Chapter 22
ALES
"ALES! BUKSAN MO na nga ito!" Sunod-sunod akong kinatok ni Jazz dito sa apartment unit.
Wala naman akong plano na pagbuksan siya ng pinto. Tulala lang ako habang nakahiga rito sa kama. Ang sama ng pakiramdam ko dahil sa magdamag na pag-iyak.
I still couldn't believe the man I genuinely love disappeared just like that. Wala tuloy akong lakas na kumausap na kahit sino.
"Ales! Open the door!"
Ayaw pa rin akong tantanan ni Jazz. Kanina pa siya.
Pinilit ko na lang bumangon para buksan ang pinto. "Ano ba?" I couldn't look at her. "'Di ba sinabi kong wag mo muna akong puntahan?"
"Huy! Bakit umiiral na naman 'yang kasungitan mo? Kanina pa ako katok nang katok dito ah, malapit na akong sitahin ng mga katabing unit."
"I told you I can't see you today. Ang kulit mo rin kasi." Tinalikuran ko na siya.
"E nag-alala lang naman ako sa 'yo kasi ilang araw ka nang MIA, tapos ngayon nagpatay ka pa ng phone. Ano bang nangyayari sa 'yo? Tsaka kinukulit ako ni Naomi kaya na rin kita pinuntahan. Nasaan na raw 'yung manuscript mo."
"Wala na, binura ko na."
"WHAT?!" Bigla niya akong hinigit sa siko. "Anong binura mo na? Gaga ka ba?"
"Oo na, gaga na." Binawi ko ang siko ko at dapat papasok na ulit sa kwarto, pero bigla niya ulit akong hinila.
"Ano ba talagang nangyayari sa 'yo?"
"Nothing."
"ALES!" Bigla niyang hinarap ang mukha ko sa kanya.
Kitang-kita ko ang pagbagsak ng mga balikat niya nang makita ang itsura ko. "Bakit mugtong-mugto 'yang mga mata mo? What happened?"
"I said nothing."
Umiwas ako at sumalampak na lang ng upo sa sofa.
She sat beside me. "Halika nga, mag-usap tayo." Pinaharap niya ulit ako sa kanya. "Ano ba 'yang iniiyakan mo, ha? Kaya pala hindi kita mahaligap, eh. Ano ba, pinoproblema mo pa rin ba 'yang libro mo? Hindi mo ba natapos ang manuscript?"
Hindi ako sumagot.
"Ales naman. Ano ka ba, libro lang 'yan, iniiyakan mo ng ganyan?"
"It's not about my book, okay?"
"Then what?"
"Theo is gone. Iniwan na niya ako."
Tumulo na naman ang mga luha ko nung sabihin ko 'yon. I just wiped them away. "Shit, pagod na akong umiyak."
"What are you talking about?" Parang hindi naman siya makapaniwala. "Paanong iniwan ka ni Theo, e 'di ba nagpa-birthday surprise pa siya?"
"That was the last time I saw him. Pagkatapos no'n, nagpaalam na siya. It's my fault. Na-attach ako, eh. 'Yun pala, sakit niya na nawawalan ng gana sa babae kapag nahulog na sa kanya."
"Ano? Saan mo naman nakuha 'yan?"
"Kay Gia, ex-fubu niya na nakilala ko sa Baler. She warned me about Theo's ugly side. Sinabi niya na wag na wag akong mahuhulog kasi kapag nangyari 'yon, mawawalan na ng gana si Theo at iiwanan ako. That's what he did to her. And now he did it to me, too. Pinigilan ko naman, eh. Kahit na hulog na hulog na ako, pinigilan kong itago ang nararamdaman ko. Kaso nung birthday ko, nalasing ako at napaamin sa kanya."
"And what did he say to you?"
"I can't remember. The next day, tinanong ko siya kung may narinig ba siya sa 'kin. Sabi niya wala, pero pagkatapos no'n, naramdaman ko na nanlamig na siya. And then just last night, he called me to say goodbye. Alam mo 'yung, alam ko naman nang iiwanan niya ako, pero sobrang sakit pa rin. Umasa pa kasi ako, eh. I thought he was different. Ayokong maniwala kay Gia, pero totoo pala talaga."
"Eh gago naman pala 'yang Theo na 'yan! Iniwanan ka sa ere. All this time, I was rooting for him, pero tangina niya."
