Chapter 1

ALES LIM

"ANO?! MAG-ISA KANG PUPUNTA NG SAGADA?"

Nailayo ko 'tong phone sa tenga ko dahil sa lakas ng boses ni Jazz, kasamahan kong writer at nanay-nanayan ko sa trabaho.

Napahinga na lang ako nang malalim. "Wala ka nang magagawa. Nakasakay na 'ko sa bus at paalis na rin 'to in a few minutes."

"Good luck, 'nak! Sana makauwi ka nang buhay, knowing na hindi ka naman talaga nagso-solo travel kasi bobita ka pagdating sa mga road directions tsaka baka hikain ka lang sa mga ganyang pamumundok."

"Thank you, ha? Nakakatulong ka sa 'kin."

"E ano ba kasing gagawin mo ro'n sa Sagada?"

"Maghahanap ng bagong lalaki."

"Ales naman!"

Natawa ako. "Alam mo naman kasi kung bakit. Mag-iisang taon na akong inaatake ng writer's block. Kapag hindi ko pa natapos 'yong libro ko, career ko na ang matatapos."

"Diyos ko, Alessia Louise Lim. Ako 'tong kinakabahan sa 'yo e! Kaya mo ba talaga mag-isa ro'n? Gusto mo sumunod ako?"

"I'll be fine. Sagada lang 'yon, kayang-kaya."

Napahinga na rin siya nang malalim. "Sure ka, ha? Sige, sana lang talaga makahanap ka na ng inspirasyon mo ro'n para sa libro mo."

I smiled a little. "Babalitaan kita. O sige na, paalis na yata 'tong bus. I-cha-chat na lang kita bukas pagdating ko sa Sagada."

Nagpaalam na ako at binaba ang tawag.

Sa wakas naman, naghanda na rin itong bus sa pag-alis. Dumating na kasi 'yung huling grupo na kanina pa hinihintay. Late na nga sila tapos ang iingay pa. Parang mga teenagers na ngayon lang nakalabas ng bahay.

Naghubad na ako ng eye glasses at nagsalpak na lang ng earphones para makinig ng music buong byahe.

"TOUCHDOWN, SAGADA!"

Napaka-ingay talaga nitong grupo na kasabay ko sa bus. Lalo na 'tong babae na sumigaw ng touchdown. Ang tining ng boses.

Mabuti na lang at mukha namang worth it ang mahigit 12 hours na byahe galing Manila. This place is a small, quaint town with a laidback culture. Peaceful lang at ang ganda ng klima. I really prefer cold weather destinations over hot beaches. Sana naman makapagsulat na ako rito.

Inayos ko ang suot kong jacket bago ako dumiretso sa Tourism Office.

Sa totoo lang, tama si Jazz. I don't usually travel, lalo na't mag-isa. This is my first spontaneous trip and I don't have any itinerary at hand. Hindi ko tuloy alam kung anong gagawin. Pinakikiramdaman ko na lang 'yong ibang mga turista rito.

"Hi, miss!" Biglang may kumalabit sa 'kin.

Pagtingin ko, 'yong babae pala na matining ang boses at kasamahan nung maingay na grupo.

I just smiled at her.

"Solo traveler ka?" tanong niya. "Gusto mong maki-join sa 'min?"

"Uhm, no, I'm good."

"Sige na! Mas masaya 'yon tsaka makakatipid ka sa mga tours. By the way, I'm Charlie. Ikaw?"

"Ales."

Hindi ko alam kung narinig niya 'yon kasi bigla na agad niya akong pinakilala sa mga kaibigan niya kahit hindi pa naman ako pumapayag na maki-join.

Anim sila sa grupo pero napako lang ang tingin ko ro'n sa isa nilang kasamahan na lalaki.

Grabe, ang lakas ng dating. Ba't ngayon ko lang napansin 'to? Ang tangkad niya at ang lapad ng katawan niya. And he looks so sexy with his disheveled man bun. Mukha siyang fictional character na hinugot mismo sa isang erotic book.

