Chapter 26
ALES
"KUMUSTA KA NA?"
Ang lungkot ng boses ni Theo nung itanong niya sa 'kin 'yon.
Lumipat kami sa ibang restaurant para makapag-usap nang maayos. We're sitting on the balcony outside. Hindi na umuulan pero malamig pa rin.
Ngumiti ako nang mapait bago siya sinagot. "I think I'm okay. Ikaw? It's been a year."
"Ito, ayos pa naman. Congrats pala. Palagi kong nakikita ang libro mo sa bookstores. Sikat ka na."
"No, I'm not. Pero malayo-layo na rin ang nararating."
Hindi ako makatingin sa kanya habang nag-uusap kami. It's not that I'm conscious or what. Hindi lang siguro talaga ako ready na makita siya ngayon. Nanghihina ako sa presensya niya. Pero masaya ako na makakausap ko na siya pagkatapos ng nangyari.
"Sinong kasama mo?" tanong niya.
"Wala, ako lang. Katulad lang ng dati."
"Hindi mo kasama boyfriend mo?"
Napakunot ako ng noo sabay tingin na sa kanya. "Boyfriend?"
"Oo. 'Yung writer din. Sinabi sa 'kin ni Jazz."
Bigla akong napatuwid ng upo. "What? W-when did she tell you that?"
"Matagal na. Binalikan kita, eh. Kaso lumipat ka na pala ng tinitirhan. Pinuntahan ko si Jazz para itanong kung nasaan ka, pero sabi niya, may boyfriend ka na raw. Hindi na kita ginulo."
Napayuko ako at napapikit.
Shit, I didn't know about that. Walang binanggit sa 'kin si Jazz na nagpakita pala si Theo sa kanya at nalaman na nito ang tungkol kay Khalil. But I know that was my fault. Hindi ko na kasi kinwento kay Jazz ang totoong nangyari sa 'min ni Khalil.
"Gaano na kayo katagal?" tanong niya pa.
Parang bigla na akong pinagpawisan nang malamig. "It's not true. Khalil is just a friend. Oo, naging kami, pero isang araw lang 'yon. Nakipaghiwalay agad ako sa kanya kinabukasan kasi hindi ko pala kaya. We just laughed at it and now we're good friends. Hindi ko na kinwento kay Jazz na nag-break din kami agad kasi nung time na 'yon, sobrang drained na akong magkwento. Kaya hinayaan ko na lang siya sa nalalaman niya. Khalil is nice and he knows about you."
Hindi siya nakapagsalita. Nakatingin lang siya sa 'kin na para bang hindi niya maproseso ang mga sinabi ko.
Nung na-realize na niya, siya naman 'tong napayuko at pumikit. Hinilot niya ang noo niya, tapos tumingin ulit sa 'kin.
"Wala ka pala talagang boyfriend?"
"Wala."
"Ibig mong sabihin, nagsayang na naman ako ng oras kasi isang taon kitang hindi ginulo dahil ang alam ko, may bago ka na?"
Napabagsak ako ng mga balikat.
I don't understand. Bakit niya nasabing nagsayang siya ng oras? I thought he's doing okay without me. Naguguluhan ako. Ang lungkot pa ng itsura niya ngayon. Nangingiyak ang mga mata niya, at ito ang unang beses na nakita ko siyang ganito.
Huminga na lang ako nang malalim. "Hindi ko naman inasahan na babalik ka pa kaya hindi ko na binawi kay Jazz ang kwento ko. You left me."
Mas lalong lumungkot ang itsura niya. "Pasensya na kung bigla na lang kitang iniwanan. Kung alam mo lang, sobrang hirap para sa 'kin na gawin 'yon."
"Then why did you do it?" tanong ko kahit alam ko naman ang sagot. "Why did you leave?"
"Hindi mo ako mahal, e."
I was taken aback. "W-what?"
He looked straight at me. Nangingiyak pa rin ang mga mata niya. "Nung birthday mo, nag-I love you ka sa 'kin. Sobrang saya ko no'n kasi parehas pala tayo ng nararamdaman. Kaso kinabukasan, binawi mo rin agad. Sabi mo hindi totoo 'yon. Nasaktan ako, tapos naduwag na ako."
I felt like my world just crashed down.
Nanikip ang lalamunan ko at parang ako naman ang maiiyak kasi hindi iyon ang kwentong alam ko at pinaniwalaan ko. I thought he left me because I fell for him. So this means he had feelings for me, too?
Umiwas na ako ng tingin at natulala na lang sa kawalan.
"Nagpaalam ako sa 'yo kasi pakiramdam ko balewala na magpatuloy kung hindi mo naman pala ako mahal," dagdag niya pa. "Magkakasakitan lang tayo."
Pumikit ako nang mariin. "I-I'm sorry," I said, trying to hold back my tears. "But what I told you that night was true."
