TSL 13: Amiss
"ARE you okay?" Natigilan ako sa pag-iisip nang bigla akong tanungin ni Pangga. Marahan niyang hinagod-hagod ang braso ko gamit ang kanyang daliri.
"O-okay lang, Pangga. Bakit mo naman natanong?"
"You're spacing out ever since you and Nanay talked." Puno ng pag-aalala ang kanyang mukha. Kung sa ibang pagkakataon siguro ay kikiligin ako pero lalo lang akong kinabahan.
"Tell me... Did she tell you something offensive?" Mabilis kong iniling ang aking ulo. Hindi niya puwedeng malaman ang pinag-usapan namin ni Donya Divina. Baka lalo lang akong ma-bad shot sa matandang 'yon pag sinabi ko pa sa apo niya.
"Ano bang pinagsasabi mo, Pangga? Wala naman. Mabait nga lola mo eh." Kulang na lang yata eh pagagawan ko siya ng epitaph na may naka-engrave na Most Outstanding Kontrabida in the Universe sa sobrang bait. Sa isip-isip ko.
"Then what's keeping you silent since earlier? Masama ba pakiramdam mo?" An'ya at sinapo ang aking noo at leeg.
"Hindi ka naman mainit, ah. May masakit ba sa'yo?" Umiling ulit ako at hinawakan ang kanyang kamay. Siyempre libreng tsansing na rin.
"Okay nga lang talaga ako, Pangga. Promise."
"You sure? You seems distracted." Halatang hindi pa rin siya kumbinsido. Tama nga ang sinabi nina Daddy at Mommy na madali akong hulaan kung may bumabagabag sa'kin.
"Oo nga. Okay na okay. Lalo na't kasama kita." Ngumiti ako para lalo siyang makumbinsi. Ngunit bigla rin itong napawi nang magtagpo ang mga mata namin ni Clinton na kasalukuyang nakikipag-usap sa mga ilang tauhan ng hacienda. Kinilabutan ako nang ngumisi siya.
"Maybe you're just tired. C'mon. Magpahinga ka muna sa kuwarto." Nagpatianod na lamang ako nang hapitin ako ni Pangga at iginiya papasok sa loob ng mansyon.
"Oh? Tapos mo na bang kausapin ang mga tauhan natin, anak?" Nakasalubong namin si Tita Therese na pababa ng hagdan. Mukhang may kinuha lang ito sa taas.
"Not yet, Mom. Reign is tired. Pagpapahingahin ko muna siya sa kuwarto."
"Is that so? Naku pasensya na, iha, napagod ka yata sa kakatulong kay Bryce sa pag-asikaso sa mga bisita."
"Wala ho 'yon, Tita. Ayos lang po. Nag-enjoy naman po ako sa kanila." Hindi kasi ako umalis sa tabi ni Pangga kanina habang nakikipaghalubilo sa napakaraming tauhan. Isa pa, umiiwas ako kay Clinton. Ang huklubang lalaking 'yon! May araw din siya sa'kin.
"Mabuti naman at nag-enjoy ka iha. Sige na, magpahinga ka na."
Inalalayan ako ni Pangga papanhik sa hagdan. Hanggang ngayon bumabalik pa rin sa isip ko ang ginawa ni Clinton sa'kin sa garden. He kissed me! Ang walang hiyang 'yon! Humanda talaga siya sa'kin. Makikita niya.
"Bakit nakasimangot ka? Something is really wrong with you." Hindi ko napansing nakarating na pala kami sa kuwarto niya.
"Ha? E-eh pagod lang talaga ako, Pangga." Infairness, napaka-manly ng dating ng kwarto niya nang inilibot ko ang aking paningin. Kulay gray ang pinta ng pader na disenyong bricks. Ibang-iba sa design ng condo unit niya.
Pinaupo niya ako sa kama at lumuhod sa paanan ko. Kinuha nito ang sapatos ko sa paa. Maya-maya'y yumugyog ang balikat nito habang hawak-hawak ang kaliwang paa ko.
"Pft!"
"Ano'ng nakakatawa?" asik ko sa kanya. Akala ko ba kami lang ang may lahing baliw. Mas malala pa yata ang isang 'to.
"Pft! Nothing. Ngayon ko lang napansing ang liit pala ng paa mo."Aniya at sinipat pa talaga ng tingin. "Mas mukha siyang paa ng kindergarten. Pft! Anong size ba 'to? Pft!" Biglang uminit ang ulo ko.
"Anong mali sa paa ko? Ang importante nakakalakad ako 'no! Kasalanan ko ba kung ipinanganak akong size 5 at minsan 6 ang paa ko?!" Inis kong tugon. Bigla ko tuloy naalala na napilitang magpatayo si Daddy ng shoe business para sa'kin dahil nahihirapan akong maghanap ng sapatos na ka-size ng paa ko.
"Pft! Ang liit-liit talaga." Ngumisi siya kaya inis na sinabunutan ko siya sa buhok.
"Pft--Awww!" Napadaing siya kaya tinigilan ko kaagad. Isa kasi sa mga insecurities ko noon ay ang size ng paa ko. Lalo na nang makita ko ang paa ni Ate Nisyel. Ang sexy kaya ng paa ng isang 'yon. Napanguso ako at inis na ipinadyak ang aking paa.
"Kainis ka. Akala ko ba pagpapahingahin mo 'ko?"
"Pft! I really can't help it. Ang liit talaga." Nainis ako kaya hinampas ko siya nang malakas.
