginagalang na mga estudyante dito, kapag hindi mo alam ang pangalan ng isa sa kanila pwede mo siyang tawagin sa mga ito; Queen/king, princess/prince, lady/master at iba pa, ang dami basta dapat pang-maharlika ang gamit.”
“So you mean to say, that this school is, a palace?” tumango-tango naman ako sa sinabi ng lalaki, ngayon lang siya nagsalita. Taas kilay naman niyang nilibot ang tingin niya sa paligid, nandito na kami sa harapan ng library kung saan malapit lang sa building ng Class S.
“Hanggang dito lang ako, prince and princess, paalam, ibabalik ko pa ito.” Kinuha ko na ang mga libro sa kamay nila at yumuko, wala na akong na rinig na salita galing sa kanila kaya tumalikod na ako at isinara ang pinto.
Author’s POV
Umalis na ang dalawa sa harapan ng library at tumungo sa kanilang patutunguhan, si Maddie naman ay pumasok na, isang napakalaki at napagagadang silid ang kinalalagyan niya. A big and wide room full of books, sa library na ito ay kompleto ang document, mga luma na ibinalik sa orihinal na anyo, basta lahat ng libro o resource ng literature ay kumpleto, may mahahanap din sa mga sulok ng library na profile ng mga estudyante.
“Oh Lady Mads,” Magalang na bati ng librarian sa dalaga, “Bakit po kayo nandito?” ngumiti naman siya at nilapag sa counter top ang mga libro.
“Wala pa namang klase diba? At bakit may daldala kang sandamak na libro?” Nagtataka nitong tanong sa dalaga, napakamot lang si Maddie sa kanyang pisnge, tumayo naman ang librarian at kinuha ang mga libro at nag-type sa computer, tinitingnan ang logged out book at papalitan ng ‘returned’.
“Wala pa naman inay ang mga teacher, at ang crowded doon, alam mo namang hindi ko type ang mga ganun sa first day of school. Hpm…parang hindi mo ako gustong makita dito, tampo ako sa iyo, hindi mo na ako lab.” Naka cross arms nitong sabi sa ginang, mahinang natawa ang ginang sa inasta ng kanyang alaga. Siya ang yaya ni Maddison simula bata pa, mas malapit sila kaysa sa tunay na nanay ni Maddison dahil sa palagi itong wala sa bahay nila.
“Shh…. Tumahimik ka. Baka gusto mong mabuking?” Suway nito sa dalaga at pinagbantaan pa. Napahawak naman sa sariling bibig ang dalaga ng matandaan niya ang sinabi niya kanina lang.
“Inay naman, wala namang tao dito, ang laki ng space oh, impossible na maririnig ng nandito ang sinabi ko.” Sabi nito ng mapagtanto niyang wala namang masyadong tao sa library dahil busy ang mga yun maghintay sa harapan ng gate para magabang ng mga class S students, her being called Lady is not allowed especially when she’s in her disguise.
They chatted more so we move to the other side of this scene, here we see the full view of the school gate.
Standing right in front of a very big gate, a black shiny limousine just entered this gate, crowds went silent as they witness the entrance of the famous students of the university. They walked backwards making way for the limousine to stop at the center of the school ground, everyone rushed to see and meet this famous people. Many knew who are they but few doesn’t, they’re the new students of the university.
“Brother, do you think it’s the right time to introduce ourselves? Isn’t it a bit rushed?” A man asked as he look out the window, he’s inside the limousine and he’s having an argue with himself, he’s not ready to be introduced to the crowed so he asked he’s brother ten times already.
“It’s today, it’s not rushed so don’t blab things, just focus on the main purpose of this event.” The car stopped as well as the words his brother said, he just sighed and prepared himself to be shown to the crowed as a low class student and not as the famous profile he has.
“Let’s welcome the Falcon brothers,” the driver said and unlocked the doors for them, one by one they step out, the last to come out is the middle brother, Calyx Falcon.
“Welcome to the upgraded JH University, brother Calyx.” His brother Dexon whispered, he gulped his saliva as he look around the campus.
“What a big changes we have here, is this a palace?” he whispered back but only to be answered by a low chuckle, the crowd keeps screaming as they walk to the main building of the school. He got the royalty vibe just looking at the surrounding of the whole place, it looks fantastic and barely a reality to his eyes.
“I doesn’t look like a palace but it runs like a palace,” the cold voice of Mr. Blake filled him with an answer, they entered and directly walked to the principal’s office.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top