Natigilan siya. "Mahal mo ako?"
"Mahal na mahal." My tears almost fell.
Dati, hirap akong sabihin ang mga salitang 'yon. Pero ngayon, parang kusa na lang lumabas mula sa bibig ko.
"Hindi ko ginustong bawiin ang pag-amin ko, pero natakot kasi ako, eh," sabi ko sa kanya. "Alam kong mawawala ka sa 'kin once na mahulog na ako sa 'yo."
He didn't answer.
I looked at him again. Takang-taka lang ang itsura niya sa sinabi ko.
"Bakit naman ako mawawala?" tanong niya.
"That's what Gia told me. Your ex? Kinausap niya ako nung nasa Baler tayo."
I saw how his shoulders dropped upon hearing what I said. Napayuko na lang ulit siya sabay hilot sa noo niya. "Tangina. Ang hilig talagang mang-gago nung babaeng 'yon."
Sa reaksyon niya pa lang, na-realize ko nang nagkamali talaga ako. Hindi na tuloy ako makapagsalita. This lump in my throat made it hard to swallow. I don't even know how to face him anymore.
"Anong sinabi niya sa 'yo?" tanong niya.
"She told me not to fall in love with you. Kasi nawawalan ka na raw ng gana sa babae kapag nahulog na sa 'yo. She said that's what you did to her. Iniwanan mo raw siya nung umamin na siya sa 'yo, kaya hindi mo siya pinapansin sa Baler. I didn't want to end up like her. That morning after my birthday, I got really scared. Kaya kahit labag sa loob ko, binawi ko ang sinabi ko sa 'yo. But my feelings were real, Theo. Mahal kita, pero natakot ako."
I saw his jaw clenched. 'Yung kaninang malungkot niyang mukha, napalitan ng galit. "Sinungaling 'yong Gia na 'yon. Oo, totoong umaayaw na ako sa babae kapag nahulog na sa 'kin, pero dati pa 'yon. Matagal na akong nagbago. Sinabi ko 'yon kay Gia para lang alam niya ang nakaraan ko, pero hindi para gamitin niya laban sa 'kin. Hindi 'yon ang dahilan kung bakit ko siya iniwan, at mas lalong hindi ko 'yon gagawin sa 'yo."
I was in complete horror! Nanlamig ang mga kamay ko at tuluyan na akong nawalan ng lakas.
Shit, what have I done! I was so stupid! All this time, mali pala ang kwentong pinaniwalaan ko. Para akong binangungot!
"Ano pang sinabi ni Gia sa 'yo?" tanong niya.
Umiling ako habang nakatulala na ulit sa kawalan. "W-wala na. Pero may sinabi sa 'kin si Charlie. She said Gia was your favorite. Binabalik-balikan mo raw 'yon sa Siargao."
Muling umigting ang panga niya. "Totoo 'yon, hindi ko ipagkakaila. Pinupuntahan ko siya sa Siargao kapag malungkot ako. Limang taon kaming gano'n. Huling balik ko sa kanya nung nag-away kami ni Arkhe. Sineryoso ko na ang relasyon namin ni Gia no'n. Akala ko masaya kami, kaso may bigla siyang inamin na hindi ko masikmura."
I looked at him, but I didn't say anything.
"Meron pa pala siyang ibang lalaki na sinasabay sa 'kin," patuloy niya. "Alam kong babaero rin ako, pero hindi ko naman pinagsasabay-sabay. Pinapili ko siya, ayaw niya. Gusto niya, dalawa kami nung lalaki. Pwede ba 'yon? Hindi ako pumayag. Sabi ko, babalik na lang ako sa Maynila. Minsan na lang ako mag-seryoso, ginano'n pa ako. Binaliktad niya pa ako sa mga kaibigan at mga kapatid niya ro'n. Ginulpi nila ako kasi pinagkalat ni Gia na niloko ko raw siya kahit hindi naman. Wala akong kalaban-laban. Mag-isa lang ako eh, tapos hindi ko pa lugar 'yon. Sobrang trauma ko sa nangyari sa 'kin sa Siargao na tipong hindi na ulit ako nagkagusto sa babae. Sa 'yo na lang ulit."
Tuluyan na akong napaiyak.
Tinakpan ko agad ang mukha ko kasi hindi ko na siya kayang harapin. I messed up so bad! I spent a year forcing myself to unlove Theo, only to find out that it was all just a stupid misunderstanding. Sobrang nakakapanginayang!
Pinaharap niya naman agad ako sa kanya. He brushed his thumb over my cheeks. "Wag kang umiyak. Sorry sa nangyari. Kung pwede ko lang ibalik ang oras, gagawin ko para hindi na lang tayo nagkahiwalay. Dapat sinabi ko na agad sa 'yo ang tungkol kay Gia para hindi niya ako nagawang siraan."
