Chapter 35
ALES
"Theo, hindi tayo magkakahiwalay...
...You will never lose me, I promise."
I woke up to an intense headache. Parang binibiyak ang ulo ko sa sakit, pero agad na lang akong nataranta sa pagbangon nang mapagtanto kung anong nangyari sa 'kin.
I was left all alone and stripped bare!
Nanigas ako sa kama at takot na takot na pinagmasdan ang paligid. Eithan is no longer here, but I saw a used condom on the floor.
I shattered in that moment.
Para akong plato na binasag at pakiramdam ko mawawalan na lang ulit ako ng malay. I desperately ran to the shower room and cleaned myself up in panic.
Kiniskis ko nang mariin ang buo kong katawan na kulang na lang masugatan na ang balat ko.
No, no, no, this is not true! I was not raped. Eithan did not do that to me!
Para na akong baliw rito na iling nang iling habang nililinis ang katawan ko at nagpipigil ng mga luha. Ilang beses ko pang pinaniwala ang sarili ko hanggang sa hindi ko na kinaya ang bigat at tuluyan na akong napaiyak. I sunk to the bathroom floor and broke down. Please tell me I am just dreaming!
I couldn't remember a single thing from last night. Pinipilit kong pigain ang utak ko, pero wala akong maalala. All I knew was that Eithan drugged me and I passed out. Pero bakit may gamit ng condo sa sahig? I really couldn't recall what happened!
Hinagod ko ang dibdib ko na sobrang naninikip. I could hear my heart thumping loudly in my ears. They all set me up! Paano nila 'to nagawa sa 'kin? Paano 'to nagawa ng mismong pamilya ko sa 'kin! I felt a mix of betrayal, agony, and disgust hitting me all at once.
Naalala ko agad si Theo. Lalo akong napaiyak at nilamon ng takot.
I gathered myself and finally got the courage to step out of the bathroom. Hinanap ko agad ang phone ko. Ang dami ng missed calls ni Theo sa akin. He was so worried and kept texting and calling me.
Muling bumigay ang mga tuhod ko at hinang-hina na lang akong napaupo sa paanan ng kama.
Natulala ako sa kawalan. Pakiramdam ko hinigop na lahat ng lakas na mayroon ako. I just stayed motionless, shedding silent tears as I endured all this pain and betrayal.
Hindi ko alam kung paano ko ito sasabihin sa asawa ko. Hindi niya matatanggap. It will destroy him!
Tinakpan ko ang mukha ko ng nanginginig kong mga kamay. Hindi ko alam kung anong gagawin ko o kung saan ako pupunta. I'm so scared to tell anyone about this, even my own husband. He will never forgive what happened to me. Baka mandiri na siya sa 'kin at baka iwanan na niya ako kasi ang dumi ko na. Ang dumi-dumi ko na!
Muling napalakas ang pag-iyak ko nang sabay-sabay nang pumasok sa isip ko ang mga posibleng mangyari.
Hindi ko kayang mawala sa 'kin si Theo. Our marriage cannot end this way. Sana pinatay na lang din ako ni Eithan dahil hindi ko na alam kung papaano pa ako makakabangon pagkatapos ng ginawa niya sa 'kin.
I did my best to pull myself together and leave the house.
Wala akong nahingan ng tulong kasi walang tao sa bahay. Para ngang walang party na nangyari kagabi dahil sobrang linis na lahat. Audrey left me. My mother left me. Ni hindi nila sinasagot ang mga tawag ko. Hinayaan lang nila si Eithan na gawin ang kababuyan na 'yon sa 'kin. I felt so helpless. Lahat ng tapang ko, nawala.
Habang nasa taxi pauwi, tulala lang ako habang umiiyak nang tahimik. I feel like I'm losing my mind.
Sa totoo lang, ayokong umuwi sa apartment kasi hindi ko kayang harapin si Theo. Hindi ko pa nga siya nirereplyan at tinatawagan hanggang ngayon.
How could I tell him that his own wife got sexually assaulted? Alam kong hindi niya na kakayanin.
Ang dami na niyang tiniis at nilunok dahil sa pamilya ko. Nanatili siyang mabait sa kabila ng lahat. Pero ito? Sobra-sobra na. This will leave him in pieces. Kaka-kasal pa lang namin, eh. Iniisip ko pa lang kung anong mararamdaman niya, nasasaktan na ako. My husband doesn't deserve this.
Pagkarating sa apartment, lalong bumigat ang pakiramdam ko.
Parang hindi na nga ako aabot sa itaas at bigla na lang akong babagsak. Kada hakbang ko pauwi kay Theo ay lalong umiikot ang sikmura ko sa takot.
When I opened the apartment door and saw my husband, I felt like the world had fallen on me again.
I really can't do this. Hindi ko siya kayang harapin. Gusto ko na sanang tumakbo paalis, pero kitang-kita ko kung paano nagliwanag ang mukha niya noong dumating na ako.
Sumalubong agad siya at dapat yayakap pa, pero pasimple akong umatras ng hakbang.
