Chapter 25

ALES

ONE YEAR LATER

"ANO?! BUMALIK KA NA NAMAN SA SAGADA?"

Natawa ako kay Jazz kasi parang gano'n na gano'n din ang reaksyon niya nung unang beses kong mag-solo travel a year ago.

Huminga na lang ako nang malalim sabay sandal ng ulo ko rito sa bintana ng bus. "Yeah, I'm on my way. Actually, malapit na nga ako, kaya hindi mo na ako pwedeng pigilan."

"Baliw ka talaga! Parang kagabi lang may book signing event ka pa, tapos ngayon, paakyat ka na ng bundok. Are you with Khalil?"

Khalil is a good friend. Siya 'yung writer na pumansin sa 'kin dati nung pumirma ako ng publishing deal.

"No," sagot ko. "Me time muna ako ngayon."

"Bakit, hindi ka na naman ba makapagsulat? Akala ko okay ka ro'n sa bagong work in progress mo?"

"Okay naman nga. Wala lang, gusto ko lang magpahinga for a few days."

"At kailangan sa Sagada?"

Hindi na ako sumagot.

"Hay naku, Alessia Louise Lim. Kilalang-kilala kita, ha. Alam ko kung anong meron diyan sa lugar na 'yan. Baka mag-relapse ka, iiyak-iyak ka na naman ulit."

Natawa na lang ako, tapos iniba na ang topic. "You know what, kanina pa ako inaantok sa byahe. I think I'll take a nap for now. Ite-text na lang kita pagdating ko sa Sagada."

Huminga siya nang malalim kasi nakalusot na naman ako. "Fine! Ingat ka diyan. Pasaway ka talaga kahit kailan."

Binaba ko na ang tawag pagkatapos, at pinagmasdan na lang ang magandang view sa labas.

It's been a year, yet I still haven't completely moved on from him.

Though wala naman talagang ibang meaning ang pagpunta ko sa Sagada. Bigla ko lang na-miss. Ang weird nga, eh. Feeling ko naman masaya na ako sa buhay. Ang dami ng nangyari sa 'kin sa loob ng isang taon.

Na-publish na ang librong pinaghirapan ko months ago; I became a bestseller; sunod-sunod ang book signing events ko; at recently, nakatanggap ako ng mga offers for a movie adaptation. I've also moved to a new and bigger apartment.

I should be happy and contented now. This is the life I've always longed for, but I don't know. At the back of my head, I know something is still missing.

Parati ko pa ring naaalala si Theo. Kumusta na kaya siya? Hindi na ako nagkaroon ng kahit na anong balita tungkol sa kanya.

Sinadya ko naman 'yon. Lumayo talaga ako at binlock siya sa lahat, kasi kung hindi ko 'yon gagawin, tuluyan akong mababaliw sa lungkot.

Life did get hard after he left. Ilang buwan din akong iyak nang iyak at walang gana sa lahat. Kung kailan ang dami kong achievements, wala naman siya para samahan akong mag-celebrate. Sa kanya ko lang sana gustong mag-share ng good news. I was in despair for too long. Kahit pa sabihin kong ang daming blessings na dumarating sa 'kin, kapag ako na lang ulit mag-isa sa apartment, malungkot pa rin ako.

And then I don't know how it happened, pero isang araw pagkagising ko, biglang okay na ako. Bigla akong nagkaroon ng lakas na ituloy 'yung buhay na na-imagine ko para sa 'kin.

For some reason, natanggap ko na lang ang mga bagay-bagay. Siguro nakatulong din na naging busy ako sa career kaya na-divert ang attention ko.

Oo, nanghihinayang ako sa nangyari sa 'min ni Theo. Pero tanggap ko nang isa lang siya sa mga taong dumaan sa buhay ko pero hindi ko makakasama hanggang sa huli.

Maybe he wasn't truly my male lead in this book called Life. But despite everything that happened between us, deep in my heart, I know that meeting him was still my favorite chapter.

At kung sakali mang pagtagpuin ulit ng tadhana ang mga landas namin, gugustuhin ko pa rin siya at ipaglalaban ko na sa pagkakataong 'to. Because to be honest, I never really learned how to unlove him. Sadyang nasanay na lang ako na wala siya.

SAGADA, MOUNTAIN PROVINCE

I arrived just in time for lunch. Sobrang lamig at foggy kasi maulan. I zipped my jacket up and put on my knitted bonnet.

Wala naman akong balak mag-tour. Gusto ko lang talagang magpahinga rito, lalo na't ganito kalamig ang klima. Ewan ko ba kay Jazz kung bakit ayaw niyang maniwala sa 'kin.

Dumiretso ako sa Sagada Brew. I enjoyed their food the last time I went here, kaya dito ko naisip mag-lunch.

Surprisingly, wala pa masyadong tao. Umorder na muna ako, tapos naghanap ng maganda-gandang pwesto at nagbukas agad ng tablet.

I promised Khalil I would video call him as soon as I arrived.

Naging close kami nung lalaking 'yon. Siya nga ang mas madalas kong kasama the past months. Hindi ko inasahan na mae-enjoy ko ang company niya, given na magkaiba kami ng genre na sinusulat.

