TSL 11: Tricked

BAHAGYA akong natulala at hindi agad nakagalaw. It was a subtle moment for both of us. Nagkatitigan kami. "What are you doing to me, Reign?" Saglit akong natulala sa kanyang titig. Bakit pakiramdam ko matutunaw ako!

"Oy, wala akong ginagawa ah! Ikaw kaya ang nauna." painosenteng tugon ko. Baka mamaya itsitsismis niya pa akong magnanakaw. Mahirap na. Baka habulin pa ako ng itak ni Tito Joaquin.

"Tss. I'm serious, Reign. Puwede ba? Magtino ka naman kahit ngayon lang."

"Ano ka ba! Hindi ka si serious. Ikaw kaya si Pangga. Ang nag-iisang pangga ko."

"Isa pa. Hahalikan kita."

"Ay! Gusto ko 'yan Pangga---." Nagulat ako nang bigla niya akong pinitik sa ilong.

"Wala talagang preno 'yang bunganga mo."

"Sabi ko nga. Magtitino na ako Pangga."

"Ang daldal talaga."

"Tss. Ang sungit mo talaga, Pangga. Sige na nga. Game na. Ano nga ulit ang sasabihin mo?"

"Wala. Nakalimutan ko na." Aburidong tumalikod ito sa'kin. Ang pikon niya naman. Parang si Kuya Skeet. Sinundan ko na lamang siya sa paglalakad at pilit siyang sinasabayan.

"Don't tell me, nakakalimutan mo lahat sa tuwing kaharap mo ako, Pangga!" Bigla naman siyang tumigil at humarap sa'kin.

"Maybe..." An'ya. Hinawakan niya ang aking kamay at dinala ito sa kanyang pisngi.

"Maybe that's the way it is. It's too difficult to pretend that I don't love you... when I was already intoxicated even before our eyes met." Napaawang ang aking bibig.

"I think... I... I think I'm falling for you, Reign."

Napasinghap ako sa kanyang rebelasyon. Kinukurap-kurap ko ang aking mga mata para siguruhing hindi ako nananaginip. Hindi pa ako nakuntento kaya pasimple kong kinurot ang aking tenga. Nakaramdam ako ng sakit kaya napakislot ako.

"Aww!" Totoo nga! Hindi nga ako nananaginip.

"What's wrong?" nag-aalalang tanong ni Pangga.

"There's nothing wrong, Pangga! Because I feel so right, right now!" tili ko at niyakap siya. I've been waiting for this to come. Sinasabi ko na nga ba, ma-i-inlove din siya sa'kin. Or maybe he already fell for me the first time we met. He was just too dumb to realize it.

Naramdaman kong niyakap niya din ako pabalik. Napangiti ako. Sana habang buhay na lang kaming ganito. Sana kahit anong mangyari pipiliin pa rin niya ang mahalin ako. Sana.

"You are just so irresistible that I can't stop myself from falling inlove." Tumango ako habang yakap-yakap siya. Wala naman sigurong masama kung dadahan-dahanin muna namin ang estado namin.

"Ibig bang sabihin eh sinasagot mo na ako, Pangga?" Tumawa siya sa tanong ko at lalong hinigpitan ang pagyakap sa akin.

"You deserve more that, Reign. This time, let me prove to you I'm worthy of your love. Hayaan mong ligawan kita." An'ya.

"Weh? Di nga? Baka bluff lang 'yan ah."

"Pag ako hindi talaga nakapagpigil hahalikan ulit kita," banta niya.

"Ang sungit mo," sagot ko. Umismid at pagkuwa'y humiwalay mula sa yakap. Hinawakan niya ang kanang kamay ko at pinagsalikop ang aming mga daliri. I can't help but to smile. Things really turned so fast. Hindi ko inakalang ganun siya kabilis mahuhulog sa alindog ko.

"Nakikita mo ang mga 'yan?" Turo niya sa malawak na tubuhan. "Ang bawat puno ng mga tubo na 'yan ay pinaghirapang itanim ng mga tauhan ng hacienda." Napangiti ako nang maalalang isa si Tatay Berting sa mga tauhan ng hacienda. Napakagandang tingnan ng mga tubong. Nagmistulang mga higanteng damo ang mga ito.

Magkasama at magkahawak kamay kaming naglibot sa paligid ng hacienda. Ipinakita niya rin sa'kin ang di-kalakihang kuwadra ng mga kabayo. Sa di kalayuan nito ay ang mga maliliit na bahay-bahayan ng mga manok na isinasabong daw ni Tito Joaquin.

Pagkabalik ng mansyon ay naabutan namin na nadagdagan ang mga nakaparadang sasakyan. Mukhang may dumating na naman silang bisita na dadalo sa party bukas.

"Here they are!" Masayang deklara ni Tita Theresa pagkapasok palang namin ng pinto. May dalawa isa pang matandang babae na mukhang donya ang dating.

"Nay!"

"Bryce, apo!"

Marahan akong binitawan ni Pangga at niyakap ang matanda. Sa tindig palang nito ay mukhang istrikta at nakaka-intimidate ang kanyang aura.

"Glad you came, Nay. I thought you're going to extend your vacation."

"Of course I wouldn't miss the chance to be with you, Apo. Masyado ka kasing workaholic. Minsan ka na lang umuuwi dito sa mansyon." Ani ng matanda at biglang nagawi ang tingin sa'kin. "And who is this young lady, Apo?"