His forehead wrinkled yet he still managed to smile at me. "Pauwi ka na pala, hindi ka nagsasabi sa 'kin. Kanina pa kita tinatawagan."
I looked away. Nahihiya ako sa kanya, hindi ko alam kung paano ko pa siya titingnan.
"I-I'm sorry," I just said. "Nagmadali na akong umuwi kaya hindi ko na nasilip ang phone ko."
"Ayos lang. Ang importante, nakauwi ka na. Tara, kain na tayo."
Inalalayan niya ako papasok ng apartment, pero sobrang naiilang talaga ako kaya pasimple ulit akong umiwas. "S-sorry, I'm not hungry. Can I just sleep? I'm tired."
"Napuyat ka sa party niyo?"
I nodded without looking at him.
Napalingon siya sa mesa na may mga nakahandang pagkain, tapos muli akong tiningnan. "Nagluto ako ng almusal. Kumain ka kahit konti."
Umiling ako.
"Subuan na lang kita?"
My heart sank. Malungkot ko na lang siyang tiningnan. "I'm sorry, but I'm really tired. Gusto ko na munang magpahinga."
Hindi naman siya nagalit. Ngumiti lang siya nang mapait sabay haplos sa pisngi ko. "Sige, pahinga ka na muna sa kwarto. Itatabi ko na lang ang pagkain mo para mamaya, may kakainin ka agad pagkagising."
I smiled a little and turned away from him. Nangilid agad ang luha sa mga mata ko pagkatalikod na pagkatalikod ko.
He was so clueless, and I feel so guilty. Pakiramdam ko dinudurog ang puso ko kasi ang bait-bait niya. Lalo niya akong pinahihirapan na umamin.
Initsa ko lang ang mga gamit ko, tapos pumasok sa banyo para muling maligo.
I no longer remember how many times I've cleaned myself, but I still feel disgusted. Kung totoo ngang ginalaw ako ni Eithan, gusto kong alisin lahat ng bakas niya balat ko. Napaka-baboy niya.
Binuksan ko ang shower at muling kiniskis ang katawan ko. Hindi ko na naman napigilang hindi mapaiyak. I broke down again and sobbed in silence so Theo wouldn't hear me. Ang sakit sa dibdib na magpigil ng hagulgol.
Wala pa rin talaga akong maalala sa nangyari kagabi. Wala naman kasi akong ibang naramdamang kakaiba nung nagising ako. Ang sakit lang ng katawan ko at ng ulo ko. Hindi ko matanggap. Gusto kong isipin na sana nananaginip lang ako kasi hindi ko kaya ang bigat.
I collected myself before getting out of the shower. Ayokong mahalata ni Theo na galing ako sa iyak.
Pumasok ako sa kwarto at tiningnan ang sarili ko sa salamin. I didn't realize there were light bruises on my hips and thighs.
Muli akong naluha at pakiramdam ko piniga na naman ang puso ko sa sakit. Nagkaka-pasa lang ako ng ganito kapag may nangyayari sa 'min ni Theo. Does this mean Eithan really did touch me?
Hindi ko na alam, mababaliw na ako sa kaiisip!
Mayamaya lang naman ay biglang pumasok si Theo rito sa kwarto.
Nataranta ako at agad na sinara ang suot kong bathrobe kahit na alam kong huling-huli na niya na tinitingnan ko ang sarili ko sa tapat ng salamin.
Kumunot ang noo niya. "Ano 'yan?"
"N-nothing."
Nilapitan niya ako at dapat hahawakan ang bathrobe, pero agad akong umatras ng hakbang. "I said this is nothing."
Natigilan siya, pero hindi pa rin inaalis ang nagtataka niyang tingin sa mukha ko.
I looked away. "I...I just took a shower. I'll get dressed now."
"Sige, para makapagpahinga ka na. Mamaya pala, aalis ako nang maaga. May event sa Third Base. Kailangan ako ni Arkhe."
Lalo akong nalugmok. Ayoko sana muna siyang papasukin sa trabaho ngayon. Gusto ko lang siyang kasama kasi natatakot ako. I don't feel safe anymore.
"Ales?" pagkuha niya sa atensyon ko. "Okay lang, aalis ako nang maaga?"
Tumango lang ako nang hindi siya tinitingnan, tapos tumalikod na para kumuha ng bagong damit.
"Ayaw mo ba talagang kumain muna?" muli niyang tanong.
"I'm fine. Mamaya na lang siguro pagkagising ko." Nagbihis na ako at agad na humiga sa kama.
Wala naman na siyang sinabi. Ramdam ko lang na pinagmasdan niya pa ako bago siya tuluyang lumabas ng kwarto.
Ang sabi ko, matutulog ako. Pero hindi naman ako nakatulog. Buong araw lang akong nagkulong sa kwarto at tulala sa kawalan. Wala akong ganang gumalaw at kumain, ni hindi ko na ulit nagawang kausapin si Theo.
I know he's worried. Kanina niya pa ako pinupuntahan kasi gusto na niya talaga akong pakainin, pero nagtutulog-tulugan lang ako sa tuwing pumapasok siya.
