Chapter 27
ALES
"ALES! YOU'RE ALIVE!" Halos narinig na yata sa buong Sagada 'tong lakas ng boses ni Charlie.
Pinuntahan muna kasi namin sila para magpaalam.
Bigla niya pa akong nilingkis ng yakap. I hugged her back because I missed her too. Na-miss ko silang lahat, actually, kaya niyakap ko rin sila isa-isa. Kaunti lang naman kasi ang mga kaibigan ko.
"Kumusta ka na?" tanong ni Charlie. "Nakakaloka, gulat na gulat kami na nandito ka rin! Grabe ang destiny, 'no?"
I chuckled. "Yeah, small world."
"Alam mo, buti na lang pinilit ko si Theo na sumama. Ang arte-arte niyan, ayaw pang sumama sa 'min pabalik dito kasi maaalala ka lang daw niya."
Tiningnan ko agad si Theo, pero nahihiya siya at hindi makatingin sa 'kin. He's so cute.
Bigla naman siyang dinuro nitong si Charlie. "Hoy, Alvarez! Magpasalamat ka sa 'kin, ah? Kung hindi kita pinilit, hindi mo makikita ang Ales mo."
"Oo na, salamat. Napaka-ingay mo kahit kailan." Theo then put his arm around my waist. "Sige na, ihahatid ko na si Ales sa lodging house."
"Okay!" Hinawakan pa muna ni Charlie ang kamay ko. "Ales, bukas na ang uwi namin. Ibalik mo sa 'min si Theo on time, ah?"
Natawa ako. "Of course. Hihiramin ko lang saglit ang kaibigan niyo."
Nagpaalam na kami sa kanilang lahat, tapos umalis na.
No'ng medyo nakalayo-layo na kami, tsaka ko ulit kinausap si Theo. "Bukas na pala kayo uuwi?"
"Oo, nung isang araw pa kasi kami rito. Wag kang mag-alala, aabangan kita sa Manila pagbalik mo ro'n."
Natawa ako. "Grabe naman sa aabangan. Bakit pala kayo nag-Sagada ulit? I really didn't expect I'd see you here."
"May bagong boyfriend si Charlie. Gusto niyang dalhin dito. Hindi nga talaga dapat ako sasama sa kanila, pero ewan ko, parang may bumulong sa 'kin na dapat sumama ako."
"Buti na lang sumama ka. Are you back in Manila o sa Batangas ka pa rin?"
"Batangas. Pero babalik na ulit ako ng Manila. May girlfriend na ako, eh." Bigla niya pang kinurot ang pisngi ko.
Umiwas agad ako ng tingin para itago ang ngiti ko. I know I'm too old for this, and this isn't even my personality, pero kinikilig ako sa kanya. Iba na 'yung pakiramdam ko ngayon kumpara sa relasyon namin noon.
"So, we're official now, huh?" Pabiro kong sabi. "Hindi na tayo basta friends with benefits?"
Ang lakas na ng loob kong magsalita ng ganito. Samantalang dati, hindi ko magawa-gawang magtanong tungkol sa totoong status namin.
Lumapad naman ang ngiti niya. "Oo, ako na magde-desisyon. Baka hindi na naman tayo magkaintindihan."
I chuckled. "Okay. Finally, may label na tayo."
He pulled me closer to him and kissed my head.
Malapit lang ang kinuha kong lodging house kaya nakarating kami agad.
I got a spacious room with a cozy rustic vibe.
Pagkapasok, nilagay agad ni Theo ang mga gamit ko sa couch. "Anong plano mong gawin ngayon?"
"Hmm, actually nag-Sagada ako para lang magpahinga at magsulat. But since you're here, I just want to spend time with you. Ikaw, what are your plans?"
"Wala, gusto lang kitang titigan mag-hapon."
Umiwas ako ng tingin. "Stop it."
"Seryoso nga. Na-miss kita."
