Chapter 16

ALES

SEVERAL MONTHS HAVE passed. Wala na yatang araw na hindi ko kasama si Theo. Kulang na lang, mag-live in na kaming dalawa.

We go out almost every day, fuck almost every night. Hindi kami nagsasawa. Dahil nga sa mga ginagawa niya sa 'kin, malapit ko nang matapos ang manuscript ko. I'm actually down to my last few chapters. Konting-konti na lang talaga, at proud din ako sa sinusulat ko this time. I feel like my editors and readers are going to love it.

Ang dami na rin tuloy naming nalalaman ni Theo sa isa't isa dahil hindi na kami mapaghiwalay.

Dati, pa-mysterious pa ako at takot mag-open up because of trust issues, pero ngayon, ang vulnerable ko na kapag magkasama kami. As in sobrang kumportable ko sa kanya.

Sobra rin naman siya kung mag-alaga sa 'kin. Kapag alam niyang busy ako sa pagsusulat o kaya stressed ako dahil sa editor ko, nandyan agad siya para asikasuhin ako.

He cooks food for me and makes sure I always have the energy to write. Kapag may kailangan akong puntahan, sinasamahan niya ako kahit na alam kong puyat siya galing sa Third Base. I appreciate that he always makes time for me. Para ngang nakakalimutan na niyang extrovert siya kasi mas pinipili niyang mag-stay sa mundo ko.

Ang saya lang namin the past few months. Ayoko na lang aminin pero ang totoo, naa-attach na ako sa kanya.

I know it's wrong to feel this way. We still don't have a label, and we both knew this was just all for fun.

Kumukuha nga lang dapat ako ng inspirasyon sa kanya para sa pagsusulat ko, 'di ba? Pero parang totoo na kasi lahat. 'Yung pag-aalaga niya sa 'kin at pag-spend niya ng time kasama ako, parang hindi na basta 'service' lang. Nasasanay na ako.

Being with him alone makes me happy. Feeling ko kapag nagtuloy-tuloy pa 'to, hindi ko na siya kakayaning mawala sa 'kin.

Ngayong hapon, magkikita ulit kami ni Theo.

He'll come with me to my publishing house's office to claim some book royalty checks. Sa ibang araw pa kasi pupunta roon si Jazz kaya sa kanya na lang muna ako nagpasama.

Saktong nag-text na siya na nasa ibaba na siya, kaya kinuha ko na agad ang sling bag ko at lumabas ng apartment. I'm just wearing my usual basic top and jeans.

"Hi." Ang gwapo na agad ng ngiti niya sa 'kin pagkapasok ko sa kotse niya.

I bit my lip to suppress my little smirk. "Anong ngiti na naman 'yan?"

"Ngiti ng taong na-miss ka."

"Oh, come on. I was just at your house yesterday."

"Bakit, hindi ba pwedeng namiss kita agad-agad?"

Pinalo ko na lang siya sa braso. Natawa na lang naman siya, tapos nag-drive na paalis.

'Yang mga banat niyang ganyan kaya lalo akong naa-attach, eh. Hindi mahirap mahulog dito sa lalaking 'to.

"Mamayang gabi pala," sabi niya, "pagkatapos ng lakad natin, sama ka sa 'kin sa Third Base?"

"Sure. But why, anong meron?"

"Nag-text sila Charlie. Miss na raw nila ako. Hindi raw kasi ako nagpapakita sa kanila."

"E bakit nga ba kasi hindi ka nagpapakita sa mga friends mo?"

"Alam mo naman siguro ang sagot diyan."

I smirked at him. "Hindi kita pinagbabawalan, ah."

"Oo nga. Choice ko na sa 'yo sumama. Ano, game ka mamaya sa club? Iinom daw sila ro'n."

"Um-oo na nga ako, 'di ba. Basta dating-gawi. Don't leave me alone kasi takot pa rin ako sa tao. Sa 'yo lang ako kumportable."

"Yes, ma'am."

Napangiti na lang ako.

We arrived at our publishing house's office at around 3 PM.

Bago kami pumasok ni Theo sa elevator, kinausap ko muna siya. "Hey. Baka makita natin ang editor ko sa itaas. You know we're not on good terms."

"Ah, oo. 'Yung editor mong may lihim na galit sa 'yo. Ano nga uling pangalan no'n? Rosemarie?"

"Naomi! Saan mo nakuha 'yang Rosemarie?"

"Ah, Naomi pala. Magkatunog naman, 'di ba?"

Oh my god, hindi ko alam kung matatawa ako sa kanya o ano. "You're not really good with names, are you? Naalala ko dati, ang tawag mo sa 'kin, Alice."

"Magkatunog din kasi. Sino bang nagpangalan ng Ales sa 'yo? Ang alanganin."

