Chapter 17
ALES
"TOUCHDOWN, BALER!" ANG lakas na naman ng boses ni Charlie.
Ewan ko kung bakit kailangan niya palaging sumigaw ng gano'n kapag nakakarating na kami sa destination namin. Natatawa na lang kami sa kanya.
But yes, we just arrived here in Baler. Maaga pa, wala pang alas-otso.
Ilang linggo rin naming pinlano 'tong trip namin, at nakakatuwa na natuloy talaga. Ang layo lang ng byahe. Umatake na nga ang back pain ko dahil ilang oras kaming nakaupo. We rented a private van. Sulit na rin kasi puro kwentuhan lang kami ni Theo at kakulitan namin sila Charlie. Ang ingay nilang lahat sa loob, pero nag-enjoy naman ako.
"Masakit pa likod mo?" tanong sa 'kin ni Theo habang naglalakad kami papunta sa tutuluyan naming travellers inn.
"A little, but I'll be fine," I said.
"Gusto mo wag na tayong sumama sa tour nila Charlie? Magpahinga ka na lang muna."
"Hindi ba sayang?"
"Sayang talaga. Maganda pa naman 'yung pupuntahan nilang waterfalls. Nakita ko na dati 'yon, pero gusto kong makita mo rin."
Napangiti ako. "Okay, I'll just rest for a bit, then join you guys."
Hinawakan na niya ang kamay ko pagkatapos. Sinita ko na siya na wag masyadong makipag-holding hands sa 'kin kasi sinabi ko kila Charlie na hindi naman kami, pero gustong-gusto niya pa rin talagang hinahawakan ang kamay ko.
Buti na nga lang hindi na nang-aasar ang mga kaibigan niya. Sa umpisa lang pala sila gano'n. Ngayon hinahayaan na nila kami.
Huminto muna ako sa tapat ng inn para pagmasdan ang lugar. I feel alive to be in Theo's world. Sobrang ganda rito. We're just in front of one of the popular surf spots. Si Rena, 'yung isa naming kasamahan, ang pumili nitong lugar. Siya pala ang palaging nag-oorganize at gumagawa ng itinerary kapag may trip.
May open restaurant sa labas. Iniisip ko nang magsusulat ako ro'n mamaya habang pinanonood ang mga nagsu-surf sa dagat. Feeling ko dito ko matatapos ang manuscript ko.
"Ales, tara!" Bigla na akong tinawag ni Charlie para pumasok.
I just took a photo of the beach, then I went inside.
Dalawang rooms ang kinuha namin. Magkakasama kaming mga girls, tapos ang mga boys sa kabila.
"Ayos ka lang dito? Hindi mo ako kasama," sabi ni Theo na katabi ko pa rin na nag-aayos.
I chuckled. "Oo naman. Ano ako, bata na hindi makakagalaw kapag wala ka?"
Natawa rin siya. "Iniisip lang kita kasi baka hindi ka kumportable. I-text mo na lang ako mamaya kapag hindi ka makatulog."
"Why, papasukin mo ako rito?"
"Oo. Gagapangin kita."
Pinalo ko agad siya sa dibdib sabay tingin ko kila Charlie. "Kapag tayo narinig ng mga kaibigan mo, ha."
"Ayos lang 'yan, matatanda na 'yang mga 'yan. Sige na, maghanda ka na. Magte-trek pa tayo papunta sa falls."
"Ha? May trekking pa muna?"
"Oo. Malayo-layo rin, pero promise, sulit ang pagod mo sa makikita mo."
Hindi ko naman alam kung mae-excite ako sa sinabi niya. Napahinga na lang ako nang malalim. "Okay, I trust you. O sige na, lumabas ka na. Puro girls na kami rito, binabantayan mo pa ako."
Napangisi na lang siya, tapos lumabas na ng kwarto namin.
To be honest, parang nagsisisi ako sa pinasok ko. Nag-breakfast lang kami saglit at nagpahinga, tapos nag-umpisa nang mag-trek papunta sa waterfalls.