Hindi ko napigilan ang ngiti ko. Ako rin naman. Sobrang miss ko siya at parang gusto ko lang din siyang titigan at yakapin buong araw. But I wanna go out and experience Sagada again with him.
"Malayo ba rito 'yung pottery?" tanong ko.
"Hindi naman. Gusto mong pumunta ro'n?"
"Yeah. Hindi ko kasi nagawa 'yun nung last time kong nag-bakasyon dito."
"Paano mo magagawa, e bigla kang umalis no'n, 'di ba? Iniwanan mo pa nga ako."
I chuckled. 'Yung itsura niya pa, parang may tampo pa rin siya kahit na ang tagal na no'n.
"Hindi mo talaga makalimutan 'yon, eh, 'no?" Biro ko.
Natawa na lang din siya. "Ano, gusto mong mag-pottery? Sasamahan kita."
"Okay. Let's try it." Humawak na ako sa kamay niya at umalis na ulit kami.
Sinamahan ko lang muna si Theo na kumain. Naudlot nga pala 'yung dapat pag kain niya sa Sagada Brew dahil nakita niya ako ro'n. Nakalimutan na rin daw niya na nagugutom siya. Ngayon niya na lang naalala ulit.
Pagkatapos niyang kumain, naglakad na ulit kami papunta sa pottery.
Buti nga hindi na umuulan, pero sobrang lamig pa rin. Nakahawak lang ako sa kamay ni Theo para mainitan ako kahit kaunti.
I really missed spending time with him. Ayoko nga munang pag-usapan ang paghihiwalay namin. Mas gusto ko lang mag-enjoy ngayon kasama siya.
"Wala ka bang napapansin na nag-iba sa 'kin?" tanong ko habang naglalakad.
He looked at me. "Meron. Lalo kang gumanda."
"No, not that."
Tiningnan niya 'ko ulit. "Wala ka ng salamin."
"Yeah! Napansin mo? I had surgery so I don't have to wear my glasses anymore. Akala ko hindi mo mapapansin."
"Kabisadong-kabisado ko mukha mo kaya alam ko kapag may nag-iba."
Napangiti ako nang matamis. Bakit parang ang cheesy na nitong lalaki na 'to ngayon?
We went straight to the Sagada Pottery and attended the workshop.
Sinubukan din namin 'yong mismong pottery-making. Akala ko first time rin ni Theo, pero marunong pala siyang mag-pottery at ang galing niya! He was even guiding me. Kulang na lang siya na 'yung magturo sa ibang mga turista.
Lalo tuloy akong na-in love. Sabi niya, nakapag-pottery na rin pala siya sa ibang mga lugar. Namamangha ako na ang dami niyang alam dahil sa kaka-travel niya. It's really his world. Samantalang ako, na-stuck lang sa tapat ng laptop.
Pagkatapos ng pottery workshop namin, umupo lang muna kami sa labas at nag-miryenda.
We bought some homemade wheat bread. Sikat daw 'to rito sabi ni Theo. Ngayon ko lang din natikman. Na-realize ko na ang dami ko palang na-miss nung unang punta ko rito sa Sagada dahil lang bigla akong tumakas.
"Anong mga pinagkaabalahan mo nung wala ako?" tanong ko sa kanya. "Hulaan ko, gumala ka na naman, ano?"
He smirked. "Oo, ang dami ko ngang napuntahan."
"Really? Where?"
"Pumunta ako sa Cebu, Baguio, Davao, tsaka Clark."
Biglang nanlaki ang mga mata ko! "Are you serious? Galing din ako sa mga 'yon. I had book signing events there."
"Alam ko. Ikaw nga ang pinuntahan ko ro'n."
Napahinto na ako sa pag kain. I felt like everything stopped, and I was just staring at him in disbelief.
Tiningnan niya naman ako at natatawa-tawa pa siya. "Bakit?"
