Chapter 4

WORST NIGHT EVER! As in hindi talaga ako nakatulog!

Paano ba naman kasi, ang kati-kati nitong kama. Tapos ang ingay pa ng mga kuliglig sa labas, at feeling ko may naririnig akong parang umiiyak sa baba, or imagination ko lang 'yon kasi sobrang creepy nitong bahay.

Ni hindi ko rin nagawang pumikit kahit saglit kasi iniisip ko baka gumanti 'yong cockroach na pinapatay ko kay Lukas at bigla na lang akong gapangin habang natutulog ako. I wanna cry again because I am so tired but couldn't sleep. Inabutan na ako ng pagsikat ng araw!

Mayamaya lang, narinig ko na parang may tumutunog na makina ng sasakyan.

'Yong bulok na pickup truck ba ni Lukas 'yon?

Ilang saglit pa, bigla nang umandar.

Taranta agad akong napabang,on mula sa kama at tumingin sa window nitong kwarto.

What the hell, umalis si Lukas! 'Di ba ihahatid niya ako pauwi sa Almeria ngayon? Shit! Nagsuot agad ako ng silk robe ko at mabilis na bumaba para humabol.

Oh my god, he really left! Hindi man lang nagsabi sa 'kin kung saan siya pupunta. Iniwanan niya pang bukas 'tong pinto kaya kitang-kita ko ang bulok niyang truck na papalayo mula rito sa bahay.

Tumakbo agad ako papunta sa pintuan. "Lukas! LUKAS!"

Ewan ko kung bakit tinatawag ko pa siya, e ang layo-layo na niya sa 'kin. Tinaholan pa tuloy ako ng bwisit niyang aso. Pero bakit niya kasi ako iniwan? Ang usapan namin ihahatid na niya ako pauwi ngayong umaga, pero nauna naman siyang umalis. Badtrip talaga 'yung robot na 'yon, e!

But wait . . . iniwan niya ako rito nang wala man lang bantay at bukas ang pintuan. That means pwedeng-pwede na lang akong tumakas. Tama!

Nagmadali na agad akong bumalik sa itaas para kunin ang mga gamit ko sa kwarto.

That Lukas is so funny and so dumb! It is his job to guard me, pero bigla naman akong iniwanan na bukas na bukas ang bahay. What does he think of me, hindi marunong tumakas?

Isa-isa ko nang binaba ang mga maleta ko. Ang bigat! Pero tinitiis ko kasi this is my only chance to escape. Nakapagpalit na rin pala ako ng damit. I've decided to wear my red romper with matching white sandals kasi gusto ko pretty pa rin ako pagbalik ng Almeria.

Hinila ko na ang mga maleta ko at dire-diretso na sa paglabas ng bahay. I'm finally free!

Kaso hindi pa ako nakakalayo, bigla na namang tumahol 'yong malaking aso ni Lukas. Hahayaan ko na lang sana kasi alam kong nakatali naman 'yon, pero pagkalingon ko, nakawala pala 'yung aso at tumatakbo na ito nang mabilis papunta sa 'kin!

Nanigas ako sa kinatatayuan ko bago ko nagawang tumili! Nawala na ako sa poise. Nabitawan ko lahat ang mga gamit ko at takot na takot akong tumakbo pabalik ng bahay. "LUKAAAAS!!!"

Sinara ko agad ang pinto pagkapasok sabay takbo papunta sa kusina at umakyat sa ibabaw ng dining table. Oh my god, oh my god!

Tahol pa rin nang tahol yung aso na para bang balak pang sirain 'yung pintuan.

"Go away!" sigaw ko rito.

He still didn't stop barking. Ginawa ko, kinuha ko 'yung takip ng frying pan dito sa dining table at binato 'yon sa nakasarang pinto. "I said go away!"

Doon lang ito tumigil sa pagtahol. Baka natakot na at umalis. Lumuhod ako sa ibabaw ng table para sumilip sa bintana ng kitchen. Umalis na nga 'yung aso pero tumakbo naman siya papunta sa mga maleta ko at pinagnga-ngatngat ang mga 'yon!

Oh my god! All my dresses and premium nail polishes are there! Sinigawan ko ulit yung aso at binato ko rin ng kung anu-ano, pero hindi na umaabot ang mga binabato ko kasi masyado nang malayo. Shocks, my clothes! Wala na akong nagawa kasi takot talaga ako sa aso kaya umiyak na lang ako nang umiyak dito sa ibabaw ng table. Hindi na rin ako bumaba kasi baka pumasok yung aso at habulin na naman ako.