Lalo tuloy akong nagi-guilty kasi wala naman siyang kasalanan. Ang bait-bait niya pa rin kahit na alam kong nagtataka na siya sa kinikilos ko. Ngayon nga, naghahanda na siya para sa pagpasok sa trabaho, pero hindi ko pa rin siya kinakausap nang maayos.
Wala pa talaga akong lakas ng loob para sabihin sa kanya ang nangyari. Alam ko, kailangan niya 'tong malaman dahil asawa ko siya at siya lang ang pwedeng makatulong sa 'kin, pero hindi ko pa talaga kayang mag-kwento. Natatakot ako sa magiging reaksyon niya.
Ilang saglit lang naman ay muli siyang pumasok dito sa kwarto namin.
He lay down next to me and hugged me from behind.
Bigla na lang tumaas ang mga balahibo ko nung hinalikan niya ako sa leeg. Nataranta ako sabay lingon sa kanya. "W-what are you doing?"
Ngumiti lang naman siya. "Isang round bago ako umalis?" Sabay halik niya ulit sa leeg ko.
I flinched and almost got out of bed. "N-no."
Nagtaka tuloy siya at napabangon din paupo sa kama. "Bakit?"
Hindi ako nakasagot. Umiwas lang ako ng tingin sabay inayos ang damit ko.
"May problema ba?" tanong niya.
"Nothing. I...I'm just not in the mood tonight."
Siya naman ang hindi nakasagot. Inasahan ko nang lalo siyang magtataka kasi hindi ko naman siya normally hinihindian. I'm always game to make love with him, especially before he leaves for work.
Pero ngayon, hindi ko talaga kaya. Sobrang traumatized ako sa ginawa ni Eithan to the point na may humawak lang sa 'kin, kinikilabutan na ako.
I was expecting Theo to question me again, but he didn't. He just smiled at me. "Naiintindihan ko. Pagod ka talaga."
Napayuko ako. "I'm sorry."
"Okay lang." Inalalayan niya ako para bumalik sa pagkakahiga sa kama. He brushed a few of my hair strands to the side. "Sorry rin kung nagyaya ako. Na-miss lang kasi kita."
Ngumiti lang ako nang mapait. Naaawa ako sa kanya. Ang sakit sa pakiramdam na pati sa sarili kong asawa, nakakaramdam ako ng takot.
I closed my eyes and just lay on my side.
Naramdaman ko naman siya na nakatitig sa 'kin. "Magbibihis na ako para maaga akong makaalis."
I nodded.
Narinig ko siyang bumuntonghininga sabay nilapat ang likod ng kamay niya sa noo ko. "Nilalagnat ka ba? Kinakabahan na ako sa 'yo."
"No, I'm okay. Sige na, baka ma-late ka sa club."
"Ang hirap umalis nang ganito ka. Kumain ka kaya muna? Sasamahan kita bago ako pumasok sa trabaho."
"I'm not hungry."
"Pwede ba 'yon? Simula nung umuwi ka kanina, hindi ka pa kumakain. Papaanong hindi ka pa gutom?"
Hindi na ako sumagot. Hindi ko rin kasi talaga maipaliwanag kung bakit hindi ako nakakaramdam ng gutom. Basta nanghihina lang ako.
I just heard him heave a sigh again. "May nangyari ba sa party kagabi? Akala ko maayos na?"
"M-maayos na nga."
"Parang hindi pa. Parang may hindi ka sinasabi sa 'kin."
Namanhid ang mga pisngi ko. Lalo akong binalot ng takot, pero pinilit ko na siyang tingnan. "I'm sorry, but I'm okay. Kakain na lang ako mamaya kapag nagutom na ako. I'm really not hungry yet."
Tiningnan niya lang naman ako na para bang hindi siya kumbinsido, tapos muli siyang huminga nang malalim. "Tatawagan kita mamaya para alamin kung kumain ka talaga. Uuwi na lang din ako nang maaga bukas."
I smiled a little and nodded.
Ngumiti na rin siya sabay hinalikan ako sa noo bago siya bumangon. "Magbibihis na ako. I love you."
Lumabas na siya ng kwarto pagkatapos. Sinundan ko lang siya ng tingin. Naiiyak na naman ako. Kapag nalaman niya ang nangyari sa 'kin, makakapag-I love you pa kaya siya? Magiging ganito pa rin kaya siya kalambing?
I covered my eyes with my arm and let tears slip down my face.
Hindi ko 'to kaya.
I don't know if I can ever heal from this trauma caused by my own family. Talagang ginawa nila lahat para lang ang asawa ko na mismo ang bumitiw at mang-iwan sa 'kin. I will never forgive myself for trusting them.
TO BE CONTINUED
• • •
AUTHOR'S NOTE: Hello, loves! Thank you so much for reading. This story is now COMPLETED on Patreon! If you want to read the chapters in advance, you may subscribe to my Patreon at www.patreon.com/c/barbsgaliciawrites. Thank you so so much for the support.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top