TSL 20: No One Else

"H-HINDI niya raw ako minahal, A-ate. Attracted lang daw siya sa'kin noon."

Napahagulgol ako sa harap nina Ate Nisyel at Besh. Pagkatapos ko kasing umiyak nang magdamag ay niyaya ko silang lumabas at kumain. Kinuwento ko sa kanila ang lahat ng nangyari kahapon.

"Sige lang, Besh, ilabas mo lang 'yan. Mawawala rin ang sakit at lilipas din 'yang nararamdaman mo." Puno ng simpatya na wika ni Lucy at hinagod ang aking likod. Lalong tumulo ang aking mga luha. Tama si Besh, lilipas din 'to. Mapapagod ding umiyak ang mga mata ko. At sa pagkakataong iyon ay siguradong tanggap ko na ang lahat. Makakalimutan ko rin siya.

"Tahan na, Goldie. Huwag ka nang umiyak. Ang pangit, pangit mo na. Mukha ka nang biik na hindi pinapakain ng dalawang linggo. Ang sagwa mo ring umiyak, nakakasakit sa tenga. Ito oh, flavored fries. Sa'yo na 'yan basta tumahan ka na."

Bigla ako natigilan sa sinabi ni ate Nisyel kaya napaangat ako ng tingin sa kanya. Seryoso itong nakatingin sa'kin.

"P-pangit na 'ko?"

Nanlumo ako nang dahan-dahan siyang tumango. Mabilis kong pinahid ang aking mga luha at sumandal sa upuan. Dumaan ang pamilyar na kirot sa aking dibdib. Kaya siguro hindi na uli ako tinanggap ni Bryce kasi ang pangit ko na.

"Maganda ka pa rin kahit umiiyak ka, Besh. Kaya kung ako sa'yo huwag mong kimkimin ang sakit. Hindi ka makakapag-move on pag hindi mo nilabas 'yan lahat." Wika ni Besh Lucy.

"Alam mo, Goldie hindi gano'n 'yon. Huwag ka nang umiyak, nagmumukha kang bibe. 'Tsaka bakit mo ba iniiyakan 'yong Pangga mong 'yon. Hindi pa naman 'yon patay, di ba?"

Napasimangot na lamang ako sa kanilang dalawa. Seriously?! Ang tino nilang kausap. Lalo lang yatang sumasakit ang dibdib ko sa kanilang dalawa.

"Hindi kayo nakakatulong sa'kin!" Kinuha ko ang extra large fries at pinapak.

"Totoo naman ang sinabi ko, ah! 'Tsaka bakit nga pala dito mo naisipang pumunta, Goldie? Pinagtitinginan tuloy tayo ng iba."

Napatingin naman ako sa paligid. Totoo nga. Napabuntong hininga na lamang ako.

"Uwi na tayo." Tumayo ako at inalalayan ding tumayo si Ate Nisyel. Malaki na talaga ang tiyan niya kaya kailangang ingatan siya kundi lagot ako kay Kuya Skeet.

Inilibot ko ang paningin ko sa buong fastfood. Sumagi sa utak ko ang lahat ng nangyari few months ago.

Dito nagsimula ang lahat kaya dapat ay dito ko rin tapusin ang mga iyon. Iiwan ko ang mga alalang nabuo sa lugar na ito. Pinikit ko ang aking mga mata.

"Tara na."

Umalis kami sa lugar na iyon na may bigat sa puso ko. Pero pinapangako ko na sa muli kong pagbabalik dito ay hindi na ako iiyak. Hindi ko na maalala ang lahat.

Ayokong bumalik sa lugar na iyon na basag pa rin ako. Dahil ang bawat sulok ng fastfood na iyon ay nagpapaalala ng mga bagay na pumipiga sa aking dibdbib.

Oo, masakit. Napakasakit isiping parang bulang nawala sa'kin ang pinakamamahal ko. Maybe they're right, kung ayaw sa'yo hayaan mo. Dahil pag mahal ka niya hindi ka niya basta-bastang isusuko.

Possessiveness? Napatawa ako nang mapakla sa isip ko. Ideya lang 'yon. Walang katuturan. Tulad ng sabi ng karamihan, ang pag-ibig parang buhangin. The tightier your grip on it, the more it spills. Pero 'pag hinayaan mo lang sa palad mo, it will stay.

Maybe that's one of the reasons why he left me that easy. Nakakasakal siguro ako magmahal. Or maybe he really didn't love me like what he said. The thought of it shatters my heart into pieces.

Napakalalim ng iniisip ko kaya hindi ko namalayang nasa mansyon na pala kami. Yes, dito na ulit ako uuwi. I'm planning to give up the condo unit. After all, wala namang dahilan para manatili pa ako doon.

"Oh? Kamusta kayong tatlo? 'Tsaka, Nisyel, anak, alam ba ni Skeet na nandito ka?" bungad ni Mommy pagkapasok palang namin ng pinto.

"Hindi po, Mommy. Hayaan n'yo na po si Dee. Maglalaro kami ng hide and seek. Hi-hi-hi. Siguradong mag-aapoy na naman 'yon kahahanap sa'kin. Huwag n'yo pong sasabihing nandito ako 'pag tumawag siya."

Napangiti na lamang kaming tatlo kay ate Nisyel. Hindi ko talaga maiwasang mainggit sa kanya. God has perfectly made her for kuya.

"Hi po, Tita Amethyst!"

"Naku! Buti napasyal ka ulit dito, Lucy. Tamang-tama may nagluto ng adobo. 'Di ba paborito mo 'yon?" Ani Mommy kay Besh.

