[ 8 ]

INABOT KAMI NG ilang oras nang i-set up namin ang buong office. Kaunti lang ang interaksyon namin ni Rayven at sila ni Jana ang daldal nang daldal. Parang bestfriends, eh.

Dahil nga medyo awkward sa 'kin ang presensya ng lalaki ay nanahimik lang ako at umaasang sana ay magkakaayos kami at mawawala na 'to sa mga susunod na mga araw. Magsasama na kami sa office araw-araw kaya kailangan naming ayusin ang aming relasyon—wait?

Bakit dinadamay ko siya? Ako lang naman ata ang may problema kasi normal lang naman si Rayven sa 'kin.

Ayan na naman tayo, self.

Nagsimula na rin kami sa orientation. Nauna si Jana at ibinahagi ang mga core functions ng office namin. Pinahayag niya rin ang mga trabaho niya at ang mga accomplishments din.

Maganda rin ang usapan nila dahil maraming tanong si Rayven, halatang interesado siya sa 'ming opisina. Matapos niya ay sumunod din ako.

Ang totoo lang ay hindi ako halos makatingin sa kaniya nang maayos dahil sa kakaibang titig niya sa 'kin na may halong ngiti pa.

Hindi ko alam kung gano'n ba talaga siya kung tumitig o masyado ko lang kinukumplika ang mga bagay-bagay. Pero hindi talaga ako mapalagay. Sana nga mawala na 'to.

Tumango-tango lang naman si Rayven nang ibahagi ko ang aking mga accomplishments. Pero wala naman siyang tanong.

Bago mag-lunch break ay pinili namin ang mga trabaho namin ni Jana na may kinalaman sa promotions at marketing at ibinigay ito kay Rayven. Medyo gumaan na rin ang aming trabaho. Thank you, mayor! Sana dagdagan n'yo pa kami rito!

At tinulungan din namin siya na gumawa ng plano niya para sa office. May magaganda rin siyang ideya na nadadagdag kay mas lalo kaming nasabik. Tiyak na magugustuhan ito ni boss!

"All right. Lunch break na. Aalis muna ako—" biglang paalam ni Jana.

"Ha? Saan ka pupunta, besh? Akala ko sabay tayong magla-lunch?"

"May PTA meeting daw ngayong ala una. Nangako rin ako sa anak ko na kakain kami sa labas. Sorry, besh. 'Di ko nasabi pala sa 'yo. Sabay na lang kayo ni Rayven para naman may malaman pa siya tungkol sa 'ting office."

"Ano?"

"Okay lang, Rayven?" tanong ni Jana.

"Oo, ayos lang."

Nabaling naman ang atensyon niya sa 'kin. "T'saka i-orient mo rin siya sa mga wildlife at offices na kailangang iwasan! Ba-bye!"

Natawa naman ako sa huling sabi ni Jana at nang magkatinginan kami ni Rayven ay halatang nagtaka rin siya at curious sa kung anong pinupunto nito. At dahil gusto kong hindi na ma-awkward sa kaniya ay mas maigi ngang magsama muna kami.

"So...tara?" aya ko.

"Saan tayo kakain?"

"May restawrant sa malapit lang. Nakapunta ka na ba sa 32 Food Hauz?"

"Hindi pa..."

"Tara. May motor ka ba?"

"Meron."

"Sige, ikaw mag-drive."

Paglabas namin ng gusali ay dumiretso kami sa parking lot. Doon ko nalaman na ang angas pala ng motor niya. Medyo mamahalin. Parang mayaman ata 'to si Rayven. Agad naman akong sumakay sa motor niya nang mailabas niya ito at saka pinatakbo ito.

Tinuruan ko lang siya sa direksyon at makalipas ang ilang minuto ay narating din namin ang maliit na restawrant kung saan binibenta ang pinakamasarap na lechon manok ay liempo sa buong bayan.

Nag-order agad ako ng isang piraso ng lechon manok, liempo, at tig-iisang order ng kanin at softdrinks. Medyo marami-rami 'to para sa 'ming dalawa, pero depende rin kasi medyo nagutom ako sa pinaggagawa namin kanina.

Bitbit ang table number namin ay dinala ko siya sa pangalawang palapag at doon kami pumuwesto sa tabi ng bintana.

Saglit kaming natahimik. Gusto kong kausapin siya tungkol sa nangyari sa bar pero wala akong lakas-loob na magsalita. Parang umurong ang dila ko. Ginamit ko lang ang smartphone ko at do'n tinignan ang news feed ko. Gano'n din siya. May ka-chat din siya sa phone niya.

Bwisit. Ang awkward nito. Paano ko ba 'to sisimulan?

Ang weird naman kasi kung hindi kami mag-uusap tapos sabay kaming magtatanghalian.

"Uhm...paalalahanan mo 'ko mamaya, kailangan mo pala ng I.D."

