[ 9 ]

Kahit papano ay gumaan ang loob ko kay Rayven at hindi ko na naiisip masyado yung encounter namin sa bar. Mabait nga siya at siya yung tipo ng lalaking naniniwala sa "You Only Live Once" kasi kung ano-ano na lang ang sinusubukan niyang gawin. Halos lahat ng mga outdoor activities ay nagawa na siguro niya, mula sa SCUBA diving hanggang sa skydiving. Ibang klase 'tong lalaking 'to.

Matapos kaming magtanghalian ay bumalik na rin kami sa opisina. Hindi pa rin bumabalik si boss mula sa meeting niya, kung kaya't kami lang ang naiwan sa opisina. Hindi na ako nakipagdaldalan pa sa kaniya at itinuon ko na ang atensyon sa pending kong mga trabaho. Sa kabilang dako, si Rayven naman ay nagsimula na sa trabaho niya.

"Tristan..."

"Hmmm?"

"Puwede mo ba ako bigyan ng access sa Facebook page natin? Para makapagsimula na ako."

"Sure...sure. Anong FB account mo?"

"Rayven Santos. Nakasuot ako ng puting shirt sa profile picture."

Hinanap ko sa Facebook ang account niya at agad ko naman itong nakita. Ang mutual friend lang namin ay si Jana. Grabe, ang bilis naman ata ng babaeng 'to na nakapag-add sa kaniya? Nag-send ako ng friend request na agaran din niyang tinanggap. T'saka pumunta ako sa Facebook Page namin at do'n ko siya binigyan ng full access.

Nang muli kong binalikan ang account niya ay tinignan ang kaniyang timeline. Grabe ang aesthetic ng mga posts niya. Mga photography niya halos at t'saka mga shared posts na inspirational. Ang sarap tumambay sa feed niya. Nakakakalma.

Hindi ko namalayan na halos isang oras ko ring hinalughog ang account niya. Umabot pa ako sa mga posts niya no'ng mga nagdaang taon. At tinignan ko rin kung paano nagbago ang mukha niya sa paglipas ng panahon. Parang mas lalo ko siyang nakilala dahil dito. Nang mapagtanto kong sumobra ako sa pagtambay sa account niya ay itinabi ko na ang phone ko ay bumalik na sa trabaho.

Bandang alas tres ng hapon ay dumating na rin si Jana at may dalang meryenda na tinapay. Habang inaasikaso namin ang mga tungkulin ay kumakain din kami at nagkakape. agpatuloy na rin siya sa pag-asikaso ng mga gawain. Lahat kami ay tahimik lang at madalang lang na nagpapalitan ng salita. At nang sumapit ang alas singko ng hapon kay nag-ayos na kami ng gamit at naglinis, at saka umuwi na rin kami at nagpaalam na sa isa't isa.

Pagdating ko sa bahay ay dumiretso lang ako sa kuwarto ko at nagmukmok. Nakakapanibago dahil nasanay ako na lalabas kaagad galing sa trabaho. Nasanay ako na sinusundo ni Jake at tatambay muna kami sa coffee shop., t'saka uuwi makalipas ang isang oras at ihahatid naman niya ako. Ilang taon din na gano'n ang set up namin.

Hindi buo ang araw ko no'n 'pag hindi ko siya nakikita at nakakasama kahit sa ilang saglit lang. Kaya nakakapanibago. May kung anong parte sa 'kin na nawala na hindi ko na magawang palitan o punan man lang. Ang tangi ko na lang magagawa ay ang tanggapin na mayroon ng puwang sa puso ko. Pero kailangan kong sanayin ang sarili ko dahil ito na ang bagong buhay ko magmula ngayon.

Isang tunog mula sa phone ko ang kumuha sa 'king pansin. Tinignan ko ito at nainis kaagad ako nang mabasa ko ang pangalan ni Jake. Ang kapal ng mukha na mag-mensahe pa talaga at gustong makipag-usap. Kung may respeto nga siya sa 'kin at gusto niya akong makausap, edi sana pumunta na siya rito kahapon pa para pormal na tatapusin ang relasyon namin. Pero hindi, eh.

Siguro ay dahil binalaan ko na siya na huwag magpapakita kasi babasagin talaga ni kuya ang mukha niya. Kung kaya't napagpasyahan kong i-block na lang ang contact number niya, pati na rin ang mga account niya sa iba't ibang social media platforms. Ayoko na talagang makarinig mula sa kaniya.

Nang mapadpad ako sa 'king gallery ay mas lalo akong nanlumo nang makita ang mga larawan namin naka-album pa talaga.Malapit na siyang umabot ng sampung libo. Tinignan ko ito at muli na namang sumikip ang dibdib ko nang maalala ang aming mga sandaling pinagsaluhan. Ang bilis lang, 'no? Sa isang iglap lang ay nawala ang lahat ng aming binuo.

Akala ko noon siya na talaga ang mapapangasawa ko. Muntik na nga akong mag-propose, 'di ba? Nakita ko talaga ang hinaharap ko na kasama siya; sa ilalim ng isang bubong, kasama ang isang aso, magpaplano ng aming business, at bubuo ng pamilya. Marami kaming pinlano, pero wala nang pag-asa pang matutupad.

Akmang papatayin ko na sana ang phone ko nang may biglang pumasok na tawag.

"Hello, Jana?"

"Hello, besh. May sasabihin ako, pero hindi ka puwede tumanggi. Dapat paggkatapos kong ipahayag ito, ang sasabihin mo lang ay oo."

"Ano na naman 'tong kalokohan n'yo?"

"Mangako ka muna."

"Ano nga 'to?"

"Sige na!"

"Oo na. Sasabihin ko oo."

"Okay! Ganito...Kasi nga broken-hearted ka, kailangan nating i-activate ang Project: Healing."

"Hoy!"

"Ikaw pa nga ang nagplano nito, 'di ba? In case na hihiwalayan kami ng aming boyfriend. Pero guess what?" Natawa ito. "Ikaw ang unang makaka-experience nito!"

"Nakalimutan ko na 'to, eh."

"Don't ya worry, my friend. Nag-backread kami sa group chat nitong nagdaang mga araw at gumawa na ng plano!"

"At?"

"At ngayong biyernes. Aalis tayo. Sasali tayo sa isang hiking at camping activity. It's time to heal you, besh. Marami tayong activities na kailangan i-cross out sa 'ting check list."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top