"Tsk." Pinalo ko na siya. "Mag-focus ka muna sa sinasabi ko, okay. Let's go back to my editor. Baka makita natin siya sa taas."

"Ok. May kailangan ba akong gawin sa kanya?"

"Nothing. I'm just giving you a heads up. Kapag nakita natin siya, kunwari hindi mo siya kilala at wala akong sinasabi sa 'yo against her."

"Sige. Alam mo namang malakas ka sa 'kin, eh." Hinawakan na niya ako sa likod, tapos pumasok na kami sa elevator.

Busy ang mga tao sa office pagka-akyat namin, kaya dire-diretso kong nakuha ang royalty checks ko nang walang istorbo.

Theo was just waiting for me at the lobby. Pagkabalik ko sa kanya, nagulat na lang ako kasi nandoon na rin si Naomi at parang kinakausap siya.

Napangisi ako. Look at this woman. Basta may gwapo talaga, nakakalimutan niyang may trabaho siya.

Napansin naman ni Theo na pabalik na ako kaya tumayo agad siya para sumalubong.

I saw Naomi's eyes went round with surprise. "Oh! You know him, Ales?" tanong niya agad sa 'kin.

"Yes, he's with me."

"Is he your brother? Sorry, akala ko siya 'yung bagong illustrator na isa-sign natin."

Napangisi na lang ulit ako sa pagpapalusot niya, tapos pinakilala na sila sa isa't isa. "Theo, this is Naomi, one of the editors here."

"Hi," tipid na bati lang ni Theo.

"So great to meet you," sagot naman agad ni Naomi at talagang nakipag-kamay pa. "I'm sorry, I really thought you're the artist. May binanggit kasi sila sa 'kin na may darating daw for contract signing."

"Ayos lang."

Nagpaalam na agad ako kay Naomi pagkatapos. Iba na kasi ang mga tinginan niya. I know her so well. May respeto pa rin naman ako sa kanya kahit papaano, kaya maayos pa rin akong nagpaalam.

Lumabas na kami ni Theo ng office at dumiretso ng sakay sa elevator. Kaso bago pa magsara ang pinto, bigla na lang humabol si Naomi.

"Oops, sorry! Going down?" Kunwari pa siya kahit na alam niya namang pababa kami.

"Yes, sabay ka na," sagot ko na lang, tapos pinapasok na siya at saka pinindot ang close button.

I really hate the aura of this woman. Hindi ko siya tinitingnan, pero ramdam ko na ang lagkit ng tingin niya kay Theo. I'm not jealous nor insecure because I know I look way better than her, but she really irks me.

Buti na lang nakaramdam si Theo. Bigla niya akong hinigit sa baywang sabay halik sa tuktok ng ulo ko.

Pasimple ko agad tiningnan si Naomi. Nakataas na ang isa niyang kilay na halatang insecure na naman.

"Ah, boyfriend mo pala siya," sabi na niya sa 'kin. Hindi na talaga siya nakatiis. "I thought you're single."

"Bago pa lang kami," sagot ko. "Still in our honeymoon phase."

"Oh, really. Well, good luck with your love life and with your manuscript. Sana maganda na ang sulat mo this time kasi inspired ka na."

Saktong bumukas ang elevator sa isang floor at lumabas na agad siya roon.

Pagkasara ng pinto, tiningnan ko agad si Theo. "See? Ang gaspang ng ugali, 'di ba?"

He laughed a little. "Oo nga. Napagkamalan niya pa tayong magkapatid. Hindi niya alam tinitira kita."

Nanlaki ang mga mata ko sabay palo sa braso niya. "Ano ba 'yang bibig mo, kung saan-saan na lang."

Natawa na lang naman ulit siya. Buti na lang walang ibang tao rito sa elevator. Kung 'di, pagtsi-tsismisan pa ako ng mga nakaka-kilala sa 'kin.

Bumukas na ang elevator sa ground floor kaya lumabas na rin kami at dumiretso sa parking lot.

"Nasira ba mood mo dahil kay Naomi?" tanong niya sa 'kin pagkasakay namin sa kotse.

"Hindi naman. Sanay na ako sa kanya. I've experienced worse. Mukhang type ka nga no'n, eh. I can tell by the way she looks at you."

"Nagulat nga ako, bigla niya akong nilapitan. Mas maganda ka naman do'n, wag kang mag-alala."

"I know," I answered confidently. "Bothered lang ako kasi mukhang mangpa-powertrip na naman siya at pagdidiskitahan ang manuscript ko dahil sa 'yo. I can't afford to let that happen. This is my favorite work so far, and I am pouring my heart and soul into this book."

"Gusto mo landiin ko siya para i-publish na agad nila ang libro mo?"

