Chapter 9
ALES
NAUNANG DUMATING SA cafe si Jazz.
Ito ang paborito naming tambayan kasi may malaki rin itong bookstore sa loob at pwede pang magbasa ng libro for free.
Kaka-park pa lang namin ni Theo sa tapat, pero nakita ko na agad si Jazz na nakangisi sa amin.
Pagkapasok, nakipag-beso lang ako sa kanya, tapos pinakilala na agad si Theo.
Bilang Mister Congeniality 'tong lalaking 'to, nakipag-kamay agad siya kay Jazz at nag-usap sila na para bang sila ang totoong magkaibigan.
"Ako na ang o-order para sa inyo," sabi ni Theo.
"Are you sure?" tanong ko sa kanya.
"Oo naman. Magkwentuhan muna kayo." Pinaupo na niya ako sa couch, tapos pumunta na siya sa counter.
Itong si Jazz naman, humaba agad ang leeg at sinundan ng tingin si Theo.
Sinipa ko nga ang paa niya sa ilalim ng table. "Wag mo namang tingnan nang ganyan."
"Ito naman, hindi ko naman siya aagawin sa 'yo. Pero grabe, ang hot! Umaapaw ang sex appeal."
Napangisi lang ako.
"Nakausap ko siya kagabi nung tinawagan kita, e," sabi niya.
"Oo nga raw, kinwento niya sa 'kin."
"Ang gwapo ng boses niya sa phone. Deep, low voice. Boses pa lang, parang na-wet na ako."
Nanlaki ang mga mata ko sabay sipa ulit sa paa niya. "Tumigil ka nga! Baka marinig ka diyan."
Lumingon lang naman ulit siya kay Theo, tapos nag-focus na sa 'kin. "So, anong status niyo?"
"Wala."
"Hindi siya nanliligaw or anything? Sex-sex lang gano'n?"
Natawa ako. "Walang ligawan."
"Hmm, sabagay. Who needs labels, anyway?"
I just smiled a bit.
Ilang saglit lang naman, bumalik na rin si Theo dala ang mga binili niyang kape at pastries. Maasikaso talaga siya. Kahit nung unang beses naming nagkita, ganito rin siya sa 'kin.
Sa tabi ko siya umupo, katapat ni Jazz.
"Theo, ginawa mo ba 'yung favor ko sa 'yo kagabi?" biglang tanong ni Jazz.
"Oo naman."
Nagtaka ako sabay tingin kay Theo. "Anong favor?"
"Secret," pagsingit agad ni Jazz. "Sa 'ming dalawa lang 'yon."
I smirked at her. "Ang daya niyo, ha. Close na agad kayo?"
"Wag kang magselos, 'nak. Sa 'yong-sa'yo lang siya."
Napatigin agad si Theo sa 'kin para siguro makita ang reaksyon ko, pero kunwari na lang na nag-ayos ako ng eyeglasses kasi nahiya ako sa banat nitong si Jazz.
"Theo, alam mo bang ngayon na lang ulit nagsama ng lalaki si Ales?" Hindi pa rin talaga tumigil 'tong kaibigan ko.
"Nasabi niya nga sa 'kin," sagot naman ni Theo. "Ang swerte ko nga."
"Oo. Simula kasi nung nag-hiwalay sila ng ex-fiancé niya, nawalan na siya ng interes sa lalaki."
Biglang napatingin sa 'kin si Theo. "'Yun ang hindi mo pa nasabi sa 'kin. Ikakasal ka pala dapat?"
"Korek," si Jazz pa rin ang sumagot. "Pero wag kang mag-alala, ten times na mas gwapo ka kesa sa ex niyang mukhang Hen Lin."
Natawa kami ni Theo.
"Bakit Hen Lin?" he asked.
"He's also Chinese." Ako na ang sumagot. "Pero matagal na 'yon. Naka-move on na ako."
"Oo naman, 'nak," hirit pa nitong si Jazz. "Sa ugali at itsura nung hayop na 'yon, hindi ka mahihirapang mag-move on."
