TSL 9: Surname

 "SORRY... I didn't mean to---"

"Bakit kasi nanggugulat ka?!" bulyaw ko sa kanya. Ang sarap niyang sipain. Kainis! Dumating si Kuya Berting na may kasamang dalawa pang mama pero hindi ko na masyadong napagtuunan ng pansin sa sobrang sakit ng daliri ko sa kaliwa kong paa.

"Anong nangyari? Bakit ka umiiyak, anak?" aniya.

"Waaaah! Tatay, nabagsakan ng palakol ang paa ko!"

"Ha? Bakit? Ano bang ginawa mo sa palakol?"Alalang tanong ni Tatay Berting pero hindi ko na nagawang sagutin nang bigla akong buhatin ni Pangga, bridal style! Awtomatikong pumulupot ang mga braso ko sa kanyang leeg.

"Kamo danay bahala di Nong Berting, dal-on ko lang siya sa mansyon," turan niya kay Kuya Berting pero bahala at mansyon lang yata ang naintindihan ko.

"Oh sige, Nonoy Bryce. Sugaton ko lang karun si Inday Gold didto pagkatapos namon di." Ani Tatay Berting. Tumango naman si Pangga at nagsimulang maglakad kahit na parang naguguluhan kung bakit magkakilala kami ni Tatay Berting.

Kahit napakasakit ng hinlalaki ko hindi ko maiwasang kiligin. Matagal ko nang pinangarap 'to! Hinigpitan ko ng maigi ang pagkapit sa kanyang leeg at inamoy siya. Ang bango niya! Naramdaman kong bahagya siyang natigilan sa ginawa ko kaya bahagya ko ding nilayo ang mukha ko sa kanyang leeg. Baka mamaya bigla na lang niya akong ibagsak, mahirap na.

Mayamaya'y pumasok nga kami sa loob ng mansyon. Napanganga na lamang ako sa sobrang lawak nito. Mas malawak pa yata sa mansyon namin sa Maynila. Inilapag niya ako sa sobrang lambot na sofa. Lumubog pa nga ng bahagya ang puwet ko. Lumuhod siya sa harap ko at hinubad ang sapatos ko kaya napatingin rin ako sa sarili kong paa. Namumula sa bahagi ng nail bed ko. Huhu. Kaya pala masakit kasi napuruhan ng palakol na 'yon!

"Does it hurt?" tanong niya kaya bigla akong nainis.

"Nagtanong ka pa eh 'no?! Hindi ba obvious?" gigil kong sagot. Bakit kasi nagustuhan ko pa ang probinsyanong 'to? Manhid na nga, ang tanga pa. Tch! Ang sarap tadyakan ng nguso niya nang maramdaman niya kung gaano kasakit. Halos maihi pa naman ako kanina sa sobrang sakit. Buti medyo nawawala na ang sakit.

"Tss. Sungit. Nagtatanong lang." Hinawakan ang aking paa. Nagulat ako nang bigla niya itong hinipan. Infairness parang bumait yata si Pangga. Concerned ba siya sa'kin?

"Masakit pa ba?" tanong niyang muli. Inirapan ko muna siya at nag-cross arms.

"Bakit? Anong akala mo sa hininga mo, gamot? Kung hindi ka naman kasi tanga, bakit ka nanggugulat?"

"Kasalanan ko ba kung magugulatin ka?"

"Eh 'di sana in-orient mo muna ako na gugulatin mo 'ko, eh 'di sana nakapaghanda ako. Tch!" Di-makapaniwalang tiningnan niya ako at umiling.

"You're unbelievable. Hindi ka talaga magpapatalo eh,'no? Ang daldal mo!"

"Ang bunganga nilikha para magsalita—"

"Oo na, oo na.. I'm sorry, okay? I was just surprised to see you here. How did you get here? Sinusundan mo ba ako?"

"Siyempre. Akala mo ba makakatakas ka sa'kin. You still owe me a date remember?" Nginitian ko siya nang nakakaloko. Sasagot pa sana siya nang may biglang sumulpot na dalawang matanda. Isang babae at isang lalaki. Sa itsura palang ay halatang parents niya ang mga ito kaya bigla akong kinabahan.

"Oh, iho! Abi namon malibot ka sa kuwadra? Kag sino ni ang upod mo? May bisita ka gali?" ani ng babae. Siya ba si Ma. Therese Villaceran.? Ang ganda naman niya. Parang kaedad ni Mommy. Pero siyempre mas maganda ang mommy ko'no. Napabuntong hininga naman si Pangga bago nagsalita.

"Ma, Pa, si Gold gali..." he trailed off kaya naisipan kong dugtungan ang kanyang sinabi.

"A-ah... Ma'am, Sir, ako po si Gold. Manliligaw po ng anak n'yo," nakangiting sabi ko. Kailangan ko yatang magbabait-baitan ngayon.

