Epilogue
2 years later...
"GINTO!"
"Ay kabayo!"
Biglang natigil ang imagination ko nang bigla akong batukan ni Lucicar. Iyon na eh! Malapit na malapit na sana! Malapit na sana ang moment namin ni Pangga sa imagination ko. Dakilang epal talaga 'tong si Besh.
"Besh naman! Anong problema mo?!"
"Problema? Kanina pa kita kinakausap pero hindi mo ako pinapansin. Para kang timang na nakatulala sa lalaking nasa counter." Kumurap naman ako at inayos ang aking pagka-upo saka itinuloy ang pagsubo ng fries.
"Seriously? Ano naman 'tong trip mo sa buhay, Besh? Masyado mo nang sinasamantala ang kabaitan ni Bryce. Hindi ka na naawa. Pinag-franchise mo siya sa fastfood na 'yon pagtapos ginawa mo pa siyang service crew!"
Napairap ako sa tinuran ni Lucicar. Kasalukuyan kasi kaming nasa favorite fastfood chain namin. Hindi ko namalayang nakatulala na pala ako kay Pangga habang ini-imagine ko ang moment namin.
"Hindi naman niya ikakahirap ang pagiging service crew ng tatlong araw lang. At saka siya na rin ang may sabing gagawin niya lahat para sa'kin, di ba?"
"Alam mo Besh, minsan hindi ko maiwasang isipin na pinaglalaruan mo lang yung tao. Hindi ibig sabihing patay na patay sa'yo yung tao aabusuhin mo. Mahal mo ba talaga siya?" I rolled my eyes on her. Heto na naman ang walang katapusang sermon ng napaka-loyal kong bestfriend.
"Ano bang klaseng tanong 'yan, Besh? Of course, I love him."
"E kung gano'n, bakit dalawang taon mo na siyang tinitikis? Akala mo ba hindi ko alam ang pinaggagawa mo sa kanya? Alam kong palagi kang nagdi-ditch sa date n'yo. At alam ko ring palagi mo siyang pinagtataguan sa tuwing pinupuntahan ka niya sa bahay n'yo. Tita told me everything."
Wala sa sariling napatingin ako sa counter. Hindi magkandaugaga si Pangga sa pagbigay ng orders ng mga customers. This is actually his second day being a service crew. Masyado na ba akong perfectionist? Parang hindi naman ah. Parang masaya pa nga siya sa kanyang ginagawa.
Yes, it's true. Dalawang taon na ang nakalipas magmulang nang magkaayos kami. Sa loob ng dalawang taon ay ipinakita niya sa'kin kung gaano niya ako ka mahal. Siyempre, gustong-gusto ko naman. Sino naman kasi ang mag-aakalang ang lalaking nililigawan ko noon ay mahal na ako ngayon.
"Hayaan mo na nga lang kami, Besh. Ang love life mo ang atupagin mo. Balita ko umaaligid na naman sa'yo ang past BF mo." Bigla na lamang umasim ang kanyang mukha at tiningnan ako nang masama. Napailing na lang ako at tiningnan ulit si Pangga. Saktong pagtingin ko sa kanya ay nakasalubong ko pa ang kanyang tingin. Kinindatan niya ako kahit na hirap na hirap siya. Alam kong hindi siya sanay sa mga ganito, kaya nga sinadya kong ipagawa 'to sa kanya.
"Ewan ko sa'yong Ginto ka! Alam mo, marami pa akong gagawin. Mauna na ako sa'yo. Wala akong balak na samahan ka sa mga pinaggagawa mo!"
"Ingat, Lucicar! Huwag na huwag kang magpapadala. May tamang panahon!" Isang matinding irap ang ibinigay niya sa'kin bago tuluyang lumabas ng fastfood.
Napatingin akong muli sa counter nang mapansing naubos na ang fries na kinakain ko. Tumayo ako lumapit kay Pangga. Agad naman niya akong hinarap. "May kailangan ka, UK?"
Biglang sinalakay ng mga bulate ang aking heart!
Bakit nakakakilig pakinggan sa tuwing tinatawag niya ako nang ganun? Ayaw kong tawagin niya akong Baby, kaya ipinatigil ko 'yon sa kanya.
"Wala naman. Uuwi muna ako, Pangga." Bumalatay ang lungkot sa kanyang mukha. Halatang ayaw niyang akong umalis.
"P-puwedeng mamaya na lang?"
"Hindi puwede, Pangga. May pupuntahan pa kami ni Mommy. 'Tsaka tutulong pa ako sa preparation ng welcome party para kay kambal. Alam mo namang uuwi siya next week di ba?" Bumuntong hininga siya at binitawan ang hawak niyang peach mango pie.
"Alright. Hintayin mo'ko, ihahatid na kita--"
"Huwag na, Pangga. I'm fine. Naghihintay naman ang driver sa labas kaya ayos lang."
"Pero—"
"Dito ka lang at tapusin mo 'yang ginagawa mo. Nakalimutan mo na ba ang deal natin?"
Namungay ang kanyang mga matang nakatingin sa'kin. "Of course, hindi ko 'yon makakalimutan, Reign. We will have a bonding the day after tomorrow."
