Chapter 37
"WHAT ARE YOU doing here?" Malamig kong tanong kay Lukas nang makalapit na siya sa 'kin.
"Kanina pa kita sinusundan. Tumuloy ka talaga sa Daddy mo."
"I had to talk to him and find out everything. Hindi niyo kasi sinabi sa 'kin e."
"Nasa labas lang ako kanina, nagbabantay sa 'yo."
Bumuntonghininga ako. "You don't have to do that, I can take care of myself. Go home."
Tutuloy na dapat ako sa pagpasok sa bahay, pero bigla niya akong hinila at niyakap nang mahigpit.
"Corrine..."
I didn't hug him back, kaya mas hinigpitan niya ang pagkakayakap niya.
"Sorry," sabi niya. "Nalulungkot ako na ganito ka sa 'kin."
Hindi pa rin ako sumagot. Para lang akong tuod na nandito sa ilalim ng mga braso niya.
"Corrine." Hinalikan na niya ako sa gilid ng ulo. "Sana maintindihan mo kung bakit ko ginawa 'yon. Gusto ka lang naming protektahan."
Napapikit na ako at muling bumuntonghininga. "I understand now. Hindi na ako galit. Pagod lang ako at gusto ko nang magpahinga."
Kumalas na ako mula sa pagkakayakap niya at tumalikod. "Go home. It's late."
"Hindi ako aalis hangga't hindi tayo nakakapagusap nang maayos."
"Hindi ko kayang makipag-usap nang maayos. Sana naiintindihan mo rin ako."
Tumapat ulit siya sa 'kin. He was looking straight into my eyes but I couldn't look at him. "Sorry. Alam kong darating 'tong araw na 'to na magagalit ka kapag nalaman mo na lahat, pero wala rin akong magawa. Kailangan ko ring protektahan ang sikreto ng tatay mo."
"'Di ba sinabi ko na ngang hindi na ako galit?" Tinitigan ko na siya. "I'm tired, Lukas. Could you just please let me rest?"
Napabagsak siya ng mga balikat. "Gusto mo bang bumalik na lang ako bukas? O sa 'kin ka na lang muna ulit matulog ngayon, para mabantayan kita."
"Hindi mo 'ko kailangang bantayan. I'm safe here at my father's house."
"Ngayon kita mas dapat bantayan. Hindi natin alam kung anong kayang gawin ng mga kalaban ng tatay mo."
"I can take care of myself."
Bigla niya akong hinawakan. "Sa bahay ka na matulog. Mag-aalala ako sa 'yo kapag iniwanan kita rito."
"Stop it. I know you're worried, pero please lang, ayaw na muna kitang makita."
Hinang-hina niyang binitiwan ang kamay ko.
Napapikit naman ako nang mariin. "I'm not mad," inunahan ko na agad siya. "I just want to breathe, para makapag-isip ako kung paano ko matutulungan si Daddy."
"Ayaw mo ba 'kong kasama sa pagtulong sa kanya? Wag mong solohin 'tong problema, Corrine. Nandito ako. Hindi ko kayo pababayaan."
Hindi na ako sumagot.
"Tutulungan ko si Mayor sa kaso niya," dagdag niya pa. "Pero kailangan din kita sa tabi ko."
Hindi pa rin ako sumagot.
Mukha namang naintindihan na niya na wala talaga ako sa mood makipag-talo at mag-explain ngayon.
Napabuntonghininga na lang siya. "Kailan na lang ulit tayo magkikita?"
"Hindi ko alam. After a few months, maybe."
"Paano ang kasal?"
Napangiti ako nang mapait. "Let's call off the wedding for now."
Siya naman ang hindi na sumagot.
I looked at him. Titig na titig ang malungkot niyang mga mata sa 'kin.
"I'm sorry," sabi ko na lang. "I'm sure you understand why I'm doing this. Hindi ko na kayang magpakasal nang ganito ang lagay ni Daddy."
Hindi pa rin siya sumagot. Bigla na lang siyang yumuko at nanghina.
Bumuntonghininga naman ulit ako. "Ingat ka sa pag-uwi." 'Yon na lang ang nasabi ko, tapos tumuloy na sa pag-pasok sa bahay.
