TSL 17: Vivid
"HEP! Huwag na huwag kang iiyak sa harapan ko! Ilang beses kitang binalaan noon, di ba? Nakinig ka ba? Hindi!"
Napangiwi ako sa ibinulyaw ni Lucy. Ikinuwento ko kasi sa kanya ang lahat nang nangyari.
"Hindi ko naman alam na ganito ang kahihinatnan Besh."
"Hindi mo alam kasi tanga ka! Sinumpong ka lang ng kalandian naging bobo ka na!"
"Grabe ka naman, Besh! Kalandian agad? Hindi ba puwedeng nagmahal lang muna?"
"Tse! May gana ka pang mangatwiran eh, 'no? Sinabi ko lang na tanga ka pinanindigan mo talaga. Para akong matandang ulyanin sa kaka-remind sa'yo pero hindi ka nakinig. Tapos ngayon iiyak-iyak ka! Nakakabwisit ka! Alam mo 'yon?"
"E di wow--awww!"
"Nakakaasar ka talagang Ginto ka! Ang sarap mong ihulog nang patiwarik sa tulay!"
Tinakpan ko na lang ang magkabilang tenga ko sa sobrang ingay ni Lucicar. Pambihira talaga! Bakit ba sa dinami-dami ng puwedeng maging kaibigan sa mundo, siya pa ang ibinigay sa'kin?
Gustong-gusto ko nang umiyak sa kanyang harapan pero parang literal na bumabalik sa mga mata ko ang aking mga luha sa tuwing tumatalak siya.
"Oo na! Tanga na kung tanga! Malandi na kung malandi! Kasalanan ko ba kung mahal ko siya? Bakit? Ginusto ko bang mangyari ito? Ginusto ko bang magsinungaling sa kanya? Ginusto ko bang mahalin siya? Siya lang naman ang gusto ko, eh! Pero bakit ang dami pang arte ng tadhana? Bakit ang daming twist sa buhay? Bakit ayaw niyang sumaya ako? Ano bang mali ang nagawa ko, ha? Sabihin mo nga! Masama bang nagsinungaling ako para hindi siya mawala sa'kin?"
Life is indeed unfair. Ginawa ko naman lahat ng alam kong kabutihan pero palagi niya na lang akong pinapahirapan.
Kumunot ang aking noo nang mapansing biglang tumahimik si Besh. Nang tingnan ko siya ay tulalang nakanganga ito. Kakabalik niya lang kahapon mula sa probinsya.
"Hoy!"
"Ay! Tibaklang na may abs!" gulat nitong saad pagkatapos ko siyang sundutin sa tagiliran.
"Oh? Anyare sa'yo?"
"In loved ka nga talaga, Besh! Akala ko nangtitrip ka lang sa buhay mo. Sorry naman! Akala ko kasi wala ka naman talagang feelings kay Bryce. I thought, you only find him attractive."
Sumandal na lamang ako sa sofa sasobrang inis. Nandito kami ngayon sa unit ko. So all these times hindi naniniwala si Besh? Inis ko siyang tiningnan na ikinangiwi niya.
"Seriously? Naisip mo 'yon?"
"Sorry! Hindi lang kasi ako sanay na gano'n ka. Sino ba naman ang mag-aakalang ang isang NBSB na katulad mo eh biglang na-in loved tapos ikaw pa ang nanliligaw sa lalaki."
"Napaka-supportive mo talagang bestfriend."
"Pasensya na. Sanay kasi akong puro kalog lang 'yang laman ng utak mo. Akala ko hindi uso sa'yo ma-inlove, eh." Napasimangot na lamang ako. Gano'n na ba talaga ako kahirap paniwalaan?
"Pero seryoso na 'to, Besh. Ano na ang gagawin mo ngayon?"
"Hindi ko alam. Ilang araw na niya akong iniiwasan. Pinuntahan ko nga siya sa opisina niya para makausap pero palagi akong tinataboy ng sekretarya niyang mukhang penguin. Hindi na din siya umuuwi dito sa condo niya."