Bakas sa kanyang mukha ang excitement. Ilang buwan na rin kasi akong tumatakas sa kanya. At heto nga ang muli naming pagkikita. He mouthed "I love you" habang naglalagay ng iced tea sa baso.
Ngumiti ako at tuluyang nagpaalam sa kanya. I realized we've gone too far. Sa loob ng dalawang taong pagsasama namin ay pintunayan ni Pangga ang kanyang sarili kahit hindi ko naman 'yon hiningi sa kanya. Siyempre, sino ba naman ako para tumanggi? Hindi pa rin kasi ako makapaniwalang loves na niya ako.
"Ang aga mo namang umuwi, anak. Nga pala, kamusta na 'yong bagong bukas niyong fastfood ni Bryce?" tanong ni Mommy pagkauwi ko ng bahay.
"Maayos naman po. Maraming customers, nakakatuwa."
"Mabuti kung ganun. Hanggang kailan mo pala balak gawing ganyan si Bryce? Naku anak, hindi naman yata maganda ang ginagawa mo sa boyfriend mo."
"Mommy, wala naman pong masama do'n. Gusto ko lang malaman niya ang buhay-empleyado para naman maintindihan niya iyong pakiramdam na humarap sa mga simpleng tao. Puro lang kasi negosyo ang kaharap niya." Mom shook her head in disbelief. Minsan na kasing nagpatalsik ng empleyado si Pangga sa kanilang kompanya dahil sa konting pagkakamali lang. And I want that side of him to change. Gusto kong matutunan niyang magpahalaga ng mga tao sa paligid niya. Paano na lang kung mag-asawa na kami di ba?
"Bahala ka anak, malaki ka na. Alam mo na ang tama at mali. Nga pala, tumawag ang kambal mo kanina. Ang sabi niya hindi raw matutuloy ang uwi niya. Baka next month pa. May inaasikaso pa yata."
Tumango ako at nagpaalam kay Mommy. Bukas na ang huling araw ni Pangga sa fastfood kaya kailangan ko nang paghandaan ang sorpresa ko para sa kanya. Na-realized ko kasing tumatanda na kami kaya siguro kailangan na naming malagay sa tahimik. Gusto ko na siyang maging asawa.
ABOT hanggang Basilan ang aking ngiti habang papasok ng fastfood. Nasa entrance pa lamang ako ay pinagtitinginan na ako ng mga cutomers. Marahil nagtataka sila kung bakit ang ganda-ganda ko.
Agad akong pumila sa counter at na naka-assign kay Pangga. Hinawakan ko rin sa gitna ang aking Filipiniana gown. Sumasayad kasi sa sahig ang laylayan nito. Mabuti na lang matabang mama ang sinusundan ko kaya hindi ako agad mapapansin ni Pangga. Isa pa, masyado siyang busy sa kanyang ginagawa. Mukhang sa cashier siya na-assign ngayong araw.
"Good morning. Welcome to--- UK?" Napaawang ang kanyang mga bibig nang makaharap niya ako. . Ang epic!
"Bakit parang gulat na gulat ka?" tanong ko. Pinasadahan naman niya ako ng tingin at umiling.
"I'm just surprised. Akala ko bukas pa kita makikita". Kung alam mo lang, Pangga.
"Customer ako dito ngayon araw. Bukas pa ang date natin, Pangga." Natigilan naman siya at nagtipa sa computer.
"Alright. Ano pong order n'yo, Ma'am?"
"Isang bucket meal, 'tsaka puwede bang um-order ng puso mo?" Namula ang kanyang mukha kaya napangiti ako. Kinikilig ang isang 'to.
"Hindi ko po ipinagbibili ang puso ko, Ma'am." Pormal niyang sagot ngunit nakangiti.
"Weh? Di nga? Kahit ito ang ipambayad ko?" Dinukot ko ang singsing mula sa velvet box na hawak ko at ipinakita ito sa kanya. Umawang ang kanyang bibig at di makapaniwalang nakatingin sa'kin.
"U-UK..."
"Yes, Pangga. Handa na akong pakasalan ka." Kumislap ang kanyang mga mata at iniling ang kanyang ulo.
"But I should be the one giving you a ring, UK."
"Hindi, Pangga. Marami ka nang napatunayan sa'kin. I realized you deserve more than anything else. You deserve this. Mahal kita. Iyon ang mahalaga. Ano? Tatanggapin mo ba o--" Hindi ko pa man natatapos ang sasabihin ko nang bigla siyang umalis sa kanyang puwesto at nilapitan ako.
"I love you so much, UK!" Nagkantiyawan ang mga tao sa paligid habang kinukuhanan kami ng video. Ang iba naman ay napatigil sa pagkain. Nadaanan din ng paningin ko ang isang matandang babae na napapaluha. Bakas sa kani-kanilang mga mukha ang kasiyahan. Pero walang makakahigit sa kasiyahang nararamdaman ko ngayon.
"I love you too, Pangga!"
Isang mahigpit na yakap ang iginawad niya sa'kin. Hindi mapuknit-puknit ang ngiti sa aking mga labi. Finally!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top