Chapter 38

Please, Lukas, answer the phone.

Ilang beses ko nang sinusubukang tawagan si Lukas, pero hindi siya sumasagot.

Madi-discharge na ako rito sa ospital. Gusto ko na sana agad siyang makita para sabihing magkaka-baby na kami, kaso hindi ko naman siya mahagilap. Pati si Jenny, kanina pa rin siya sinusubukang kontakin, pero wala talaga.

Ngayon tuloy ako nagi-guilty na inaway ko pa si Lukas at inurong ang kasal namin. 'Yun pala, nakabuo na kami. We've been wanting to have this baby. Kaya pala sobrang emotional at moody ko the past few weeks, to the point na ang init ng ulo ko kay Lukas, dahil pala dinadala ko na ang anak namin.

Napahaplos na lang muna ako sa tiyan ko.

Kahit na nag-aalala ako kung nasaan si Lukas ngayon, aminado akong sobrang saya at excited pa rin ako dahil sa good news.

Hindi pa rin nga ako makapaniwala. Kahapon nung sinabi sa 'kin ni Dra. Ruiz na buntis ako, ilang beses ko pang pinaulit sa kanya just to make sure I heard it right. Natawa na nga lang siya dahil masyado na raw akong makulit.

She couldn't blame me, though. Kung alam niya na lang na halos gabi-gabi kaming gumawa ni Lukas para lang mabuo 'tong baby. Bigla ngang gumanda ang pakiramdam ko ngayon. Nawala ang lungkot at bigat ng dibdib ko at bigla akong nagkaroon ng lakas. Right now, all I want is to see the father of my baby. At syempre si Daddy rin. Excited akong ibalita sa kanya. 

"Corrine..."

Bumalik na ulit si Jenny dito sa hospital room. Tinulungan niya kasi akong mag-settle ng bills.

"Na-contact mo na ba si Lukas?" tanong ko agad.

"Hindi pa nga e. Nakailang text na rin ako. Hay, ano na naman bang pinagkakaabalahan nung kuya ko na 'yon. 'Di bale, ako na munang bahala sa 'yo. Sa bahay ka na muna namin tumuloy."

Napakunot ako ng noo. "Ha? Bakit, pwede naman akong mag-stay sa bahay namin ni Daddy."

"Walang mag-aalaga sa 'yo ro'n. 'Di ba sinabi ng doktor na ingatan mo ang sarili mo? Do'n ka na lang muna sa 'min habang wala pa si kuya."

"Ano ka ba, I'll be okay. May mag-aalaga naman sa 'kin sa bahay e. We have maids there, tsaka nandoon pa rin ang mga loyal na tauhan ni Daddy."

Bigla niyang hinawakan ang kamay ko. "Corrine...buntis ka. Gusto kitang bantayan at alagaan, lalo na't pamangkin ko 'yang dinadala mo."

I couldn't help but smile. Ramdam ko ang genuine na pag-aalala niya sa 'kin tsaka kinilig ako kasi feel na feel ko ng buntis na talaga ako.

"Okay lang ba sa family mo na doon ako sa inyo magsi-stay?" tanong ko na lang.

"Oo naman. Siguradong matutuwa si Mama. Baka siya pa nga ang magpa-anak sa 'yo."

Natawa ako, tapos pumayag na lang din. Mas kumportable rin naman ako na kasama siya kumpara sa mga maids sa bahay na pupuntahan lang ako at kikilos lang kapag inutusan. 

• • •

NAG-TAXI LANG KAMI ni Jenny papunta sa kanila.

Nakakatawa nga e. Todo alalay siya sa 'kin na para bang ang laki-laki na ng tiyan ko. 

Walang tao sa bahay nila nung dumating kami. Sabi niya, baka raw namalengke ang Mama at Tita niya. Kaya pinadiretso niya na agad ako sa kwarto. Mamaya niya na lang daw kauusapin ang Mama niya para ipaalam ang nangyari sa 'kin.

