TSL 25: Goodbye

 "UK naman. Kausapin mo naman ako. Please?" Para ako asong sunod ng sunod sa kanya pero hindi niya pa rin ako pinapansin. And I'm starting to get pissed.

"U-UK--" Ngunit dire-diretso pa rin siyang naglakad patungo sa counter bitbit ang librong napili niya. Agad akong pumwesto sa tabi niya pagkarating ko.

"195 pesos po, Ma'am."

I immediately took my debit card out of my wallet to pay for the book but she already handed a cash. I sighed.

Napilitan akong sundan na lamang siya nang walang lingun-lingong lumabas siya ng bookstore pagkatapos niyang magbayad. She walks naturally. Hindi rin mabilis, hindi rin mabagal.

"May bibilhin ka pa ba, Uyab Ko?" Pinalambing ko ang boses ko at pilit siyang sinasabayan siya paglalakad palabas ng mall. Nagmumukha akong sumusuyo ng nagtatampong asawa. Pero parang ganun na nga rin ang dating. Tsk!

"Reign, please hear me out! I know you're just playing deaf."

We finally reached the parking lot. Akma siyang kukuha ng taxi pero kinuha ko ang pagkakataong iyon para yakapin siya mula sa likod. I missed her so much!

"Ano ba'ng dapat kong gawin para kausapin mo na ako, Uyab ko?" I felt her stiffened when I tightened the hug. I grinned. Hindi pa rin siya sumasagot kaya lalo kong hinigpitan ang yakap.

"We will stay like this until you talk to me. Magsalita ka naman, Reign. I missed you so much!" I heaved out a heavy breath. Kung hindi ko lang 'to mahal--

"Let go." I felt a pang on my chest when she finally spoke, but I did not expect the words she said. I shook my head.

"Kahit may nakatutok pang baril sa ulo ko para bitawan ka ay hinding-hindi ko gagawin. Wala akong pakialam kung hindi mo na ako mahal pagkatapos ng lahat ng nagawa ko. I understand, UK. Kausapin mo lang ako." I plead. I will never let go of this woman again. Pinapangako ko 'yon sa sarili ko.

"Let go," she uttered plainly. Her cold voice brought shivers on my bones.

"I won't. And I will never let you go--aah!"

Napaigik ako sa sakit nang bigla niyang tinadyakan ang paa ko. Ang talim ng takong ng sapatos niya. Hindi ko namalayang nabitawan ko na pala siya at ngayon ay kaharap ko na.

Aish! Kung hindi ko lang talaga mahal ang babaeng 'to nakatikim na 'to sa'kin.

"U-UK naman! Masakit 'yon, ah."

"Masakit? Kulang pa 'yan sa ginawa mo sa'kin! Ang sugat sa paa mo hihilom 'yan pero ang ginawa mo sa'kin ay habang buhay nang magiging sugat dito sa dibdib ko!" Natulala ako sa mahabang sinabi niya sa unang pagkakataon. She even pointed her chest.

"UK, pag-usapan natin 'to--"

"Wala tayong dapat pag-usapan, Bryce. Alam kong alam mo 'yan."

Bryce. She used to call me Pangga. Ngayon ko lang naramdaman na masakit pala sa pandinig ang sarili kong pangalan.

Ganito pala kasakit ang nararamdaman niya noong mga panahong ako ang nagsasabi ng mga katagang 'yon sa kanya.

"U-UK--"

"Stop calling me, UK! Masakit sa tenga, at puwede bang lubayan mo na ako? Wala tayong dapat pag-usapan."

"Meron. Meron tayong dapat pag-usapan. Let's talk about us, Reign. Once and for all, ayusin natin 'to." She stared at me as if I'm the stupidest creature on Earth.

"Us? What are you really up to, Bryce? Bakit? May naging tayo ba? 'Di ba ikaw na rin ang nagsabing walang tayo? Nagpapatawa ka ba? Wala tayong dapat ayusin at kahit kailan hindi mo na maaayos ang nabasag na."