"What?! / Ano?!" Sabay-sabay nilang bigkas na parang gulat na gulat. May mali ba sa sinabi ko?

"Bakit po? Hindi pa po ba puwedeng magka-girlfriend ang anak n'yo? 'Di ba po 26 na siya?" maang kong tanong. Ang strict pala ng parents ni Pangga. Kaya siguro lumalayo siya sa mga babae. Ngayon naiintindihan ko na kung bakit niya ako itinataboy palagi. Siguro may gusto na rin sana siya sa'kin pero pinipigilan niya ang sarili niya. Pero gagawin ko ang lahat para magustuhan ako ng parents niya.

"Teka, iha. Hindi tayo nagkakaintindihan. What's going on, anak?" pagkuwa'y tanong ng matandang lalaki. Ang Papa ni Pangga. Joaquin yata ang pangalan niya sa pagkakaalala ko base sa impormasyong nakuha ko sa investigator.

"Don't mind her, Papa, she's nothing."

Ouch! Ang sakit naman magsalita ni Pangga. Lantarang pangdi-deny ha! Pero sabagay... Siguro ayaw niya lang mapagalitan.

"Huwag po kayong maniwala sa kanya. Manliligaw po talaga niya ako. May date po sana kami pero tinakasan niya ako kaya sinundan ko siya rito. Galing pa po ako ng Maynila. Tapos pagkarating ko dito ginulat pa niya ako kaya nabagsakan ng palakol ang paa ko."

Nagkatinginan naman ang dalawang matanda at sabay na tumawa habang napapahilamos naman ng mukha si Pangga. Huwag niyang kakalabanin ang fighting spirit ko. Akala niya ha.

"Anak you didn't tell us na napakaganda pala ng MANLILIGAW mo. At mukhang mabait pa. Hindi katulad ng mga nauna mong manliligaw na puro pasikat lang," ani Sir Joaquin na tawang-tawa. Napangisi naman ako. Maganda daw ako eh. Ibig sabihin pumasa ang kadyosahan ko.

"Oo nga naman. Oh wait.. bakit ganyan ang suot mo, iha? Galing ka ba sa party bago pumunta rito?" ani Ma'am Therese.

"A-a-ah... Hehe.. Ano po k-kasi—"

"Tss. That's enough. Gagamutin natin 'yang paa mo," putol ni Pangga sa sasabihin ko. Thanks goodness!

"Ang mabuti pa anak patingnan mo na lang sa doctor. Baka nagkafracture ang buto niya sa paa," suhestiyon ni Sir Joaquin pero maagap akong tumanggi.

"Naku Huwag na po! Medyo nawawala na naman po 'yong sakit eh." Effective nga yata ang pag-ihip ni Pangga.

"Pero mas maigi na 'yong makasigurado tayo."

"Huwag na po talaga."

"Alright. Kung iyon ang gusto mo. Basta pag namaga 'yan, patingnan mo agad sa doctor."

"O-okay po. Salamat po." Ngumiti ako para lalo silang makumbinsi. Nanatili namang walang reaksyon si Pangga.

"You are always welcome, iha. Mabuti naman at napadpad ka sa lugar namin. Teka... Buti hindi ka nawala?"

"Ah, kasama ko po ang kaibigan ko, si Lucicar Dimatibag po."

"Lucicar Dimatibag? You mean, si Lucy na anak ni Berting?" excited na tanong ni Ma'am Therese.

"Ah... opo. Siya nga po."

"Kay liit nga naman ng mundo, ano?"

"Oo nga po eh. Hehe..."

"Uncle Bryce!!!"

Sabay-sabay kaming napatingin sa pinanggalingan ng matinis na boses. Si Xanley!

"Hey! How are you, kiddo?" tanong ni Pangga at ginulo ang buhok ng kanyang pamangkin.

"I'm fine, Uncle. Hambal ni Mommy nag-abot ka kagab-i. Tulog na ko ya." Napakunot ang noo ko sa kanyang sinabi. Marunong pala magsalita ng hiligaynon ang batang 'to. Buti pa siya. Siguro magpapaturo na rin ako kay Besh sa isang araw.

"Kahapon pa na siya nagahulat sa imo." Ani Ma'am Therese kay Tumahimik na lang ako dahil waka naman akong naiintindihan. Nakalimutan yata nila na may dyosang alien dito.

"Wait! Is that you, Miss Beautiful?" ani Xanley at bigla akong binalingan.

"Hi Xanley! Kumusta?" Ngumiti ako sa kanya.

"Woah! Sinagot na po kayo ni Uncle Bryce?" manghang tanong niya at dinamba ako ng yakap.

"Xanley, stop it! Don't hug her! Baka maapakan mo ang paa niya," banta ni Pangga at inilayo ito sa katawan ko.