Saktong hinila ni Charlie 'yong gwapo nitong kaibigan para ipakilala sa 'kin. "Ito naman pala si Theo, ang pambansang fubu ng Pilipinas."

Pasimple akong napangiti.

Natawa naman itong si Theo. "Salamat sa introduction, Charlie, ah. The best ka talaga."

My smile instantly turned into a naughty smirk. Ang gwapo rin pala ng speaking voice niya—very deep and masculine.

Hindi ako pumunta rito sa Sagada para lumandi, pero type ko siya. Kaya nung tinanong ulit ako ni Charlie kung makiki-join na raw ba ako, pumayag na 'ko agad.

Baka itong si Theo na ang hinahanap kong 'inspirasyon' para sa sinusulat kong libro.

FIRST STOP: Marlboro Hills

Ngayon pa lang ako mag-uumpisang mag-tour kung kelan pangalawang araw ko na sa Sagada.

Hindi na muna ako sumama kila Charlie kahapon nung pumunta sila sa Sagada Pottery. Wala naman kasi talaga akong planong gumala rito. Kaya nga nag-alangan ako nung niyaya niya akong maki-join sa kanila. Ang balak ko lang kasi talaga rito ay magsulat.

Kaso, wala pa rin akong mapiga sa utak ko, kaya sumama na lang ako sa kanila paakyat sa sea of clouds.

Before 4 AM nasa jump-off point na kami para maghanda.

Inaantok pa ako at wala sa mood kasi trivia: I'm not a morning person. Kaya 'yong itsura ko ngayon wala talagang kaayos-ayos e. Naka-jacket lang ako at bonete hat. Sa gabi ako buhay na buhay kasi 'yon ang oras ng pagsusulat ko.

First time ko ring magte-trek kaya wala akong idea kung anong mangyayari at kung kakayanin ko ba 'tong pinasok ko. Basta sasabay na lang ako kila Charlie. Nagkakape pa sila sa isa sa mga tindahan dito sa baba.

Si Theo, nakita kong nakikipag-kwentuhan sa ibang mga hikers.

Mr. Congeniality pala siya tsaka napaka-daldal. Na-realize ko na isa siya sa mga maiingay ro'n sa bus.

At exactly 4:00 AM, nag-umpisa na kaming mag-trek.

Nung una, kaya ko pa at nag-eenjoy pa ako kasi ang sayang kasama nila Charlie. Puro sila kalokohan. Pero nung nasa kalagitnaan na, bigla ko nang kinwestyon ang mga desisyon ko sa buhay.

Tanong na nga ako nang tanong kila Charlie kung malayo pa ba kasi umaatake na ang antok at back pain ko. Signs of aging at 28 years old. Pero wala e, ginusto ko 'to kaya kailangan kong panindigan.

"Hi."

Nagising ang dugo nang biglang lumapit sa 'kin si Theo. Sa tagal naming nagte-trek, ngayon niya lang ako kinausap.

"Hello," sagot ko lang.

"Alam mo pamilyar ka sa 'kin, kahapon ko pa iniisip. Parang nakita na kita dati."

"Talaga? Baka napanood mo mga porn videos ko."

Bigla siyang napahinto sa paglalakad at napatulala sa 'kin.

Natatawa ako, pero dire-diretso pa rin sa paglalakad. Nagulat siya e. Ang ganda pa ng banat niya, hindi niya alam mabilis akong makaisip ng sagot.

He never bothered me again after that. Pero ramdam ko na nagpapa-pansin na siya. Kapag nakikipagkwentuhan kasi sila Charlie sa 'kin, bigla siyang sisingit at dadaldalin niya rin si Charlie.

But he seemed thoughtful. Kapag tumitigil ako sa paglalakad para magpahinga, pansin ko na tumitigil din siya at nakikipagkwentuhan muna sa ibang mga hikers para hintayin ako. Akala niya yata hindi siya obvious.

We reached the peak of Marlboro Hills just before the sun showed up.