Sobrang sakit. Her outburst brought an invisible knife that stabbed my heart. I could not see any affection in her eyes. Para ngang diring-diri siya sa'kin.

"Reign, please listen to me." I tried to hold her arm but she slapped my face, making my head tilted. She grimaced.

"Listen? Ang kapal ng mukha mo para sabihin 'yan sa'kin! Bakit? Nakinig ka ba sa'kin noon? Pinakinggan mo ba lahat ng paliwanag ko? Hindi! Tapos ngayong unti-unti ko nang natatanggap ang lahat saka ka manggugulo!"

Bahagya akong natulala. Karma na ba 'to sa'kin? Ang bilis naman. Hindi ko inakalang amasona din pala ang mahal kong 'to.

"Hindi ko sinasadya 'yon, Reign. Please, maniwala ka. Mahal na mahal kita."

"Stop! Stop it, Bryce!"

"R-Reign..."

"Huwag mo akong paikutin sa palad mo. Mahal? Nakalimutan mo na ba ang sinabi mong hindi mo'ko mahal? You were just confused, right? Attracted ka lang sa'kin. Puwede ba tigilan mo na ako? Ayoko na! Hindi na kita mahal! Ubos na! Wala na akong natitirang pagmamahal para sa'yo! Tinanggap ko sa sarili ko no'ng sinabi mong hindi mo 'ko mahal kahit parang pinapatay ako sa sobrang sakit kaya sana tanggapin mo rin ang katotohanang hindi na rin kita mahal."

My heart literally twinged in pain. I've expected this to happen but it didn't occur to me that it would be as painful as this. Hindi ko kayang hindi na niya ako mahal.

"Galit ka lang kaya mo nasasabi 'yan. You still love me, Reign. Huwag mo akong itulak palayo kasi hindi ko gagawin 'yon. Mahal kita! At kung kung kailangan mo ng oras para makapag-isip, pagbibigyan kita. Pero hinding-hindi kita bibitawan."

"Tama na, Bryce. Tama na. Paulit-ulit ko pa ba kailangang sabihin sa'yo na hindi na kita mahal?"

"No! Hindi ako naniniwala!" Alam kong tulad ko noon ay nababalot lang siya ng galit. I sounded desperate but I don't care.

"Kung mahal mo nga ako hahayaan mo akong hanapin ang tunay na makakapagpasaya sa'kin, Bryce. Kailangan na nating layuan ang isa't isa. Kailangan nating parehong mag-isip. Kung tayo talaga ang itinadhana, mangyayari at mangyayari 'yon."

I froze. Is that what we really need? Maybe. Maybe she's right.

"Kung iyon ang paraan para mahalin mo ulit ako, gagawin ko. Pero hihintayin kita, Reign. Maghihintay ako hanggang sa may puwang na ulit ako diyan sa puso mo--"

"Huwag mo akong hintayin. Kapag ang oras tinangay na ng panahon, hindi na iyon maibabalik pa. Kapag ang puso nabasag hinding-hindi na iyon titibok pa."

"We both need space. Hanapin mo rin ang sarili mo. Goodbye, Bryce..." She said before turning her back on me. I was left dumbfounded.

Did she just bid goodbye? Bakit ang selfish niya? Am I not deserving a second chance? Bakit ang dali lang mawala ng pagmamahal niya? Naghihiganti ba siya? Kung kinakailangan kong tiisin ang sakit na malayo sa kanya nakahanda akong indahin 'yon. Hihintayin ko siya. Mahal na mahal ko siya.

Pero hindi ko pala kaya. Lumipas ang isang linggo, dalawang linggo, hanggang naging isang buwan. Paano ko hahanapin ang sarili ko kung wala siya? Paano ko hahanapin ang sarili ko kung ang kalahati ng puso ko nasa kanya?

"Hindi nakakatulong ang alak sa'yo. Ayusin mo ang sarili mo, Bryce. If you really want to deserve her." Ate Bridgette said.

But every time I drift to sleep, her last words linger on my mind...

Goodbye, Bryce...

-GREATFAIRY

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top