Pasimple ko pa siyang nilingon. Parang wala na siya sa sarili kasi nakayuko pa rin siya at hindi na umalis sa kinatatayuan niya.
Honestly, hindi naman na talaga ako galit, pero hindi ko rin alam kung bakit ko siya inaaway. Siguro sobrang bigat lang talaga ng mga nangyayari kaya masyado akong naging sensitive at emotional.
• • •
LUMIPAS ANG ILANG araw na hindi talaga kami nag-usap o nagkita ni Lukas.
'Yon din yata ang dahilan kung bakit ilang araw na ring masama ang pakiramdam ko.
Dapat nga dadalawin ko si Daddy ngayon, pero kaninang umaga pagkagising ko, ewan ko pero hilong-hilo ako at nanghihina. Sa puyat siguro. I haven't been able to sleep well the past few days.
Ngayon tuloy, nakakulong lang ako rito sa kwarto ko at nakahiga sa kama. Parang sa tuwing babangon ako, bigla akong nahihilo.
Okay na rin naman. Ang hirap din kasing lumabas ng bahay ngayon. Feeling ko pati ako may kasalanan dahil sa kung paano ako tingnan ng mga tao rito.
They're so judgemental. Kung magbulungan at mag-tsismisan sila, para bang walang nagawang maganda si Daddy dito sa lugar namin. Isang pagkakamali lang pero nakalimutan na agad nila lahat ng mga ginawa ng Daddy ko para sa Almeria. Lalo tuloy akong nalulungkot e.
Hindi na nga ako makanood ng TV kasi lahat na lang ng news, puro tungkol sa tatay ko. Pati sa social media. I saw my ex-best friends talking about me and spreading hate. Tsk, ewan ko ba kung ba't hindi ko pa in-unfriend 'yong mga 'yon.
Porket nakahanap sila ng baho sa pamilya namin, tinake advantage na nila. Hindi na nga lang din tuloy ako nagbubukas ng cellphone para wala na akong mabasa. Kaya mas lalo tuloy kaming nawalan ng communication ni Lukas.
"Ms. Corrine?"
Nabalik ako sa sarili nang bigla akong katukin ng isang maid.
Sinabihan ko na lang siya na tumuloy kasi wala akong lakas na bumangon.
"Ms. Corrine." Sumilip siya sa pintuan. "May bisita ho kayo, gusto raw kayong makita."
"Who?"
"Jenny raw ho."
Napahinga ako nang malalim. "Okay, let her in."
Mayamaya pa, pumasok na rin si Jenny rito sa kwarto ko.
"Hello, Corrine," bati niya agad.
I just smiled a bit.
To be honest, ayoko pa rin talagang makipag-usap, lalo na ngayong ang sama ng pakiramdam ko. Pero medyo may guilt feeling ako kay Jenny kasi iniwanan ko siya last time at nahihiya ako sa kanya.
"Kumusta ka na?" tanong niya sa 'kin sabay dumiretso papunta sa coffee table. "Sabi ng isa niyong maid, masama raw ang pakiramdam mo?"
Tumango lang ako.
Ngumiti siya nang mapait. "Dinalhan kita ng binake kong cupcakes. Kain tayo habang binabantayan kita."
"I'm fine, hindi mo na ako kailangang bantayan."
"Okay lang, wala rin naman akong gagawin sa bahay e." Binuksan na niya ang dala niyang box ng cupcakes.
"Inutusan ka ba ni Lukas para puntahan ako?"
Natigilan siya sa ginagawa niya at kinunutan ako ng noo. "Hindi. Bakit niya naman ako uutusan?"
I just looked away. Mukhang hindi niya pa alam ang nangyari sa 'min ng kuya niya.
Ilang saglit pa ay lumapit na siya sa 'kin na may dalang cupcake. Inalalayan niya ako para sumandal sa headboard.
"Anong nararamdaman mo?" tanong niya sabay binigay na ang cupcake sa 'kin na tinanggap ko naman.
"I just feel dizzy," I said. "Wala pa kasi akong maayos na tulog."