"Are you kidding me? Nandoon ka sa mga events ko?"
"Oo nga. Sa lahat, pwera na lang 'yung kagabi kasi nandito na kami sa Sagada. Alam mo namang number one fan mo ako. Pero nando'n lang ako sa likod, nagmamasid-masid."
My shoulders dropped. "Theo..."
He just smiled sweetly at me. Inayos niya ang bangs ko at inipit ang buhok ko sa likod ng tainga ko.
Wala naman na akong masabi. I don't know what to feel. Iniisip ko kung paanong hindi ko man lang naramdaman na nando'n din pala siya.
"Nagpatulong ako sa pinsan ko, si Unice." He then said. "Binlock mo kasi ako sa lahat, kaya sa kanya ko na lang inalam kung saan kita makikita. May mga pictures ako kung ayaw mong maniwala sa 'kin."
Ilalabas niya pa dapat ang phone niya, pero pinigilan ko.
"No, I believe you. I was just shocked. Kahit 'yung sa Cebu at Davao, nagpunta ka? You bought plane tickets just for those?"
"Oo. Ang galing mo nga e, ang daming nagpapapirma at nagpapa-picture sa 'yo. Sikat na sikat ka na talaga."
"Bakit hindi ka man lang nagpakita sa 'kin?"
He looked away and sighed. "Akala ko may boyfriend ka. Ayoko kayong guluhin. Gusto lang talaga kitang makita at hangaan kahit sa malayo."
Napayuko ako. Bigla na naman akong nalungkot. Sabi ko dapat mag-eenjoy lang ako ngayon eh, pero kapag naaalala ko na ang dami naming oras na sinayang, nasasaktan ako.
"I'm sorry," I said. "Sa lahat ng mga naging events ko, palagi kitang iniisip. Na sana ikaw ang kasama ko sa mga 'yon kasi alam kong magiging masaya ka. 'Yun pala, nandoon ka talaga at totoong masaya ka para sa 'kin."
"Proud ako sa 'yo. Kung pwede ko nga lang ipagmalaki sa mga fans mo na akin ka, gagawin ko. Kaso hindi pwede. Kaya hanggang tingin lang ako sa 'yo no'n. Ayos lang naman, masaya na rin kahit na nag-mukha akong stalker."
Ngumiti ako nang mapait. "Pero nakakapanghinayang. That time, I really thought you're living your life without me. 'Yun pala, sinusundan mo ako. Sana man lang nalaman ko talaga na nando'n ka."
"Ilang beses kong pinlanong lumapit, pero alam kong bawal kasi akala ko rin talaga may iba ng nagpapasaya sa 'yo."
I shut my eyes tight. "I couldn't imagine how devastated you were when you learned about Khalil."
"Gumuho ang mundo ko no'n. Nakita ko pa kayong dalawa sa isang coffee shop dati. Sinabi sa 'kin ni Jazz kung nasaan ka. Magkasama kayo nung Khalil, tapos ang saya-saya mo. Nasaktan ako. Akala ko nga hindi na ako makakabalik ng Batangas nang buhay."
I held his hand and squeezed it. "Hey. Nasasaktan ako kasi nasaktan kita. That won't happen again, hmm? Hindi na ulit tayo magkakasakitan ng gano'n."
Ngumiti siya. "Ayos na ako, wag kang mag-alala. Ang importante, akin ka na ulit. Natupad 'yung hiniling ko."
"Anong hiniling?"
"Na sana maghiwalay agad kayo nung Khalil."
Napabagsak ako ng mga balikat sabay hampas sa kanya.
He chuckled. "Seryoso. Sabi ko sa sarili ko, hihintayin ko na maging single ka ulit. Natakot ako no'n, e. Naalala ko 'yung ex mo na dapat pakakasalan mo. Baka mamaya pumayag ka ring magpakasal kay Khalil. Kapag nangyari 'yon, wala na talaga akong laban. Kaya buti na lang naghiwalay kayo."