"Sorry po! But what happened to your foot po ba?" inosenteng tanong nito.

"Nabagsakan ng palakol eh. Pero medyo nawawala na rin naman ang sakit."

"Magkakilala pala kayo nitong apo namin. Pagpasensyahan mo na iha." Tumango kay Ma'am Therese at tinapik sa balikat si Xanley.

"Ayos lang po, Ma'am."

"Naku, iha. Masyado ka namang pormal. Tita Therese na lang." Shet! Lumi-level up na! Tita daw oh!

"And of course, you can call me, Tito Joaquin." Pakiramdam ko namula ang aking mukha sa sinabi ng Papa ni Pangga. Shet! Why do I feel like I already belong to this family?

"S-sige po. Tita, Tito." Nagdiwang ang kaloob-looban ko nang sabay-sabay silang ngumiti. Maliban kay Pangga na biyernes santo ang mukha. Hindi ba niya na-a-appreciate na parang boto sa'kin ang parents niya?

"Good. Ang mabuti pa dumiretso na lang tayo sa komedor. Masamang pinaghihintay natin ang grasya. Tamang-tama at narito ka, iha. Tara." Yaya ni Tita Therese kaya sumunod kaming lahat sa kanya pero nakaisang hakbang palang ako nang muntik na akong matumba. Mabuti na lang at naagapan ako ni Pangga.

"Careful." Aniya at inalalayan ako. Eh kung magkunwari kaya akong hindi ako makakalakad?

Lame.

"Okay lang po kayo Miss Beautiful?" alalang tanong ni Xanley at akmang hahawakan na ako nang hinarangan ito ni Pangga.

"Don't bother, Xanley. I can take care of her." Aniya. Napaawang ang mga bibig ko. Si Pangga ba talaga 'to?!!!

Hanggang makarating kami sa komedor ay inalalayan niya ako sa bewang. Pinaghila niya rin ako ng upuan at umupo sa kanan ko. Sa kaliwa ko naman pumwesto si Xanley.

Pagkatapos ng maikling dasal ay nagsimula na rin kaming kumain. Maraming nakahaing pagkain sa mesa. May mga kakanin rin.

"Miss Beautiful, ito oh. Tikman mo 'tong puto with cheese ni Mamita. Masarap 'to!" Ani Xanley at isinubo nito sa'kin ang isang puto. Ang sarap nga!

"Masarap nga! Salamat Xanley!"

"Sabi ko sa inyo, eh. Ito pa po--"

"Ako na." Pare-pareho kaming napatingin kay Pangga nang pigilan nito ang isinusubo sa'kin ni Xanley.

"Here. Eat this," aniya at sinubuan ako ng suman.

"Ito rin po, Miss Beautiful. Masarap 'to." Napangiti ako nang balingan ko si Xanley na may nilagay na dinuguan sa puto.

"Sige nga. Tikman ko nga--" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang padabog na ibinagsak ni Pangga ang kutsara sa kanyang plato.

"Stop it, Xanley. Will you? Ako nang susubo sa kanya." Puno ng awtoridad ang kanyang boses.

"K fine. Are you jealous, uncle?" pambabara ni Xanley na nagpanganga sa aming lahat.

"Kayong dalawa. Tama na 'yan. Nakakahiya sa bisita natin," saway ni Tita Therese sa kanilang dalawa.

"Tch." Bumilis ang tibok ng puso ko nang idinantay ni Pangga ang kanyang braso sa likod ng upuan ko na parang nakaakbay sa'kin.

"By the way, anak. How's your business proposal to Mr. Salvatore? Nakuha mo ba ang approval niya?" pag-iiba ni Tito Joaquin sa usapan.

"I don't want to talk about it Pa." Masungit na sagot nito kay Tito Joaquin.

"Why? Naunahan ka na naman ba ng Skeet Alvan Mijares na 'yon? I told you son, his family's empire is a tough competitor." Natigilan ako nang marinig ko ang pangalan ni Kuya Skeet. Did I hear it right?

"No, Pa. Makakabawi rin ako sa mga Mijares na 'yan. Sisiguraduhin kong ang susunod na deal ay makukuha ko na." Lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Siya din kaya tinutukoy nila Daddy na competitor namin sa negosyo?

"I'll keep an eye on you, anak." ani Tito Joaquin.

"By the way, iha. Ano nga pala ang buong pangalan mo? Kanina pa tayo na-uusap dito pero hindi pa namin nalalaman ang buong pangalan mo." Napakagat ako sa ibabang labi ko nang biglang nagtanong si Tita Therese. Sana hindi ako maputulan ng dila sa pagsisinungaling...

"A-a-ah.... Gold Reign po. Gold Reign Cervantes."

Waah!

I'm sorry, Pangga!

-GREATFAIRY

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top