"Basta ikaw ang nagluto Tita, paborito ko naman lahat."

Tahimik lamang ako habang tumatawa silang tatlo. Hindi ko alam kung bakit pero hindi ko pa kayang tumawa. Mabigat sa dibdib.

"Kamusta naman ang pag-uusap n'yo ni Bryce, bunso?"

Napatingin ako kay Mommy nang itanong niya iyon. Ngunit nang magtagpo ang aming mga mata ay nag-uumpisa na namang magsilaglagan ang mga butil ng aking luha.

Niyakap niya ako nang mahigpit kaya ang tahimik na pagdaloy ng aking luha ay naging hikbi. I realized this what I need, a mother's hug.

"It's okay, anak. It's okay."

"M-mommy, ang sakit! Ang sakit, sakit!"

"Shhh-- Just let it out, anak. Lilipas din 'yan."

Nasa sofa na kaming dalawa ni Mommy at dumiretso naman sa kusina ang dalawa. Hindi ko maintindihan kung bakit gutom na naman silang dalawa samantalang kumain naman kami sa fastfood.

"M-mommy, wala na. Wala na talaga. A-ayaw na niya sa'kin."

"Ganun naman talaga pag first love anak. Masakit sa dibdib. Pero paglipas ng panahon makakalimutan mo din siya."

Sumubsob ako sa balikat ni Mommy habang hinahagod-hagod niya ang aking likod.

"P-pa'no ko ba siya makakalimutan, Mommy? Hindi ko alam ang gagawin ko, ang sakit."

"Gagawan natin ng paraan 'yan, anak. Why don't you join the retreat?" Bigla akong natigilan at humarap kay Mommy.

"Retreat?"

"Yes. Do you remember, Sister Hena? Ang nag-alaga sa ate Nisyel mo. Actually, she told me to invite you. Para 'yon sa mga young professionals. Siguradong malaking tulong 'yon sa'yo para makapag-meditate ka."

Napaisip ako. Siguro nga talaga kailangan mag-unwind para makapag-isip ako nang maayos. "Alam mo anak, sa araw-araw na ibinibigay ng Diyos sa'tin hindi puwedeng puro na lang saya. Pagsubok lang 'yan sa'yo. Maybe this is His way to teach you a lesson. Maybe He is just teaching you to grow. Hindi naman Siya magbibigay ng pagsubok na hindi mo kakayanin eh. O baka naman kasi nakalimutan mo Siya kaya nangyayari 'to kasi gusto Niyang maalala mo Siya."

Napayuko na lamang ako. It's true. Magmula nang umalis ako dito sa mansyon at tumira sa condo ay wala na akong ibang inisip kundi si Bryce. Even I wake up in the morning, ang monitor ng CCTV camera agad ang tinitingnan. Nakakalimutan ko man lang magpasalamat sa panibagong araw at panibagong buhay na ibinigay sa'kin.

"S-sorry, Mommy. Nakalimutan kong isagawa ang mga itinuro mo."

"It's okay, anak. Ang mahalaga narealized mong may mali ka. I really think it's time for you to meditate on what you really want."

"Hindi lang sa iisang tao umiikot ang ating mundo. Malay mo iba pala talaga ang gusto mo. Nabulag ka lang ng ideyang mahal mo siya."

"No one else could help you survive a heartbreak but God. No one else, anak."

Tama. And if Bryce really loves me, he wouldn't have judged me. A relationship without trust is not healthy anymore. Love is not just about romantic intimacy. It should let you grow. It should develop your personality. Siguro nga inakala kong mahal niya ako kasi pinapakilig niya ako.

Bakit ko ba hinahayaang baguhin ako ng kabiguan ko sa pag-ibig? I used to be a carefree and God-fearing young woman. I used to be strong.

Maybe I should be happy instead because I learned from that heartbreak. Dapat maging masaya na ako kasi finally may matatawag na akong "ex."

I smiled on that thought. Kahit ba hindi naging kami maituturing ko pa rin siyang "ex?"

Maybe.

And maybe not. Maybe I should call him, "ex-almost-boyfriend." Yes, maybe it should be that way. Mas okay na 'yon kaysa "almost ex-boyfriend" kasi wala namang naging kami like what he said.

* * *

"MABUTI at nakapunta ka, iha."

Nakangiting mukha ni Sister Hena ang bumungad sa amin pagkapasok sa retreat house.

"Wala naman kasing gagawin sa bahay, Sister. Oo nga pala, si Lucy po, bestfriend ko." Isinama ko kasi si Lucicar para hindi ako ma-out of place sa ibang attendees.

"Hello po!"

"Magandang umaga sa'yo, Lucy. Sana mag-enjoy kayo rito."

"Oo naman po."

I smiled as I roam my gaze around. May mga lagpas sampung madre akong nakikita. Panay nakangiti sila habang nakikipag-usap sa mga kararating lang. Mga isang oras pa naman bago magsisimula ang activities at may gaganapin ding healing.

Mabuti pa ang mga madre. Nakikita kong masaya sila sa napili nilang buhay.

"Sister Hena, paano po ninyo nalaman na gusto n'yo palang mag-madre?" Ngumiti siya.

"It will come from your heart, iha. The holy spirit will guide you to realize what your heart truly desires. Meditation on his words. Marami kang pagdadaanan para malaman iyon."

Right there and then I realized, maybe God has a different plan for me.

I entered the retreat house with a smile on my lips.

Hearbreak? Sa isip ko lang pala 'yon. I'm not broken. Naisarado lang ang isang bahagi ng buhay ko nang hindi sinasadya. And now...

I'm prepared to open it again.

-GREATFAIRY

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top