"Kumusta ang pakiramdam mo?" tanong niya habang inaayos ang kama. "Sabihin mo lang kapag nahihilo ka, ah? Baka mamaya, bigla ka na namang mahimatay diyan."

I chuckled. "I'm fine. I'm actually feeling better now. Bigla ng nawala ang sama ng pakiramdam ko."

"Talaga?"

"Mm-hmm." I sat on the edge of the bed. "Ewan ko, parang bigla akong nagkaroon ng lakas. Lakas para balikan ang kapatid mo at para ipaglaban si Daddy. Hindi pa rin nawawala sa isip ko na binaliktad siya ng mga kasamahan niya, pero malakas na ang loob ko ngayon na kaya ko na siyang tulungan. Naging inspirasyon ko yata 'tong baby ko." Hinaplos ko ang tiyan ko.

"Tama 'yan. 'Yang baby niyo ni kuya ang gamitin mo para hindi ka panghinaan ng loob."

"And I'm sure magkakaroon din ng lakas si Daddy kapag nalaman niya," patuloy ko. "Kapag sinabi kong magiging lolo na siya, alam kong mas lalo niyang pipilitin na makalaya at malinis ang pangalan niya."

"Tama. Lahat kayo magkakaroon ng inspirasyon." Saglit siyang natahimik bago muling nagpatuloy. "Ibig sabihin din ba nito, matutuloy na ulit ang kasal niyo ni kuya?"

Napangiti ako sabay tumango. "Yes. Tuloy na. Itutuloy ko habang parehas din naming tinutulungan si Dad. But first, we have to know where Lukas is. I don't want to overthink and get stressed because that's bad for our baby. Pero gustong-gusto ko na talaga siyang makita. Excited akong sabihin sa kanya na this time, hindi na siya pumalpak na mabuntis ako."

Natawa na lang siya sa 'kin. "Wag kang mag-alala, kapag hindi pa talaga sumagot si kuya hanggang mamaya gabi, pupuntahan na natin siya sa bahay niya. O ako na lang ang pupunta. Dito ka na lang."

"No, I'll come with you. Ang sinabi lang naman sa 'kin ng doctor, ingatan ko ang sarili ko. Hindi niya sinabing wag akong gumalaw."

She just chuckled again. "Okay, sige." Nagpatuloy na siya sa pag-aayos sa kwarto niya. "Ang bait ng doktor mo, 'no? Buti na lang siya ang available OB do'n sa ospital nung dinala ka namin."

"Yeah, Dra. Ruiz. She's really nice. Medyo na-guilty nga ako kasi hindi ko siya pinansin ng maayos nung una. Wala kasi ako sa sarili e."

"Okay lang 'yon. Nakabawi ka naman nung sinabi na niyang buntis ka. Hindi mo na siya tinantanan sa katatanong. Kaibigan siya ng Daddy mo?"

"Mm-hmm. Matagal na silang magkaibigan. Kahit nung nabubuhay pa si Mommy, magkakakilala na talaga sila. Nagulat nga lang ako na sa Almeria na pala siya nagta-trabaho."

"Naka-kwentuhan ko nga siya saglit. Sabi niya, parang anak ka na raw niya sa tagal niyang kakilala ang pamilya mo. Swerte, siya ang OB mo. Siguradong aalagaan ka niya."

Napangiti na lang ako. Iki-kwento ko nga ito kay Daddy kapag dinalaw ko na siya ulit. I'm sure he'll be happy to know this.

Matapos mag-ayos ni Jenny, lumapit ulit siya sa 'kin. "Oo nga pala, mamayang hapon, aalis ako saglit. Kailangan ko kasing i-meet ang regular customer ko. Biglaan e. Kanina lang siya tumawag."

"It's okay. I'll just stay here."

"Saglit lang naman 'yon, uuwi rin ako agad. Pababantayan na lang muna kita kay Mama. Ay oo nga pala, baka parating na sila. Bababa muna ako. Magpahinga ka muna rito, ah."