"I was the one who screwed up what we had. Our set up was clear. Kinailangan ko lang naman siya para magkaroon ng inspirasyon sa libro ko. No strings attached dapat, but I fell so damn hard for him. Hindi ko lang inexpect na gano'n pala siya."
"Gago nga kasi. Parehas lang pala sila nung ex mong si Hen Lin na sasaktan ka. Sumakay-sakay pa ako sa trip niya na i-surprise ka nung birthday mo. I also thought he was genuine. Hay naku, just forget about him, okay? Hindi mo naman talaga boyfriend 'yon. It was just a stupid situationship kaya kalimutan mo na."
"I can't."
"Anong you can't?"
"Hindi ko siya kayang kalimutan."
"So ano, made-depress ka sa bagay na wala naman talagang label? My god, Ales, ha. Hindi ganyan ang pagkakakilala ko sa 'yo. Hindi ka tanga."
"You don't understand. I like him. I really, really like him!"
Sinubsob ko ang mukha ko sa mga palad ko kasi hindi ko na napigilang hindi mag-breakdown.
"Theo made me the happiest I've ever been, Jazz. Nasanay na ako na nandyan siya. With him, I could be vulnerable. Everything felt so real and special between us. Akala ko mahal niya rin ako, kasi ako, mahal na mahal ko siya. Kahit ngayon na nasasaktan ako, mahal ko pa rin talaga siya. Hindi ko alam, pero hindi ko magawang magalit."
Sinandal ko ang ulo ko sa sofa para pigilan ang sarili ko sa pag-iyak. "You know what, he called me last night to say goodbye. Hindi niya 'yon ginawa kay Gia. He just left her. Pero sa 'kin, nagpaalam siya."
"So pasalamat ka pa na nagpaalam siya sa 'yo? Parehas niya lang kayong iniwan, okay? Hindi ka special."
Nanikip ang dibdib ko at muli akong naiyak. I just covered my eyes with my arm. "Gusto ko lang namang isipin na baka may pag-asa pa kami. Mahal ko siya, Jazz. Sobrang lalim nitong pinaghulugan ko, hindi ko alam kung paano ako aahon."
Tuloy-tuloy pang tumulo ang mga luha ko. Ang sakit na ng lalamunan ko dahil pinipilit ko na wag nang umiyak. I could feel the pain radiating from my heart.
Ramdam ko naman na nakatitig lang si Jazz sa 'kin. "I couldn't believe I would see you broken like this. Naaawa ako sa 'yo, 'nak, kasi ngayon ka lang umiyak nang ganyan. Kahit kay Eithan, hindi ka nag-breakdown nang ganyan dati."
"Iba 'yung sa 'min ni Theo." Pinahid ko ang mga luha ko sabay titig sa kisame. "Hindi ko siya boyfriend, pero 'yung sakit na nararamdaman ko ngayon, parang kami. Sabi niya sa 'kin, babalik na raw siya sa Batangas. I want to go there. Gusto ko siyang kausapin kasi baka mamaya, mahal niya rin ako."
"Tumigil ka nga. Iniwanan ka na nga nung tao, maghahabol ka pa. Hindi ikaw 'yan, Ales, ha. You're smart. Wag ka ngang magpakatanga sa Theo na 'yon."
"Gusto ko lang ulit siyang makausap."
"Tama na. Marami pang ibang lalaki diyan na mamahalin ka rin at hindi ka iiwan."
"But I only want him. No one else."
Tinakpan ko ulit ang mga mata ko kasi naiyak na naman ako.
Hinila naman na ako ni Jazz para yakapin. "Tahan na. Maybe you don't really love him. You just love the idea of him."
"No. Alam ko kung anong nararamdaman ko. I feel so alone again, Jazz."
"Ano ka ba, nandito ako. 'Di ba tayong dalawa lang naman dati?"
"Iba naman 'yon. You're a best friend, and you have your own family. I only had Theo." Lalo akong napaiyak.
"Shh..." Hinagod-hagod niya ang likod ko. "Wag mo nang ubusin ang lakas mo sa kanya. Makakalimutan mo rin siya, 'nak. Mag-focus ka na lang muna sa ibang bagay. 'Yung libro mo, 'yon naman talaga ang main goal mo, 'di ba? Submit your manuscript."
"I don't even think I can look at it again. That book is so special to me. Katulong ko si Theo na isulat 'yon. Mas lalo ko lang siyang maaalala."
"Gusto mo ako na ang magpasa?"
"No."
"Come on, Ales. You're better than this. I know how much you want to be a successful writer. Kalimutan mo na si Theo. Right now, just focus on your dreams."
