Chapter 8

AUTHOR'S NOTE: This chapter contains mature scenes not suitable for young readers. Please read at your own risk.

• • •

RAMDAM KO NG may masamang balak sa 'kin si Lukas, pero sumama pa rin ako sa kanya pabalik sa kwarto.

Nauna akong pumasok sa loob. Dumapa ulit ako sa kama niya at kinuha ang men's magazine para ituloy ang pagbabasa ko.

Ang lakas pa rin ng tibok ng puso ko hanggang ngayon. Parang wala nga ako sa sarili. Binabasa ko lang 'tong isang article, pero hindi ko naman talaga naiintindihan.

Mayamaya lang, pumasok na rin si Lukas.

Bigla akong na-excite. Hindi ko dapat nararamdaman 'yung ganito kasi mali, pero nadala talaga ako sa mga nabasa ko rito sa magazine. Natu-turn on ako. Yes, those were the right words. At feeling ko nahawa rin si Lukas sa nararamdaman ko kaya siya umakto nang gano'n.

Sinara niya ang pinto, tapos dumiretso siya sa 'kin at umupo sa gilid ng kama. Wala pa siyang ginagawa o sinasabi, pero tumatayo na agad ang mga balahibo ko sa pagkasabik.

Hindi na nga ako mapakali, pinaglilipat ko na lang ang mga pages nitong magazine. I knew he was staring at me. Tumatagos ang lalim ng mga titig niya sa 'kin kahit na nakadapa ako patalikod sa kanya.

Ang tagal niya pa akong pinagmasdan hanggang sa bigla niya na lang inipit ang buhok ko sa likod ng tenga ko para siguro mas makita niya ako nang maayos.

Namanhid ang mga pisngi ko ro'n. Kinikilig ako sa ginagawa niya sa 'kin, pero ayokong ipahalata, kaya kunwari nagbabasa pa rin ako.

Kaso hindi yata siya nakatiis na hindi ako nagre-react. Sinara na niya ang binabasa kong magazine at binalik 'yon sa table, tapos pinaupo niya ako sa kama paharap sa kanya.

Madilim pa rin dito sa kwarto pero kitang-kita ko kung gaano siya kagaling makipag-eye contact. As in kaya niya talaga akong titigan nang matagal nang hindi kumukurap. Para akong malulusaw sa ginagawa niya.

Bumaba ang mga tingin niya sa labi ko, tapos sa dibdib ko kasi hindi ko pa rin naisasara ang mga butones. E wala akong suot na bra.

I just smirked at him. "Akala ko mahirap kang basahin, but I know exactly what you're thinking right now. Kapag tinuloy mo 'yan, lagot ka sa Daddy ko."

"Hindi natin kailangang ipaalam sa kanya."

Napalunok ako ro'n. Wala na akong nasabi.

Hindi na rin naman siya nagsalita. Basta inabot niya na lang ang damit ko at binuksan na ang iba pang mga butones.

I was just staring at his sexy face while he was slowly unbuttoning my top. I never thought he would act like this, but I like it. Siya ang unang lalaki na gumawa sa 'kin ng ganito.

Nabuksan na niya ang pinakahuling butones, kaso parehas na lang kaming natauhan nang biglang tumahol ang aso niya sa labas.

Napapikit agad ako. "Shit."

Tumayo naman siya at lumabas agad ng kwarto na para bang walang nangyari.

"H-hey, Lukas."

Hindi man lang talaga siya nagpaalam. Dire-diretso siyang bumaba para tingnan kung bakit biglang tumahol ang aso niya.

Sinara ko naman muna ang damit ko at sumunod din. Pero hanggang dito lang ako sa pintuan ng kwarto kasi malakas pa rin ang ulan. "Lukas? Wag kang magtatagal, natatakot ako."

Hindi ko alam kung narinig niya pa kasi nakalabas na siya ng bahay.

Oh my god, bakit naman kasi ang wrong timing ng aso niya? Nasa moment na kami e. Ang lapit-lapit na, naudlot pa.

Hinintay ko lang si Lukas dito sa pintuan ng kwarto. Mayamaya lang, pumasok na ulit siya sa bahay at binalikan ako rito sa taas.

"What happened?" tanong ko agad. "Tingnan mo, nabasa ka ng ulan."

Hindi niya ako sinagot. Nagulat na lang ako nang bigla niya akong hawakan sa mukha at madiing hinalikan sa mga labi.

I wasn't prepared for that!

Nawalan ako ng balanse kaya napayakap agad ako sa kanya. "L-Lukas."

