TSL 26: Gone

"UNCLE, pa burger naman diyan, samahan mo na rin ng sundae at fries. Nami-miss ko na ang panlilibre mo."

"No, masyado ka nang matanda para kumain sa fastfood, young man."

"Sige na po, please?"

"No."

"Please po? Magpapakabait na po ako, promise! Hindi ko na ibibigay sa mga chatmates ko ang mga pictures mo."

"No."

"Hindi ko na po kayo papaalisin sa bahay namin."

"It's still a no."

"Please--"

"No. Stop it, Xanley. Hindi puwede at ayoko."

"Ang kuripot mo talaga, Uncle! Pareho kayo ni Mommy. Buti pa si Miss Beautiful, mabait. Kailan ko kaya ulit siya makikita? Tsk! Hindi ka marunong tumupad sa usapan, Uncle. Ang sabi mo pag natalo kita sa basketball ililibre mo 'ko."

I heaved out a sigh and stood up from my swivel. Fourteen years old na hindi pa rin nagbabago ang isang 'to. Isip bata pa rin.

"Oo na, oo na. Pambihira ka. Binata ka na mahilig ka pa rin sa fastfood."

"Bakit? May edad na ba ngayon ang kumain sa mga ganyan? Aba! Bago 'yon ah."

"Tsk. Ang laki ng allowance na ibinibigay ni Ate Bridgette sa'yo magpapalibre ka pa."

"Uncle, uncle, uncle. Ang usapan ay usapan. Tuparin mo 'yon."

"Tsk. Let's go. Ang daldal mo. Lalaki ka ba talaga?"

"Pambihira ka Uncle! Sa gwapo kong 'to?"

Napapailing na lamang ako sa pamangkin kong lumaki yatang mas mayabang pa sa'kin. Mas madami pang manliligaw kaysa sa'kin noon.

Bahagya pa akong natigilan sa harap ng fastfood na palagi niyang pinupuntahan noon. Matagal-tagal na rin akong hindi nakapunta sa ganitong lugar. Sa tuwing nakikita ko kasi ang malaking bubuyog naaalala ko siya.

It's been five years since I last saw her. Pagkatapos ng pag-uusap na iyon ay wala na akong naging balita sa kanya. Maybe she left the country. Sinubukan kong hanapin siya pero palagi akong nasasabotahe ng kapatid at tatay niya. They really never wanted me to be with her.

Pero nangako ako sa kanya at sa sarili kong hihintayin ko siya. Kahit gaano pa katagal, titiisin ko. It's been a difficult for me without her in five years. Kahit anong gawin ko ay hindi ko pa rin siya makakalimutan. Hindi ko rin magawang tumingin sa ibang babae. It's always been her and will always be. Siya lang ang babaeng minahal at minamahal ko ng ganito.

Pero hanggang kailan ako maghihintay? Gaano katagal ang matagal? Habang tumatagal na hindi ko siya nakikita ay para nawawalan ako ng pag-asa. Kung puwede ko lang sanang ibalik ang oras, hinding-hindi ko gagawin ang kagaguhang nagawa ko sa kanya. Pero gumawa talaga ang tadhana ng paraan para parusahan ako.

Heto ako ngayon, naghihintay. Nagdurusa sa mga oras na hindi ko siya kasama. Palagi kong naaalala ang mga masasayang sandali na magkasama kami.

"Uncle, natulala ka diyan!"

I was brought back to the present when Xanley snapped at me. I sighed for the nth time. Gusto ko siyang pektusan dahil sa dami ng puwedeng puntahan dito pa talaga niya napiling magpalibre.

"Sa restaurant na lang tayo kumain."

"Gutom na ako, Uncle. Ang dami mong arte. Nandito na tayo pupunta ka pa sa iba. Isa pa trip kong kumain ng burger ngayon. Halika na."

Wala na akong nagawa kundi ang sumunod sa kanya patungo sa counter para pumila. Eversince she left, everything changed. Nakikisabay lang ako sa panahon. I ditched my party and celebrated my birthdays alone. Natulog ako habang nagkakasiyahan ang lahat sa Pasko. I spent my time in my office during Valentine's Day. Hindi na rin ako umuwi sa mansyon sa loob ng limang taon. Hindi ko pa kayang makita si Nanay Divina.

"Uncle, kumuha ka nga ng straw. Maghahanap ako ng puwesto natin." Hindi na ako umangal pa sa magaling kong pamangkin. Kung makikita siguro ako ng mga kakilala ko sa negosyo sa loob ng fastfood, magtataka sila.

Tinungo ko na lang kinalalagyan ng straw dispenser. Tumayo muna ako sa likod ng madreng kumukuha din ng straw. May kasama siyang dalawang bata sa magkabilang gilid niya. Mukhang mga street children ito na dinala niya lang dito. I smiled on my thought. I remember her again. Mahilig din siya sa mga bata.