"Okay." Humiga na muna ako sa kama niya.

• • •

KINAHAPUNAN, nagising ako mula sa pagkakaidlip kasi naiihi ako.

Wala si Jenny sa kwarto. Ewan ko kung nakaalis na ba siya para puntahan ang customer niya. Hindi ko tuloy alam kung kanino magpapaalam. Basta lumabas na lang ako para umihi sana.

Kaso bago pa ako makababa sa hagdan, narinig ko si Jenny na may kausap. Hindi pa pala siya nakakaalis.

"Hanggang kailan ba rito 'yong mapapangasawa ni Lukas?" Narinig kong tanong ng kausap niya.

"Hanggang sa matawagan namin si kuya para may magbabantay na sa kanya."

"Baka mapahamak tayo pare-pareho dahil dito sa ginawa mo, Jenny, ha."

Biglang kumabog ang dibdib ko. Gusto ko na sanang tumalikod kasi ako pala ang pinag-uusapan nila, pero pinili ko pa rin silang pakinggan.

"Bakit naman po tayo mapapahamak, Tita?" tanong ni Jenny. Ang isa niya palang tita ang kausap niya.

"Anak nung Mayor Delgado 'yang dinala mo rito. 'Di ba may kaso 'yon ngayon?"

"Inosente raw ang Daddy niya sabi ni Corrine."

"Hindi pa natin sigurado 'yan kung inosente ba talaga."

"Ayaw niyo ba siyang nandito? Kay Mama, wala namang problema e. Natuwa pa nga siya na dinala ko si Corrine dito at pinaghahandaan niya pa ng makakain."

"Wala rin namang problema sa 'kin 'yon. Nag-aalala lang ako na baka madamay pa tayo sa problema ng tatay niya. Mamaya niyan, may mga reporters o pulis na biglang sumugod dito dahil lang nandito ang anak ng Mayor."

"Bakit ho kayo ganyan mag-isip? Hindi ko pwedeng pabayaan si Corrine. Magagalit si kuya."

"Ikaw ang bahala. Concerned lang naman ako."

Matapos nilang mag-usap, tuluyan na akong nanghina.

Nakalimutan ko na nga rin na naiihi ako. Lantang-lanta akong bumalik ng kwarto at napatulala na lang habang nakaupo sa gilid ng kama.

Nahiya ako. Hindi ko inexpect na gano'n pala ang nararamdaman nila sa pagdating ko rito. Ni hindi ko pa sila nakakausap para ipaliwanag ang nangyari. Lalo na tuloy nagsi-sink in sa 'kin ang mga consequences ng kaso ni Daddy.

I shut my eyes tight. Nahihiya na rin ako kay Jenny. Na-appreciate ko na pinaglaban niya ako sa Tita niya, pero nakakahiya pa rin. Dapat pala hindi na lang ako nagpunta rito.

Kinuha ko na ang mga gamit ko at nag-umpisang mag-ayos. Nagbihis na rin ako ng damit na pang-alis.

Sakto naman, biglang pumasok si Jenny. May dala pa siyang miryenda.

Natigilan nga agad siya nang makitang nag-aayos na ako. "O, saan ka pupunta?"

"Uhm, ano e, na-contact ko na si Lukas," pagsisinungaling ko.

"T-talaga?" Mabilis niyang pinatong ang dala niyang pagkain sa kalapit na mesa, tapos excited akong nilapitan. "Anong sabi ni kuya? Bakit daw hindi siya nagrereply?"

"May inasikaso lang daw siya," pinanindigan ko ang pagsisinungaling ko. "Magkikita na kami ngayon."

"Saan daw?"

"Sa bahay niya. Pupuntahan ko na lang siya ro'n."

"Hindi ka niya susunduin dito?"

Uniwas ako ng tingin. "H-hindi na ako nagpasundo. Sabi ko pupuntahan ko na lang siya."