"Sure...sure."

"Uhm...taga saan ka pala?"

"Municipality ng San Agustin."

Do'n nga 'to sa pinuntahan naming beach resort nitong nakaraan. Siya nga yung nakasayawan ko. Pero bakit siya dumating dito?

"Seryoso? Ang layo naman. Babyahe ka araw-araw?"

"Hindi. May tinutuluyan akong bahay rito."

Napatango-tango naman ako. "Kung okay lang na magtanong. Uhm...Bakit dito mo napiling magtrabaho?"

Natawa naman siya. "Ganito kasi 'yan. Yung magulang ko at yung boss natin ay matalik na magkakaibigan. Sakto nag-resign ako sa trabaho ko at kailangan ko ng malilipatan, nag-offer kaagad si bossing."

"Kaya pala..."

"Saan ka pala nagtatrabaho before?"

"Sa probadong kumpanya lang. Pero ang toxic, eh. Kaya umalis ako."

"'Yan din yung isa sa mga malalaking factor, 'no? Yung environment. Ako, kahit gaano pa kalaki yung suweldo tapos hindi maganda yung environment, hindi talaga ako magtatagal. Hahanap-hanapin mo pa rin yung kapayapaan sa isang office. Pero depende kung gaano kalaki yung suweldo. Mukhang pera ako, eh."

At natawa na lang siya sa biro ko. "Okay lang naman yung rate nila ro'n. Yun nga lang, ayoko na ro'n."

Hindi rin nagtagal ay dumating din ang order namin. Tumayo kaagad ako at kumuha ng mga kutsara at tinidor sa sulok ng palapag. Inilagay ko ito sa baso at saka nilagyan ng mainit na tubig mula sa dispenser. Nang bumalik ako ay inilapag ko ito sa mesa at kumuha rin siya ng kutsara at tinidor.

"Salamat," aniya.

Sa puntong ito ay nagpatuloy lang kami sa pag-uusap habang kumakain. Syempre, maingat ako sa bawat subo ko kasi nakakahiya na lumantakan sa harap niya. Ang bagal ng kain ko. Hindi ko naman mapigilang mapatitig sa kaniya. Dahil magkaharap lang kami ay nagawa ko rin siyang titignan nang malapitan.

Guwapo nga siya. Siguro kung nagkakilala kami noon, bago ko pa man nakilala si Jake, paniguradong matitipuhan ko talaga siya o mababaliw ako kagaya ng pagkabaliw ko kay Jake.

Kinuwento ko naman sa kaniya ang mga habilin ni Jana na dapat niyang malaman. Oo na, tsismoso ako. Pero kahit na sinong bagong empleyado ay nararapat lang na malaman ang mga taong dapat niyang iwasan at baka siya pa ang susunod na mabiktima.

"Seryoso?" aniya.

"Oo. Kaya ikaw, 'pag nasa opisina ka nila, huwag kang mag-open up ng mga personal mong buhay 'pag magtatanong sila kasi ipupulutan nila 'yan. Manghihina sila 'pag walang nahahalungkat na tsismis kaya kailangan nila ng pang-araw-araw na suplay. Madalas na target nila ay mga bagong hire."

Natawa naman siya. "Noted po. Ang dami ko naman palang dapat ingatan."

"Oo. One time, no'ng bago lang din si Jana rito. Kinuwento niya yung love life niya at heartbreak—kasi common friend nila yung ex ni Jana—at ayun. Kinabukasan ang dami nang nakaalam at ang worse pa ay iba pa yung kumalat na istorya. Naging masama pa si Jana. Kaya ayaw na ayaw namin sa office na yun."

"Kumusta naman sila sa opisina?"

"Ayun, kaniya-kaniya nilang sinisiraan ang sarili nila. Hinihintay na lang namin yung point na mag-aaway sila."

"Grabe, may ganiyan talaga no? Kahit saan."

"Oo. Natural na ata 'to basta workplace."

"May ganiyan din sa 'ming office no'n. Tinawag namin silang mga researchers. Kasi ang galing mag data gathering at analyze."

Natawa naman ako sa kaniya. "

"Oo, pero sa office natin. Hindi ka mag-aalala. Umiiwas kaming madawit sa kaguluhan sa ibang offices. 'Pag may pumapasok na makiki-chismis ay binubugaw na namin."

"Naks."

"Oo. Pero sana mag-enjoy ka sa office natin. Marami tayong mga field activities at napaka-interesting ng ating trabaho. Para ka nang sinusuwelduhan para mag-enjoy. Pero, 'pag naramdaman mo na medyo toxic na o may hindi ka nagustuhan sa behavior namin, sabihan mo kami. Hinihikayat namin ang open communication sa office. Kasi minsan hindi natin natsi-check yung ugali natin."

"Mukhang mag-eenjoy nga talaga ako rito."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top