Sabi ni Theo, malayo-layo raw. Totoo naman. Pero okay lang 'yung layo, eh. Ang hindi ko kinaya ay 'yung ang laki at dulas ng mga batong dinaanan namin kasi sa mismong batis kami dumaan. I literally struggled.
Buong trekking, hawak-hawak ako ni Theo kasi nagkanda-dulas dulas na ako sa mga naglalakihang bato. Natatawa na nga sa 'kin sila Charlie. At one point, napaisip ako kung bakit ba kasi sumama-sama pa ako sa bakasyon nila. Sana nag-stay na lang ako sa apartment at nagsulat, kaysa napagod ako nang gano'n.
Minsan ang hirap din talagang sabayan ng mga trip ni Theo, eh. I thought I was a strong independent woman. Pero kanina, naging damsel in distress ako na kulang na lang kargahin na niya buong trekking para lang hindi na ako mahirapan.
Mabuti na lang talaga totoo rin 'yung sinabi ni Theo na sulit ang pagod. The falls was legit majestic, and I didn't expect I'd be speechless upon seeing it up close. Grabe sobrang breathtaking. Kahit nga ang haggard na ng itsura ko, nagpa-picture pa rin ako kay Theo para may ipapakita ako kay Jazz. Masaya naman si Jazz para sa 'kin kasi finally, lumalabas na ako sa lungga at nakikihalubilo sa ibang tao
After that trek, we went back to our inn for our late lunch.
Magsu-surf lessons raw sila Charlie mamaya, pero ewan ko kung sasali pa ako kasi sa totoo lang, ang sakit ng legs ko. Ito yata talaga ang consequence ng palagi lang nakatutok sa laptop at hindi lumalabas ng bahay.
Nauna kaming mga girls sa restaurant sa labas para umorder na ng pagkain.
Marami-rami rin ang tao kasi nga popular surf spot. Sakto pa na may isa na namang bagong grupo na dumating dito sa restaurant.
"Oh, shit." Narinig ko na biglang nag-react si Charlie.
Napatingin ako sa kanya, pero nakipagbulungan na agad siya kay Rena na katabi niya lang.
Kumunot tuloy ang noo ko. "Why? Anong meron?"
Parang kinabahan siya at hindi makatingin sa 'kin. "Uhm, w-wala. May nakita lang kasi kaming familiar face."
"Who? From that group?" Tumingin ako ro'n sa magba-barkada na kararating lang.
"Oo. Wag mo silang tingnan."
Umiwas naman agad ako ng tingin.
Wala na siyang sinabi pagkatapos. Hindi na rin naman ako nagtanong kasi malay ko ba kung sinong tinutukoy niya. Kaso nagbubulungan pa rin kasi sila nila Rena kaya parang nacu-curious ako.
Mayamaya lang, tumayo sila Rena kasama si Julie at Kaye para mag-C.R. Kami na lang ni Charlie ang naiwan kaya nagtanong ulit ako sa kanya.
"Sino ba 'yung kakilala niyo at parang hindi na kayo kumportable?"
"Ha?" Parang nagmamaang-maangan pa siya.
"Sabi mo kanina may nakita kayong familiar face," sabi ko na lang ulit.
Tumingin agad siya sa paligid na para bang walang pwedeng makarinig sa 'min, tapos bumulong siya. "Wag mong sasabihin na ako ang nagsabi nito sa 'yo, ha? Gusto ko lang na maging aware ka."
"Nakakakaba ka naman. But okay, let's hear it."
"You see that merona girl?" Palihim niyang tinuro 'yung isang babae na kasama ro'n sa kararating lang na grupo.
"Yang maganda na naka-rust tank top?"
"Yes. She is Gia, Theo's ex-fubu."
Biglang bumigat ang dibdib ko. "H-his ex?"
"Oo, wag kang maingay na sinabi ko, ah?"
Napaisip ako. Naalala ko nga na may kinwento sa 'kin si Theo na ex niya. "Siya ba 'yung barista?" tanong ko.
"Barista? Hindi. She's a surfer." Tumingin ulit siya sa paligid para makasigurong wala pa ang mga kasama namin. "I don't really know Gia. Na-meet lang namin siya a couple of times. Nagkakilala sila ni Theo sa Siargao. Binabalik-balikan niya 'yan palagi kahit pa nagkaroon na siya ng ibang mga babae. Kumbaga sa lahat ng mga naging fuck buddies niya, si Gia ang pinaka-favorite niya."