My knees were fatigued on my way up and I was still catching my breath, but everything was worth it! Kulang na lang maiyak ako sa tuwa kasi mukha talagang heaven dito sa taas.

Lumapit na 'ko agad sa sea of clouds, habang sila Charlie at ang grupo naman ay nag-almusal muna. Hindi ko kayang kumain kapag ganito kaganda ang nasa harapan ko.

Naglabas agad ako ng phone para kumuha ng mga pictures.

Hindi pa tuluyang sumisikat ang araw, pero kitang-kita na agad ang ganda ng lugar. I've already seen this setting in so many pictures and videos, but it hits differently in real life. Sobrang surreal. I still couldn't contain my emotions while I was standing here atop the breathtaking mountains and witnessing these ethereal clouds appearing like an endless ocean.

Na-eexcite tuloy akong i-send 'tong mga pictures mamaya kay Jazz. I'm sure maiinggit sa 'kin 'yon.

"Hi, Alice."

Napatingin agad ako nang bigla na uling lumapit si Theo. "Alice?"

"'Di ba Alice ang pangalan mo? Narinig ko kayo ni Charlie kahapon."

Napapigil ako ng ngiti. "Sige, Alice na lang para sa 'yo kasi gwapo ka."

He smirked a little then handed me a paper cup of hot coffee. "Para sa 'yo pala. Hindi ka pa yata kasi nagka-kape."

"Napansin mo ba? Thank you." Tinanggap ko na agad. "Libre 'to?"

"Pwede mo akong bayaran kung trip mo."

Nginitian ko lang siya sabay humigop na sa kape at muling pinagmasdan ang mga ulap. Pero sa peripherals ko, pasimple ko siyang tinitingnan.

He's really a tall and bulky guy. Feeling ko tuloy pangbata ang height ko habang nakatabi sa kanya. And he exudes this raw sex appeal with his rugged features and man bun that's emphasizing his chiseled jawline.

"First time mo rito sa Sagada?" Bigla niyang tanong sa 'kin kaya nahimasmasan na ako.

"Oo, first time," sagot ko sa kanya. "Ikaw?"

"Hindi. Pabalik-balik na ako rito sa Sagada. Sila Charlie ang first time rin, niyaya lang nila ako."

"Ah, bakit ka bumabalik kahit napuntahan mo na? 'Di ba sayang sa pera 'yon?"

"Wala namang sayang. Kapag bumabalik naman kasi ako rito, iba-iba ang mga kasama ko kaya parang bagong experience pa rin. Minsan nasa kasama mo rin 'yon e."

Napatitig ako sa kanya kasi namangha ako. "You're actually right."

Tumingin din siya sa 'kin, pero napaiwas na ako kasi parang nakakapanghina ang titig ng mata niya. Tumatagos sa jacket ko e. Kahit kanina pa habang nagte-trek kami, ramdam ko nang humahanap siya ng chance na makipag-eye contact sa 'kin, kaso hindi ko siya tinitingnan.

Nilabas ko na lang ulit ang phone ko para mag-picture.

"Gusto mo kuhanan kita?" Pagpi-prisinta niya naman.

"Hindi na. Okay na ako."

"Sige na. Magaling akong kumuha. Ako nga palagi ang photographer nila Charlie e."

Pinagbigyan ko na lang kasi mukhang Mr. Congeniality talaga siya. Pagkabigay ko ng phone, lumayo na agad siya at tinuruan ako kung saan magandang pumwesto.

I took my eyeglasses off and smiled for the camera.

Ang comedy nga kasi feeling photographer talaga 'tong lalaking 'to. Lahat na ng anggulo ko kinuhanan niya at may paluhod-luhod pa siyang nalalaman.

"Isa na lang," sabi niya pa. "'Yung medyo fierce naman."

Natawa na ako! Nakuhanan niya pa tuloy sa camera. Ewan ko kung anong itsura ko ro'n, sobrang candid.