Nakangiti akong umurong para makadaan siya ngunit biglang bumilis ang tibok ng puso ko pagkapihit nito paharap sa direksyon ko. I felt deaf out of the sudden. She smiled when our gaze finally met. My body refused to move while staring at her angelic face full of glee.

Wala akong nakikitang galit o kung anu pa mang emosyon sa kanyang mukha maliban sa kasiyahan. Her face lit with enthusiasm and warmth. My heart throbbed an unfamiliar feeling. I don't know how to feel.

I've dreamed about seeing her in veil, but not in black one... It never occurred to me that I would be seeing her, wearing a black cowl with white scapular and an ornate cross pendant hanging on her neck.

"R-Reign..." Finally I was able to utter a word. She smiled when she finally recognized me. Wala man lang akong nakikitang pagkagulat sa kanyang mukha pagkatapos ng limang taong hindi kami nagkita.

"Bryce Maxell!" She smiled again, making my heart melt in indifferent way.

"Sino po siya, Sister Reign?" tanong sa kanya ng isa sa mga batang kasama niya.

"Siya si Kuya Bryce ninyo. Kaibigan ko siya noon. Ngayon nga lang ulit kami nagkita."

Tila aliw na aliw siya. Masama bang masaktan ako na naging madre na pala siya samantalang limang taon akong naghintay na bumalik siya? Tapos sasabihin niyang kaibigan niya lang ako noon?

"M-madre ka na?" I know my question sounds fool but I just can't take what's happening.

"Ang mabuti pa sa iisang mesa lang tayo pumwesto para makakuwentuhan naman natin ang Kuya Bryce n'yo," she said with glee. Nagmistula akong tanga na sumunod sa kanya at umupo sa mesa. Nagulat din si Xanley pagkakita sa kanya.

"Miss Beautiful?!"

"Xanley!"

"Miss Beautiful, madre ka na po?" Namilog ang mga mata ni Xanley habang tinitingnan siya mula ulo hanggang paa. Ngunit ngumiti lang siya at inalalayan ang mga batang umupo.

"Ang laki mo na, Xanley. Parang kailan lang ang kulit-kulit mo pa."

Xanley stared at me in awe. I saw indifference in his eyes too. Just like me, maybe he couldn't believe he would meet her after five years.

Nang magsimulang kumain ay hindi ko magawang magsalita. Nanginginig ang buong katawan ko. I could hardly chew the food I ate. I was just staring at her the whole time she fed the two kids with her.

Nang matapos kumain ay binigay ko kay Xanley ang ATM card ko.

"Mga bata, sumama muna kayo kay Kuya Xanley n'yo. Ibibili niya kayo ng kahit anong gusto n'yo. Kakausapin ko muna si Rei--- si S-sister R-reign."

"Talaga po? Ay gusto ko po 'yon. Salamat po Kuya Bryce!"

I breathe heavily when they left. Bago 'yon ay pinaalalahanan muna niya ang mga batang huwag maglikot. The way she talks is too different from what I used to know her before.

"Kamusta ka na?" she asked after a long silence. I struggled to answer her query. Is she for real? Pagkatapos ng limang taong pinaasa at pinaghintay niya ako sa wala, 'yon lang ang itatanong niya sa'kin?

"Eto, naghintay sa wala. Sa limang taon ba na pinagmukha mo akong tanga sa kahihintay sa'yo, hindi mo naisip na nasasaktan ako? Limang taon kitang hinanap." Binigyan ko ng diin ang bawat salita. I don't care if it sound rude, I'm hurting.

"Hindi kita pinaghintay—"

"Then ,what?" Hindi ko na napigilang taasan ang boses ko. Napapatingin na sa amin ang kumakain sa kabilang table.

"I love you, Bryce... but I love Him more." She said with sympathy. I could see contentment in her eyes. Na parang ordinaryong tao lang ako sa kanya. I can see a different emotion in her eyes. Hindi katulad ng dati.

"Isinuko ko na ang buhay ko sa Kanya. At napakasaya ko, Bryce. Hindi ako ang babaeng makakapagbigay sa'yo ng pagmamahal na kailangan mo. Ipagdadasal ko na sana maging masaya ka na. Darating din ang panahon na makikita mo ang babaeng mamahalin mo nang totoo." Her words were genuine. Walang bahid ng hinanakit sa kanyang boses. I felt dumb after she left. Naiwan akong tulala pagkaalis niya.

I didn't know how I was able to arrive at my pad. Sobrang sakit ng dibdib ko na parang sasabog. Pinagsusuntok ko ang pader pagdating ko pero wala akong nararamdamang sakit.

I cried. Bakit ang dali lang sa kanyang kalimutan ako?

I punched the wall over and over again but it didn't lessen my agony. I sat desperately on the floor, and for the nth time...

I wept for my broken heart. I let my tears flew down. She's gone. She's gone forever..

-GREATFAIRY

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top