Chapter 6

NAGBAGO NA ANG tingin ko kay Lukas pagkatapos ng pangyayaring 'yon.

Para bang bigla na akong nahiya sa kanya. I don't even think I can still look straight at him anymore. Pinipilit kong balewalain ang ginawa niya, pero ang lakas talaga ng epekto sa 'kin.

Ilang araw na nga ang lumipas, pero hindi pa rin ako makatulog. Ewan ko kung dahil ba guilty ako kasi may kasalanan ako sa kanya o dahil paulit-ulit nagre-replay sa isip ko ang mukha niya at ang sinabi niya no'ng gabing 'yon.

Kumuha ako ng unan dito sa kama at tinakip sa mukha ko. My god, this isn't right!

Hindi ko siya dapat iniisip nang ganito, eh. But I'm really feeling something different. Noon ko lang nakita ang mukha niya nang gano'n kalapit. Madalas kasi siyang naka-cap at hindi tumitingin sa akin. Ang gwapo niya pala. Ewan ko, pero bigla akong nagwapuhan sa kanya.

And the way he pinned me against the wall? Imbis na matakot ako, na-attract pa ako. Shit, bakit kasi halos halikan na niya ako nong mga sandaling 'yon? Hindi ko na nga masyadong naintindihan 'yong sinabi niya e. Titig na titig lang kasi ako sa mukha niya.

Tsaka 'yong binato niya palang paper bag sa 'kin that night, 'yun yong ilang linggo ko nang hinihiling. Binilhan na niya ako ng maraming bra. Suot ko nga 'yung isa ngayon.

Weird, pero kasya sa 'kin lahat. Para bang alam niya talaga ang sukat ng boobs ko. Siguro tinititigan niya talaga ang dibdib ko kapag hindi ako tumitingin. 

Ang sarap sanang kiligin kasi binilhan niya pa rin ako kahit na ang maldita ko sa kanya, kaso mas lungkot ang nararamdaman ko ngayon. Si Lukas kasi e. Kung nag-iba na ang tingin ko sa kanya, nagbago na rin siya sa 'kin.

He became more cold. Nitong mga nagdaang araw, as in hindi na niya talaga ako kinakausap. Ewan ko kung paano niya nagagawang hindi magsalita the entire time. Samantalang ako, nabibingi agad ako kapag sobrang tahimik. Ang gloomy pa naman ng panahon lately dahil maulan. Lalo tuloy akong nalulungkot kasi ayoko ng ganitong klase ng weather.

Kapag nakikita niya ako o kapag bumababa ako sa kusina, aalis agad siya. Those actions of his were okay with me before. Wala akong pakialam dati kung habang buhay niya pa akong hindi kibuin. Pero ngayon, naaapektuhan ako kapag iniisnab niya ako. Professional lang talaga siya kasi pinagluluto niya pa rin ako ng pagkain at inaasikaso, but that's it.

Alam kong malaki ang galit niya sa 'kin dahil sa ginawa ko sa mga pictures. Guilting-guilty na nga ako. I don't know how to make up with him. Nahihiya ako at hindi ako sanay na ako ang nagso-sorry.

Huminga ako nang malalim sabay bumangon na sa kama.

Titingnan ko muna kung nasa'n si Lukas. I haven't seen him today yet.

Bumaba ako. Nasa labas lang pala siya ng bahay, pinaliliguan ang aso niya.

Patago ko siyang sinilip sa nakabukas na pinto. He was topless while giving his dog a bath. Hindi ko tuloy napigilang hindi mapatitig sa maganda niyang katawan. May abs pala siya. I had no idea he looked like this without a shirt on. Ngayon lang din ako na-attract sa tangkad niya. I'm not really into tall guys kasi maliit lang naman ako. I'm just 5'2. Pero nag-iba talaga ang dating sa 'kin ni Lukas. He's the perfect definition of tall, tanned, and steamy.

Natauhan na lang ako nang bigla na niyang pinatay ang tubig.

Tapos na siyang magpaligo ng aso at nahuli niya na pala akong nanonood sa kanya.