I don't know what to say anymore. Dinadaan niya sa biro, pero ramdam ko na ang bigat pala talaga ng pinagdaanan niya dahil sa 'kin.
"Paano ba naging kayo no'n?" tanong niya sabay kumain na ulit.
"Ewan ko ba, ang bilis ng mga nangyari," sagot ko at kumain na rin. "Binibiro-biro lang kaming dalawa sa publishing house. Then one night, Khalil just asked me if I want to give it a shot. Baliw ako that time. Sobrang lungkot ko pa sa pagkawala mo at gustong-gusto na kitang kalimutan, kaya pumayag ako. Kinwento ko agad kila Jazz para tumigil na sila sa pang-aasar. But I realized I couldn't do it. Nakipaghiwalay agad ako kay Khalil kinabukasan kasi hindi pala talaga kita kayang ipagpalit."
Natawa siya. "Ang hilig mo talaga na binabawi 'yung sinasabi mo, 'no?"
Natawa na rin ako sabay hampas ulit sa kanya. "Oo na. But I won't do it again, promise. I told Khalil about you. Kapag nagkita ulit tayo sa Manila, ipakikilala kita sa kanya."
"Dapat lang talaga na magkita ulit tayo sa Manila. Hindi ka na ulit pwedeng mawala sa paningin ko."
I chuckled and rested my head on his shoulder. "Okay, my love."
Grabe pala siya magmahal. Sana dati ko pa nalaman na kaya niya akong mahalin nang ganito. E 'di sana hindi na namin kinailangang maghiwalay.
Naiisip ko tuloy kung paano nagawang sayangin ni Gia ang ganitong klase ng lalaki. Oh well, unlucky her. Akin na ulit si Theo ngayon, at hindi ko na siya pakakawalan.
• • •
BUMALIK NA KAMI sa lodging house pagkatapos. Bumili na lang kami ng mga pagkain para hindi na ulit kami lalabas.
It's 5PM now. Mahaba pa naman ang araw, pero gusto ko nang magpahinga kasama si Theo.
"What time are you leaving?" tanong ko sa kanya habang naghububad ng jacket.
"Bakit, gusto mo na akong umalis?"
I chuckled. "No, I'm just asking. Gusto pa kitang kasama, pero nag-promise kasi ako kay Charlie na ibabalik kita sa kanila on time."
He looked at his wrist watch. "Maaga pa. Mamayang gabi na ako babalik do'n."
"Okay. Pahinga muna tayo."
I removed my shoes and lay down on the bed. Ang sarap sa pakiramdam. Ngayon lang ako nakapag-relax nang maayos galing sa napaka-habang byahe from Manila.
Mayamaya lang naman, tinabihan na ako ni Theo. He put his arm under my head and pulled me into a hug.
Niyakap ko rin siya nang mahigpit at sinandal ang ulo ko sa dibdib niya.
This is the kind of rest I need—in his arms, hearing his heartbeats, and smelling his scent.
Feeling ko bigla na lang akong makakatulog. Ang lamig pa naman, kaya ang sarap maramdaman ng init ng mga yakap niya.
I looked up at him. His eyes were closed, but his fingers were drawing circles on my back.
Pinagmasdan ko lang muna siya. Ewan ko kung na-miss ko lang ba siya, o talagang mas lalo siyang naging gwapo. Like, it's hard to believe that this fine guy is head over heels in love with me.
I delicately traced his nose with my finger. "Theo, are you sleepy?"
Umiling siya.
"What are you thinking?"
Dumilat siya para tingnan ako. "Wala. Masaya lang ako na kasama na ulit kita, na nayayakap na ulit kita nang ganito."
"Me too. Ang tagal kong walang kayakap. Akala ko independent woman ako, pero nung nawala ka sa 'kin, na-realize ko na ang lungkot pala kapag mag-isa. Masyado mo kasi akong sinanay na nandyan ka lang."
