Chapter 36
"CORRINE, HINDI KO pa rin talaga ma-contact si Kuya."
Shit! Lalo akong hindi napakali rito sa taxi habang papunta kami ni Jenny sa opisina ng Daddy ko.
Kanina pa ako nanginginig sa sobrang takot. Wala na akong balita kay Dad kung ano ng nangyari sa kanya, at hindi pa namin matawagan si Lukas. Naiiyak na nga ako, pero pilit lang akong pinakakalma ni Jenny dahil baka kung ano pa raw ang mangyari sa 'kin.
Nang makarating na kami malapit sa city hall, lalong tumindi ang takot ko kasi ang daming tao sa labas! Totoo ngang may mga pulis at pinagpe-pyestahan na ng media ang tatay ko.
I couldn't wait any longer. Bago pa tuluyang makahinto itong taxi, binuksan ko na agad ang pinto at walang-takot na bumaba.
"CORRINE!" Nag-aalalang sigaw pa ni Jenny dahil sa ginawa ko, pero hindi ko na siya pinansin.
Ang sama ko para iwanan siya, but I have no time left. I need to see my father.
Wala ako sa sarili. Ang lamig na ng pawis ko at halos hindi na ako makahinga habang tumatakbo papunta sa pinagkukumpulan ng mga tao.
"Ms. Corrine!" Bigla na lang may humarang sa 'kin na isang babae.
Hindi ko pa nga dapat siya papansinin kasi tarantang-taranta na ako, pero hinawakan niya ako sa magkabilang balikat. "Ms. Corrine!"
I looked at her with my blurred vision. Siya pala ang secretary ni Daddy na tumawag sa 'kin!
Doon lang ako bahagyang nahimasmasan at hinawakan agad ang mga kamay niya. "W-where's Dad?"
"Hinuli na ho siya, pero hindi pa sila nakakaalis."
"What happened? Bakit siya hinuli!"
"Miyembro raw ng sindikato si Mayor. Firearms smuggling."
Napaatras ako at halos bumigay ang mga tuhod dahil sa panghihina. "W-what? No. My father won't do that."
"Pero hawak na ho siya ng mga pulis."
"No!" Tinulak ko siya sabay muli nang tumakbo para mapuntahan na si Daddy.
This can't be, this isn't real! Kilalalang-kilala ko ang Daddy ko at imposibleng gagawin niya ang bagay na 'yon!
Sumiksik ako sa gitna ng mga nagkukumpulang mga tao hanggang sa makita ko si Daddy. Naka-posas siya at napapaligiran ng mga pulis.
"DADDY!"
He looked at me right away. Akala ko magagawa niya pa akong lapitan o kausapin kahit saglit, pero hindi. Nginitian niya lang ako, tapos kusa na siyang sumakay sa kotse ng mga pulis.
My tears poured out. Gusto ko siyang sundan, pero hindi ko na nagawa kasi napansin na ako ng mga media at bigla na silang nagsilapitan sa 'kin.
They kept taking pictures of me and asking me questions I couldn't understand. Lalo na akong napaiyak sa takot, mabuti na lang may biglang humila sa 'kin.
Pagtingin ko, si Lukas!
Mabilis ko siyang niyakap, pero alalang-alala siya na pinagkakaguluhan ako, kaya imbis na yakapin ako pabalik, hinila niya lang ako palayo at dinala sa loob ng hall na hindi abot ng mga media.
I hugged him again, and he finally hugged me back.
I was a mess; my entire body was shaking while my tears kept flooding my sight.
"Nasaktan ka ba?" tanong niya agad. "Baka hindi ka na tantanan ng mga reporter ngayong nandito ka na rin."
Hindi ko siya nasagot kasi ako nga 'tong mas nag-aalala na baka nadamay siya sa nangyari.
I pulled away from our hug. "Ikaw ang dapat kong tinatanong. Are you okay? May ginawa rin ba sa 'yo ang mga pulis?"
"Wala. Ayos lang ako."
"Thank goodness. Jenny and I kept calling you, hindi ka sumasagot. What happened? Kayong dalawa ang magkasama ni Daddy."
"Hindi ko alam, nabigla na lang din ako. Naka-abang na dito ang mga pulis pagkarating namin."
"Oh my god..." Napahilamos na ako ng mga palad sa mukha ko kasi hindi ko na alam kung anong mararamdaman. Tapos hinawakan ko ang kamay niya. "Lukas, let's go. Tulungan natin si Daddy!"
"Dito ka na lang. Pagkakaguluhan ka lang ulit ng mga tao sa labas."
"No! I just can't stay here. Halika ka na, sundan natin si Daddy!" Hinila ko siya, pero hindi niya ako hinayaan at pinilit niya pa rin akong manatili rito.
"Wala ka ng magagawa ro'n," sabi niya pa. "Mabigat ang kaso ng tatay mo."
My shoulders immediately dropped, and I looked at him in disbelief.
Hindi naman na siya nagsalita.
