TSL 27: Dream

NAHANAP na niya ang totoong makakapagpasaya sa kanya. At hindi sa piling ko 'yon. Sobrang sakit ngunit may karapatan ba akong masaktan? I've been lonely for five years. Hinahanap-hanap ng puso ko ang mga sandaling masaya kami at ang mga sandaling abot-kamay ko siya.

Kung hindi kami nagkaproblema hahantong pa rin kaya siya sa ganito? Would we end up together? Maraming katanungan sa isip ko. Ngunit hindi ko mahanap-hanap sa sarili ko ang sagot.

I-untog ko man nang paulit-ulit ang ulo ko sa pader ay hindi ko na siya mababawi pa. Should I be happy now? But how can I make myself whole if half of me is with her? How?

Gold Reign... Bakit mo pa ako pina-ibig sa'yo kung iiwan mo lang pala ako sa ere?

Sana hindi na lang kita pinansin noon. Sana hindi ko na lang tiningnan ang mga mata mo. Sana pinigilan ko ang sarili kong mahulog sa bawat ngiti mo. Sana hindi na lang kita minahal...

Patawarin sana ako ng Diyos sa mga naiisip ko pero mali bang sisihin ko ang pagkakataon? Kung iiyak ba ako magdamag babalik ang lahat sa---

"Bryce! Bryce! Bryce, wake up!"

"Uncle Bryce, gising! Mommy, bakit kaya siya umiiyak habang natutulog? Siguro napapanaginipan niya si Valak kaya takot na takot siya."

"Bryce! Wake up! What's happening to you?"

"Uncle Bryce! Gumising ka na po! Hindi ka pa puwedeng mamatay sa bangungot! Hahanapin pa natin si miss beautiful! Magpapalibre pa ako sa kanya! Uncle wake up na po!!!"

"Reign!"

Napabalikwas ako ng bangon ngunit agad kong sinapo ang ulo ko nang bigla itong sumakit. Hangover sucks!

"Ayos ka lang? Ito, inumin mo muna 'tong tubig." Dire-diretso akong uminom sa isang baso iniabot ni Ate Bridgette.

"Uncle, hinabol ka ba ni Valak sa panaginip mo kaya ka umiiyak?" Xanley asked while staring at me intently. Then everything registered in my mind. Si Reign.

"Panaginip? Ibig sabihin hindi totoo 'yon? Hindi totoong naging madre si Reign?" My heart beats fast.

"Madre? Si Reign, madre?" They laughed in unison, na parang isa akong nawawalang baliw sa kanilang paningin.

"Ha-ha-ha-ha-ha. Ang weird naman ng panaginip n'yo, Uncle."

"Ayan kasi pinakyaw mo lahat ng alak. Kanina ka pa namin ginigising ni Xanley. Nakatulog ka dito sa sahig. Umiiyak ka habang tinatawag ang pangalan ni Gold. You're having a nightmare. God! Ayusin mo naman ang buhay mo, Bryce! Huwag puro inom ang atupagin mo!" Sermon ni Ate Bridgette na nakapamaywang.

I checked myself. Wala akong sugat sa kamay. Tiningnan ko rin si Xanley. Hindi siya lumaki gaya ng sa panaginip ko. Ibig sabihin hindi totoo lahat ng 'yon. It was just nightmare! Pero hindi ko pa rin maiwasang kabahan. Paano kung sign pala 'yon? No. Ayoko. Hindi ako papayag.

Kahit masakit pa ang ulo ko ay dire-diretso akong tumayo at tumakbo palabas ng pinto. I really need to see her.

"Uncle Bryce!"

"Bryce! Saan ka pupunta? Bumalik ka dito! Bryce!"

Narinig ko pa ang pagtawag ni Ate Bridgette at Xanley pero hindi ko sila nilingon. Ang lakas, lakas ng tibok ng puso ko. I immediately started the engine the moment I entered the car. Nakita kong hinabol pa ako ng dalawa at may sinasabi pero hindi ko sila pinansin.

Kailangan ko siyang makausap. Bahala na. Lulunukin ko lahat ng galit niya sa'kin. Kung kaikangan kong magmakaawa sa harap niya para mapatawad niya ako, gagawin ko. Kahit ipagtabuyan niya ako nang paulit-ulit hindi ako titigil.

Agad akong bumaba ng sasakyan kahit hindi ko pa man ito na-park ng mansyon sa labas ng Mijares mansion.

"REIGN!" I called out loudly.

"Reign! Kausapin mo 'ko!"

"Reign! Please talk to me! Hindi ako aalis dito hangga't hindi mo ko kakausapin!"

"Anong ba'ng—Ayy! Susmaryosep!" Natigilan ako nang biglang sumulpot ang isang matandang maid at napapatutop sa kanyang bibig.

"Manang! Ano 'yong maingay?" Bumaba ang mag-asawang Mijares sa staircase na mukhang kakagising lang.

"I know she's here. I want to talk to your daughter, Sir—"

"What are you doing here, Villaceran?!" His eyes went wide at mabilis na tinakpan ang mga mata ng kanyang asawa. Napakunot ang noo ko sa kanila.