"N-no, it was all my fault. I should've talked to you first. Dapat binigyan kita ng pagkakataon na magpaliwanag kaysa naniwala agad ako kay Gia. Ikaw dapat ang kinampihan ko, eh. Natakot lang kasi ako na baka may malaman pa ako tungkol sa 'yo. Hindi ko na kayang mas masaktan pa that time. I'm so sorry."
"Ales, wala kang kasalanan. Hindi mo naman alam ang nangyari sa 'min."
"'Yun na nga. Hindi ko kasi muna inalam. Naunahan agad ako ng takot. I feel so guilty right now."
Pinipilit kong pigilan ang mga luha ko kasi nakakahiya na dito ako sa labas nagbe-breakdown, pero hindi ko mapigilan.
Panay pahid niya lang din naman sa mga pisngi ko. "Wag mong isipin na gano'n. Ako pa rin ang may mali kasi iniwanan kita sa ere. Dapat kinausap din kita nang maayos, dapat tinuloy ko 'yung pag-amin ko sa 'yo kaysa naduwag ako."
He then held both my hands and stared at me with so much emotions in his eyes. "Pero mahal kita, Ales. Hanggang ngayon mahal na mahal pa rin kita."
Lalo akong naiyak, pero hindi na dahil sa sakit. Bigla nang sumaya ang puso ko ngayon dahil sa narinig ko.
He had no idea how much I've longed to hear those words from him. Ito ang Theo na gusto ko at minahal ko, eh. Hindi 'yung Theo na gawa-gawa ni Gia.
Ngumiti ako nang mapait at hinaplos siya sa pisngi. "I love you, too. Sana hindi ko na lang binawi ang mga salitang 'yon para hindi ka nawala sa 'kin. But that's the truth. I love you, Theo. I love you so much."
His eyes grew watery again. He immediately looked away to fight back his tears.
Natawa na tuloy ako. "Bakit umiiyak ka rin?"
Natawa na rin siya. "Tangina kasi. Isang taon tayong nagkahiwalay dahil lang hindi tayo nagkaintindihan. Nanghihinayang ako."
Ngumiti ulit ako nang mapait. "Ako rin naman."
Naging seryoso na ulit ang mukha niya. He held both my hands again, and then he kissed them. I missed how warm his lips felt.
"Pwede ba natin 'tong subukan ulit?" sabi niya. "Pangako, hindi na ako maduduwag. Paninindigan na kita kahit ano pang mangyari. Hindi na ulit ako mawawala."
I felt at peace upon hearing him say those words. Ayoko na ring magpakipot kasi ang daming oras na talaga ang sinayang namin.
Tumango ako at ngumiti nang matamis. "Yes, I want to try this again with you. I promise, hindi na rin ako matatakot."
Bigla na siyang tumayo. Tumayo na rin ako at niyakap niya ako nang mahigpit.
Pakiramdam ko maiiyak na naman ako. Finally, he's with me again. I missed him so much, and I could tell by the way he hugged me right now that he missed me too. Parang ayaw niya na nga akong pakawalan. Ang sarap-sarap niya pa ring yumakap.
I hugged him tighter. "I love you, Theo."
"Wala ng bawian 'yan, ah?"
I chuckled. "Wala na."
Matagal pa naming ninamnam ang yakap ng isa't-isa, hanggang sa narinig na lang namin na may sumisigaw na sa baba.
"HOY! LOVE BIRDS!"
Pagtingin ko, sila Charlie na pala 'yon. Todo kaway pa siya sa 'min dito sa balcony. "Ano ha, okay na? Kayo na ulit?"
Oh my god, nakakahiya! Nagtago tuloy agad ako ng mukha rito sa dibdib ni Theo. "Jesus, she didn't even change."
He just chuckled and then rubbed my back. "Tara na, may audience na tayo."
Tsaka lang ako kumalas ng yakap. I smiled at how peaceful he looked now. Hindi katulad kanina na parang sasabayan niya pa ako sa pag-iyak.
"I just arrived this afternoon," sabi ko sa kanya. "Hatid mo muna ako sa lodging house?"
"Syempre naman." Bigla na niyang hinawakan ang kamay ko at naglakad na.
Sobrang na-miss ko na magka-holding hands kami. Pinagmasdan ko nga lang siya habang pababa kami ng restaurant.
I still couldn't believe this guy is back in my life. Parang lumulutang pa rin ako sa ere dahil sa saya hanggang ngayon.
Pangako, hindi ko sasayangin 'tong pangalawang pagkakataon na binigay sa 'min. I'm ready for what the Universe has in store for us this time.
TO BE CONTINUED
Bitin ba? We now have SEVEN (7) ADVANCED CHAPTERS of this story on my Patreon! Go to www.patreon.com/barbsgaliciawrites.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top