Nanlaki ang mga mata ko sabay tingin sa kanya. "Sige, subukan mong gawin 'yan. Ako lang ang pwede mong landiin."

Natawa siya. "Biro lang. Ang higpit naman ng Ales ko. Syempre hindi ko gagawin 'yon."

Bigla akong napangiti. "Ales mo talaga, ha?"

Napapangiti rin naman siya, pero wala na siyang sinabi. Nag-umpisa na lang siyang mag-drive.

"Nagutom ako dahil sa eksena ni Naomi," I just said. "Kain muna tayo bago tayo makipag-meet sa mga friends mo?"

"Sige. Libre kita para hindi ka na ma-badtrip."

"Hindi naman ako na-badtrip. Pero sige, manlibre ka. Salamat, Theo ko."

I saw him pursed his lips to hide his smile. Hindi ko alam kung anong ibig sabihin ng ngiti na 'yon, pero ang gwapo-gwapo niya.

• • •

"ALES! YOU'RE HERE!"

Ang lakas ng tugtog dito sa Third Base, pero nangibabaw pa rin ang tining ng boses ni Charlie nang makita ako.

Sumalubong siya at bigla akong niyakap. Nakakatawa na ako talaga ang inuna niya kaysa kay Theo na kaibigan niya. She grabbed my hand and excitedly pulled me to their table.

Nilingon ko agad si Theo kasi naiwanan na siya. Pinauna niya na lang naman ako kasi pupuntahan niya pa yata si Arkhe.

The group is complete. 'Yung mga nakasama namin sa Sagada, nandito lahat. Anim pa rin sila. We have Charlie, of course, the other girls Rena, Kaye, and Julie, and then the two boys Gelo and Art.

Ang saya nga nila nung makita ako. They even hugged me. Medyo nabigla ako kasi hindi ako sanay. Para bang ang tagal ko na rin silang mga kaibigan kahit na sa isang trip ko pa lang naman sila nakakasama.

"Kumusta ka naman, Ales?" tanong agad sa 'kin ni Charlie pagkaupo namin.

"I'm okay. I'm so happy to see you all again."

"Kami rin! So...kayo na pala ni Theo, huh?" Tinaas-baba niya pa ang mga kilay niya.

'Tong ibang mga kasama tuloy namin, naghiyawan na parang mga teenagers na nang-aasar. I don't know kung matatawa ako o mahihiya.

"We're not together," sagot ko na lang.

"Not yet?" banat naman ng isa naming kasamang babae na si Kaye.

I chuckled. "No, hindi talaga. He's just helping me with something."

"Sus!" sabat na ulit ni Charlie. "E hindi na nga namin mahagilap 'yang si Theo, eh. Mas gusto ka na niyang kasama kaysa sa 'min."

"I'm sorry, wala kasi siyang sinasabi sa 'kin na nagyayaya kayo."

"Joke lang, ano ka ba." Bigla niya akong pinalo sa braso. Nakalimutan kong mabigat nga rin pala ang kamay niya. "That's okay. Gusto ka rin naman namin, eh. Buti nga sumama ka ngayon."

"Oo nga, Ales!" sagot naman nina Rena at Julie. "Part of the group ka na, ah? Bawal nang tumiwalag."

I smiled and just nodded. "Of course."

Tuwang-tuwa naman sila. Nag-toast pa nga sila ng mga baso ng alak na akala mo naman talaga big deal ang pagsama ko sa grupo.

Ilang saglit lang, sumunod na rin si Theo rito sa table. May dala siyang juice na para lang sa 'kin. Kaya syempre, hindi na naman kami nakaligtas sa mga pang-aasar nila Charlie.

"Oy, Alvarez," banat nung kasama naming lalaki na si Art. "Kilala mo pa ba kami, ha? Baka mamaya, si Ales na lang ang kilala mo."

I looked up at Theo to see his reaction. He was just smiling, then pulled the chair beside me to sit there. Umakbay pa agad siya sa 'kin.

Sila Charlie tuloy, nagsisikuhan na at nagpipigil ulit ng mga ngiti na para bang mang-aasar na naman.

"Uy, dahil kasama na ulit natin si Ales, mag-bakasyon ulit tayo," sabi ni Charlie.

"Tara!" sagot naman ng mga kasama namin. "Saan tayo?"

"Baler!" Excited agad na sumagot si Charlie, sabay muli akong tiningnan. "Ales, nakapag-Baler ka na?"

"Uhm, not yet. Maganda ba ro'n?"

"Hindi pa rin ako nakakapunta, eh. Tara doon na lang! Game?"

Pumayag agad ang grupo. Pero ako, hindi pa makapag-decide.