"Malamang iniiwasan ka nga. Sino ba naman ang hindi magagalit sa ginawa mo?"
"Pero bakit gano'n? Bakit ayaw niyang pakinggan ang paliwanag ko, Besh?"
"Ganyan talaga, Besh. We only seek justice for our hearts when we are hurt, not contemplating for the truth behind. Ignorance Besh, iyon 'yon. If you know what I mean."
Napabuntong hininga ako nang malalim. Ano bang dapat kong gawin para kausapin na ako ni Pangga? Kahit ilang araw palang kaming hindi nagkikita at nagkakausap ay parang ilang taon na ang nakalipas para sa'kin. Hindi ako sanay sa ganitong set up. Hindi ako sanay na hindi niya ako pinapansin.
"Alam mo, Besh, may mga lalaki talagang matataas ang pride pagdating sa ganyan. Hindi porke't lalaki siya, siya lang ang gagawa ng paraan para pakiligin ka. Malay mo naghihintay lang pala siyang gumawa ka ng paraan para maipakita mo sa kanya na mahal mo nga talaga siya. Effort, Besh. Iyon ang kailangan mo."
Napatingin ako kay Lucicar. Siya ba talaga 'to? Bakit parang naging albularyo siya bigla?
"Oh? Bakit ganyan ka makatingin?" An'ya.
"Ikaw ba talaga 'yan, Lucicar--aww!" Makabatok ang isang 'to parang nakababatang kapatid lang ako. Tsk!
"Kaya ka napapahamak sa pinaggagawa mo kasi hindi mo siniseryoso ang mga sinasabi ko."
"Sabi ko nga, Besh."
* * *
I MADE sure I look decent today. Pinili kong isuot ang kimona style na Filipiniana gown. Gold din ang kulay nito kaya nangingintab. In this way, madali akong mapansin ni Pangga.
Ilang beses akong huminga nang malalim sa harap ng salamin bago ko naisipang lumabas ng unit. Pagkababa ko ng condominium ay agad kong nabungaran ang guwardiya na nakakunot ang noo at parang may gustong sabihin. Napapakamot pa ito sa kanyang batok.
"Ano po 'yon, kuya? May sasabihin kayo?"
"E Ma'am, huwag n'yo sanang mamasamain. Maraming beses ko na kasi kayong nakikitang nakasuot ng ganyan. Marami ka bang pinupuntahang formal party?"
Napatingin naman ako sa sarili ko at akward na ngumiti kay kuya.
"A-ah... O-opo. He-he." Napatango-tango naman ito at ngumiti.
"Bagay po sa inyo, Ma'am. Tiyak, lalong mahuhumaling sa inyo si Sir Bryce."
"S-salamat po, kuya!" Sana magdilang anghel siya.
"Walang anuman po, ingat kayo."
Kumaway ako kay kuya bago sumakay ng taxi. Siya pa ang nagsarado ng pinto ng sasakyan.
"Kuya, sa VGC building po tayo."
Habang papalapit nang papalapit sa opisina ni Pangga ay lumalakas ang kabog ng aking dibdib. Siguradong nandun siya dahil sa tracking device na nakakabit sa kanyang sasakyan.
Pagkababa ko ng taxi ay agad akong tumakbo papasok sa lobby bago pa ako mapansin ng mga guwardiya na nakatunganga sa gadgets.
Hingal na hingal ako pagkalabas ko ng elevator. Alam kong pinagtitinginan ako ng mga nakapansing empleyado pero hindi lang nila pinapahalata. Hindi talaga nawawala ang mga etsusera sa mundo. Gano'n talaga siguro ang role nila sa mundo kaya sila ipinanganak.
"Appointment under the name, Gold Reign Mijares, please?" I tried to sound intimidating pero mukhang hindi tumalab sa penguin na 'to.
Naalala ko pa ang araw na kinailangan ko pang makipag-set ng appointment para lang makausap si Pangga.
"For a while, Miss. Aabisuhan ko lang si Sir." Tumango ako at naghintay sa kanya. Buti naman bumait siya. Kung hindi makikita niya talaga kung paano lumipad ang kamao ko.