This is all Lukas' fault! He planned this!

Alam niyang takot ako sa aso kaya sinadya niya talagang pakawalan para hindi ako makatakas. Kaya pala ang lakas ng loob niya na iwanan lang ako na bukas na bukas ang bahay. He knew I couldn't escape anyway. I hate him. I really hate him!

I was so scared na nakatulog na lang ako rito sa ibabaw ng table. Nagising lang ako nung makarinig ng parating na sasakyan.

Lumuhod ulit ako sa table para sumilip sa bintana. Dumating na nga si Lukas. Pero hindi ko siya papansinin. Akala niya diyan, ha. Bumaba na ako mula sa table at umupo na lang. I crossed my arms and raised one eyebrow as I wait for him. Hinahanda ko na isip ko lahat ng isesermon ko sa bwisit na lalaking 'yon.

Bumukas na ang pinto at tumayo agad ako, pero hindi ako nakapagsalita dahil sa nakita kong hawak-hawak niya. He's holding my fuchsia pink push-up bra!

"What the hell!" Sinugod ko agad siya at binawi ang bra ko. "Bakit 'to nasa 'yo? You pervert!" Hinampas ko siya ng bra sa dibdib.

Kinunutan niya lang naman ako ng noo. "Nagkalat 'yan sa labas kasama ng iba mong damit. Bakit nando'n ang mga maleta mo. Tumakas ka?"

"So what kung tumakas ako? Iniwanan mo nga ako e. Sabi mo ihahatid mo na ako ngayon pauwi, pero hindi mo ginawa. You even let that stupid dog out to scare me. Look at what he's done!" Tinuro ko ang mga damit ko na sumabog na sa labas.

"Hindi masisira ang mga gamit mo kung hindi ka tumakas."

"It's not my fault! Kunin mo na nga lang lahat 'yon, tapos i-uwi mo na ako sa amin!"

Hindi niya na ako sinagot. Kinuha niya lang 'yong takip ng frying pan na nasa sahig. Pinakita niya sa 'kin nang wala pa rin siyang sinasabi.

Tinaasan ko siya ng isang kilay. "O, bakit? Binato ko 'yan kanina kasi hinabol ako ng aso mo."

Napailing-iling na lang siya bago niya 'yon binalik sa kitchen. Grabe siya, para namang sobrang disappointed siya sa 'kin, e ako nga 'tong mas dapat madisappoint dahil sa way ng pagbabantay niya.

"Hoy!" singhal ko na lang ulit. "Kunin mo na 'yong mga gamit ko sa labas. Can't you see na pinagpi-pyestahan na siya ng aso mo? Bakit kasi may ganyang aso ka pa rito."

He still didn't answer. Tumuloy na lang siya sa paglabas ng bahay.

Oh, good. He did follow my order. Tinali na niya ulit ang aso niya at dinala ang mga gamit ko rito sa loob.

I immediately knelt down on the floor to check my luggages. Shocks, shocks, sana walang nasira. Pero sobrang malas ko kasi sa dinami-rami ng pwedeng ngatngatin ng asong 'yon, itong mga bra ko pa! Nasira lahat, as in walang natira sa 'kin bukod na lang sa suot ko ngayon.

Inangat ko 'tong polka dots bra ko, at nakakaiyak na lang ang sinapit niya. This is my favorite! What will I wear now? Wala ng ka-partner ang mga panties ko!

Naramdaman ko na nakatingin sa 'kin si Lukas kaya nilingon ko rin siya at tiningnan nang masama. "Anong tinitingin-tingin mo diyan? Masaya ka na sinira ng aso mo ang mga bra ko? Wala na akong susuotin!"

Ngumisi lang naman siya, tapos ay muling lumabas ng bahay. Parang tuwang-tuwa pa siya na wala na akong bra.

Pagbalik niya, may dala na siyang mga plastic bags.

Nagtaka ako kung ano ang mga 'yon, kaya tumayo muna ako at sinundan siya sa kusina. "Saan ka ba galing?"

Hindi na naman siya sumagot. Lumabas ulit siya para kunin ang iba pang mga plastic bags mula sa pickup truck.

Isa-isa ko na lang na sinilip ang laman nitong mga plastic bags sa table. Puro mga pagkain at grocery items. Where did he buy all these, I thought we're in an isolated place.

Mayamaya lang ay bumalik na siya dala ang iba pang mga plastic bags.

"Saan ka nag-groceries?" tanong ko. "May malapit dito?"