Diniinan niya naman ang paghalik para hindi na ulit ako makapagsalita. Namanhid ang buong mukha ko. Hindi ko masabayan ang bilis ng paghalik niya kasi first time kong mahalikan. Nahihirapan pa ako kasi sobrang tangkad niya sa 'kin, kailangan ko pang tumingkayad.

Pinaatras na niya ako pabalik sa kwarto nang hindi pinuputol ang paghalik niya. Hindi na ako makahinga kasi ayaw niya talagang pakawalan ang mga labi ko. He was so hungry.

Sinandal niya ako sa malamig na pader at doon lang siya tumigil.

I gasped for air. "Oh my god, I can't believe this is happening."

Hinaplos niya ang isa kong pisngi kaya napatingala ako sa kanya. Pero wala na akong nasabi. Naghahabol lang ako ng hininga habang nakatitig sa mukha niya.

I knew he wasn't done yet. He slipped his hand inside my top and he cupped my bare boobs.

Napasandal ako ng ulo sa pader sabay pumikit. "Oh god." Ang init ng kamay niya.

Alam kong matagal na niya talaga 'tong tinatarget. He's always been attracted to my breast, ayaw niya lang aminin. He started massaging the whole of my boob and flicked my nipple with his thumb.

I moan a little. It felt so good.

Parang ginanahan naman siya sa pag-ungol ko kasi mas binilisan niya ang pagbilog sa naninigas ko ng nipple. Inenjoy niyang paglaruan ang magkabila kong dibdib bago muling gumapang ang kamay niya at dahan-dahan namang pumasok sa loob ng silk shorts ko.

Napasinghap ako sabay balik ng tingin sa kanya. "Lukas."

Hindi siya nagsalita. Nakatitig lang siya nang diretso sa 'kin hanggang sa tuluyan na niyang pinasok ang kamay niya sa loob ng panties ko.

My knees almost collapsed when I felt his warm fingers on my sensitive part.

Parang namamaga ang pagkababae ko dahil sa sobrang excitement. So this is what it feels like, getting touched.

He started rubbing my pussy slit and that's when I realized I was wet down there. Unang beses ko 'tong naramdaman kaya napaungol talaga ako.

I looked at him again as I let out whimpers of pleasure.

Titig na titig lang din naman siya sa 'kin at pinanonood ako habang nasasarapan sa ginagawa niya. Why is he so good? I didn't expect he could pleasure a woman like this.

Mas binilisan niya pa ang paghimas sa 'kin. He cupped my pussy and rubbed it in circular motion while also flicking my clit up and down. I was soaking wet! Sobrang dulas na ng bawat galaw ng mga daliri niya kasi basang-basa na talaga ako.

Hindi na nga rin ako mapakali. Hawak niya ako pero ang likot ko kasi hindi ko maitago ang nararamdaman kong sarap. Ewan ko kung titingkayad ba ako o sasandal sa pader. Para na akong nababaliw.

Napaungol na lang ulit ako nang bigla niyang sinubukang ipasok ang isang daliri niya sa 'kin.

I gripped his arm tight. "Lukas..."

Hindi niya tinuloy pero lalo niyang binilisan ang paggalaw ng mga daliri niya sa madulas kong hiwa.

I can't take it anymore. Nagsunod-sunod ang pag-ungol ko, I knew I'm heading to my climax. "Don't stop..."

He increased the pressure of his fingers on my swollen clit and moved them up and down.

"Uhh...yes just like that."

Hindi siya tumigil sa paghimas nang mabilis sa 'kin hanggang sa hindi ko na talaga kinaya, bumilis ang paghinga ko at nanginig na lang ang buo kong katawan! "OH MY GOD, UHH! UHH!" My pussy was contracting and pulsing against his fingers.

Lukas was just watching me as I cum for the first time.

Ungol pa rin naman ako nang ungol dahil sa sarap. I couldn't stop myself, the pleasure was so intense! Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito na para akong lumulutang sa ere. Hindi nagtagal, bigla na lang akong nanghina.

Inalis na niya ang kamay niya sa loob ng panties ko at hinayaan lang akong bumigay at mapayakap sa kanya.

My legs were still quivering. Hinigpitan ko na lang ang yakap ko sa kanya para hindi ako tuluyang bumagsak sa sahig.

Niyakap niya rin naman ako. Ang init ng katawan niya, para siyang nilalagnat. "Matulog ka na."

Hindi ako sumagot. Basta nakayakap lang ako sa kanya habang ninanamnam ang sarap na naramdaman ko. He was the first man to touch me, and it was so satisfying.

"Corrine?"