Umigting na ang panga ko at tinalasan siya ng tingin. "You knew about this all along, didn't you?"
He looked away.
"Answer me. Alam mo 'to, 'di ba? This gun smuggling issue?"
Gulat siyang napabalik ng tingin sa 'kin dahil alam ko na ang totoo.
"Sinabi na sa 'kin kanina ng secretary ni Daddy. Why didn't you tell me about this? Palagi mong sinasabi sa 'kin na wala kang alam, pero alam mo naman talaga!"
Hindi pa rin naman siya sumagot.
"Lukas!" Hinampas ko na siya sa dibdib. "Ito ba ang matagal ng inaasikaso ni Daddy? Ito ba ang dahilan kung bakit kinailangan niya akong patirahin sa malayo? Kung bakit kailangan mo akong bantayan? Sumagot ka!"
Bumuntonghininga siya sabay tumango.
My knees went weak and my heart felt like it was pierced. "Bakit? Ilang beses kitang tinanong noon kung anong problema ng Daddy ko, pero hindi mo sinabi. Kahit na noong kinailangan nating maghiwalay, hindi ka pa rin umamin. Mas pinili mo pang ilayo ako sa 'yo kaysa ipaintindi sa 'kin kung anong nangyayari."
"Wala ako sa posisyon para sabihin sa 'yo lahat."
"Kahit na mahal mo ako? Kahit na ang dami ng nangyari sa 'tin at ikakasal na tayong dalawa, wala ka pa rin sa posisyon?"
Hindi na naman siya nakasagot.
"Tinanong pa kita kaninang umaga, 'di ba?" dagdag ko. "Kung hindi pa nahuli ng mga pulis si Daddy, hindi ko pa malalaman lahat. And now it's too late! Didn't you think I had the right to know because I'm his only daughter?"
"Pinagbawalan niya akong sabihin sa 'yo, at nangako akong susundin siya."
"Wow! E nakanino ba talaga ang loyalty mo? Sa akin o sa tatay ko?"
"Tama na." Hinawakan na niya ang mga kamay ko para pakalmahin ako. "Wala ka ring magagawa kahit na sabihin ko sa 'yo lahat."
"At paano mo naman nasabi 'yan?" Inis kong binawi ang mga kamay ko mula sa kanya. "Dahil ba puro kaartehan at pagpapaganda lang ang alam ko? Sa tingin mo hindi ko kayang lumaban para kay Daddy?"
"Wala akong sinabing gano'n."
"Stop it! Ang problema kasi sa 'yo, dinadaan mo lahat sa pagiging tahimik. Hindi ka nagsasalita kahit na alam mong importante sa 'kin 'yon; even though it involves the only parent I have left. Kung ganyan ka lang din, ayaw na kitang pakasalan!"
Bumakas ang takot sa mga mata niya dahil sa sinabi ko. But I don't care! Wala akong balak na bawiin 'yon.
Tinulak ko siya palayo at umalis na agad ako para sundan si Daddy.
Ito na ang huling pagkakataon na gagawin nila akong ignorante. I will talk to my father and find out everything!
***
GINAWA KO ANG lahat para mapuntahan si Daddy at payagan ako na makausap siya.
Takot na takot ako kasi mag-isa lang ako. Tapos kanina, dinumog na naman ako ng mga reporters. Pasalamat na lang ako na pinrotektahan ako ng ilang mga tauhan ni Dad at ng mga pulis, pero hindi pa rin talaga ako mapakali lalo na't hindi ko pa nakikita ang Daddy ko.
Ilang saglit lang, dumating na rin si Daddy na may kasamang mga pulis.
Napatayo agad ako rito sa upuan at napaiyak. He looked so stressed. Kung bantayan pa siya ng mga pulis, para namang tatakas siya.
"Daddy..." My voice cracked when I called him.
Alam kong malungkot at problemado siya, pero pinilit niya pa ring ngitian ako na para bang wala siyang pinagdaraanan.
"Hello, sweetheart," mahinahon na sabi niya pa bago umupo sa tapat ko. "Hindi mo na dapat ako pinuntahan, mainit ang mata ng mga tao sa 'tin. Is Lukas with you?"
Hindi ko sinagot ang tanong niya. I just caressed his cheek while holding my tears back. "It's not true, right, Dad? Hindi totoo ang sinasabi nila tungkol sa 'yo."
He looked away from me and I saw the guilt on his face.
Napabagsak na lang ako ng mga balikat. "Daddy."
"I'm sorry, anak, I made a mistake. Kung pwede ko lang sanang ibalik ang panahon para hindi na umabot sa ganito, gagawin ko."
Hindi ko na napigilan, muli na naman akong napaiyak. I covered my face and tried to control my sobs because I didn't want him to see how much pain I was in.
"Why did you do that?" tanging natanong ko na lang. "I never thought you would do something like that despite the power you have. Anong nangyari sa 'yo, Dad?"
Napahinga siya nang malalim. Ramdam kong naiiyak din siya pero pinipilit niyang magmukhang malakas sa harapan ko.