I suddenly felt a lump in my throat. Pinaka-favorite. Bakit parang nasaktan ako?
I looked at that Gia through my eyeglasses and secretly stared at her from head to foot. I don't really do this to other women because I'm not that insecure. Pero nag-iba ang pakiramdam ko ngayon. Bigla akong nagselos kahit ex naman na siya at hindi rin naman ako technically girlfriend.
I admit, she's oozing with sex appeal. Her bronzed skin and toned body are to die for. At mukha siyang may interesting personality. Hindi nga naman imposible na maging paborito siya ni Theo.
"Sorry, Ales," biglang sabi naman ni Charlie. "Hindi namin naisip na makikita natin siya rito. Sana pala sa iba na lang tayo nag-bakasyon."
"It's okay. But I'm just curious...did Theo really say that? Na si Gia ang favorite niya?"
"Oo, 'yun talaga ang ginagamit niyang term. Favorite. Palagi siyang pumupunta sa Siargao para lang makita si Gia. Alam mo, parang naalala ko na nga 'yung barista na sinasabi mo, eh. I think nung naghiwalay sila nun, bumalik pa ulit siya kay Gia."
Hindi ko na ulit nagawang magtanong. Namamanhid na ang mga kamay ko. Baka hindi ko na kayanin ang iba ko pang malalaman.
"Sorry talaga, Ales," sabi niya ulit. "Honestly, ayaw ipaalam nila Rena sa 'yo kasi baka raw mailang ka. Kaso nakaka-feel bad naman kung alam naming lahat na nandito ang ex ni Theo, tapos hindi ka man lang namin sinabihan."
I faked a chuckle. "Hey, no problem at all. Hindi naman talaga kami ni Theo kaya hindi ako affected. We're just friends."
Napangiti siya nang mapait. "I'm really sorry. Wag mo na lang sabihin na ako ang nagsabi sa 'yo, ah?"
"Of course. This is just between you and me."
Uminom na ako sa juice ko pagkatapos para mag-end na ang topic.
She also didn't say anything after that. Baka naramdaman na niyang wala na ako sa mood. Na-appreciate ko na naisip niya ang mararamdaman ko, pero sana hindi ko na lang nalaman. Bakit kasi na-curious din ako. Buong bakasyon ko na tuloy 'tong iisipin.
Mayamaya lang, dumating na rin sila Theo.
Akala ko hindi siya mapapansin ni Gia, pero nagulat ako kasi bigla siya nitong tinawag. "Theo?"
He stood stunned for a moment. Halata kong hindi niya inasahan na makikita niya ang ex-fubu niya rito, pero wala naman siyang ginawa. Bigla lang siyang tumingin sa 'kin na para bang nag-alala siya na baka nakita ko sila.
Yumuko agad ako para kunwari wala akong alam. Shit, I don't like this feeling.
Dumiretso na si Theo sa table namin at hinalikan pa ako sa buhok. Hindi ko alam kung naglalambing lang ba siya o gusto niyang ipakita sa ex niya na meron na siyang bago. He doesn't have to do this, really.
Pasimple ulit tuloy akong tumingin kay Gia. She was staring at us, and the look at her face was screaming sadness.
Hanggang sa nag-umpisa na kaming kumain, nahuhuli ko pa rin si Gia na nakatingin sa 'min ni Theo. To be honest, gusto ko na lang siyang balewalain. Hindi rin naman kasi siya pinapansin ni Theo, eh. At saka wala akong karapatan na maapektuhan o magselos kasi f buddy lang din naman ako. But I don't know, I feel uneasy.
Nung hapon tuloy, hindi na ako sumama kila Charlie nung nag-aral silang mag-surf.
I just stayed here at the restaurant with my laptop. Theo is here with me, too. Bumili siya ng Halo-Halo at magkatabi kaming nagmi-miryenda ngayon.
"Ayaw mo ba talagang sumama kila Charlie?" bigla niyang tanong sa 'kin.