"Puwede ka nang pumasok." Pagkasabi niya no'n ay agad akong lumapit sa pinto ng President.
Huminga muna ako nang malalim bago kumatok ng tatlong beses. This is it!
Nakayuko siya pagpasok ko at nakahawak sa kanyang sintido habang may binabasa.
"G-good m-morning." Umangat siya ng tingin saka sumandal sa swivel chair.
"What do you want?"
Napayuko ako at umupo sa visitor's chair. Mukha yatang wala talaga siyang balak na paupuin muna ako.
"P-Pangga--"
"You only have five minutes to talk and after that you have to leave this office." Sungit!
"P-pangga, pakinggan mo naman ako, oh? Hindi ko talaga sinadyang magsinungaling sa'yo." Hindi siya sumagot sa halip ay tahimik lang itong nakatingin sa'kin. Walang emosyon ang kanyang mga mata kaya napaiwas ako ng tingin. Hindi ko kayang salubungin ang kanyang mapanuring titig.
"Wala akong alam kung paano pinapatakbo nina Daddy at Kuya ang negosyo ng pamilya namin... Wala rin akong planong pumasok do'n. Bago pa man kita nakilala hindi ko alam na isa ka pala sa m-mga c-competitors. Wala akong intensyon o anumang masamang balak sa'yo. Mahal kita. Mahal na mahal. Hindi ko ginustong magsinungaling sa'yo. Natakot lang ako nang malaman kong hindi maganda ang tingin mo sa pamilya ko. Ayokong iwan mo 'ko, ayokong magalit ka sa'kin noon. Lalo na't hindi ako sigurado kung may nararamdaman ka na sa'kin. I'm so sorry, Pangga."
Mahabang katahimikan ang namayani. Hindi ko alam kung ano ang reaksyon niya dahil bahagya akong nakayuko. Kahit yata ang paghinga niya ay hindi ko naririnig.
"You may leave." Napanganga ako pagkatapos kong marinig iyon mula sa kanya.
"Pangga, napapatawad mo na--" Hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko nang muli siyang magsalita.
"Let's dine out later..." an'ya. "To the place where we first met." Tumango ako at biglang nabuhayan ng loob. Akala ko wala nang pag-asa.
"O-okay. Thanks, Pangga." Hindi rin siya sumagot at tinanguan lang ako.
Magaan ang dibdib kong lumabas ng kanyang opisina. Bakit kaya naisip ni Pangga na magkita kami fastfood na nasa mall? Maybe he wants us to start all over. Sabagay. Magandang ideya 'yon para makapagsimula ulit.
Starting over is the best way to erase bad memories. Ibig bang sabihin nito back to zero rin ang status namin? Napabuntong hininga ako. 'Di bale na, ang importante tinanggap niya ang sorry ko.
* * *
BAGO umalis ng condo unit ay nagsend muna ako ng mensahe kay Pangga na papunta na ako ng mall.
From: Pangga
Okay. I'm on my way too. Choose the seat in the right most corner.
Agad kong hinagilap ang upuang tinutukoy ni Pangga. Pero bago 'yon ay umorder muna ako ng sundae habang naghihintay.
Pagkaupo ko ay agad akong humigop mula straw. Ngunit kumunot ang noo ko nang mapansin ang brown envelop sa ibabaw ng mesa. Ang akala ko kanina ay naiwan lang na basura, ngunit nagulat ako nang makita kong nakasulat ang buo kong pangalan.
Nag-aalangang kinuha ko ito at binuksan. Tumambad sa'kin ang mga litrato namin ni Clinton na naghahalikan. Biglang nanginig ang aking katawan ko at nagsilaglagan ang aking mga luha.
The pictures are vivid. At halatang-halata ang aking mukha.
Tiningnan ko ang cellphone ko nang umilaw ito. Kumirot ang dibdib ko at pinigil ang hikbing kumakawala sa lalamunan ko nang mabasa ko ang mensahe.
From: Pangga
Save your explanation. I don't need any of it.
-GREATFAIRY
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top