I just laughed a little. Hindi ko siya masisisi kung ganyan pa rin ang reaksyon niya kahit ilang taon na ang lumipas. My ex did me dirty. Wala na nga dapat akong balak na buklatin ang chapter na 'yon ng buhay ko kay Theo, kaso nag-oversharing na naman 'tong si Jazz.
Buong coffee session, halos silang dalawa lang ang nag-kwentuhan.
Pabor naman sa 'kin kasi hindi ko kailangang mag-ubos ng social battery. Nag-eenjoy na akong pakinggan ang mga usapan nila. As usual, ang daldal ni Theo, nakahanap ng katapat si Jazz.
Magdidilim na nang mag-decide kaming umuwi.
Hinihintay ako ni Theo sa kotse. Nag-C.R pa kasi muna kami ni Jazz.
"I like him for you," biglang sabi ng kaibigan ko habang naghuhugas siya ng mga kamay sa sink.
Ngumisi lang ako habang pinupunasan ang eyeglasses ko.
"No, really," dagdag niya. "Ang lalim niyang tao. Masarap kausap."
"Yeah, he's interesting. Nag-click nga kami agad kahit na halatang extrovert siya. Walang awkward stage."
"Kapag inalok ka niyang maging girlfriend, pumayag ka na agad, ah. Wag mo nang pag-isipan, naku, sinasabi ko sa 'yo."
I just chuckled. "Walang mangyayaring gano'n."
"Bakit naman wala? Obvious na obvious na type ka nung tao. Hindi mo ba napapansin kung paano siya tumingin sa 'yo kapag ikaw na ang nagsasalita?"
"Come on, Jazz, we don't need to like each other. Hindi naman required na mahalin natin lahat ng mga lalaking pumapasok sa buhay natin. I just want to enjoy him."
Napangisi na lang siya sabay kumuha ng tissue para magpunas ng mga kamay. "Ikaw bahala. Gusto ko lang talaga siya para sa 'yo."
Hindi na ako sumagot. Niyaya ko na lang siya na lumabas ng C.R kasi baka naiinip na si Theo sa kahihintay sa 'kin.
"Ang tagal niyo, ah," sabi ni Theo nang makasakay na ako sa kotse.
"Sorry, dinaldal pa kasi ako ni Jazz. Napagod ka ba sa kanya?"
"Hindi, nag-enjoy nga ako e. Ang dami kong nalaman tungkol sa 'yo." Nag-umpisa na siyang mag-drive sabay lingon sa 'kin. "Dapat pala ikakasal ka?"
I smirked. I knew he would still ask me about that thing.
Bumuntonghininga ako. "That was years ago. He cheated on me and called off the wedding just two days before the ceremony. Ang kapal ng mukha, 'di ba? Siya pa ang may ganang mag-cancel. Sukang-suka talaga ako sa mga cheaters."
"Ang sakit no'n."
"Hmm...not really. Hindi ko naman talaga siya mahal."
"Pero magpapakasal ka sa kanya?"
"Na-pressure lang. My parents wanted him for me because he's also Chinese. I thought he's a good man. Wala kasi akong basis dahil bata pa ako no'n at first ko siya. Pero blessing in disguise na rin na nag-cheat siya kasi nakalaya ako. If not, my life had become even more miserable."
Kumunot ang noo niya. "Kung hindi mo pala siya minahal at ayos lang na naghiwalay kayo, bakit hindi ka na ulit nagka-boyfriend?"
Natawa ako. "My ex wasn't the reason behind that."
"Hindi ba siya?"
Bumuntonghininga ulit ako bago sumagot. "My father passed away that same year. Ang daming nangyari sa pamilya namin pagkatapos no'n kaya nawalan ako ng gana sa lahat."
Bigla siyang napalingon sa 'kin. "Sorry."
Natawa na lang ulit ako. "No, it's okay. Naka-move on na ako kahit papa'no."
Huminga siya nang malalim. "Ang dami ko pa pala talagang hindi nalalaman tungkol sa 'yo. Hindi ka kasi pala-kwento sa 'kin. Gusto mo 'yung mysterious type ka."
