TSL 15: Coincidence
IT'S BEEN two days pero hanggang ngayon wala pa rin akong balita kay Clinton. That jerk! Buti nga sa kanya. Hanggang ngayon natatawa pa rin ako sa video niya.
I made sure na walang nakakita ng nangyari. I hired somebody from the M&C Detectives to hack the CCTV camera. Hindi naman kasi ako kasing galing ni kambal. Basics lang ang alam ko.
I also produced several copies of the video para kung sakaling magkagipitan ay may pang-blackmail ako kay Clinton.
From: Mommy
Anak, sa restaurant tayo ng Tito Caleb mo bukas. Ingat. I love you!
Agad akong nagtipa ng reply sa text message ni Mommy. I miss them. Matagal-tagal na rin kaming hindi lumabas na buong pamilya. Liban sa may sarili nang pamilya si Kuya Skeet ay palagi na lang sinusolo ni Daddy si Mommy. Kailangan daw kasi nila ng "quality time." Ang kambal ko namang si Silver ay nasa Japan pa rin hanggang ngayon. Desidido talagang maging secret agent ang isang 'yon.
"Rise and shine, Pangga!"
Napatawa ako nang hindi magkandaugaga sa pagbangon si Pangga. Mukhang nagulat ko yata siya.
"Sorry, Pangga!"
"Ang aga-aga mo namang mambulabog. Tss."
"Ang aga-aga nakasimangot ka na naman, Pangga! Maaga pa naman akong gumising para ipagluto ka."
Bigla naman siyang natigilan at tiningnan ako na parang di makapaniwala.
"You did?"
"Of course, Pangga! Wala ka bang bilib sa talento ko?" Napangiti naman siya at hinatak ako paupo sa kandungan niya.
"I should know. Everything that you do surprise me, even the least one. You little creature. Pft!" Napasimangot ako sa huli niyang sinabi. Palagi niya talagang pinapamukha sa'kin na maliit ako.
"Kainis ka talaga! Gahasain kita diyan, eh!"
"I am actually planning to do that to you right now!"
"Aaaahhh!" Nagulat ako nang bigla niya akong pinahiga sa kama at kinaibabawan.
"T-totoo? Hindi ka talaga nagbibiro?" Kinakabang tanong ko. Kahit burara ako, hindi naman ako malandi para bumigay agad. Hindi talaga puwede. But I feel something hard poking my belly, that made my eyes went wide.
"He-he-he... P-pangga k-kasi..."
"My buddy is ready to fight, baby." He said huskily.
"E-eh... He-he. Hindi pa handang i-pop ang cherry ko Pangga. K-k-kasi--"
"Pft! Hahahahahahahaha!"
I stared at him unbelievably. Ang weirdo talaga ng future hubby ko. Napapahawak pa ito sa kanyang tiyan habang natatawa.
"Ha-ha-ha-ha-ha-ha!"
"Kaya mo pa ba Pangga?"
"Ha-ha-ha-ha-ha!" Pinaypayan ko na lamang siya gamit ang kamay ko. Kawawa naman. Hinihingal na sa kakatawa.
"Seriously? You really think I will pop your cherry? Ha-ha-ha-ha!"
Sa inis ko ay pinalo ko siya ng pillow pero tinawanan lang ako.
"Sorry, I can't help it. Pft! Let's eat. I want to know how good you are in cooking."
"E-e-eh, kumain na ako Pangga. Tsaka para lang talaga sa'yo 'yan."
"Really? Let me see." Tumayo siya at tinungo ang side table kung saan nakapatong ang niluto ko. Ayan na. 1... 2... 3--
"What's this?"
"Mushroom soup, Pangga. Hindi mo ba nakikita? Huwag kang masyadong mag-assume. Yan lang ang alam kong iluto." Itinaas ko ang kaliwang kamay ko at nag-peace sign. Wala naman talaga akong alam sa mga ganyan. Taga lamon lang ako sa bahay. Kaya nga sa tuwing nagluluto ako ay hindi ko pinapatikim sa iba.
"Silly!" Nangingiting napailing si Pangga. Hindi niya siguro inaasahang talented ako.
"Huwag kang mag-alala, Pangga. Mag-aaral akong magluto para sa'yo." Amusement is visible in his eyes when I said that. Nilapitan niya ulit ako at kinulong sa kanyang palad ang aking pisngi.
"You don't have to do that. Hmm? Kahit hindi ka pa marunong magprito ng itlog, mahal pa rin kita. Mahal na mahal kita, Uyab ko."
"Mahal na mahal din kita Pangga!" sagot ko at niyakap siya. Kailangan ko pa nga palang paaalalahanan ang sarili kong sa lagay na 'to ay hindi pa rin kami couple. Hindi.
"I should thank your parents for bringing the most wonderful woman in the world," malambing niyang sabi na ikinakirot ng aking dibdib.
"S-salamat, Pangga!" Siguradong mahaba-habang kumpisalan ang mangyayari pagdating ng panahon.