Umupo siya sa gilid ng kama. "Alam na ba 'to ng kuya ko?"
Hindi ako sumagot.
"Gusto mo papuntahin din natin siya rito ngayon? Kaso hindi ko na naman ma-contact si kuya lately. Kanina, sinubukan ko ulit siyang tawagan bago ako pumunta rito, pero hindi siya sumasagot. Akala ko nga nandito lang din siya sa 'yo e."
Hindi pa rin ako nagsalita.
She then held my hand. "Corrine, alam ko ang nangyari sa Daddy mo."
"Of course you do. It's all over the news."
"Naiintindihan ko ang pinagdaraanan mo ngayon, pero wag ka sanang magpabaya ng sarili. Tingnan mo, hindi na maganda ang pakiramdam mo."
"You can't blame me. He's the only parent I have left. Natatakot ako sa pwedeng mangyari sa kanya."
"Ano na bang balita sa kaso? Totoo ba talaga na kasali ang daddy mo ro'n?"
"He's innocent," depensa ko agad. "Hinahanap na ngayon ang leader ng sindikato at iba pang mga kasali sa operations. I'm just so anxious and scared. Sinabi sa 'kin ni Daddy na malakas ang mga kalaban niya at kayang-kaya nilang baliktarin lahat. Paano kung baliktarin nga talaga nila ang kwento?"
"Ikaw na ang nagsabing inosente ang Daddy mo, 'di ba? Sigurado akong lalabas at lalabas ang katotohanan."
I shut my eyes tight. "I'm praying for that to happen. Dad and his lawyer are doing everything possible to clear his name."
"Wag ka nang matakot. Magiging maayos din ang lahat. Nandito lang naman kami ng kuya ko e. Ano palang ginagawa niya para matulungan ang daddy mo?"
Bigla akong natigilan. Hindi ako nakasagot.
"I'm sure hindi rin pababayaan ni kuya ang daddy mo," dagdag niya pa. "Loyal 'yon sa mga taong nakapaligid sa kanya e."
Napabuntonghininga na lang ako. "Jenny...I haven't seen or talked to Lukas since the day my father got arrested. And I don't think he would still help us."
"Bakit?"
Hindi na naman ako nakasagot.
"May problema ba kayo ni kuya?"
I managed to look at her. "I canceled our wedding."
Napabagsak agad siya ng mga balikat at namutla ang mukha niya.
Napayuko na lang ulit ako. "I'm sorry. Sumama ang loob ko kay Lukas kasi all this time, alam niya pala ang problema ng Daddy ko pero hindi niya man lang sinabi sa 'kin. Noong gabi bago kami naghiwalay, sinabi kong wag na muna naming ituloy ang kasal. Hindi dahil galit pa ako sa kanya pero dahil wala na roon ang focus ko. I want to help and take care of my father."
Hindi na siya nagsalita.
"I'm sorry," sabi ko na lang. "Ang gulo na talaga ng utak ko ngayon. Kahit ako, hindi ko na maintindihan ang eksakto kong nararamdaman. Inaaway ko pa si Lukas, kahit na hindi naman dapat."
"Naiintindihan ko," bigla niyang sagot. "Nakakalungkot lang, pero naiintindihan ko. At alam kong naiintindihan din 'yon ni kuya."
"Nung nakausap ko pa si Daddy, sinabi niya sa 'kin na sumama na lang ako kay Lukas sa pagbalik sa New York, na ituloy pa rin namin ang kasal. He trusts Lukas so much, pero hindi ko naman siya kayang inwanan dito. Ang unfair kung magpapakasaya ako habang ganito ang lagay niya."
"Alam ko naman," muli niyang sagot. "Hindi ka na dapat mag-explain. Mas kailangan ka naman talaga ng Daddy mo ngayon." Napahinga siya nang malalim pagkatapos. "Kaya pala hindi ko ma-contact si kuya. May problema pala kasi kayo."
Hindi na ulit ako sumagot.
Ilang saglit lang naman ay bigla siyang lumapit sa 'kin para yakapin ako. It felt good somehow.