Napakunot siya ng noo. "Parang hindi papayag si kuya sa gano'n. Nasabi mo na ba sa kanya ang tungkol sa baby?"

"Hindi pa. I'll just surprise him."

Bigla naman na siyang tumayo. "Ihahatid na lang kita sa kanya."

"W-wag na. Kaya ko naman. Tsaka 'di ba may lakad ka? Sabi mo imi-meet mo ang regular customer mo."

Bigla siyang napaisip.

Napangiti naman ako nang mapait. "Don't worry, Jenny, I'll be fine. Malapit lang din naman 'yon dito e. Tulungan mo na lang akong kumuha ng taxi?"

Hindi agad siya sumagot. Pinag-isipan niya pa, hanggang sa wala na siyang nagawa. "Sigurado ka ba talaga? Nagi-guilty ako na hindi kita masasamahan."

"It's okay. At least nga e, nagparamdam na si Lukas. Kampante na ako ro'n."

Napabuntonghininga siya. "O sige. Pero tawagan mo agad ako kapag magkasama na ulit kayo ni kuya, ah?"

"I will." Zinipper ko na ang bag ko, tapos niyakap ko siya. "Thank you so much, Jenny. Thank you kasi hindi mo ako pinabayaan. Salamat din kasi pinatuloy mo ako rito sa inyo kahit saglit. I truly appreciate that."

Hinaplos niya naman ang likuran ko. "Walang anuman. Sayang, pinaghandaan ka pa naman ng miryenda ni Mama."

"Babaunin ko na lang. Pakisabi sa Mama mo, thank you."

Inalalayan na niya ako at sinamahan paalis pagkatapos.

Nagpaalam na rin kami sa Mama at mga tita niya. Kaso hindi na ako makatingin nang diretso. Lalo na sa isa niyang tita.

Mabait pa rin naman sila sa 'kin. Pinabaon pa nga talaga nila 'yong hinanda nilang miryenda. 'Yon nga lang, hindi ko na talaga maalis sa isip ko ang narinig ko. Feeling ko wala na akong mukhang maiharap.

Tinulungan ako ni Jenny na kumuha ng taxi. Pagkasakay ko, doon na ako inatake ng matinding takot at kaba.

Tutuloy ako sa pagpunta sa bahay ni Lukas kahit hindi ko alam kung makikita ko ba talaga siya ro'n. I kept calling him, but I'm still getting no response.

Tsk. Bahala na kung anong mangyari.

Hindi kalayuan ang tinitirhan ni Lukas mula sa bahay nila Jenny kaya agad akong nakarating.

Si Clementine agad ang una kong nakita. Excited ito at todo damba pa sa 'kin nang makalapit na ako.

Gusto ko siyang laruin, pero mas kailangan ko nang makita si Lukas. Dumiretso ako at sunod-sunod na kinatok ang pinto, pero walang sumasagot.

Oh my god. Hinang-hina akong napaupo sa tabi.

Ngayon ko na nararamdaman ang pagod ko. I'm still okay, though. Pero naiiyak na ako sa pag-aalala kung nasaan ba si Lukas. Ito na naman siya e. Nangyari na 'to dati na nagawa niya talagang hindi magparamdam sa 'kin. Tapos ito na naman.

Ilang saglit lang, biglang nag-ring ang phone ko.

Napatuwid agad ako ng likod kasi akala ko si Lukas na, pero ibang number ang tumatawag.

Kunot-noo ko itong sinagot. "Hello?"

"Corrine Delgado?"

"W-who this?"

"Kaibigan ako ni Mayor. Kasama ako sa sindikato at handa akong humarap para tulungang linisin ang pangalan ng tatay mo. Pwede ba tayong magkita?"

Agad akong napatayo at nabuhayan ng dugo. "I'm in. Saan tayo magkikita?"

TO BE CONTINUED

AUTHOR'S NOTE: This story will only be until Chapter 40 + epilogue. I hope you stay with me until the end.

xoxo, barbs

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top