Tumango ako, pero hindi pa rin ako umaalis sa loob ng yakap niya.

Nagulat na lang ako nang bigla niya akong binuhat na parang bagong kasal.

I closed my eyes and smiled. Ganitong-ganito niya rin siguro ako binuhat kahapon nung binalik niya ako sa kwarto. He's so sweet.

Hiniga niya ako sa kama niya, tapos umupo siya sa gilid at tiningnan ako.

My eyes were heavy. Hindi ko alam kung bakit bigla akong inantok sa ginawa niya sa 'kin.

"Don't leave me here, hmm?" sabi ko lang sa kanya.

Tumango naman siya sabay isa-isa nang sinara ang mga butones ng pantulog ko.

Napangiti ulit ako ro'n. Mabuti naman at marunong siyang magsara ng kung ano mang binuksan niya.

Pumikit na ako pagkatapos at tuluyan nang inantok at nakatulog.

• • •

TULALA AKO PAGKA-GISING.

Yung pakiramdam ko ngayon, para akong nag-walwal kagabi at gumawa ng kalokohan, tapos ngayon ako nahimasmasan. Lagot ako kay Daddy nito. Pati si Lukas, yari.

Pero wala naman akong pinagsisisihan sa nangyari. I like what Lukas did kahit na hindi pa rin ako makapaniwalang may gano'n pala siyang side. Tatahi-tahimik lang pala siya.

Hindi ko nga alam kung nasa'n 'yon ngayon. Iniwanan niya akong natutulog dito sa kwarto niya. Though kanina pa ako may naririnig na nagpu-pukpok sa labas. Siguro may naisip na naman 'yon na bagong kabi-busy-han.

Gusto ko siyang makita pero hindi ko pa kayang bumangon. Nanghihina pa ako kahit na ang haba naman na ng tulog ko at inabot na ng 10 AM.

I grabbed one of his pillows and hugged it tightly.

To be honest, ang sarap ng tulog ko kagabi. Last night was the best night I've ever had since I moved here. Ilang linggo na akong hindi nakakatulog nang maayos kasi naninibago ako, pero kagabi, sa wakas mahimbing na akong nakapagpahinga. Kailangan ko lang pala ng himas ni Lukas.

I don't know why I feel this way, but I miss him kahit na alam kong nandyan lang naman siya. Gusto kong maulit 'yong nangyari kagabi. Alam kong mapapatay kami ni Daddy nito, pero gusto ko talagang maulit.

Nagtuloy-tuloy pa ang pagpu-pukpok ni Lukas sa labas kaya hindi nagtagal ay napilitan na rin akong bumangon.

Ano ba kasing ginagawa niya? Hindi talaga pwede na wala siyang tatrabahuin sa isang araw e.

Bumaba na ako at lumabas ng bahay.

Nakatingin sa 'kin 'yong aso ni Lukas. Tiningnan ko rin pero sinungitan ko ng itsura. Nakakainis siya, muntik na kaming maudlot ni Lukas dahil sa lakas ng tahol niya kagabi.

Mahamog pa rito sa labas kahit na magta-tanghali na, pero hindi naman umuulan.

Nakita ko si Lukas na nakatungtong sa wooden ladder at inaayos ang bintana ng kwarto ko. Nilalagyan na niya ng harang.

"Hey!" tawag ko sa kanya. "Gising na ako."

Tumingin siya pababa sa 'kin, pero hindi siya sumagot. Tumuloy lang ulit siya sa ginagawa niya.

Ano ba 'tong lalaking 'to, dati yata 'tong karpintero e. Kung anu-anong inaayos dito sa bahay. Pero natutuwa ako kasi finally, nilagyan niya na rin ng takip ang bintana ko. Tsaka siya lang yata 'yong lalaking nagtatrabaho nang ganito pero ang yummy pa rin tingnan. Ang sipag-sipag niya kaya lalo ko siyang nagiging crush.

Hinintay ko lang siyang matapos. Ang lamig dito sa labas. Makulimlim, tsaka amoy na amoy ko ang lupa at mga damo na galing ulan.

Ilang saglit lang, natapos na rin si Lukas. Bumaba siya sa hagdan at hinubad ang suot na mga hand gloves.

Nilapitan ko siya agad. "Inayos mo ang bintana ko?"

Tumango siya. "Para hindi ka na matakot sa kidlat."

Nagningning ang mga mata ko sa tuwa. "Thank you! I appreciate that so much! Pero ibig sabihin ba, bawal na akong matulog sa kwarto mo? O pwede pa rin?"

Tiningnan niya ako. "Pwede pa rin." Tapos naglakad na siya papasok sa bahay.