"Magiging maayos din 'to, Corrine," she even said. "At kapag natapos na 'tong problema mo, sana maging maayos din kayo ni kuya. Mahal na mahal ka no'n e."
Napangiti na lang ako nang mapait.
Mayamaya pa, natigilan na lang kami ng biglang pumasok ang isang tauhan ni Daddy rito sa kwarto. He was in panic. "Ms. Corrine! May balita na ulit kay Mayor."
Bigla akong nabuhayan ng dugo!
Agad akong bumangon mula sa kama. Nahilo na naman tuloy ako at para akong babagsak, buti na lang inalalayan ako ni Jenny.
Hindi niya ako pinabayaan hanggang sa tuluyan na akong makatayo at makatapat sa kabubukas lang na TV dito sa kwarto ko.
Balita agad tungkol kay Dad ang bumungad sa 'min. Mukhang may nahuli na ulit na miyembro ng sindikato at ito ang ini-interview ngayon.
I was trembling while watching. Nanunuyo na rin ang mga labi ko at parang hindi ako makahinga nang maayos kasi natatakot ako sa pwede nitong sabihin. Why do I feel like hindi kakampihan ng taong 'to ang Daddy ko?
And I was right! Nang-baliktad ang taong iniinterview at sinabi nitong si Daddy ang isa sa mga leaders ng sindikato at dahilan kung bakit nakapag-operate sila ng matagal nang hindi nahuhuli!
Bumigay ang mga tuhod ko nang marinig ang statement at tuluyan na lang akong napaluhod sa sahig.
"CORRINE!" Agad akong tinulungan ni Jenny at ng mga tauhan ni Dad, pero hindi na ako makagalaw.
My mind went blank. Naririnig ko ang mga tawag nila, pero hindi ko na sila nakikita. Hilong-hilo ako at wala sa sarili, hanggang sa hindi ko na nakayanan at tuluyan nang dumilim ang paligid ko.
• • •
I WOKE UP in a hospital bed.
I still feel exhausted and dizzy. Hindi ko masyadong maalala kung anong nangyari sa 'kin at kung paano ako napunta rito sa ospital.
"Corrine?"
Napatingin agad ako sa tumawag sa 'kin. Si Jenny pala. She's still at my side.
"Mabuti naman at nagising ka na," she added.
Hinilot ko saglit ang ulo ko kasi medyo nahihilo pa talaga ako sa biglaang paggising.
"What happened?" tanong ko sa kanya.
"Nahimatay ka pagkatapos mapanood yung balita tungkol sa daddy mo. Sinugod ka agad namin dito ospital kasi hindi ka talaga nagkakamalay."
Napapikit ako nang mariin sabay sandal ulit ng ulo ko sa kama. Ngayon pa talaga 'to nangyari. Paano ko mapupuntahan si Dad, e sobrang nanghihina ako.
Ilang saglit pa, pumasok na ang doktor dito sa loob.
Nagulat nga ako kasi kilala ko siya. It's Dra. Ruiz, Daddy's long-time friend.
"Hello, Corrine. How are you feeling?"
Yumuko lang ako at hindi sumagot. Nahihiya kasi ako sa kanya lalo pa't kilala niya ako. Baka mamaya bigla niya ring kumustahin o makibalita siya sa kaso ni Daddy. E wala pa ako sa sarili ngayon.
May mga tinanong pa siya tungkol sa nararamdaman ko, pero buti na lang nandito si Jenny para sumagot.
"Corrine?" muling tawag sa 'kin ni Dra. Ruiz. Ang ganda pa ng ngiti niya. "Where's your fiancé?"
Napakunot ako ng noo. "Fiancé?"
Nilipat ko agad ang tingin ko kay Jenny kasi nagtataka ako. Hindi ko nga alam kung bakit nakangiti pa siya, e alam niya namang hindi na ako ikakasal.
Binalik ko ang tingin ko kay Dra. Ruiz. "Why, what's happening?"
Lumapad ang ngiti niya. "Congratulations. You're pregnant."
TO BE CONTINUED
Thank you so much for reading this chapter! Feel free to share your thoughts or feedback on social media and please use the hashtag #TSBS2LukasZamora so I can see your posts! 🖤
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top