Hindi pa rin siya sumagot. Inumpisahan niya lang na ilabas ang laman ng mga plastic bags.

Nilapitan ko siya. "Hoy, kinakausap na nga kita nang maayos, e. Saan ka namili ng mga ganito?"

"Sa bayan."

"Bayan? What is that? Like a citified area?"

Hindi na ulit siya sumagot, pero parang na-gets ko na siya. Bigla tuloy akong nagkaroon ng pag-asa kasi may gano'ng klaseng lugar pala rito.

Pumunta na siya sa tapat ng kitchen sink. I followed him again. "Anong meron sa bayan? May signal na ba ro'n? Wi-fi? May bilihan ng bra?"

"Wala."

Ngumisi ako. "Really? I don't believe you."

"Bakit ka nagtatanong kung hindi ka naman pala maniniwala sa sagot?"

"E kasi you're a liar. I'm sure gawa-gawa ka lang para hindi ko puntahan 'yong bayan na sinasabi mo. Katulad ng lang ng ginawa mo last night. Late ko na na-realize na inuto mo lang ako sa sinabi mong may nangunguha ng mga babae sa labas, pero wala naman pala talaga."

Hindi na ulit siya sumagot.

"See? Nahuli kita, 'no?" Tumalikod na lang ako at muling tumingin sa pinto ng bahay.

Okay, plan B.

Kung hindi ako makakabalik agad sa Almeria, pupuntahan ko na lang ang bayan na 'yon para matawagan si Dad at mga bestfriends ko. At syempre, si Nigel.

"Hoy," tawag ko na ulit dito kay Lukas. "I'm hungry. Handaan mo na ako ng pagkain, tapos dalhin mo na ulit ang mga gamit ko sa itaas." Inirapan ko siya bago ako tuluyang umalis at umakyat sa kwarto.

• • •

TINIIS KONG MAG-STAY dito sa bahay ng marami pang araw.

Humahanap kasi ako ng pagkakataon na makapunta sa bayan. Ang hirap takasan ni Lukas. Palagi lang nandito sa bahay at madalas pang busy-busy-han. Katulad ngayon, nando'n siya sa labas, hindi ko alam kung anong pinagkaka-abalahan niya.

Tinigil ko nga muna 'tong paglalagay ko ng nail polish.

Sinilip ko siya sa bintana nitong kwarto. May inaayos pala siya sa truck niya. Ang bilis niya ngang nakaramdam. Nilingon niya rin ako. Nataranta ako at agad na tumalikod kasi wala akong bra ngayon. Bakat ang nips ko kasi manipis lang 'tong suot kong white cotton shirt.

Bumalik na lang ulit ako sa paglalagay ng nail polish.

Kaya gustong-gusto ko nang makapunta sa bayan e. Bibili ako ng bra. Isa na lang kasi ang natira sa 'kin, tapos nilabhan ko pa dahil five days ko nang suot 'yon.

Hay, hanggang ngayon talaga gigil pa rin ako sa aso ni Lukas. At ito namang si Lukas, ilang beses ko na rin 'yong sinabihan na bilhan ako ng bra, pero hindi niya ako binibilhan. I'm sure he's really doing it on purpose para palagi niya akong nakikita na walang suot na bra. Napaka-manyak.

Napatili na lang naman ako nang biglang bumukas ang pinto nitong kwarto at pumasok si Lukas!

Tumalikod agad ako sabay takip sa dibdib ko. "Oh my god, hindi ka ba marunong kumatok?"

Hindi siya nagsalita. Tumuloy pa rin talaga siya sa pagpasok. Kainis! Basa pa ang nail polish ko, nasira tuloy.

"Ba't ka ba kasi biglang pumapasok?" singhal ko sa kanya. "Gustong-gusto mo talaga akong nakikita na walang suot na bra e, 'no?"

"Sino namang nagsabi sa 'yo na katingin-tingin 'yan?"

My jaw dropped. Nilingon ko agad siya at pinanlisikan ng tingin. Bwisit 'tong lalaking 'to, minsan na nga lang magsalita, nangbabara pa. 

"Excuse me?" Tinaasan ko siya ng isang kilay. "I know how boys think. Kunwari ka pa, pero nag-eenjoy ka naman talagang makakita ng ganito. Ang laki pa naman nitong sa 'kin."

Nagbuntonghininga siya. "Inakyat ko lang 'yang mga damit mo."

Nilagay niya na pala sa kama ko ang mga bagong laba kong damit. Pinuntahan ko agad para kunin 'yong nag-iisang bra na natira sa 'kin.