"Hindi naman sa gano'n. It's just that, my life isn't that interesting. Kaya nga ako nagsusulat ng mga libro kasi parang nagkakaroon ako ng ibang buhay. You know what I mean? Nasusubukan kong maging ibang tao na may ibang profession at personality, tsaka nakakabuo ako ng ibang mundo na malayo sa realidad na meron ako ngayon."
"Para namang ang lungkot-lungkot talaga ng buhay mo para takbuhan mo."
"You have no idea."
Natigilan na lang ako nang bigla niyang hawakan ang kamay ko sabay tingin ulit sa 'kin. "Gusto mo pasayahin kita?"
Medyo nag-hang ako ng ilang seconds bago ko na-realize na bumabanat pala siya.
Binawi ko agad ang kamay ko sabay palo sa braso niya. "Ayan ka naman. Ano na namang kalaswaan 'yang iaalok mo?"
Natawa siya. "Wala, grabe ka sa 'kin."
Natawa na lang din ako. Pagkatapos no'n, nagdere-deretso na kami ng byahe pauwi.
Huminto siya sa tapat ng apartment building namin, pero hindi pa ako nagtanggal ng seatbelt. Ewan ko, pero parang hindi ko pa feel bumaba.
Tiningnan ko siya. "May gagawin ka pa ba after this?"
"Wala naman. Bakit, ayaw mo pang umuwi?"
Ngumiti ako sabay umiling.
Napangisi naman siya. "Sige, tara. Tambay muna tayo." Nag-drive ulit siya paalis.
Pumunta kami sa isang convenience store na malapit lang sa apartment.
Kakakain lang naman namin sa cafe, pero bigla kaming nag-crave sa spicy food kaya bumili ulit kami ng instant ramen tsaka iba pang pang convenience store food. Tapos pumwesto lang kami sa mga stool chairs dito sa loob at nagkwentuhan.
I don't usually do this because I prefer staying and eating at home. Pero ang saya palang mag-food trip sa labas.
Tsaka ang saya ring kasabay kumain ni Theo kasi game na game siya sa kahit na anong pagkain. Bumili kasi ako ng yogurt drink, tapos bumili rin siya kahit na parang hindi naman bagay sa kanya uminom ng gano'n.
"Marami pa ba 'yung kailangan mong isulat sa libro mo?" bigla niyang tanong habang humihigop ako ng spicy ramen.
"Actually, marami-rami pa. Forty ang target chapters ko, nasa Chapter 15 pa lang ako."
Natawa siya. "Ang layo mo pa sa katotohanan."
"I know. Kaya nga kailangan kita."
Sumubo muna siya ng ramen bago siya umayos sa pagkakaupo at hinarap ako. "Ba't ka ba talaga nahihirapang magsulat?"
"I also don't know. Parang nauubusan lang talaga ako ng naughty ideas kasi ang dry ng sex life ko bago kita nakilala. Like, walang new experience. Wala naman kasing kwenta sa kama 'yung ex kong kamukha ni Hen Lin."
He chuckled.
"Totoo nga," sabi ko naman. "Feeling ko tuloy paulit-ulit na lang ang nangyayari sa mga bed scenes ko. Kaya siguro ako nagfa-flop."
"Anong gusto mong ma-experience para may maisulat ka?"
"Marami."
"Tulad ng?"
Tumingin muna ako sa paligid kasi baka mamaya may nakikinig sa 'min, tapos bumulong ako sa kanya. "Using sex toys."
A smirk flashed on his lips. "Gumagamit sila ng gano'n do'n sa libro mo?"
"Mm-hmm. My female lead Quinn enjoys it. Kaya kung anu-anong pinapasok sa kanya ni Dr. Sebastian."
Bigla siyang natawa.
"Bakit?" tanong ko.
"Wala. Natawa lang ako sa kung anu-anong pinapasok."
"But it's true. She lets him use dildos, vibrators, and anal beads on her."
"Gusto mo pasukan din kita ng mga gano'n?"
Napapigil ako ng ngiti. Bigla akong nahiya na sumagot kaya napainom na lang ako sa yogurt drink ko.
"Gusto mo nga?" tanong niya pa rin naman.
