Chapter 32

ALES

"ALES? PAPASOK NA ako sa Third Base."

Nagising ako nang maramdaman si Theo na humahalik sa balikat ko. Hindi ko namalayan na napasarap ako ng idlip.

We just made love.

Binuhat ko ang sarili ko paupo sa kama habang nakatapis pa rin ng kumot ang hubad kong katawan. My eyes were still heavy. "What time is it?"

"Mag-a-alas sais na. Kailangan ko nang pumunta sa club. Naghihintay na sa 'kin si Arkhe."

Kanina pa pala siya nakaligo at nakapag-bihis.

"Okay." Tuluyan na akong bumangon at sinuot na muna ang T-shirt na hinubad niya kanina.

"Ayos ka lang mag-isa rito?" he asked me.

"Of course. Dito lang naman ako sa apartment."

"Baka malungkot ka pa rin dahil sa nangyari sa inyo ng Mama mo."

"Hindi na. Masaya na ulit ako. Gabi-gabi mo ba naman akong pinaliligaya, eh."

He smirked.

"But kidding aside, it's been days, so I think I'm good now," dagdag ko na lang. "Halika, hatid na kita."

Sinabayan ko na siya papunta sa pinto nitong apartment.

Bago ko binuksan, niyakap ko pa muna siya nang matagal. Parang ayoko pa siyang umalis. Nasanay kasi ako na araw-araw ko siyang kasama kaya nami-miss ko na siya agad.

"Male-late ako ng uwi, ah?" sabi niya habang nakasubsob ako sa dibdib niya.

Napangiti ako. "Palagi ka namang late umuuwi. Inuumaga ka na nga."

"Ang ibig kong sabihin, baka mas late ngayon. May aasikasuhin lang kami ni Arkhe."

"Okay. I'll just wait here. Ingat ka."

"Syempre naman. Alam kong may naghihintay sa 'kin." Inangat niya ang mukha ko para halikan ako sa mga labi, tapos tuluyan na siyang lumabas ng apartment.

Sinundan ko siya ng tingin. Nung nakasakay na siya ng elevator, tsaka lang ako bumalik sa loob at nag-lock ng pinto.

Ngayong gabi lang ulit papasok si Theo sa Third Base. Masyado kasi siyang nag-alala sa 'kin dahil sa ginawa ng nanay ko kaya hindi niya ako maiwan-iwan.

I told him many times that I can handle myself. Sanay naman na ako sa ganitong family drama. Maiinis lang ako ng ilang araw, tapos makaka-move on na. Kaso nag-aalala pa rin talaga siya sa 'kin.

Kaya nga pinilit ko nang ipakita sa kanya na okay na talaga ako para hindi na maapektuhan ang pagtatrabaho niya. Nakakahiya na kasi mas lalo siyang bumait simula noong kinasal kami. He's doing so well as a husband.

Dumiretso na muna ako sa banyo para mag-shower.

Nanlalagkit ang katawan ko dahil sa ginawa namin ni Theo. Ako ang humiling sa kanya ng isang round bago siya umalis. I don't know, pero naging sobrang clingy ako sa kanya ngayon. I just want to cuddle with him all day. And as usual, game na game din naman siya sa mga kapilyahan na gusto ko. We make love almost every night.

Nakakapanibago nga. Dati, sanay na sanay akong maging independent, pero ngayon, parang hindi ko na kayang gumalaw kapag wala siya. Masyado niya rin kasi akong inaalagaan kaya nalalabas ko na ang feminine side ko.

Sobrang sarap niyang maging asawa. Kung nakikita nga lang sana ng magaling kong nanay kung paano ako tratuhin at mahalin ni Theo, maiintindihan niya kung bakit ito ang pinili kong pakasalan.

Pagkatapos mag-shower, naisipan ko na lang na magtrabaho ulit.

I've accepted Naomi's job offer to become one of their editors. Kaya mas busy ako ngayon kasi sinasabay ko 'to sa bago kong sinusulat na libro. Okay na rin. At least wala akong masyadong me time, naiiwasan kong mag-isip-isip.

Nasa kalagitnaan ako ng pagsusulat nang may biglang kumatok dito sa apartment.

Nagtaka ako kasi wala pang isang oras mula nang umalis si Theo, at hindi niya rin naman ako tinext kung may nakalimutan na siya. Baka si Jazz 'tong dumating.

Tumayo ako para buksan ang pinto, pero napaatras na lang agad ako ng hakbang nang makita ang nanay ko na nasa labas.

Hindi ako nakapagsalita kaagad kasi hindi ko ito inexpect.

I just clenched my jaw at her audacity to even show up at my door. "Hindi ka talaga titigil, eh, 'no? Paano mo nalaman kung saan ako nakatira?"