"Sama ka Ales?" tanong ulit sa 'kin ni Charlie. "Sama ka! Para masaya tayo."

I looked at Theo because he's not saying anything. "Sama tayo sa kanila?"

"Gusto mo bang pumunta ro'n?"

"Kapag kasama ka, oo."

Ngumiti siya, tapos siya na ang sumagot sa mga kaibigan niya. "Sige, sama kami ni Ales."

"'Yon!" Ang saya na naman nilang lahat.

Natatawa na lang tuloy ako. I'm not used to this. Growing up, I don't really have like a solid group of friends. Si Jazz lang talaga ang kaibigan ko, pero hindi siya ganito ka-outgoing at adventurous kasi pamilyado na siya.

Buong gabi, nag-party at nag-inuman lang kaming grupo. Pigil na pigil ako sa pag-inom ng alak kasi baka kung ano na namang mangyari. Ayokong magkalat na nandito ang mga kaibigan ni Theo.

I have Theo's full attention, though. Mas ako ang pinapansin at inaasikaso niya kaysa kila Charlie, pero may mga times na feeling ko hindi pa rin ako makasabay sa kanila. They're too chatty and loud.

Kaya habang nagsasayawan sila sa harapan, tinakas ako ni Theo at dinala sa office nila sa likod.

He and his brother Arkhe, the club owners, stay here. Pero ngayon, kaming dalawa lang ang nandito. It's a cool room. Ang daming retro cassette tapes at CDs. It's literally a room full of music.

"Nakapunta ka na ba sa Baler?" tanong ko sa kanya habang tinitingnan 'tong isang cassette tape na naka-display.

"Oo, ilang beses na," sagot niya sa 'kin.

"E bakit pupunta ka ulit?"

"Iba naman ang kasama ko. Ikaw naman. Tsaka 'di ba sabi mo, gusto mong pumunta ro'n?"

"Oo nga."

I remember when we were in Sagada. Sinabi niya rin 'yon—na wala namang sayang kung bumabalik siya sa lugar na napuntahan na niya kasi iba-iba naman ang kasama niya, kaya parang bagong experience pa rin.

Binalik ko na 'tong cassette tape sa pinaglalagyan, tapos nilapitan ko na siya. He was just sitting in front of the table with a beer bottle in one hand.

Pinakandong niya ako sa kanya. Kumandong din naman agad ako. This handsome gets sweeter and sweeter every day.

"I'm just curious," sabi ko. "Bilang taong mahilig gumala, anong mga lugar ang pangarap mong mapuntahan?"

"Marami. Gusto kong malibot ang buong Pilipinas. Ang ganda kaya sa 'tin."

"But what's on top of your travel bucket list?"

He thought for a while. "Batanes siguro."

"Oh, yeah! I saw some pictures online. Sobrang ganda nga ro'n."

Bigla niya naman akong niyakap sa baywang ko. "Ikaw, anong mga gusto mong puntahan na lugar?"

"Hmm, wala naman. Hindi naman ako mahilig sa gano'n. Siguro kung saan ka pupunta, sasama na lang ako sa 'yo."

He smiled sweetly at me. "Talaga?"

"Yeah."

"'Yung seryoso."

"That's a serious answer. You know travelling or going places is not really my thing. May iba kasi akong pangarap."

"Sa pagsusulat mo?"

"Mm-hmm. I wanna write more books. I want to become a bestseller and see even just one of my works come to life on the big screen. O kahit TV series lang. Ang imposible na mangyari, 'di ba?"

"Mangyayari 'yon. Sa galing mong 'yan?"

"Wag mo naman akong utuin."

"Hindi pang-uuto 'yon. Pinalalakas ko nga ang loob mo. Basta wag ka lang titigil kahit na may mga taong katulad ni Naomi na nakapaligid sa 'yo."

I chuckled. "Pinaalala mo na naman 'yung babaeng 'yon. But you're right. I just need to keep going." Tumayo na ako mula sa kandungan niya. "By the way, about Baler, I'm kind of excited. Ano bang gagawin natin do'n?"

"Ewan ko kila Charlie. Pero tayo, may iba tayong gagawin."

Tiningnan ko agad siya nang masama. "Please tell me it's not what I think it is."

Hindi naman siya sumagot. Tumungga lang agad siya sa bote ng alak para itago ang pag-ngisi niya.

"Hey, I know that smirk. Are you planning to fuck me at every place we go to?"

"Parang gano'n na nga."

Tumayo siya at bigla akong niyakap mula sa likuran, tapos bumulong siya sa gilid ng mukha ko. "Promise, mag-eenjoy ka sa Baler."

TO BE CONTINUED

Bitin ba? Read five (5) advanced chapters of this story on my Patreon! Go to www.patreon.com/barbsgaliciawrites.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top