"I hate you, Pangga!" Bigla naman siyang natigilan nang sabihin ko iyon. Tumayo siya at umupo sa tabi ko saka sinapo ang aking mukha.
"I'm sorry." Malungkot niyang sabi. Kumunot ang aking noo dahil mukha talaga siyang nasasaktan. Huh? Problema nito?
"I feel bad when you say you hate me..." An'ya. "Nasanay akong palagi mo akong sinasabihan na mahal mo 'ko." I gasped. Nakakagulat palang magseryoso si Pangga sa mga ganitong mga pagkakataon.
"P-P-Pangga..."
"I'm afraid that one day you will leave me. I'm already trapped, UK. Wala na yata akong kawala sa'yo. My heart has been caged with you... forever. Sa umpisa palang ay alam ko namang siya na talaga. Sana ay wala nang balakid sa ugnayan namin. Rumihestro sa utak ko ang mukha ni Donya Divina, ni Clinton... ni Kuya Skeet, nila Daddy at Mommy.
God, kahit ngayon lang... hayaan mo munang sumaya ako. Saka ko na iisipin ang kahihinatnan nito.
"You're mine." Tumango ako. Hearing those words from him is beyond my imagination. Totoo nga talaga ang butterflies in the stomach.
"Alam mo Pangga, nagpapasalamat talaga ako kay Cupid kasi ang galing niyang pumana sa puso mo. Akalain mo 'yon, inloved ka na sa'kin!" Nagulat ako nang bigla siyang ngumiti. I saw love and amusement in his eyes at the same time.
"You really never fails to surprise me..." He stated with amazement.
"Alam mo bang akala ko 'nung una kitang makita na binulyawan mo ang dalawang teenagers sa food court ay napansin agad kita noon?' Bigla kong naalala ang araw na iyon. He was there?
"Nakuha mo agad ang atensyon ko. But I ignored it. I thought you were just a random girl. Walang pinagkaiba sa ibang babae na habol nang habol sa'kin." Taimtim lang akong nakikinig sa sinasabi niya. He's caressing my cheeks while he talks.
"I got disappointed when you stalked me. Inunahan mo ako. Ayaw ko sa mga babaeng lantaran na nagpapakita ng motibo... It disgusts me."
"I thought more than that. Pero hindi ko inakalang magsusuot ka ng Filipiniana gown para lang mapansin kita. You were amazing. Alam mo bang ikaw palang ang nakakagawa no'n?"
"Ang akala ko maarte ka... Hindi pala. Kaya mo ring kumain na nagkakamay. Kaya mong sumibak ng kahoy kahit lampa ka." Napasimangot ako sa huli niyang sinabi ngunit dinampian niya ako ng halik at nagpatuloy.
"I thought I would love a girl who satisfies my standards... but when I met you, I realized love is not all about standards. It's all about sparks and acceptance. Scratch that. It's more than that. I just love the way you are... and until now I cannot define that feeling..." Unti-unting nanubig ang aking mga mata. Ano ba! Nakakakilig!
"Maybe, they're right. Love has no definite meaning. Because after all, love is just an idea, but we were given a heart to manifest it's existence. I love you... I love you Uyab ko..."
Tuluyang tumulo ang aking mga luha kaya hinampas-hampas ko siya sa braso.
"Woah Pangga! Descendant ka ba ni Shakespeare?" Ngunit tumawa lang siya at niyakap ako. I love you too, Pangga...
"I don't care if I sounded like a nerd poet. Ayaw ko nang dayain ang sarili ko, Reign. I get jealous everytime you're near with a guy. Ayoko nang patagalin pa. I'm afraid I would wake up one day that you're gone. I'm afraid you will get tired of chasing me." Umiling ako.
"Hinding-hindi mangyayari 'yon, Pangga."
"I won't gamble my feelings. Gusto ko nang bakuran ka. Akin ka lang kahit anong mangyari."
"Hindi nga mangyayari---"
"Shhh... Sleep now, UK. I already confide my feelings. Get rest, now. Let's talk later."
Napangiti ako. Nakakagulat naman ng mga nangyayari ngayon. Para akong lumilipad na saranggola. I just wish everything will go smoothly after this. Hindi ko yata kakayaning malayo sa akin si Pangga.
I closed my eyes with a smile on my lips. Naramdaman ko pa ang dampi ng halik sa aking noo bago tuluyang nawala ang diwa ko.
NAGISING ako na wala na si Pangga sa tabi ko. Madilim na rin sa labas ng bintana. Maggagabi na pala. Siguro bumaba na siya kanina habang natutulog ako. Inayos ko na lamang ang sarili ko.
Naisipan kong bumangon at bumaba. Pagkalabas ko ng kuwarto ay bigla na lang may humablot sa braso ko at isinandal ako sa pader.
"Clinton!"
"Shh... Just a second, Miss Gorgeous." Kinilabutan ako.
"What are you doing? Kailangang kong bumaba."
"Baliw!" Tumawa siya. Naku pasalamat mas malakas siya. Kung makakagalaw lang ako nang maayos tutubusin niya talaga sa pawnshop ang ahas niya.
"Oo, baliw nga siguro ako. Nakakabaliw ka kasi, Miss Gorgeous. Kaya isang halik pa ulit at hahayaan na kita." Napabuntong-hininga na lamang ako. Kaya ko ba?
"Just one more kiss, Miss Gorgeous." Umiling ako.
I already made a promise to myself.
Pero kailangan ko nang wakasan ang kabaliwan niya. So I did.
I just closed my eyes and imagined that it is Bryce. Sa ikalawang pagkakataon, nagkasala na naman ako.
-GREATFAIRY
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top