Napaiwas tuloy agad ako ng tingin. Ang tapang-tapang na naman ng itsura niya.

Mayamaya pa, pumasok na siya rito sa bahay. Dinaanan niya lang ako sa pintuan, hindi niya talaga ako pinansin.

Nahiya ako kaya napayuko na lang ako. Pero no'ng nakalagpas na siya, hinabol ko ulit siya ng tingin. Jesus, his sex appeal was really undeniable. Bakit hindi ko 'yon napapansin dati?

Tiningnan ko naman ang bagong ligo niyang aso sa labas. Nakatingin din yung aso sa 'kin na para bang nacu-curious. I'm not sure what breed he is, pero mukhang may halong German Shepherd. 

Kinausap ko nga kahit na hindi naman talaga ako nakikipag-usap sa mga hayop. "Bakit gano'n yung amo mo, ha? Napaka-sungit at suplado. Buti na lang pogi 'yon."

Ewan ko kung naintindihan niya ako, pero nag-tilt yung ulo niya. 

Narinig ko naman si Lukas na pumasok sa C.R. Siguro maliligo na rin.

Sumunod ako at tumayo lang dito sa gilid ng nakasarang pintuan. 

Shocks, ang manyak ng dating ko habang pinakikinggan siya na naliligo sa loob. What's happening to me. Pero naaamoy ko ang bango ng gamit niyang shampoo hanggang dito sa labas. Parang nakaka-adik. Actually, I just realized that he actually does smell good. Amoy siyang malinis kahit na panay ang kilos niya rito sa bahay.

Nung naramdaman kong patapos na siyang maligo, umalis na agad ako at umakyat sa taas para hindi niya na ulit ako mahuli.

• • •

KINAGABIHAN, HINDI KO na kaya, gusto ko na talagang makausap si Lukas.

Hindi na niya ako tinatawag para kumain. Basta nararamdaman ko na lang kapag tapos na siyang magluto, tapos kusa na lang akong bumababa.

I was lucky tonight kasi naabutan ko pa siya na nasa kusina.

Pumwesto na ako sa mesa at pinagmasdan lang siya na nag-aayos sa may sink. Nakatalikod siya mula sa kinauupuan ko.

I took a deep breath. "Pwede mo ba akong sabayan kumain?"

Hindi siya sumagot. Expected ko naman na 'yon, pero gusto ko lang talagang makipagusap sa kanya.

Nagbuntonghininga ulit ako. "Ang tagal ko na kasing walang kasabay kumain e," dagdag ko. "Pwede ba kitang makasabay kahit ngayong gabi lang?"

He still didn't answer. Dapat naiinis na ako ngayon dahil sa ginagawa niya, pero wala akong gano'ng nararamdaman. I'm calm right now, actually. Nahiya na talaga akong mag-maldita sa kanya.

Ayoko na siyang kulitin kasi baka lalo lang siyang magalit kaya hinayaan ko na lang siya.

Nag-umpisa na akong kumain. And I smiled just after my first bite. Hindi ko ito maamin-amin dati, pero masarap talaga siyang magluto. Tsaka hindi siya nauubusan ng ihahain. Kada araw, pasarap nang pasarap ang mga hinahanda niya. Kaya hindi ko na magawang pintasan e.

Hindi pa rin siya tapos sa ginagawa niya sa sink, kaya sinubukan ko ulit siyang kausapin. "Ang sarap nitong luto mo. What do you call this?"

Ayaw niya pa rin talagang mamansin.

Lalo tuloy akong nalulungkot. Huminga na lang ako nang malalim. "Lukas, I'm sorry for what I did."

This is so not me. Buong buhay ko, ngayon lang ako humingi ng tawad kahit ako pa ang may kasalanan. Kahit kay Dad, hindi ako nagso-sorry ro'n. Siya pa rin ang sumusuyo sa akin kasi spoiled ko. Ewan ko ba kung bakit pagdating dito kay Lukas, nagawa kong ibaba ang pride ko.

He still didn't answer me, though. Para ngang wala siyang narinig kasi tuloy-tuloy pa rin siya sa ginagawa niya. Grabe, ang lakas niyang magpa-guilty.