"Well...yes. I want to experience it at least once in my life. But I don't have those kinds of toys."
"Bibilhan kita."
"Wag na, nakakahiya sa 'yo."
"Ngayon ka pa nahiya. Teka, bibili na ako ngayon."
Bigla siyang naglabas ng phone at may pinuntahan siyang online store. Medyo nataranta ako kaya tinakpan ko agad ang phone niya. "Ano ka ba, wag naman dito. Napapaligiran tayo ng CCTVs."
"Sige, mamaya na lang sa bahay."
Tinago na ulit niya ang phone niya. I don't know if he's really serious, pero parang bigla akong na-excite.
"Ales?"
"Hmm?" Umiinom ulit ako ng yogurt drink.
"Sinabi mo kanina, walang kwenta sa kama 'yung ex mo. Totoo?"
I heaved a sigh. "Unfortunately, yes. He's boring in bed. That's what I thought. But it turns out na may ibang babae pala kasing pumapagod sa kanya kaya wala na siyang gana pagdating sa 'kin."
"Ayaw mo ng lalaking boring sa kama?"
"Syempre naman. I have my fantasies, pero hindi niya ma-fulfill kasi fantasies ng ibang babae ang tinutupad niya. And you know what really turned me off? He never liked my art."
"'Yung pagsusulat mo?"
Tumango ako. "He said it's disgusting. Kahit isang beses, hindi niya sinuportahan ang pagsusulat ko ng erotic books. I guess that's one reason bakit papangit nang papangit ang mga sulat ko. Wala kasing sumusuporta sa 'kin."
"Mukhang hindi talaga kayo parehas ng trip. Pero 'di bale, nandito naman na ako. Ipapa-experience ko sa 'yo lahat ng gusto mong ma-experience. Umpisahan natin do'n sa mga laruan na gusto mo. Bibilhan kita nang marami mamaya."
Natawa ako. "Wag namang marami. I haven't really tried using one. Baka hindi ko kayanin."
"Kaya mo 'yon. Akong bahala. Promise, mag-eenjoy ka. Baka umabot pa ng 100 chapters 'yang libro mo."
Natawa ulit ako sabay palo sa braso niya. "Ang funny mo talaga e, 'no?"
"Ewan ko, ikaw lang yata 'yung kakilala ko na palaging tawang-tawa sa 'kin. May kasama pang pag-hampas 'yan."
"Because you're really funny. Or baka dahil wala lang akong ibang friends, kaya 'yung personality at humor mo, benta na agad sa 'kin."
Napailing-iling lang naman siya habang kumakain na ulit ng noodles.
Nangalumbaba ako rito sa mesa at pinagmasdan siya. "Theo, I'm curious again. What's your type of girl?"
"Kahit ano na lang. Kung sinong dumating."
"Seryoso kasi. I just want to know you better."
Napaisip siya. "Simple lang ang gusto ko. 'Yung kapantay ko lang tsaka madaling yayain sa mga gala at trip ko sa buhay."
"And of course, 'yung hindi rin boring sa kama, right?"
"Oo naman. 'Yun ang pinaka-importante sa lahat."
I chuckled. "Okay lang sa 'yo kung marami ng sex experience ang babae?"
"Ayos lang."
"Really? Like, you're okay with that?"
"Oo, wala akong problema sa gano'n. Bakit?"
Napatingin ako sa malayo. "Magkaiba kayo ng ex ko. Ayaw niya sa babaeng hindi na virgin kasi ang dumi-dumi na raw. Akala mo naman talaga ang linis niya."
He just smirked. "Kung ayaw niya ng gano'n, wala ka naman talagang magagawa. Pero mali siya sa sinabi niya na ang dumi-dumi."
"Right?!"
"Magkakaiba naman kasi ng dahilan 'yon. Tsaka pansin ko sa inyong mga babae, minsan, hindi niyo naman talaga gusto na magka-experience sa iba't ibang lalaki. Kayo nga 'yung may pangarap na kung sino 'yung unang boyfriend niyo, 'yon na rin ang pakakasalan niyo, 'di ba?"
"Most of us, yes."