Pumikit ako nang mariin para pilitin nang kalmahin ang sarili ko.
Hindi ko alam kung kakayanin ko ba talaga siyang kalimutan. Iba ang pinagsamahan namin ni Theo. How can I unlove and let go of the guy who was once my world?
• • •
SINUNOD KO ANG payo ni Jazz na mag-focus na ulit sa pangarap ko.
I submitted my manuscript. Surprisingly, it got accepted right away, and I landed myself a publishing deal.
Gusto kong maging masaya, pero alam ko sa sarili ko na may kulang.
I wish Theo was here so I could share the good news with him. Sigurado akong matutuwa siya at magce-celebrate kami kasi libro namin 'to, eh. But he's not with me anymore.
Sa kada araw na lumilipas, imbis na gumagaan ang pakiramdam ko, lalo lang bumibigat kasi mas nangungulila ako sa kanya. Hindi na talaga siya nagparamdam sa 'kin. Pero kahit gano'n, hindi ko pa rin magawang magalit sa kanya. Ewan ko kung bakit. I just miss him so much.
Nung nakatanggap nga ako ng email galing kay Naomi na na-approve ang manuscript ko, si Theo ang una kong naisip. Gusto ko siyang i-text that time, kung hindi lang ako pinigilan ni Jazz.
Nakakainis na hindi ako makakilos nang hindi ko siya naiisip. Kahit ngayon na papunta ako sa publishing house namin para pumirma na ng kontrata, siya pa rin ang laman ng utak ko—na sana kasama ko siya kasi alam kong gustong-gusto niyang nagse-spend ng time sa 'kin. Sobrang hirap niyang kalimutan.
I arrived at the publishing house a bit late. Ang lakas kasi ng ulan.
Pagkapasok ko sa lobby, panay punas ako sa jeans ko na medyo nabasa. There was a guy here, and he was staring at me when I arrived.
"Hi." Bigla pa siyang bumati. "Ales Lim?"
I squinted my eyes behind my glasses. I don't know him.
He then offered his hand. "Khalil Laxamana. Writer din. Taga-kabilang publishing house dati."
"Ah, hi. Yes, I heard about you. Lumipat ka na rito?"
"Oo. Sumakabilang publishing house." He chuckled.
Naputol na agad ang pag-uusap namin kasi tinawag na siya nung isang editor. At sakto ring tinawag na ako ni Naomi.
Sumunod ako sa kanya papasok sa maliit na office.
"Congratulations, Ales!" bati niya agad. "Finally, right? Akala ko talaga hindi ka na magpapasa sa 'min."
Tipid lang akong ngumiti. "Thank you. Medyo lost lang ako."
"I hope you're okay now. So, here's the publishing contract for your new book. I need you to sign all the pages."
"Okay." Tinanggap ko na ang kontrata at ni-review muna kahit na napadalhan na nila ako ng copy before.
Si Naomi, ramdam ko lang na nakatingin sa 'kin.
"Bakit parang malungkot ka?" bigla niyang tanong. "Sa lahat ng mga pumipirma ng publishing deal, ikaw 'tong pinaka-malungkot."
Ngumiti lang ako nang mapait. "Sorry, I'm not feeling well the past few days. Pero okay naman ako."
"Ah, maybe because of the weather. Ilang araw na rin kasing umuulan."
Hindi na ulit ako nagsalita. Pero ramdam ko pa rin na nakatingin siya sa 'kin.
"Ales, you don't like me, 'no?"
Ngumisi ako. "Ikaw nga 'tong may ayaw sa 'kin."
She chuckled. "Do you really think that I hate you? Alam mo kung bakit kita inaaway? Kasi ayaw mong ilabas ang galing mo."
Napahinto ako sa pagpirma at tumingin sa kanya. Pero wala akong nasabi.
"I know how great of a writer you are. Ang laki ng potential mo, Ales. Hindi ko lang talaga maintindihan kung bakit hindi mo mailabas-labas sa mga libro mo. And you've been writing since when? Iniinis kita kasi baka sa paraang 'yon, mapatunayan mo sa 'kin kung gaano ka talaga kagaling. At nung nabasa ko na 'tong bagong manuscript mo, napahinga na ako nang maluwag kasi finally, lumabas na ang tototong Ales."
I couldn't say any word. Hindi ko inexpect na 'yun pala ang tingin niya sa 'kin. All this time, I thought she hated me.