"Magbihis ka na nang maayos," dagdag niya, "tapos kumain ka na sa baba. Aalis lang ako saglit."

Biglang namang lumaki ang tenga ko ro'n. Umaliwalas ang mukha ko. "Aalis ka? Saan ka pupunta, sa bayan?"

"Hindi."

"Saan nga?"

"Basta. Dito ka lang."

I smiled sweetly like I'm the most obedient girl in the world. "Of course. Saan naman ako pupunta?"

"Baka tumakas ka na naman. Pakakawalan ko ulit 'yung aso."

"Wag mo nang pakawalan. Hindi naman ako aalis, e. Dito lang ako, promise." I even raised my right hand. 

Tiningnan niya naman ako nang matalas na para bang hindi siya naniniwala sa 'kin.

I just gave him my sweetest smile again. "Oo nga, I'll just stay here. Na-realize ko na hindi ko rin naman talaga kayang bumalik mag-isa sa Almeria. Kaya dito na lang ako hanggang matapos ang six months. Para na rin makuha mo nang buo ang bayad mo mula kay Daddy."

Hindi siya sumagot, pero feeling ko napaniwala ko na siya sa acting ko.

"Saglit lang akong mawawala," sabi niya lang, tapos ay lumabas na.

Sumilip agad ako sa bintana para abangan ang pag-alis niya, at nakakatawa kasi hindi niya nga talaga tinanggal sa pagkakatali 'yung aso. Oh my gosh, I couldn't believe he's really this dumb!

Sumakay na siya sa truck niya at umalis.

Syempre wala na akong sinayang na oras. Inayos ko lang muna ang nasira kong polish sa kuko, tapos nagpalit na agad ako ng damit at umalis na rin ng bahay.

• • •

ANG SAKIT NG paa ko kahahanap dito sa bayan!

May kutob naman na ako na malayo talaga 'to mula sa bahay, pero hindi ko inexpect na aabutin ako ng halos dalawang oras kalalakad sa talahiban makarating lang dito. And it's also not what I expected. Akala ko naman mala-BGC, pero mukha lang 'tong cheap market town from the medieval era. Wala man lang mall or kahit salon.

Malaki naman siya. Tabi-tabi ang mga stalls na nagbebenta ng goods, garden produce, at iba pa. Marami-rami rin ang mga tao na halos ang hirap nang dumaan. Good thing, I could explore this place freely. Hindi naman kasi nila ako makikilala dahil sa disguise ko. Naka-pink shades ako at mahabang blonde wig para matago ang shoulder-length straight hair ko. 

Nilabas ko na agad ang cellphone ko para tingnan kung may signal. And guess what — meron na! Oh my god, I feel like crying sa sobrang saya ko. Napakasinungaling talaga ng Lukas na 'yon, e. Sabi niya walang signal dito, pero meron naman. Hindi nga lang gano'n kalakas.

Tinap ko na agad ang number ni Daddy. My hands were shaking because of so much excitement. Finally, I can now talk to Dad. Masusumbong ko na si Lukas at makakauwi na rin ako sa Almeria.

Kaso ang weird kasi cannot be reached ang phone ni Dad. I tried several times, yet it's really not ringing. Sinubukan ko ring tawagan sina Beverly at Felicia. Nagri-ring, kaso hindi naman sila sumasagot. May mali ba sa phone ko?

Oh, well. Tinago ko na lang muna ulit ang phone ko sa bag. I'm sure may mga coffee shops naman dito na pwede kong pag stay-an para makapag-Facebook. I have to contact Dad and my friends. Hindi pwedeng wala akong mapala sa pagtakas ko kay Lukas.

I found a super cheap noodle house instead. Dito muna ako nag-stay. Nakakainis nga, wala silang wi-fi. Tinanong ko rin 'yung server kung saan ang sakayan ng taxi pauwi ng Almeria, pero hindi niya raw alam kung saan 'yon. Weird. I just opened my mobile data to send a message to dad, my friends, and of course, Nigel. Hinintay ko kung sinong unang magre-reply.

Mayamaya lang ay may sumagot na sa 'kin. Si Beverly!

Nabuhayan ako ng dugo at agad na nag-video call sa kanya through Messenger. She accepted my call right away!

"OH MY GOD, BEVS!" bungad ko agad kahit na naglo-loading pa 'tong video dahil sa hina ng signal.