"Pero syempre, hindi naman palaging nangyayari 'yong gano'n," he continued. "Kunwari, akala mo siya na 'yung makakatuluyan mo kaya binigay mo lahat, pero nag-break kayo. Tapos nakahanap ka ng bago na akala mo na naman siya na, kaya binigay mo ulit lahat, kaso naghiwalay rin pala kayo. Mga gano'ng dahilan ba. Kaya hindi mo pwedeng husgahan agad at sabihin na ang dumi-dumi kasi minsan, hindi rin naman ginusto ng babae na marami silang naka-sex. Sadyang nagmahal lang talaga sila. Pwera na lang siguro kung 'yung babae e nagbibigay rin ng service katulad ko. Ibang usapan naman 'yon, pero wala pa rin namang masama."
Natulala ako sa sagot niya.
"Bakit?" tanong niya tuloy kasi hindi talaga ako naka-imik. "May mali ba sa sinabi ko?" dagdag niya pa.
Napangiti na ako. "No, nothing. Those are exactly my thoughts. Nakakatuwa lang na parehas tayo."
"Natututo lang din ako sa mga kaibigan kong babae. Minsan maganda rin 'yung marami kang nakakasama kasi nag-iiba mga pananaw mo sa buhay."
"You're right."
Tumuloy na ulit siya sa pag kain, pero ako, pinagmamasdan pa rin siya.
I really didn't expect to hear those words from him. Sa lahat ng mga lalaking natanong ko ng gano'n, siya lang ang may sagot na nagustuhan ko.
Akala ko bad influence siya, but I feel like I could learn a lot from him.
Tuloy-tuloy lang kaming nagkwentuhan pagkatapos no'n. Minsan, ang naughty ng mga topics namin kaya nabubuhayan kami ng dugo, pero mas marami kaming deep talks.
Nakakatuwang pakinggan ang mga opinyon ni Theo sa mga bagay-bagay. Ngayon ko napatunayan na malalim pala talaga siyang tao, tulad ng napag-usapan namin ni Jazz. And to be honest, I admire men with substance.
Hindi na nga namin namalayan na umabot na kami ng alas-dos ng madaling araw sa kaka-kwentuhan.
Hindi ko talaga napansin. Ang sarap niya kasing kausap. Actually, bitin pa nga ako at gusto ko pa siyang kasama, kaso medyo tinatamaan na rin ako ng antok. Tsaka iniisip ko rin ang byahe niya pauwi.
Bumili lang ulit ako ng pagkain para may kakainin na ako mamaya pagkagising, tapos hinatid na ako ni Theo sa apartment.
Pagkahinto namin sa tapat ng building, nagtanggal agad ako ng seatbelt. "Wag mo na akong ihatid sa taas. I can take it from here."
"Sige."
"Thank you for spending time with me. Inabot na tayo ng madaling araw, pero nag-enjoy ako sa tambay natin."
"Ako rin."
Nag-hahanda na ako ng gamit nang bigla ulit siyang nagsalita. "Ales..."
"Hmm?"
"Kailan ulit kita makikita?"
Napangiti ako. Parang natanong niya na rin sa 'kin 'to last time.
"I'm not sure yet. I'll just call you," sagot ko sa kanya. "Kailangan ko kasi munang makapagsulat para malaman kung effective ba 'yung trial period ko sa service mo."
"Sige, sabihan mo lang ako kung tutuloy ka sa subscription. Bibili pa pala ako ng mga laruan mo."
Napapigil ako ng ngiti. There's really never a dull moment with this guy. Palagi talaga siyang may kalaswaan na ibabanat.
Dinala ko na ang bag ko at binuksan ang pinto ng kotse. "Bye, Theo."
Pero bago pa ako tuluyang makalabas, bigla niya na lang inabot ang kamay ko at hinalikan. "Bye. Tawag ka agad, ah? Baka ma-miss kita masyado."
TO BE CONTINUED
Bitin ba? Read three (3) advanced chapters of this story on my Patreon!
Go to www.patreon.com/barbsgaliciawrites, or send me a message on my FB page (www.facebook.com/thebarbsgalicia) for GCash payments.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top