After a few rings, he answered my call.

"Hi!" bati niya agad. "Kumusta naman ang bestseller na si Miss Ales Lim?"

Inikutan ko lang siya ng mga mata. "Tumigil ka na nga. Ang tagal nang nangyari 'yan, hanggang ngayon nang-aasar ka pa rin."

"Syempre, proud ako sa 'yo. Alam mo namang ako ang manager mo, 'di ba? Kumusta ang byahe?"

Bumuntonghininga ako. "Nakakapagod, ang layo talaga. Pero worth it naman. Sobrang lamig dito ngayon."

"Halata nga e. Ang kapal niyang jacket mo."

"Later, let's video call again so I can show you around."

"Sige. Anong ginagawa mo ngayon diyan?"

"Magla-lunch lang muna, tapos magka-kape at magsusulat saglit bago ako pumunta sa lodging house. Gusto ko 'yung kape rito, eh."

"Talaga? Gusto ko ring matikman, kaso hindi mo ako sinama."

I chuckled. "Nagtatampo ka ba sa 'kin?"

"Hindi naman. Nagulat lang ako na bigla kang umalis pagkatapos na pagkatapos ng book signing mo kagabi. Ang bilis mo pala talagang mag-desisyon. Will you be back here just in time for your next meet and greet?"

"Oo naman. Ano bang akala mo, 1 week ako rito sa Sagada? I'll only be gone for three days."

"Okay, sinisiguro ko lang kasi in demand ka ngayon. Baka may ma-miss kang event."

Natawa ako. "Wow. Manager na manager talaga ang datingan natin, ah?"

"Syempre naman. Kakapit ako sa sikat."

"Silly! Hindi ako sikat."

"Anong hindi? Sa kada coffee shop o bookstore nga na pinupuntahan natin, palaging may nagpapa-pirmang reader sa 'yo. Ako, dinadaanan lang nila. Kaya idol kita, eh."

I just chuckled.

"Nga pala," he continued. "Anong desisyon mo ro'n sa offer sa 'yo na movie adaptation? Pipirma ka na?"

"I haven't decided yet. Iche-check ko muna ulit. I think I received another email from a different production company."

"Kita mo 'yan? Hindi ka na talaga ma-reach! Wag mo akong kalilimutan, ah? Naging ex mo rin ako kahit papaano."

Natawa ako sa kanya. "Shut up. O sige na, kung anu-ano ng lumalabas sa bibig mo eh. I'll call you again later. I think my food is here."

"Okay, sige. Ingat ka, miss bestseller. Bye."

"Bye!" Binaba ko na agad ang tawag.

Baliw talaga 'yung lalaking 'yon. Totoo naman na naging ex ko siya, pero sobrang nakakatawa 'yung nangyari. Not really counted 'yung relationship na 'yon kaya naging inside joke na lang namin. Hindi ko na nga kinwento kay Jazz ang tungkol doon.

Mayamaya lang, dumating na rin ang order ko.

Kumain agad ako, tapos nag-kape habang nagsusulat na sa laptop.

I'm writing a new book. Sobrang espesyal din nito sa 'kin, and surprisingly, hindi ako nagkaka-writer's block kasi may ginagamit pa rin akong inspirasyon.

Tutok ako sa pagsusulat habang nagka-kape nang makarinig ako ng parating na grupo.

Ang ingay nila. Mukhang dadami na ang turista rito sa Sagada Brew at hindi na ako makakapagsulat nang maayos kaya naisip ko nang magligpit.

Ilang saglit pa, pumasok na nga 'yung maingay na grupo. Takot pa rin ako sa tao hanggang ngayon, kaya binilisan ko na ang pag-aayos ng mga gamit.

"Oh my god! ALES?!"

Natigilan agad ako nang may biglang tumawag sa 'kin. Pamilyar ang boses na 'yon.

Pagtingin ko, si Charlie!

Hindi ako nakagalaw. I literally froze to my seat and stared at her with wide eyes.

They're here.

Does this mean...

"SHIT, NANDITO KA RIN!" maligalig na sabi ni Charlie. "Wait lang, wag kang aalis, ah? Dito ka lang, wait!"

Nagmadali siyang lumabas nitong restaurant.

Pagbalik niya, hila-hila na niya ang lalaki na hindi ko inasahan na makikita ko pang muli.

Theo.

Tila tumigil sa paggalaw ang lahat. My heart started pounding fast that I could hear my heartbeats in my ears.

Dahan-dahan akong tumayo nang hindi inaalis ang tingin sa kanya. He hasn't changed a bit. He still looks so fine with his disheveled man bun and rugged charm.

Hindi rin naman siya makapagsalita. Titig na titig lang siya sa 'kin na halatang hindi rin siya makapaniwala na nandito ako.

I smiled at him.

He smiled back.

And right then and there, I knew there was still something very special between us that couldn't be put into words.

TO BE CONTINUED

Bitin ba? Read seven (7) advanced chapters of this story on my Patreon! Go to www.patreon.com/barbsgaliciawrites.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top