"Please let me talk to your daughter, Sir."

"Sa tingin mo hahayaan kitang makausap ang anak ko na ganyan ang ayos mo?"

Wala sa sariling napatingin ako sa katawan ko at nanlaki ang aking mga mata. Bakit hindi ko man lang naalalang bagong gising pala ako kanina?

"S-sorry... Sorry, sorry, sorry." Bigla akong nalito at 'di malaman ang gagawin. Bakit sa lahat na lang ng bagay tanga ako?

"Tsk! Umayos ka, Villaceran. Are you gone crazy?" He threw a dagger look towards my direction. This is insane! I was about to turn my back when I heard the familiar voice that I've longed to hear for more than a month now.

"Dad? Mom? What's going on?"

There she is. She looks like a royal princess as she goes down the stairs. Her messy hair made her more attractive.

"Princess! Bumalik ka muna sa kuwarto mo!"

"What? Bakit? Ano bang meron, Dad?" Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa utak ko basta agad akong kumaripas ng takbo palabas ng kanilang mansyon bago pa man niya mapansin ang presensya ko. Bigla akong nahiya sa para sa sarili ko. Agad akong pumasok sa kotse ko at kinalma ang sarili ko.

I took a very deep breath and held the steering wheel. What did I do? Mukhang lalo akong na bad shot sa matandang Mijares na 'yon. I put myself on shame. But I cannot restrain myself from smiling. Ang mahalaga nakita ko siya. Hindi totoo ang panaginip ko, puwede pa kami. Kailangan ko nang mag-isip ng paraan para magkabalikan kami. And this time it will be real.

* * *

"ANO ba'ng pumasok diyan sa utak mo na lumabas ng bahay na nakaganyan lang? God! Mababaliw na ako sa pinaggagawa mo, Bryce! Alam mo ang mabuti pa umalis ka na lang dito sa bahay. Aba! Umaabuso ka na ah! May condo ka, nakikisiksik ka pa dito sa bahay!"

"Oo na, oo na. Aalis na naman talaga ako kahit hindi mo sabihin, Ate."

Tiningnan lang ako nang masama ni Ate. I actually planned to stay in my pad for real. I realized I shouldn't ditch my real world. Kailangan ko nang maisagawa ang matagal ko nang pinaplano sa lalong madaling panahon.

"Aalis ka na talaga, Uncle? Ayaw mo na bang damayan kita sa pagluluksa mo?" Xanley appeared from nowhere.

"Babawiin ko siya."

"Sino po? Si Miss Beautiful?"

I nodded my head and grinned. I can't wait to see her.

"Ayos! May manlilibre na ako ulit!" I tapped his head and headed my way to my car.

Wait for me, UK This time sisiguraduhin kong sa simbahan na talaga ang tuloy nating dalawa.

I know I looked like an idiot while smiling from ear to ear as I enter my pad. I really can't help it. Agad kong tinawagan si Edmund pagkatapos kong ayusin ang sarili ko.

"Nakahanda na ba ang lahat?"

"Yes, Sir. Kailangan n'yo nang magmadali. Nandito na siya sa mall na palagi niyang pinupuntahan."

"Alright. I'm on my way."

Agad akong pumunta sa sinasabing mall. Nasa loob ng bulsa ko ang singsing na binili ko noong una ko lamang siyang nakita. Yes. I knew then she's the one. Kaya agad akong bumili nito para sa kanya.

Nakita ko siyang papasok na naman ng bookstore na palagi niyang pinupuntahan. Agad ko siyang sinundan hanggang sa tinungo niya ang fiction section. Hinaklit ko siya sa braso at pinaharap sa'kin.

"Ano ba'ng--"

"Marry me, Gold Reign Mijares. Marry me." Her jaw dropped when I knelt before her. She blinked twice and she really looks beautiful! Pinagtititnginan na kami ng ibang mga customers at maging ang mga salesladies.

"What do you think you're doing, Bryce?" Her brows furrowed and it gave me goosebumps. Matagal ko na itong planong gawin sa kanya. And I think I can't take her rejection if ever.

"I'm asking you to marry me, what's wrong with that?"

"Are you out of your mind? Basta-basta ka na lang susulpot at sasabihin mong papakasalan kita?"

"I didn't see anything wrong with that, Reign. Mahal kita, 'yon ang mahalaga. Nakalimutan mo na bang bigla ka ring sumulpot noon sa unit ko at umakyat ng ligaw?" Her cheeks turned red, I grinned. But the next thing she said killed all my hopes and dreams...

"Hindi na kita mahal. Kasal? Wake up, Bryce. Even in your dreams, it won't happen." Her words shattered my whole being. Sobrang sakit. Tinalikuran niya na naman akong umiiyak. But this time, it's different. She left me crying on my knees.

Pero hindi pa rin ako susuko. Agad kong tinawagan si Edmund.

"Sir?"

"Let's proceed to plan B, Edmund. I want it done, pronto!"

"Alright, Sir."

I will win you back, Reign. I promise.

-GREATFAIRY

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top