"CORRINE! OMG, bakit ngayon ka lang nagparamdam? Ano nang nangyari sa 'yo?" Sa wakas gumana na rin ang video kaya nagka-kitaan na kami.

Parang natawa nga siya sa itsura ko. "Are you wearing a wig?"

Hindi ko muna siya sinagot kasi feeling ko maiiyak na talaga ako ngayon. "Bevs, I missed you! You and Felicia! I'm so sorry hindi ako nakatawag agad. You have no idea kung anong impyerno 'tong napuntahan ko."

"Bakit, saan ba 'yan? Required ba diyan na naka-wig? But we missed you, too! Tinatawagan ka namin, pero cannot be reached ka."

"Walang signal dito. Can you believe that? Tumakas nga lang ako sa nagbabantay sa 'kin para makapunta rito sa bayan."

"Anong bayan? Where is that?"

Tumingin ako rito sa paligid, kaso wala akong makita na nakasulat or nakapaskil na pangalan ng lugar.

Pinakita ko na lang rito kay Bevs ang background ko. "Look. Parang old-aged place na hindi pa inaabot ng technology. Sobrang lala! Pero wait, how's Almeria? How's my Dad?"

"I think Mayor is okay? I haven't heard any news about him lately. Parang sobrang busy yata siya na hindi na siya masyadong nakakalabas para mag-check, 'di katulad noon."

"Sobrang busy?" Nagbuntonghininga ako. "Yeah, that sounds like my Dad. I was trying to call him earlier. Pati nga ikaw tinawagan ko. Favor naman, could you please help me contact him? I'm really dying to get out of this place."

"Okay, sige, tatawag ako mamaya sa bahay niyo. Pero 'di ba may deal kayo ng Daddy mo na six months ka diyan? Paano na si Nigel?"

"Hindi ko na kaya! I don't even think I can last for another week here. Inis na inis ako sa bodyguard ko."

Kinuwento ko kay Bevs ang current situation ko, pero imbis na maawa sa 'kin, tawa lang siya nang tawa. What's so funny about it? E halos mamamatay na ako sa piling ng Lukas na 'yon, pero masaya pa 'tong bestfriend kong 'to.

"Anyway, change topic," bigla niya namang sabi. "Nabasa mo na ba 'yong sinend namin ni Felicia sa GC natin? It's about Angela."

Agad na bumalik ang interes ko sa pag-uusap namin. "Hindi pa. Why, what's the latest with that Devila?" Ito 'yong dati naming kaibigan na tinakwil namin kasi traydor.

"Oh, well. Apparently, may naka-fling siyang guy from a club na akala niya patay na patay sa kanya. Todo post pa siya Facebook about how sweet and romantic this guy is, pero 'yon pala, pinagpupustahan lang siya at hindi talaga siya type ni guy. Drama queen tuloy ang Devila mo ngayon sa FB."

"OMG, for real? Deserve!"

"I know, right! Tawa nga kami nang tawa ni Felicia sa GC natin. Sayang kasi, wala kang signal diyan, e 'di sana tatlo pa rin tayong nagtatawanan."

I rolled my eyes. "Wag mo na ngang ipagdiinan kung gaano ako ka-miserable rito. Babawi ako sa inyo pagbalik ko diyan. But really, that Devila deserves that. Na-karma rin siya sa ginawa niya sa 'tin."

Sumagot pa si Bevs, pero nawala na ang atensyon ko sa kanya kasi biglang nag-notify si Nigel sa Messenger ko.

Napatuwid agad ako ng likod. "Oh my god."

"Bakit?" tanong naman agad ni Beverly.

"Nigel already replied! Next time na ulit tayo mag-usap. I'll call him first."

"Grabe ka, ipagpapalit mo talaga ako kay Nigel?"

"I have limited time and Internet, okay? Sige na, I'll just call you again next time." Hindi ko na siya hinintay na sumagot, binaba ko na agad ang video call, tapos si Nigel naman ang tinawagan ko.

"Hey!" Ang lapad ng ngiti ko sa kanya at kumaway pa ako. My goodness, he looks so fine. Naka-topless siya at nakasuot ng headphones. I think he's on his laptop. "I missed you, Nigel!"

Sasagot na rin dapat siya, pero nauna ang tawa niya dahil sa itsura ko. "Anong nangyari sa buhok mo?"

Oh shocks, sa sobrang excitement ko na makausap siya, nakalimutan kong naka-wig nga pala ako. Pasimple akong tumingin sa paligid bago ko inalis ang wig sabay ayos sa buhok ko.