Hindi ko mapigilan ang paglapad ng ngiti ko dahil sa kilig. Bakit ba ang sweet-sweet niya.

Sinundan ko na lang din siya. May nangyaring kapilyuhan sa 'min kagabi, pero hindi ako nakakaramdam ng kahit na anong pagka-ilang ngayon. Mas lalo ko pa nga siyang nagustuhan.

"Kumain ka na," sabi niya nang makapasok na kami sa bahay. "Tanghali ka na nagising."

"Ang himbing ng tulog ko e. Nasarapan kasi ako kagabi."

I caught him smirked. Dumiretso siya sa kusina at pinaghandaan na ako ng pagkain.

Pumwesto na lang naman ako sa mesa. "Sabayan mo 'kong kumain."

"Tapos na ako."

"Please?"

Hindi na siya sumagot, pero dalawang plato na ang nilagay niya rito sa table. Ang bilis niyang kausap ngayon.

Nagsuot lang muna siya ng itim na T-shirt, tapos umupo na rin sa tapat ko.

"Where did you sleep last night?" tanong ko nang mag-umpisa na kaming kumain. "Siguro iniwanan mo akong mag-isa sa kwarto mo, 'no?"

"Hindi. Nando'n lang ako sa upuan."

"Sa upuan ka natulog?"

Tumango siya.

Napabagsak ako ng mga balikat. "E 'di hindi ka nakatulog nang maayos? Dapat tinabihan mo na lang ako sa kama, okay lang naman sa 'kin e. Nahawakan mo na rin naman ako."

Tipid lang siyang ngumisi. Hinintay ko na may sabihin siya, pero mukhang ayaw niyang pag-usapan 'yung ginawa niya sa 'kin kagabi. Ako naman, gustong-gusto kong pag-usapan.

Uminom muna ako ng tubig bago nagsalita ulit. "So, anong plano mo sa 'kin?"

Nagsalubong ang mga kilay niya. "Plano ko sa 'yo?"

"Yes. Pananagutan mo ba ako?"

Bigla siyang napangiti nang malapad. First time kong nakita ang ngipin niya. Ang ganda pala. Sabi ko na nga ba e, mas bagay talaga sa kanya kapag nakangiti.

"Wala pa naman akong ginagawa sa 'yo," sagot niya naman.

"Anong wala pa. Ikaw ang first kiss ko at ang unang nakahawak sa 'kin ng gano'n. Meaning, may responsibilidad ka na sa 'kin."

Ngumiti lang naman ulit siya.

"Tsk, wag mo nga akong dinadaan sa pagpapa-pogi mo ng ganyan. Alam mo lagot ka talaga kay Daddy, sinira mo ang pagiging inosente ko."

"Sabi mo wala ka pang experience."

"Oo nga. Pero hindi ko sinabing ikaw ang magbigay sa 'kin. You're not even my boyfriend."

"Ayaw mo ba nung ginawa ko?"

Natigilan ako ro'n. Napayuko ako kasi feeling ko biglang namula ang mga pisngi ko. "G-Gusto. Nasarapan nga ako, 'di ba."

He just smirked again. He's really so sexy when he does that.

Tumuloy na lang naman ulit ako sa pag kain. Hindi ko na alam kung anong sasabihin ko sa kanya kasi hindi niya naman ako sinasagot nang maayos. Magaling lang siyang manghimas, pero pagdating sa pakikipag-usap, bagsak talaga siya.

Pasimple ko siyang pinagmasdan habang kumakain.

My god, bumabalik sa isip ko kung paano niya ako titigan kagabi habang dinadala niya ako sa langit. Ano kayang iniisip niya habang pinanonood ako na sarap na sarap sa ginagawa niya? Does the sound of my moans make him horny?

Hay, ano ba 'tong mga tumatakbo sa utak ko, nasa harap pa naman ako ng pagkain.

Uminom na lang muna ulit ako ng tubig para mahimasmasan. Then I stared at him again. "Lukas, do you find me attractive?"

Sinuri niya ako saglit. "Sakto lang."

Aba! Sinipa ko nga agad ang paa niya sa ilalim ng table. "Umayos ka kasi ng sagot!"

"Maayos naman 'yon. Ano bang gusto mong marinig?"

"Sabihin mo, oo. Do you find me attractive?"

"Oo."

Napangiti na ako nang matamis. "Thanks."

Alam kong napilitan lang siya, pero kinilig pa rin ako.

Parehas na kaming tumuloy sa pag kain. Nang matapos, nagligpit agad siya at nilagay ang mga plato sa sink.