"Naligaw ako ng landas simula nung nawala ang Mommy mo," he admitted. "Hindi ko kinaya, kaya noong inalok ako ng malapit kong kaibigan na sumali sa sindikato, ang bilis kong pumayag."
"Hindi mo man lang ako naisip? Na may anak ka pa?"
He shut his eyes tight. "I did. Kaya nga hindi rin ako nagtagal. Tumiwalag agad ako kasi na-konsensya ako at natakot na madamay ka, pero ayaw na nila akong paalisin dahil marami na raw akong nalalaman."
"Oh my god..." Napatakip ako ng mukha ko dahil muli na naman akong napaiyak.
"I'm sorry, Corrine. But believe me, matagal na akong tumiwalag. Sila lang 'tong ayaw akong pakawalan at pinipilit pa rin akong idamay sa mga operasyon nila."
Muli siyang huminga nang malalim. "Everything went fine three years ago. Akala ko malaya na ako sa gulong pinasok ko, pero bigla na naman nila akong sinangkot sa mga operasyon nila. Inipit nila ako at pinagbantaan na kapag lumaban ako o nagsalita, ikaw ang mapapahamak."
"K-kaya mo ako pinalayo?"
Tumango siya. "Natakot ako. Ayokong madamay ka, anak. Kaya kahit na mahirap, kailangan kitang palayuin hangga't hindi ko naaayos ang problema."
Napapikit ako nang mariin para pigilan ang mga luha ko. I understand now. Kaya pala palagi nilang sinasabi na delikado ang buhay ko. Bakit naman kasi hindi nila inamin sa 'kin ang totoong dahilan.
"At ngayon lalo pang gumulo lahat," he continued. "Nahuli ang ilang myembro ng sindikato at isa ako sa mga tinuro nila kahit na alam nilang matagal na akong hindi kasali sa mga operasyon."
"Then tell them the truth. Tell them you're innocent, na naipit ka lang."
"That's my plan. I have a good lawyer. Pero hindi ko alam kung mananalo kami. Malakas sila, Corrine. Kayang-kaya nilang baliktarin lahat."
Lalo akong nanghina. "So what will happen now? What will happen to you?"
"I don't know yet. Pero hindi ko 'to pwedeng takbuhan. I have to face the consequences."
"Kung tuluyan kang makukulong, paano na ako? Mag-isa na lang ako, Daddy."
Tiningnan niya ako nang seryoso. "Stay with Lukas for now. He knows everything. Pinoprotektahan niya rin ako kahit pa posibleng madamay siya."
I looked away. Hindi ko siya sinagot kasi hindi ko alam kung paano sasabihin na masama ang loob ko kay Lukas.
"Corrine, listen to me," patuloy niya. "Go with him. Malaki ang tiwala ko kay Lukas. I know he can protect you more than I can. Kung sakali ring bumalik siya sa New York, sumama ka sa kanya. Ituloy niyo ang kasal."
Agad akong napatuwid ng likod. "No. No, dad. I won't leave you here like this."
"Please, listen. Mas ligtas ka ro'n. Hindi ka guguluhin ng media at walang magtatangka sa buhay mo."
"Ayoko, Daddy. I'll stay here with you as you fight for your innocence."
"Sige na. Lumayo muna kayo ni Lukas habang hindi ko pa nalilinis ang pangalan ko."
Napapikit na lang ako nang mariin. Nasasaktan ako kasi hindi ko alam kung paano ko tutulungan si Daddy.
Hindi ko siya kayang iwanan. Ayokong gawin 'yon kasi hindi ko alam kung anong pwedeng mangyari sa kanya habang malayo ako.
***
UMUWI AKO NG bahay na balisang-balisa.
Gabi na pero hindi pa rin ako tumitigil sa kaiiyak. Ang sama na nga ng pakiramdam ko. Ang hirap pa rin kasing paniwalaan na nangyayari 'to kay Daddy. Tapos gusto niya pa akong paalisin.
Takot na takot ako ngayon pa lang. Si Daddy na ang nagsabi na malakas ang kalaban niya, kaya nanghihina ako sa tuwing naiisip ko na paano kung hindi siya manalo sa kaso at tuluyan siyang makulong.
Bumaba na ako ng sasakyan. Napansin ko agad ang isang pamilyar na kotse na pumarada rin kasunod namin.
Si Lukas. Akala ko wala na siya, pero mukhang kanina niya pa yata ako sinusundan.
Mabilis siyang bumaba mula sa kotse niya para puntahan ako.
I just stood still here. Ewan ko pero hindi ko siya magawang tingnan. I feel very emotional right now. Ang daming nangyari at ang bigat-bigat ng pakiramdam ko to the point na ayokong makipag-usap sa kahit na sino, kahit na sa kanya pa.
TO BE CONTINUED
Thank you so much for reading this chapter! Feel free to share your thoughts or feedback on social media and please use the hashtag #TSBS2LukasZamora so I can see your posts! 🖤
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top