TSL 14: Revenge
MAHIGIT isang buwan na magmula nang bumalik kami ni Lucy dito sa siyudad. Sa condo pa rin ako tumutuloy at alam na rin ni Pangga na neighbors kami. Pero siyempre, hindi ko pa siya pinapapasok sa kuwarto ko. Baka kasi mabuko pa akong pinapa-surveillance ko siya.
Hanggang ngayon hindi pa rin nawawala sa isip ko ang nangyari sa mansyon ng mga Villaceran noong nakaraang buwan.
Even in my dreams, my conscience haunts me about Clinton and the kiss.
Napagtanto ko ring mali ang ginawa kong pagpayag sa kagustuhan ni Clinton. Maling-mali.
Nahawaan na yata ako ng katangahan ni Ate Nisyel. Tsk!
Kailangan kong makahanap ng tiyempo para masabi kay Pangga ang totoo. I'm afraid that he will get mad once he finds out everything about what happened. At siyempre gusto ko ding maging totoo sa kanya.
True to his words, hindi na nga ako nilapitan pa ni Clinton pagkatapos ng halik na 'yon. Pero sa tuwing nagtatagpo ang aming paningin ay kinikilabutan ako sa kanyang pagngisi.
Mabuti na lang at naisipan ni Pangga na bumalik kami dito sa Maynila pagkatapos ng ilang araw. Nagpaiwan naman si Lucy sa probinsya. Susulitin daw muna niya ang leave niya. Nagtatrabaho kasi siya sa SDM Empire na kasalukuyang mina-manage ni Kuya Skeet.
"What are you thinking?" Napabalik ako sa kasalukuyan nang bigla akong hapitin ni Pangga. Nandito kasi kami sa condo unit niya.
"Wala naman, Pangga. Iniisip ko lang kasi na ang bilis pala ng pangyayari. Hanggang ngayon kasi hindi pa rin ako makapaniwala na sinagot mo na ako." Pareho kaming tumawa.
"You really are into that thing, huh? I told you, I will be the one to woo you this time, right?" An'ya at pinisil ang aking pisngi.
"Eh di sinasagot na kita kung ganun." Sagot ko pero tinawanan lang niya ako. Kating-kati na talaga akong sabihin sa kanya ang nangyari pero ayaw kong masira ang mood niya. Isa pa, hindi pa naman ako sigurado kung anong meron kami.
"We will get there soon, UK... Soon." Sabi niya at hinalikan ako sa ulo. Hindi ko talaga maintindihan 'tong si Pangga eh. Minsan gusto ko nang magtampo pero nauunahan ako ng takot ko. Ayoko namang pangunahan siya sa mga desisyon niya.
"Kailan pa ba 'yang soon na 'yan, Pangga? Atat na akong kalbuhin ang mga manliligaw mo eh." Pagmamaktol ko. Ang dami niya kasing manliligaw. Nakakainis!
"As much as I wanted to have your sweetest yes, I won't. Not now, but soonest. I want it to be the most special day." He smiled dreamily. Napangiti na rin ako. Mukhang may hinihintay pang mahalagang araw si Pangga.
I will wait for that most special day. Pero kailangan ko munang maghanap ng tiyempo para masabi ko sa kanya ang ginawa ng pinsan niya.Tatanggapin niya pa rin kaya ako pag malaman niya ang totoo?Pero paano kung magkaroon sila ng hidwaan ng pinsan niya? Paano kung magkagulo sila nang dahil lang sa'kin? Pag nagkataon siguradong magagalit sa'kin si Donya Divina. Haay...
"Pangga?"
"Hmm?"
"P-paano kung magkaroon ako ng napakalaking kasalanan sa'yo. Iiwan mo ba ako?" Hindi ko napigilang itanong. Bigla naman siyang natigilan at iniharap ang aking mukha sa kanya.
"Why? Is there something I need to know?"
"A-ah... W-wala naman, Pangga. Iniisip ko lang kasi baka magkamali ako sa'yo tapos magagalit ka sa'kin. Ayoko kasing magalit ka." He smiled, as if giving me an assurance.
"Hindi ka naman siguro gagawa ng bagay na ikakagalit ko, di ba?" Tanong niya. Parang kinurot ang aking dibdib. I already did, Pangga. I already did.
"O-oo naman, Pangga." Napapikit ako nang muli niya akong ikinulong sa kanyang bisig.