Tiningnan niya 'yong mga kuha ko sa phone ko habang pabalik siya sa 'kin. "Nagpo-porn ka ba talaga?"

"W-what?"

"Sabi mo kanina, na baka napanood ko na mga videos mo. Seryoso ba?"

Napapigil ako ng ngiti sabay kuha na lang sa phone ko. "Naniniwala ka ba sa 'kin?"

Bigla niya akong pinagmasdan mula ulo hanggang paa. "Hmm, pwede naman. Pang-hot Asian babe."

"So pasado ako sa porn taste mo?"

He just chuckled.

Napahigop na lang naman ulit ako ng kape para mahimasmasan ako sa mga pinagtatatanong ko. Tapos tiningnan ko na 'tong mga pictures ko sa phone.

In fairness, magaling pala talaga siyang kumuha. Worth it 'yung pagluhod-luhod niya.

"Sasama ka ba ulit sa 'min mamaya?" Pag-iba na niya sa usapan.

"Saan ba ang next stop?"

"May pupuntahan tayong kweba. Maganda rin do'n."

"I'm not sure. May gagawin ako e. Baka mag-stay na lang ako sa lodging house."

"Sayang naman, nandito ka na."

Nginitian ko siya. "I'll think about it. Salamat pala sa kape." Nagpaalam na ako pagkatapos at tumalikod para puntahan na sila Charlie.

"Alice."

Natigilan ako at napangisi kasi maling pangalan talaga ang tinatawag niya sa 'kin. Nilingon ko siya.

"Saan ka naka-check in?" tanong niya.

"Bakit, pupuntahan mo ako?"

"Oo. Sana."

I smirked naughtily. "Secret. Mas malayo ako sa inyo, hindi mo ako mahahanap."

"Paano pag nahanap kita?"

"E di may premyo ka sa 'kin."

We locked eyes with each other. At doon pa lang alam kong nagkaintindihan na kami.


DALAWANG ARAW KO pa lang kakilala si Theo, pero hindi na siya mawala sa isip ko.

It's 8PM now. Buong araw lang akong nandito sa lodging house matapos ang trekking kasi hindi naman na talaga ako sumama sa ibang tours nila Charlie.

Buong araw ko lang ding inisip si Theo habang nagsusulat. Hindi ko tuloy namalayan na nakatapos na ako ng dalawang chapters.

Achievement na 'to para sa 'kin kasi the past several months, kahit isang paragraph hindi ako makabuo.

Ito rin ang unang beses na na-arouse ako matapos magsulat ng steamy scene. I don't usually get turned on when writing erotic books because I'm already used to it. Pero this time, na-horny talaga ako. Hindi ko alam kung dahil ba intense yung sinulat kong eksena o dahil iniimagine ko si Theo habang nagsusulat.

Sinara ko na muna 'tong laptop at nagtanggal ng eye glasses. I relaxed over the chair and slipped my hand inside my panties. I need to release myself.

Kaso saktong-sakto, biglang may kumatok sa pintuan.

"Alice?"

Napapikit ako sabay napangisi.

Tinuloy niya pala talaga ang paghahanap sa 'kin. Palibhasa hindi na ako nagpakita sa kanila kanina after ng trek.

Hindi ko na muna tinuloy 'tong dapat gagawin ko. Tumayo agad ako para pagbuksan siya. "So, you found me, then."

Ngumisi siya. "Ang galing ko, 'di ba? Nasaan na ang premyo ko?"

I seductively bit my lower lip. I can pleasure myself so well, but maybe a little help from him won't hurt.

I pulled off my long sweater, leaving me in just my matching bra and panties. Tapos hinila ko na agad siya papasok sa kwarto. "Come here."

Ang bilis niya naman akong sinunggaban ng halik. He devoured my lips as if I was his prey. Then he picked me up and threw me to the bed before he started stripping himself naked.

TO BE CONTINUED

Thank you so much for reading this chapter! Your support, votes, and comments fuel my writing like nothing else, so please keep them coming! 🖤

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top