He wrapped his arms around me and kissed my head. "Hindi na ulit ako mawawala. Pwede mo na uling sanayin ang sarili mo na kasama ako."
Napangiti ako sabay siksik ng mukha ko sa dibdib niya. I remained quiet for a moment before speaking again. "I should call Jazz. Bukas na lang siguro. Iki-kwento ko na nagkita tayo at nagkabalikan. Tapos i-meet na lang natin siya sa Manila."
Naramdaman ko siya na huminga nang malalim. "Galit yata sa 'kin si Jazz."
Tumingin ako sa kanya. "Why, did she say something hurtful to you? Bukod do'n kay Khalil?"
"Lahat nga yata ng sinabi niya sa 'kin, masakit. Sabi niya, burado na raw ako sa isipan mo."
Bigla akong nalungkot para sa kanya. I leaned over him and caressed his cheek to comfort him. "I'm sorry about that. That's not true. Ikaw ang palagi kong iniisip at walang araw na hindi kita naalala. Naging protective lang siguro si Jazz sa 'kin kasi sa kanya ako nag-vent ng nararamdaman ko. She knew what I went through when you left."
"Naiintindihan ko naman 'yon." He brushed my hair and tucked them behind my ear. "Sorry, sobrang nasaktan kita nung umalis ako. Siguro iyak ka nang iyak."
"I almost lost myself. Hindi ako iyakin na babae, pero grabe 'yung breakdown ko that time. You were my worst heartbreak. Nawalan ako ng gana sa lahat, eh. Muntik ko pa ngang hindi ipasa 'yung manuscript ko."
Nalungkot ang mukha niya. Para na naman siyang maiiyak. Hindi ko alam bakit parang naging soft na siya ngayon.
"Sorry," he then said. "Sobrang laking sugat pala talaga 'yung iniwan ko sa 'yo. Akala ko pa naman masaya ka na. Palagi rin kitang iniisip—kung kumusta ka na at kung nakakakain ka ba nang maayos. Alam ko kasing tamad ka magluto. Baka mamaya puro kape lang at pagkain sa convenience store ang laman ng tiyan mo."
I chuckled softly. "Yeah, I'm back to being unhealthy."
"Tsk, tingnan mo? 'Di bale, babawi ako sa 'yo. Aalagaan na kita ulit kasi ang sarap-sarap mong alagaan." He kissed me on my head again.
Napangiti na lang ako. "I'll make it up to you, too."
Hinigpitan niya ang yakap niya sa 'kin.
Mayamaya lang, nagsalita siya ulit. "Pero alam mo, kahit na nagkahiwalay tayo, pinagdasal kita."
Bahagya akong napabangon para muli siyang tingnan. "What do you mean?"
"Pinagdasal ko na sana matupad mo lahat ng mga pangarap mo, na maging sikat kang writer. Kasi alam kong do'n ka talaga magiging masaya."
Biglang uminit ang sulok ng mga mata ko. Ang sarap sa pakiramdam na may isang tao na naniniwala sa 'kin kahit na may nangyari sa 'ming hindi maganda.
"Kaya naman pala sinwerte ako, eh," sabi ko. "Ang lakas ng prayers mo kasi natupad ko nga talaga lahat. I became a bestseller, did you know that?"
"Oo. Stalker mo nga ako, 'di ba?"
Natawa ako. "And I received some offers for movie adaptations, too."
His eyes lit up. "Talaga? Hindi ka na talaga ma-reach ngayon. Ang layo mo na."
"Ano ka ba, hindi ko pa naman tinatanggap ang offers. You should help me decide whether I should sign them or not."
"Sige. Masaya ako na natutupad nga talaga lahat ng mga pangarap mo."
"Sabi mo kasi galingan ko, eh. At may mga bago na akong pangarap na sana matupad din."
"Ano 'yon?"