"No, I'm good. Pagod pa talaga ako sa trekking natin kanina."
"Oo nga, eh. Tinatanong ako nila Kaye kung ayos ka lang ba kasi ang tahimik mo na raw. Sabi ko mabilis ka lang talagang mapagod."
Napangiti ako. "Kilala mo na ako, ah."
"Syempre naman. Napag-aralan na kita. Hindi ka rin ba makapagsulat?"
Tiningnan ko 'tong laptop ko na namatay na lang ang screen kasi hindi ko ginagalaw.
"Ayaw gumana ng utak ko," sagot ko sa kanya. "Akala ko nga dito ko na matatapos isulat ang manuscript ko. Goal ko na matapos 'to bago ako mag-birthday."
"Magbi-birthday ka pala. Kelan?"
"Next month, on the 13th."
"Malapit na 'yon, ah. Saan tayo magce-celebrate?"
I chuckled. "I don't celebrate my birthday. Ordinaryong araw lang siya para sa 'kin, so sa apartment lang ako."
"Hindi nga? Dapat nagce-celebrate ka. Isang beses lang sa isang taon 'yon."
"Minsan niyayaya akong kumain ni Jazz. Pero madalas, ako lang mag-isa. Okay lang naman sa 'kin. Don't worry about me."
Sumubo siya ng Halo-Halo sabay bukas sa laptop ko. "Ilang chapters pa ba ang kailangan mong isulat?"
"I only have two chapters left. Kaya ko na siguro 'yan bago ang birthday ko. Pag natapos ko na, papasadahan ko pa ang buong manus bago ko ipasa kila Naomi."
"Tapos ilalabas na agad nila?"
"Kung magustuhan. There's a possibility it won't get published. They will still have to review it, and then once approved, they'll line it up for release."
"Ang dami pa palang mangyayari." 'Yun na lang ang sinabi niya kasi focused na siya sa pagbabasa ng manuscript ko sa laptop.
Siya lang talaga ang kaisa-isang kakilala ko na pinapayagan kong basahin ang mga sulat ko. Gano'n ako ka-kumportable sa kanya.
Bumuntonghininga na lang ako sabay tingin ulit sa dagat.
Nagsu-surf na rin si Gia. Pasimple ko siyang pinanood. She's great, I admit. Halatang professional.
"Theo, do you surf?" Bigla kong naitanong.
"Oo. Gusto mo ako na magturo sa 'yo para mag-enjoy ka?"
I just smiled a little.
"Tara, ako na lang ang magtuturo."
"Mamaya na lang. Saan ka natutong mag-surf?"
"Sa Siargao."
Parang may kumirot na naman sa dibdib ko. Doon sila nagkakilala ni Gia. "Madalas kang pumupunta ro'n?"
"Dati, pabalik-balik ako. Ngayon hindi na. Bakit, gusto mong pumunta sa Siargao?"
Umiling agad ako, tapos kumain na lang ulit ng Halo-Halo.
Sobrang weird na hindi niya binabanggit ang tungkol sa dati niyang f buddy kahit na pinag-uusapan na namin ang Siargao. I know him well enough. Open siya sa 'kin at mahilig siyang magkwento.
I could clearly remember he told me about his barista ex. Pero si Gia, kahit isang detalye, walang siyang nabanggit. Akala ko pa naman alam ko na lahat ng kailangan kong malaman tungkol sa kanya.
I know, I shouldn't be making a big deal out of this. It's his past anyway. But I just find it really weird.
May nililihim ba siya? Ni hindi niya rin pinapansin dito si Gia, eh. Kahit isang beses, hindi ko na ulit siya nakitang tiningnan o kahit sinulyapan man lang ang ex niya kahit na alam niyang nandito ito. It's like she doesn't exist and he doesn't know her at all.
Muli kong pinanood si Gia na nagpapakitang-gilas sa pagsu-surf.
I'm wondering what's with her. Bakit siya ang favorite at bakit siya palaging binabalik-balikan ni Theo?
TO BE CONTINUED
Bitin ba? Read five (5) advanced chapters of this story on my Patreon! Go to www.patreon.com/barbsgaliciawrites.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top