Napayuko na ako habang pinaglalaruan ng kutsara ang natitira kong pagkain. "Alam kong mali 'yong ginawa ko sa 'yo," I added. "Hindi dapat ako nangingialam ng gamit ng may gamit. Nagawa ko lang naman 'yon kasi sobrang naiinis ako sa 'yo e. Hindi naman kasi talaga ako tatakas pabalik ng Almeria, pero ayaw mo akong payagan. I just wanted to talk to Dad and my friends. Uuwi rin naman ako rito."

Wala pa rin siyang imik.

"Lukas, sorry na kasi. I won't do that again. Hindi ko na ulit gagalawin ang mga gamit mo, lalo na ang mga pictures ng girlfriend mo. But . . . i-is she really your girlfriend?"

Bigla siyang tumigil sa ginagawa niya at nilingon ako.

Nahiya ako sa matalas niyang tingin kaya yumuko na lang ako ulit. "Sorry. Pero uhm, thank you nga pala kasi binilhan mo na ako ng mga bra. Kasya sa 'kin lahat. Buti alam mo kung gaano kalaki ang boobs ko."

Pasimple ko siyang sinilip para makita kung anong ire-react niya, pero wala pa rin talaga siyang sinabi. Pinipilit ko na ngang pagaanin ang atmosphere.

Tuluyan na niyang tinigil ang ginagawa niya. Naghugas siya ng mga kamay, tapos bigla nang umalis at iniwanan akong mag-isa rito. Lumabas siya ng bahay.

Grabe, galit talaga siya. Paano niya 'yon nagagawang panindigan?

Gano'n siguro talaga ka-importante sa kanya 'yong mga pictures. Tsaka siguro girlfriend niya talaga 'yong babae ro'n. I know it's not right, but I kinda feel a bit jealous.

Tahimik na lang akong tumayo at patago siyang sinilip sa bintana ng kusina.

Medyo kumikidlat na naman pala sa labas, mukhang uulan ulit. Sana hindi sobrang lakas.

Nakaupo lang si Lukas sa mababang hagdan sa tapat ng pinto at malayo ang tingin.

Minsan nahihirapan akong basahin siya. Masyado kasi siyang tahimik na hindi ko na alam kung ano ba talagang tumatakbo sa isip niya. Bakit naman kasi kung kelan willing na akong makipag-friends sa kanya, tsaka pa siya naging ganito katigas.

Bumalik na lang ulit ako sa mesa. Inayos ko ang pinagkainan ko. I shouldn't be doing this because reality check, I'm still the boss. But no choice. Kailangan kong magpabango kay Lukas.

Pagkatapos magligpit, umakyat na ulit ako sa kwarto.

Nakita ko sa malaki kong bintana na sunod-sunod na ang pagkulog at pagkidlat. Hindi na tuloy ako makalapit do'n.

Sinasabi ko na nga ba e. Alam kong dito talaga hahantong ang pag-ulan nitong mga nakaraang araw. Babagyohin kami rito. One of the reasons why I hate this kind of weather is because I'm astraphobic. Kinakabahan na tuloy ako, wala pa naman takip 'tong bintana.

Pinilit ko na lang na kalmahin ang sarili ko at hiniling na sana hindi na lalong lumakas ang kidlat.

• • •

"AAAAH!" Taranta ulit akong napatakip sa mga tenga ko nang kumidlat na naman nang malakas.

Hindi ko na kaya, nangininig na ako sa takot! Nagtatago na ako rito sa pinakasulok ng kwarto ko kasi mas lumakas ang mga kidlat no'ng madaling araw at pakiramdam ko tatama na sa 'kin. Hindi ko inasahan na ganito kalakas ang kulog at kidlat sa lugar na 'to.

Lalo pa silang lumakas kaya napasigaw ulit ako at nanginig sa takot. Hindi ko na talaga kinaya. Tumakbo na ako palabas ng kwarto ko at kinatok si Lukas.

"LUKAS, LUKAS!"

I hate to do this, pero nagpa-palpitate na ako at natatakot ako na baka bigla ulit akong mawalan ng malay tulad dati.