She smirked. "So, it's true. Dito ka ibinahay ng napangasawa mo. What a downgrade, Alessia."

"This is my own apartment. Dito ako nakatira bago pa ako nagpakasal. Ano ba, Ma, mang-iinsulto ka lang ba ulit kaya ka pumunta rito?"

"No, of course not. I just want to talk to you. Hindi kasi tayo nakapag-usap nang maayos nung pumunta ka sa bahay dahil binigla mo ako. Can we talk now?"

"Wala naman akong magagawa. Nandito ka na." Nilakihan ko ang pagkakabukas ng pinto para papasukin siya.

"My husband just left," dagdag ko. "Mabuti na lang hindi mo siya naabutan."

Hindi niya naman pinansin ang sinabi ko. May nilagay lang siyang isang box ng pastries sa mesa. "This is for you."

"Himala, may pasalubong ka pa."

"I bought them on my way here. Mukha kasing hindi ka na nakaka-kain nang maayos. Ang laki ng pinayat mo."

Ngumisi na lang ako, tapos dumiretso na sa kusina para pagtimplahan siya ng juice. Ayoko na sana siyang asikasuhin, pero nanay ko pa rin siya.

Pinagmasdan niya na lang naman ang loob nitong apartment. Sinuri niya ang mga furniture at ibang mga gamit.

Sa tagal kong naging independent at nagpakalayo-layo sa kanila, ito ang unang beses na pinuntahan niya ako. Hindi ko inexpect na talagang aalamin niya pa kung saan ako nakatira.

"Are these your books?" she asked.

Lumingon ako. Tinitingnan niya na pala ang mga libro ko na naka-display sa shelf.

"Oo," sagot ko. "Wag mo nang basahin."

"I won't. I don't read books like these."

Napangisi na lang ulit ako. Wala talaga siyang suporta sa 'kin pagdating sa pagsusulat. Hindi niya kino-consider na totoong trabaho ang pagiging author.

"Isn't this too small?" muli niyang tanong. Pinagmamasdan na niya ulit 'tong apartment. "Mas malaki pa ang kwarto mo sa bahay natin kaysa rito, ah."

"Sanay na ako sa ganito. As if namang hindi mo alam na maliit na ang tinitirhan ko simula nung umalis ako sa bahay ni Papa."

"And your husband is living here, too?"

"What kind of question was that? Syempre, asawa ko siya."

"Hindi ka man lang niya itinira sa mas malaking bahay. Doesn't he have any property?"

Huminto ako sa ginagawa ko at tinitigan siya nang matalas. "Ma, pwede ba? Wag mong insultuhin ang asawa ko rito mismo sa tinitirhan namin?"

Ngumisi lang naman siya, tapos umupo na sa dining table.

Binigay ko sa kanya ang ginawa kong juice. "So, why are you here? Akala ko wala na tayong pag-uusapan kasi hindi mo naman tanggap ang pagpapakasal ko."

"Can you please sit down?"

Bumuntonghininga ako at umupo na lang din sa tapat.

My mother has this strong and intimidating aura. Matalas siya kung tumitig, 'yung tipong bibigay talaga ang tuhod mo sa takot. Pero hindi na 'yon tumatalab sa 'kin ngayon kasi kayang-kaya ko na siyang labanan.

"What's his work?" bigla niyang tanong sa 'kin.

"Who?"

"That guy you married. What's his work?"

"He co-owns a nightclub."

Bigla ulit siyang ngumisi. "A nightclub?"

"Oo. At wag mo siyang susubukang laitin kasi hindi mo alam kung gaano niya kamahal ang negosyo nila."

"I'm not saying anything." Uminom siya sa baso ng juice. "Where did you meet him?"

"Sa Sagada. Nakilala ko siya nung nagbakasyon ako mag-isa roon last year."

"I see. And he's from Batangas, right? He has one brother, and they both own Third Base."

Nanigas ako sa kinauupuan ko. Ang bilis nag-sink in sa 'kin ang mga sinabi niya.

I clenched my jaw and curled my fingers into fists, trying to hold back my anger. "You witch. Ang dumi mo talagang kumilos, e, 'no? Inalam mo na ang lahat tungkol kay Theo bago mo pa ako pinuntahan."

"Ang sabi mo kasi, hindi ko pa siya lubusang kilala. Kaya kinilala ko siya. And you know what, I still don't like him. Hindi siya nababagay sa 'yo. So why don't we just talk about you and Eithan?"

Pakiramdam ko umakyat lahat ng dugo ko sa ulo ko. Padabog na akong tumayo at kinuha ang tinimpla kong juice para sa kanya, at tinapon sa lababo.

"Umalis ka na." Nanginginig ang mga kamay ko habang nakatungkod dito sa sink.

"Eithan wants you back," sabi niya pa sa 'kin. "Hindi ko alam na pumunta ka pala noong kasal niya. Could you believe it? He left his ex-wife because he realized he's still in love with you."