"No matter what happens, you will always be mine." He said before hugging me from behind.Ito talaga ang pinakagusto ko sa lahat eh. Ang moment namin ni Pangga. Ngunit pareho kaming napabitaw sa isa't isa nang biglang may nagdoor bell nang sunod-sunod.
"Aish!" He hissed. Istorbong doorbell kasi. Akala ko makaka-points na naman ako Pangga.
"Pangga, buksan mo na." Bigla naman siyang napatingin sa'kin. Kumislap ang kanyang mga matang nakatingin sa'kin pero---
"Yung pinto, Pangga. Buksan mo na. Huwag kang assuming."
Sunod-sunod pa rin ang pag-door bell kaya yamot na tumayo si Pangga at tinungo ang pinto.
"Anong masamang hangin ang nagdala sa'yo rito?" Masungit na bulyaw ni Pangga sa kung sinumang kumatok. Na-curious ako kaya tumayo na rin ako at tiningnan ito.
I stiffened.
It's no other than the culprit, Clinton!
"Chill, Insan. Hindi naman siguro ako nakakaistorbo, 'di ba?" Aniya at dire-diretsong pumasok. Bahagya pa siyang natigilan nang mapansin ako. Ngunit maya-maya'y ngumisi siya.
"Get a life, Clinton! You're disturbing me! Tss!" Inis na wika ni Pangga. Napahalakhak naman ang isa.
"Masyado ka naman yatang busy kay Miss Gorgeous, Insan. What happened to the workaholic and business-minded, Bryce Maxell Villaceran?" Mabilis na lumapit sa'kin si Pangga at ipinulupot ang kanyang braso sa aking baywang na parang takot na agawin ako mula sa kanya. My heart skipped a beat.
"Kung pumunta ka lang dito para sirain ang araw ko, you better leave!" Hinawakan ko naman si Pangga sa braso para kumalma. Mukhang na-bad trip na nga ito.
"Relax, insan. Nandito lang naman ako para balaan ka." Tiningnan niya muna ako nang makahulugan bago nagpatuloy. "The Mijares' are bribing your investors again. Watch out! Baka maunahan ka na naman."
Nilukob ng kaba ang aking dibdib. Lalo na nang maramdaman ko ang pagtagis ng bagang ni Pangga. Siguradong si Kuya Skeet na naman ang may kagagawan. Bakit kasi naging competitor pa nila ang negosyo namin?
"You don't have to remind me about that. I know what to do. You can leave now." Ani Pangga at tinuro ang pinto. Ang manyakis na si Clinton ay humalakhak pa bago tuluyang lumabas.
Napailing na lamang ako. May araw din siya sa'kin!
"Are you alright?" Tumango ako at ngumiti. Sinikap kong hindi niya mahalatang kinakabahan ako.
"I'm fine, Pangga. Ikaw nga ang inaalala ko eh. Mukha kang stressed." It's true. Ilang araw ko nang napapansing palagi siyang pagod. Mukhang nahihirapan siya sa trabaho niya.
"I'm fine, as long as you're with me, Uyab ko." Malambing niyang tugon at niyakap ako.
Gusto ko na sanang sabihin sa kanya ang lahat pero mukhang hindi pa puwede ngayon. Ayaw ko nang dagdagan pa ang dinadala niya.
***
ILANG araw ko nang hinahayaan si Pangga. Kadalasan nagluluto ako at inihahatid sa unit niya. Sa sobrang dami kasi ng ginagawa niya halos nakakaligtaan niya nang kumain.
Kasalukuyan akong naglilinis ng banyo nang marinig kong tumutunog ang cellphone ko kaya itinigil ko muna at lumabas.
"Hello, Mommy?"
"I miss you, anak. Kailan ka ba uuwi ng mansyon?"
"Mommy naman. Noong nakaraang dalawang linggo lang naman ako galing diyan ah."
"Kahit na. Ang tahimik dito."
"Mommy talaga. Ayaw mo 'nun, libre kayong maglandian ni Daddy."
"Gold—"
"Joke! Don't worry Mommy, bibisitahin kita diyan."
"How about this friday? Nami-miss ka na rin ng Daddy mo. Lalo na at wala din dito ang kambal mo."
"Okay, okay. Pupunta po ako, Mommy."
"Your Ate Nisyel is missing you too. We are planning to have a lunch together as a family. Matagal na rin tayong hindi nakakain sa labas."
"Alright, Mommy. Tawagan mo na lang ako kung saang restaurant, okay?"