Nilapitan naman ako ni Pangga at hinapit sa baywang.

"By the way, Nay, this is Gold Reign." Awkward na ngumiti ako dahil mukhang inaanalisa nito ang buong pagkatao ko. "Reign, this is Nanay Divina, my grandmother sa father side."

"H-hello po!"

"Gold Reign... Uhuh, what's your full name, iha?" Bigla akong kinabahan.

"G-gold Reign Mi--- Gold Reign Cervantes po."

"Nay, don't scare her."

"Did I? I was just asking, Apo. Masyado ka namang protective sa kanya."

Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Bigla tuloy akong na-conscious sa itsura ko.

"I told you Mama, she's beautiful. Bagay na bagay sila ng anak ko" pagbabasag ni Tita Theresa sa usapan. Hindi naman sumagot ang matanda bagkus ay binalingan ang isa pang babae na kasama ni Clinton kanina.

"How about you, Margarita? May naipakilala na ba sa'yo ang anak mo?" tanong niya.

"Alam mo Mommy hindi na ako nakikialam kay Clinton pagdating sa mga girlfriends niya. Alam mo naman ang batang 'yon. Halos buwan-buwan may bagong babae. Hindi ko nga alam kung magtitino pa ang isang 'yan," wika ng sinasabing Margarita. Kaya pala naramdaman ko ang kakaibang radar ng Clinton na 'yon kanina. Babaero pala siya.

"Are you okay?" Natigilan ako nang pinisil ni Pangga ang braso ko.

"O-oo naman."

"Sure?"

"Oo naman, Pangga. Bakit?"

"Nothing. Could you just wait for me here? Magpapalit lang ako ng damit sa kuwarto." Tumango ako at bumitaw sa kanya. Nagtrumpet dance na naman ang mga sili sa aking tiyan nang hinalikan niya ako sa noo bago pumanhik sa itaas.

Tahimik lang akong nakikinig sa pag-uusap nilang habang hinihintay si Pangga. Wala na naman akong naitindihan dahil para silang mga ibon kung magsalita. Naramdaman kong nagvibrate ang cellphone ko sa aking bulsa kaya kinuha ko ito.

1 message

From: Beshy Lucy

Besh ang sabi ni Tatay nabagsakan ng palakol ang paa mo. Papunta na ako diyan. Susunduin na kita.

Mabilis akong nagtipa ng reply.

To: Beshy Lucy

Okay.

Pasimple kong nilapitan si Xanley nang makita ko siyang nag-aassemble ng rubics cube.

"Ang galing naman!"

"Miss Beautiful, ikaw pala. What are you doing here?"

"Wala naman. Xanley may itatanong sana ako."

"Sure po. Ano po ba 'yon?"

"Ano ba sa hiligaynon 'yong, gagawin ko lahat para ipakita sa inyo na mahal ko si Bryce. Wala akong ibang hangad kundi ang mapasaya siya."

"Ah... 'yon po ba?" Ngumiti siya.

"Kanino n'yo po ba sasabihin?"

"Kay Lola Divina" mahinang bulong ko.

"Ah... ganito po ang sabihin n'yo: Wa-ay ko labot kung di mo ko gusto para sa apo mo. Hindi man ikaw ang mupod sa'kun, siya man."

Tumango-tango ako. Ang dali-dali lang naman pala!

"Salamat, Xanley!"

Tumango lang siya at ngumiti kaya bumalik na ako sa kinauupuan ko. Nakikinita ko na kasing kakausapin ako ng lola ni Pangga. Mabuti na rin 'yong maipakita ko sa kanya na nag-e-effort din akong pag-aralan ang lenggwahe nila.

Hindi nga ako nagkamali dahil bigla niya akong nilapitan.

"Can I have a minute with you, iha?" Tumango ako at sinundan siya sa garden.

"Tatapatin na kita. Hindi ako makakapayag na makipag-girlfriend ang apo ko sa kung sinong babae lang. He deserves the best. Do you think you deserve my grandson, iha?" An'ya. Mataray ang isang 'to. Hindi pala biro ang manligaw ng isang probinsyano.

"A-a-ah... Mahal na mahal ko po ang apo n'yo....Wa-ay ko labot kung di mo ko gusto para sa apo mo. Hindi man ikaw ang maupod sa'kun, siya man." Seryosong sagot ko ngunit bigla akong nataranta nang tiningnan niya ako ng masama.

"HOW DARE YOU!" Para siyang bomba na ilang segundo na lang ay sasabog na. Namalayan ko na lang hinatak na pala ako ni Lucicar.

Nagtatakang tiningnan ko siya pagkalabas namin ng mansyon.

"Anyare, Besh?"

"Beshy, naman! Bakit mo naman 'yon sinabi kay Donya Divina?"

"Huh? Ano bang masama sa sinabi ko?" Takhang tanong ko ngunit napasabunot lang ito sa kanyang buhok.

"Alam mo ba kung ano ang ibig sabihin ng sinabi mo?"

"Bakit? Ano ba?"

"Mahal na mahal ko po ang apo n'yo. Wala akong pakialam kung ayaw n'yo sa'kin para sa kanya. Hindi naman kayo ang tatabi sa'kin, siya naman eh."

Napatutop ako sa sariling bibig.

I'm dead!

-GREATFAIRY

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top