"Tulungan mo 'ko," sabi niya sa 'kin. "Ikaw ang maghugas."

Kusang tumaas ang isang kilay ko. "Seriously? And why would I do that?"

"Sabi mo magpapakabait ka na."

"Oo nga. But I didn't tell you na ako ang maghuhugas. Ang dami-dami kaya niyan. Masisira pa ang nail polish ko."

"Ayaw mo?"

Hindi ko alam kung anong meron sa pagkakasabi niya at parang bigla na lang akong na-hypnotize.

Napatayo agad ako mula sa mesa at dumiretso sa tapat ng sink. "Gusto ko. Actually favorite ko talaga ang paghuhugas e."

Leche 'tong lalaking 'to. Siya ang binabayaran ni Daddy para mag-asikaso sa 'kin, pero ako 'tong inuutusan niyang maghugas. Pasalamat na lang talaga siya gusto ko siya.

Tiningnan ko 'tong mga huhugasan ko sabay huminga nang malalim. "Okay. How do I start?"

Napatingin siya sa 'kin. "Hindi ka marunong maghugas?"

Tiningnan ko rin siya. "I am a Mayor's daughter. And we have maids at home."

Napahinga na lang siya nang malalim, tapos biglang pumwesto sa likuran ko. Hinawakan niya ang mga kamay ko at tinuruan ako kung papaano maghugas ng mga pinggan.

Kinikilig ako sa posisyon namin. Hindi lang talaga halata sa itsura niya, pero sweet talaga siya.

Ang tangkad ni Lukas kumpara sa 'kin at ang lapad ng katawan niya. Sumimple nga ako e. Habang ginagabayan niya ang mga kamay ko, dahan-dahan naman akong sumasandal sa matigas niyang dibdib. Ang sarap, nakakarelax. Napapikit pa nga ako.

"Corrine."

"Hmm?"

"Nanonood ka ba sa tinuturo ko?"

"Mm-hmm, I'm watching." Dumilat na ako at nakita siyang nakatingin na nang matalas pababa sa 'kin.

I just smiled sweetly. "I got it. Marunong na ako."

Umalis na siya sa likod ko pagkatapos.

Nagkunwari na lang naman ako na marunong nang maghugas kasi sa totoo lang, hindi ko talaga napanood 'yung tinuro niya sa 'kin kasi nakapikit ako at ninanamnam ang dibdib niya. Sana pala sinabi ko na lang na hindi pa talaga ako marunong para hindi siya umalis.

Nag-ayos na ulit siya ro'n sa mesa. Sa kada balik niya sa 'kin dito sa tapat ng sink, may bago siyang dinadala para ihabol sa paghuhugas ko.

Nung una, mga baso lang. Tapos 'yung naiwang platito. Ngayon naman 'yung pinaglutuan na ng kanin, e ang laki-laki nito. Parang nakakahalata na ako na inuunti-unti niya ako ah.

Pinatay ko nga muna 'tong gripo sabay tiningnan siya nang matalas. "Ang dami mo namang pinahuhugasan sa 'kin."

"Konti lang 'yan."

"Ang dami kaya! Patapos na dapat ako, pero may ihahabol ka na naman."

"Nagrereklamo ka ba?"

Bigla akong napangiti nang matamis. "Hindi, ah. Enjoy na enjoy nga ako e. Dagdagan mo pa. 'Yung mga natapos mo nang hugasan, ilabas mo na rin. Huhugasan ko ulit."

Napangiti siya, tapos bigla niya akong kinurot sa pisngi.

Kinilig na naman tuloy ako. Hindi ko inexpect na macu-cute-an siya sa 'kin ng gano'n.

Hay, masyado akong pinaliligaya ni Lukas, to the point na okay lang sa 'kin na utusan niya ako kahit na ako naman talaga ang amo niya.

Pinatay ko na ang gripo pagkatapos at pinatong na sa lalagyan ang huling platong hinugasan ko.

"I'm done!" proud na proud na sabi ko kay Lukas. "Good girl ako ngayon kaya dapat may reward ako, ah?"

"Anong reward?"

"Kahit ano, ikaw bahala."

Bigla siyang napababa ng tingin sa shorts ko.

Ito talaga 'yung mga pagkakataon na kayang-kaya kong basahin kung anong nasa isip niya e.

Lumapit siya sa 'kin at nagsalita malapit sa tenga ko. "Sige, mamayang gabi ulit."

TO BE CONTINUED

Thank you so much for reading this chapter! Your support, votes, and comments fuel my writing like nothing else, so please keep them coming! 🖤

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top