Half of my heart is flattered but half of it is bleeding, knowing that behind all of these is a terrible lie.
***
IT'S FRIDAY. At ngayon ang lunch namin ng buong pamilya. Of course with the absence of my twin, Silver. Good thing nagpaalam din si Pangga na okupado ang schedule niya ngayong araw kaya hindi kami makakapag-date.
Until now, I wonder why Bryce didn't ask anything about my family. May alam na kaya siya? Malamang wala pa. He should have confronted me if he already found out. Maybe it's about time tell him before it's too late. Ayaw kong malaman pa niya sa iba.
I just wore a simple peach fitted dress with a pair of peach pumps. Simpleng lunch lang naman at hindi ko na kailangang magpaganda. Itinali ko rin ang buhok ko para maaliwas ang aking mukhang. I just applied a face powder and lip tint. Saktong paglabas ko ng unit ay tumunog ang cellphone ko. Napailing na lamang ako nang makitang si Mommy ang tumatawag. Ang kulit!
"Hello? Mommy, papunta na po."
"Akala ko nakalimutan mo na anak. Ipapasundo na lang kita diyan, okay?"
"Don't bother, Mom, pababa na ako ng building. Sayang ang oras kung maghihintay pa ako ng sundo."
"Alright. Ingat anak. See you!"
"Thanks, Mom! See you!"
Good thing nand'yan na agad ang taxi na pinatawag ko pagkababa ko ng building. Hindi nagtagal ay narating ko ang restaurant na pagmamay-ari nila Tito Caleb. He's one of my Dad's closest friends eversince.
"Dad! Mom!"
"Anak!" Mabilis akong sinunggaban ni Mommy ng yakap.
"I missed you, anak."
"I missed you too, Mom!" Binalingan ko si Daddy at yumakap din sa kanya.
"I missed you, Daddy!"
"I missed you too, bunso. Pero mas nami-miss ko ang Mommy mo kahit araw-araw kaming magkasama kaya huwag ka munang umuwi ha? Masisira ang quality time namin." Napatawa kaming lahat sa tinuran ni Daddy. Hindi talaga nauubusan ng banat kahit matanda na. Tsk!
"Bahala kayong magyakapan diyan. Basta ako, nagugutom na talaga. Ang sarap naman ng pagkain dito. Dito na rin kaya tayo magdinner mamaya, Dee?"
Napatingin kaming lahat kay Ate Nisyel na nangangalahati na siya sa fried chicken. Si kuya Skeet naman ay parang baliw na nakatingin sa kanya habang ngumingiti. Lakas talaga ng tama ng kuya kong 'to kay ate. Hindi nga niya napansin na dumating na ako sa kakatitig kay Ate Nisyel.
"Aww!" Sa wakas napansin din ako! Kailangan pa palang batukan para ramdam niya ang presensya ko.
"Masakit 'yon, Princess!" reklamo niya. Kung siya walang pakialam sa paligid niya habang nakatitig sa asawa niya, si Ate naman ay walang pakialam sa paligid basta lumalamon siya. Perfect! Bagay talaga silang dalawa!
"Pambihira ka talaga, Kuya! Hindi ka ba nagsasawang titigan 'yang asawa mo? Araw-araw naman kayong magkasama sa bahay!"
"I just love staring at her. Paki mo ba?" Nagkatinginan na lamang kaming tatlo nina Daddy at Mommy saka tumawa. Kuya Skeet will always be Kuya Skeet!
Nagsimula na lamang kaming kumain habang nagkukuwentuhan. Mom and Dad keep on asking about my whereabouts. Naku, kung alamlang nila ang pinaggagawa ng nag-iisang prinsesa nila.
"You should go out of the country, anak. Sulitin mo ang isang taon na ibinigay namin sa'yo para magliwaliw. Paano mo mai-enjoy ang break mo kung nandito ka lang sa Pilipinas?" saad ni Mommy.
"Nagso-soul searching pa ako, Mommy."
"Are you planning to pursue post-graduate courses?" tanong naman ni Daddy. I am actually planning to have one pero hindi ko alam kung ano ang kukunin ko.
"I am thinking about that too, Dad."
Marami pa kaming napag-usapan. Excluding Kuya Skeet at Ate Nisyel na mukhang nasa Pluto na yata. May sarili kasi silang mundo.
Malapit na kaming matapos kumain nang bigla na lamang nahulog ang dinadala ng waiter sa kabilang mesa kaya nabasag ito. Lahat ng mga mata ay biglang natuon sa direksyong iyon at napasinghap ako nang magtagpo ang mata namin ng lalaking nakasuit na nakaupo. Pakiramdam ko binagsakan ako ng napakaraming bato. Kitang-kita ko ang kakaibang emosyon sa kanyang mga mata.
Bakit sa dinami-dami ng lugar dito pa kami magkikita ni Pangga?
-GREATFAIRY
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top