"It's nothing," I just said. "How are you? Sobrang miss kita! I'm sorry I wasn't able to call you right away. Wala kasing signal sa bago kong tinitirhan."

"Okay lang, halos makalimutan ko na rin naman na wala ka nga pala."

Natawa ako kasi ang cute niya talagang mag-joke. "You're so funny! Pero buti nga nagpang-abot tayo ngayon. Lumabas lang kasi ako saglit para makahanap ng signal."

"Ah. Buti nga rin tumawag ka, may makakausap ako kahit na papaano. Ang boring dito sa bahay, nagla-laptop lang ako ngayon. Kumusta ka diyan?"

"I'm good!" Pagsisinungaling ko. Ayoko kasing mag-rant sa kanya, baka maturn off siya sa 'kin. "Masaya naman sa tinitirhan ko, tahimik lang."

"Ah, talaga."

"Yes. Tsaka sobrang kasundo ko 'yong nagbabantay sa 'kin. Nilulutuan niya ako at inaasikaso palagi."

"Ah. Baka ipagpalit mo 'ko sa kanya, ah."

I felt like my cheeks turned red. "Nigel, are you jealous?"

"Hindi naman."

"'Yong totoo?"

"Medyo."

Napapigil ako ng ngiti. I've been crushing on this guy for so long, at hanggang ngayon kilig na kilig pa rin talaga ako sa kanya. "Don't worry, hindi kita ipagpapalit kahit kanino. You know it's always you."

"Talaga ba. Kelan ka nga ulit babalik dito?"

Huminga ako nang malalim. "After six months. But you know I'm only doing this for you, right? For us. Para maging legal na kay Daddy ang pagde-date natin. Just wait for me, okay?"

"Ok."

Napangiti ako nang matamis.

Bigla tuloy bumalik ang motivation ko na tapusin ang deal namin ni Dad. Kokontakin ko na dapat siya para makauwi na ako e. Pero ayoko na pala ulit. Titiisin ko na lang 'tong situation ko para sa 'min ni Nigel. He's waiting for me, and I don't want to disappoint him.

Sinulit ko ang oras na ka-video call ko siya. Nagkuwento ako ng iba't-ibang bagay, kaso habang tumatagal, patipid na nang patipid ang mga sagot niya sa 'kin. Baka naiistorbo ko na siya, nahihiya ako.

"Hey, I'll just call you again, okay?" I told him. "May mga bibilhin pa kasi ako. Hindi ako pwedeng gabihin ng uwi."

"Ah, sige."

"Usap ulit tayo bukas? Babalik ulit ako rito sa kinuwento ko sa 'yong bayan para matawagan kita."

"Sige. Bukas ulit."

Ngumiti ako nang matamis. "Okay, I really miss you. Take care of yourself."

Hindi na siya sumagot, binaba niya na lang ang video call.

I am so happy today. Nagkaroon ako ng gana na tapusin ang buhay ko sa isolated place na 'to. Tatakas na lang ulit ako kay Lukas bukas para makapunta rito sa bayan at matawagan si Nigel. At least hindi na ako mabo-bored sa bahay for six months.

Sinuot ko na ulit ang wig ko, tapos umalis na sa noodle house para mamili ng mga gamit ko sa bahay.

Bumili ako ng maraming bra. 'Yon talaga ang inuna kong bilhin bago ako nag-gala gala rito sa bayan. I'm actually starting to like this place. Ang daming pwedeng mabili. Hindi ko nga namalayan na umabot na pala ako ng hapon sa kalalakad. Siguro inis na inis na si Lukas do'n sa bahay. Bahala siya diyan. Ang dumb niya kasi para hayaan lang ako, e.

May nadaanan akong nagtitinda ng ice cream kaya bumili muna ako ng nasa cone. Mahilig ako sa ice cream at kahit na anong sweets.

Ang sarap na ng kain ko habang nagsha-shopping, pero mayamaya lang, biglang may humablot sa braso ko!

Pagkalingon ko, si Lukas!

My eyes went huge! Hindi ko nagawang makatakas sa kanya kasi gigil na gigil ang kapit niya sa 'kin.

"Ang tigas talaga ng ulo mo." Bigla na niya akong hinigit sa braso at marahas na kinaladkad paalis!

Nabitawan ko ang ice cream pati na lahat ng mga plastic bags ko. My god, nando'n 'yong mga binili kong bra!

TO BE CONTINUED

• • •

Thank you so much for reading this chapter! Your support, votes, and comments fuel my writing like nothing else, so please keep them coming! 🖤

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top