Hindi naman ako pinagbubuksan ni Lukas. Nilakasan ko ang pagkatok. "Lukas, please! Open!"

Tsaka ko lang narinig na in-unlock na niya ang door knob. Binuksan niya ang pinto pero maliit lang at sinilip niya lang ako.

He looked blurry because of my tears. "Lukas, takot ako sa kulog at kidlat. Pwede bang dito muna ako sa 'yo?"

Hindi niya ako pinansin at dapat pagsasaraduhan pa ako ng pinto. Pero hinarangan ko agad para hindi niya tuluyang masara. "Please!" Pumikit ako nang mariin kasi bumubuhos na talaga ang mga luha ko. "Kahit ngayon lang, Lukas. Takot talaga ako."

Pero hindi talaga siya naawa sa 'kin. Pinagsaraduhan na niya ako ng pinto at agad 'yong kinandado.

Lalo akong napaiyak. Bumaba na lang ako sa hagdan kahit na madilim at ang tanging liwanag lang ay 'yong galing sa sunod-sunod na pagkidlat.

It was raining hard outside but I was sweating and my hands kept shaking uncontrollably.

Umupo ako sa sahig katabi ng lumang piano. Niyakap ko ang mga tuhod ko at sinubsob ang mukha ko ro'n. Iyak ako nang iyak habang ramdam ang pagsakit ng dibdib ko. Mommy, help me.

• • •

HINDI KO NA alam kung anong sumunod na nangyari sa 'kin. Nakatulog na lang ako sa tabi ng piano sa sobrang takot.

Pero pagkagising ko, nagulat na lang ako kasi nasa kwarto ko na ulit ako at nakahiga na nang matiwasay sa kama.

Taranta akong napabangon. Ang sakit ng ulo ko, hindi ko matandaan kung nagawa ko bang bumalik mag-isa rito sa kwarto, kasi ang alam ko, sa tabi ng piano talaga ako nakatulog.

I glanced at the window. Umaga na. Makulimlim pa rin, pero tumigil na ang ulan.

Bumalik na muna ulit ako sa pagkakahiga at tinakpan ng braso ang mga mata ko. Gising na rin si Lukas kasi naaamoy ko na may niluluto na siya sa baba.

Mayamaya lang, naramdaman ko na parating siya. Bumukas ang pinto nitong kwarto ko at pumasok si Lukas sa loob.

Agad ulit akong napabangon.

May dala siyang tasa. Nilagay niya 'yon sa katabing maliit na mesa para ipahiwatig na inumin ko. Natuwa naman ako ro'n.

"Lukas," mahinahon kong tawag. "Ikaw ba ang nagdala sa 'kin pabalik dito sa kwarto?"

Huminga siya nang malalim. "Bakit, may iba ka pa bang kasama?"

Ang sungit niya, pero napangiti pa rin ako. "Thank you."

Hindi na ulit siya sumagot. Tumalikod na siya at lumabas ng kwarto.

Ako, nakangiti pa rin. What he did means so much to me.

Akala ko pababayaan niya talaga ako kasi hindi niya ako pinapasok sa kwarto niya nung takot na takot ako sa kidlat. 'Yon pala, naawa naman siya sa 'kin at dinala ako pabalik sa kwarto ko.

Kinarga niya kaya ako? Nakakahiya, ang bigat ko pa naman. But he's so thoughtful. Lalo tuloy akong nagi-guilty sa mga kamalditahang ginawa ko sa kanya. Concerned pa rin siya sa 'kin kahit na ang laki ng nagawa kong kasalanan.

Nung naramdaman kong tuluyan na siyang nakababa, sinilip ko na kung anong laman nitong tasa na dinala niya sa 'kin. It's hot chocolate. Ito pala 'yung naaamoy ko na ginagawa niya kanina. Bagay na bagay sa panahon.

Kinuha ko na ang tasa para tikman na ang gawa niya. A pleasant smile then beamed from my face. This is the best hot chocolate I have ever tasted.

TO BE CONTINUED

Thank you so much for reading this chapter! Your support, votes, and comments fuel my writing like nothing else, so please keep them coming! 🖤

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top