Tiningnan ko siya nang masama. "At masaya ka pa na ginawa niya 'yon?"

"Well, I don't like his ex-wife in the first place. And you're lucky to have someone head over heels in love with you."

Halos bumagsak ang panga ko. "Are you even hearing yourself right now? That person did me dirty! Alam mo kung anong ginawa no'n sa 'kin, tapos ngayon puring-puri mo siya?"

"At least he realized who he truly loves. And I'm sure you still have feelings for him, too. Besides, hindi ka naman pupunta sa kasal niya kung hindi ka na umaasa na magkakabalikan pa kayo."

What an asshole! Gusto ko na siyang murahin! Sobrang triggered na ako at kaunti na lang talaga, mananakit na ako ng magulang.

Tumungo na lang ako sa pinto at binuksan iyon. "Please leave now. Or else, mapipilitan akong tumawag ng security at ipahila ka palabas."

Natawa naman siya nang mayabang sabay tumayo para harapin ako. "My goodness, Alessia. Hanggang ngayon wala ka pa ring galang sa 'kin."

"It's because you're always triggering me! God, Ma! Umalis ka na lang dahil hindi ko naiintindihan kung saan mo hinuhugot 'yang mga pinagsasabi mo!"

"Okay, okay." Bigla nang huminahon ang boses niya. "Sasabihin ko na sa 'yo ang totoo." Huminga siya nang malalim bago nagpatuloy. "Our companies are going bankrupt. We to need to partner with Eithan's family for us to survive. Pero ang kondisyon na binigay sa 'kin ni Eithan ay gusto niyang maikasal sa 'yo, just as originally planned."

Napangisi na lang ako at napailing-iling. "So, there you go. Nasabi mo rin ang totoo. Hindi mo na-manage nang maayos ang mga kompanya ni Papa?"

"I tried."

"You tried? Palibhasa, hindi ka naman kasi talaga magaling. Inagaw mo lang 'yang mga negosyo na 'yan kay Papa para mapunta sa inyo ng kabit mo, pero hindi mo naman pala napanindigan."

"It's not my fault! Kung may katulong lang kasi sana akong magpatakbo ng mga negosyo na naiwan ng Papa mo. But I only have Audrey right now. Your brother, Lester, is still young, and you...you left us, didn't you?"

"Kasalanan ko na naman? Ikaw ang gumawa niyang problema, tapos ibang tao ang sisisihin mo. You didn't really even change."

Lumapit siya sa 'kin. "Alessia, minsan lang ako humiling sa 'yo. Audrey is marrying Samuel Chen to help save us, but it's not enough. Kailangan pa rin natin si Eithan. And besides, ito naman talaga ang plano ng Papa mo para sa 'yo. Ayaw mo bang tuparin ang hiling niya?"

"Stop using my father! Ano bang mahirap intindihan dito, Ma? Kasal na nga ako."

"Then file an annulment. Madali lang naman 'yon para sa 'tin. We have the money and the power, remember? Our lawyers will help you."

"E bakit kaya hindi na lang ikaw ang magpakasal kay Eithan tutal may landi ka naman talaga?"

Nagulat ako nang bigla niya akong sinampal!

Napapikit ako nang mariin at tiniis ang sakit ng pisngi ko.

"Bastos talaga 'yang bibig mo, Alessia!"

"Totoo naman!" laban ko kahit na nanginginig na ako sa galit. "Dahil diyan sa kalandian mo kaya namatay si Papa. Tapos tinuturo mo pa sa 'kin. I'm happily married, Ma. Pero ang gusto mo, sumama pa ako sa ibang lalaki. Kung ikaw, madali lang para sa 'yo na saktan ang sarili mong asawa, ibahin mo ako dahil hinding-hindi ko 'yon magagawa kay Theo. I love him and I will never leave him!"

Kinuha ko na ang bag niya at walang habas na binato sa kanya. "Now get out!"

Nanlaki ang mga mata niya sa ginawa ko, pero hindi ako nagsisisi. Wala ng nanay-nanay rito dahil hindi niya rin naman ako nirerespeto bilang anak.

Kitang-kita ko ang pag-igting ng panga niya dahil din sa galit. Ang tagal niya pa akong pinanlisikan ng tingin, pero sa huli, siya lang din ang sumuko. She composed herself and walked out our door.

Pero bago pa siya tuluyang umalis, tumingin pa ulit siya nang matalas sa 'kin. "We're not done yet. You know me. Hindi ako titigil hanggat hindi ko nakukuha ang gusto ko."

TO BE CONTINUED

Bitin ba? We now have SEVEN (7) ADVANCED CHAPTERS of this story on my Patreon! Go to www.patreon.com/barbsgaliciawrites.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top