I rested my chin over his chest. "Well, one of them is to be with you for the rest of my life."
Napangiti siya nang matamis. "Kasama na ako sa mga pangarap mo ngayon, ah."
"Of course."
"Ako rin, may bago na akong pangarap. Gusto ko, ikaw na ang kasama ko sa mga gala ko. Gusto kong malibot ang buong mundo na tayong dalawa lang."
Napapigil ako ng ngiti. "Ang cheesy mo na talaga ngayon. Kanina ko pa napapansin. Ba't ganyan ka na, hmm?"
He laughed a little. "Wala lang. Sasabihin ko na sa 'yo lahat ng nararamdaman ko at nasa isip ko, para wala akong pagsisisihan. Ayoko nang maulit 'yung dati."
I don't know what to say. Masyado niya akong pinasasaya kahit na kung tutuusin, mas malaki ang naging pagkukulang ko.
"I love you." 'Yun na lang ang nasabi ko sa kanya.
He hugged me tighter again and buried his face on my hair. "Mahal na mahal kita, Ales. Hindi na tayo pwedeng maghiwalay."
He just held me like this for what felt like forever. Ayaw na niya akong pakawalan at ayoko na rin namang kumawala sa yakap niya.
We cuddled all afternoon. Ninamnam namin ang lamig ng Sagada.
Puro kwentuhan lang din kami tungkol sa mga pinagkaabalahan namin nung nagkahiwalay kami. Hindi pa rin siya nagbabago—ang sarap niya pa ring kausap. I missed our deep talks, his humor, and all his words of wisdom.
Hindi na tuloy namin namalayan ang oras. Inabot na siya ng gabi rito sa lodging house.
Tinatanong ko siya kung hindi pa ba siya babalik kila Charlie, pero mamaya na lang daw. Ewan ko kung kelan pa 'yang mamaya niya. Hanggang sa inantok na lang kami at nakaidlip nang magkayakap.
Nagising na lang ako nung may narinig akong phone na nagri-ring.
Ayoko pa sanang bumangon kasi ang sarap ng tulog ko katabi si Theo, pero nataranta ako nung nakitang sumisikat na pala ang araw.
Shit! I hurriedly searched for Theo's phone here on the bed. Sila Charlie na pala 'yung tawag nang tawag!
Ginising ko agad si Theo. "Hey, w-wake up. Umaga na, uuwi na kayo."
Pero ayaw niyang magising.
Hinaplos ko ang pisngi niya. "Theo, wake up."
Doon lang siya bahagyang dumilat, pero wala pa siya sa sarili.
"Gumising ka na. Kanina pa tumatawag sila Charlie. Uuwi na kayo."
"Hindi ako sasabay sa kanila."
"W-what?"
"Ayoko pang umuwi. Dito muna ako sa 'yo." Bigla niya akong niyakap kaya napahiga ako ulit. Ang bigat niya, hindi ako makagalaw.
"Theo, you can't do this to them. Sige na, maiiwanan ka nila. Tsaka nando'n ang gamit mo."
Parang wala naman siyang pakialam. Antok na antok pa siya at siniksik niya lang ang mukha ko sa dibdib niya para siguro manahimik na ako.
"Sa 'yo na ako sasabay pauwi," sabi niya lang. "Tulog pa tayo. Alam kong hindi ka nagigising nang maaga."
Lalo niya akong nilingkis ng yakap. Wala na akong nagawa. Napangiti na lang ako habang nakakulong sa mga bisig niya.
Lagot kami kila Charlie nito, but to be honest, ayoko pa rin naman siyang umuwi.
Hindi na talaga namin kayang malayo ulit sa isa't isa. We would rather be in each other's arms than anywhere else in the world.
TO BE CONTINUED
Bitin ba? We now have SEVEN (7) ADVANCED CHAPTERS of this story on my Patreon! Go to www.patreon.com/barbsgaliciawrites.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top