Napangiti na lang ako nang mapait. "Salamat. To be honest, I really struggled. Ramdam ko rin sa sarili ko na hindi talaga maganda 'yung mga nauna kong naisulat. Thank you for still giving me a chance to prove myself."
"Of course. Sinabi ko naman sa ibang mga editors na wag kang sayangin kasi may nakikita talaga ako sa 'yo. I know I acted harsh towards you, and I'm sorry. Ngayon, mukhang inspired ka na kasi iba ang atake mo sa librong 'to. Buhay na buhay lahat. I'm sure malaking tulong ang boyfriend mo."
Biglang kumirot ang dibdib ko kasi alam ko kung sinong tinutukoy niya. "Boyfriend?"
"Oo, 'yung sinama mo rito last time. 'Yung long hair. Ang gwapo no'n, ha."
Pinaalala niya pa talaga sa 'kin. Ngumiti na lang ulit ako nang mapait sabay bumalik na sa pagpirma. "He's not my boyfriend. Palabas lang namin 'yon."
"Really? Palabas lang? E bakit parang in love na in love talaga siya sa 'yo?"
Muli akong natigilan at tiningnan siya. But I didn't say anything.
"Yeah, the way he looked at you when we were in the elevator. Iba siya tumingin sa 'yo. Hindi mo napansin?"
Ang sarap umasa. Sana nga totoo na lang na in love na in love sa 'kin si Theo, pero alam kong imposible.
"Hindi ko napansin," sagot ko na lang. "We're no longer together now." Bumalik na ulit ako sa pagpirma.
"Oh, I see. Sayang naman. That's probably why you look gloomy. Sana hindi maapektuhan ang future works mo."
'Yun na lang ang sinabi niya sa 'kin, tapos hinintay na lang ako na mapirmihan ang kontrata.
I gave her the papers as soon as I signed everything. "Thank you, Naomi."
Tumayo naman siya para makipagkamay. "You're welcome. Congratulations again. We will start with our usual process and aim to release your book in 3-4 months."
"Okay. Makiki-balita na lang ako sa 'yo."
"Sure! Malaki ang tiwala ko sa libro mong ito. I could feel it's going to be a bestseller."
Tipid akong ngumiti. "I don't want to expect, but thank you."
Nagpaalam na ako sa kanya pagkatapos at lumabas na ng office.
Umuulan pa rin. Pinagmasdan ko muna ang mga patak bago ako nag-umpisang maglakad sa may silong.
Lalo akong nalulungkot dahil sa panahon. I have a huge reason to be happy right now, pero ang lungkot-lungkot ko pa rin.
Dapat kasi kasama ko si Theo ngayon, eh. Nung sinunusulat ko pa ang libro ko, in-imagine ko pa na siya ang unang makakaalam kapag na-approve ang manuscript ko at kapag na-offer-an na ako ng publishing deal.
Gusto ko sana kasama ko siya kapag pipirma ako at nasa tabi ko lang siya sa lahat ng mga magiging events ko. Hindi ko naman naisip na kapag natapos ko na ang manuscript, tapos na rin ang amin.
Miss na miss ko na siya. I just wish I could hear his voice again—'yung gwapo at malalim niyang boses sa telepono. Kahit ngayon lang, para naman may rason akong mag-celebrate.
Nilabas ko ang phone ko sa bag. Hindi ko alam kung anong kagagahan ang pumasok sa isip ko, but I dialed Theo's number.
Nag-ring, tapos nagulat na lang ako kasi bigla niyang sinagot!
Sa taranta ko, napatay ko agad ang tawag at hindi ko man lang narinig ang boses niya. My heart pounded so fast!
Umupo muna ako sa kalapit na waiting shed sabay hawak sa dibdib ko na ang bilis-bilis ng pagtibok ngayon. Tinitigan ko pa ang phone ko para masiguro na totoo talaga ang nangyari.
He answered my call. Hindi ko inexpect na sasagot talaga siya.
Pumikit ako nang mariin at naramdaman na lang ang pangingilid ng luha sa sulok ng mga mata ko.
Shit, Ales, what are you doing?
Pinahihirapan ko lang talaga ang sarili ko. Imbis na kalimutan ko na siya, gumagawa pa ako ng paraan para mas lalo siyang maalala. This was so stupid of me, but I don't think I can ever stop loving him.
TO BE CONTINUED
Next chapter: Theo's POV 👀
Bitin ba? Read six (6) advanced chapters of this story on my Patreon! Go to www.patreon.com/barbsgaliciawrites.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top