"Okay. Ingat ka, anak. We missed you."
"I miss you too, Mommy. Bye."
Binalikan ko ang ginagawa ko pagkatapos ng tawag. Hindi ko alam kung anong nangyari sa toilet bowl ko. Nagulat lang ako kanina nang ayaw mag-flash. Kinailangan ko pa tuloy gumamit ng toilet plunger. Ayoko namang itawag sa tagalinis. Nakakahiya kaya.
Tagatak ang pawis ko pagkatapos kong maglinis kaya agad akong naligo. Eksaktong paglabas ko ng banyo nang may nagdoor bell.
Baka sa Pangga.
Kahit nakaroba lang ako at nakabalot ng tuwalya ang basa kong buhok ay agad kong tinungo ang pinto at binuksa.
Ngunit parang gusto kong pagsisihan ang ginawa ko nang mabungaran ko ang mukha ang nakangising mukha ni Clinton.
"Anong ginagawa mo---" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang dire-diretso itong pumasok.
"Nice pad." An'ya at ngumisi.
"Anong kailangan mo?"
"Anong kailangan ko? Bakit? Ano ba ang kaya mong ibigay, Miss Gorgeous?" Bigla niya nilapitan at hinapit ako sa baywang pero agad ko siyang itinulak at pumasok sa kwarto. At dahil sa katangahan ko ay nasundan niya ako.
"Huwag mong ubusin ang pasensya ko, Clinton!"
"Relax, Miss Gorgeous. Isang halik lang naman ulit."
"Huwag mong bilugin ang ulo ko Clinton!"
"Isang halik pa o sasabihin ko kay Insan na may relasyon tayo?" Tiningnan ko siya ng masama. Kailangan ko na talagang dispatsahin ang isang 'to.
"Fine! Pero kailangan kong makasiguro na hanggang halik lang talaga." Tinakbo ko ang drawer sa vanity table at kinuha ang handcuff na ibinigay ni kambal.
Kinuha ko ang dalawa niyang kamay at pinosas ang mga ito.
"I just want to make sure na hanggang halik nga lang, Clinton."
"Yan ang gusto ko sa'yo Miss Gorgeous, ang dali mong kausap." I smiled triumphantly. Hinila ko siya palabas ng kuwarto at iginiya sa sala.
"Hintayin mo 'ko. Magbibihis lang ako."
Hindi ko na siya hinintay na sumagot sa halip ay mabilis akong pumasok sa kuwarto at tinungo ang banyo. Tamang-tama. Kakagamit ko lang nito.
Kinuha ko na rin ang cellphone ko saka hinubad ang tuwalya sa buhok ko para hindi niya mahalatang may iba pa akong bitbit.
"Nagbago na isip ko. Hindi na ako magbibihis. Halik lang naman di ba?" Tinaasan ko siya ng kilay. Para siyang baliw na ngumingisi. Tingnan natin kung babalik ka pa.
"Pumikit ka." Unti-unti kong nilapij ang mukha ko sa kanya at nagkunwaring pipikit. Nakita kong unti-unti rin siyang pumikit kaya bago pa man magtagpo ang mga labi namin ay agad kong inilapit sa bibig niya ang toilet plunger.
"Hmmmm." Nagpupumiglas siya kaya lalo kong idiniin sa bibig niya. Wala siyang kawala dahil nakaposas sa likod ang dalawa niyang kamay.
"Yan ang bagay sa'yo! Akala mo magpapauto pa ako sa'yo!" Mabilis kong binuksan ang pinto at tinulak siya palabas.
"Huwag ka nang babalik ditong hudas ka kung ayaw mong sumikat ka sa internet na nakikipaghalikan sa toilet plunger!" I show him my phone. Hindi ako tanga tulad ng inaakala niya. Siguradong pagpi-piyestahan itong video niya. Yes. I had it recorded. It's now time to blackmail the blackmailer!
"Hmmmmm!"
Nanlaki ang kanyang mga mata habang hirap na hirap pa ring ilayo ang toilet plunger sa bibig niya. Mukhang mahihirapan siyang alisin yun lalo na't nakaposas siya.
"Tsupi! Enjoy your first kiss with the toilet pump, my dear Clinton! Tamang-tama. Kakagamit ko lang niyan kanina sa barado kong toilet."
Ngumiti ako nang malapad bago isinara nang malakas ang pinto.
Serves him right!
-GREATFAIRY
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top