Chapter 34

I TOOK A quick shower para mahimasmasan ako kahit na papaano. Tapos, hinanda ko na ang towel at basin na may tubig para si Lukas naman ang malinisan ko.

Humila ako ng silya at pumwesto sa tabi ng couch.

Tulog na tulog siya at para pang nananaginip. Napangiti na lang ako. He looks calm and innocent when he's sleeping.

Inumpisahan ko na siyang punasan gamit ang basang bimpo. Inuna ko ang dibdib niya.

Ang init ni Lukas kaya nawawala rin kaagad ang lamig nitong bimpo. Pero natutuwa ako sa ginagawa ko. Sanay kasi ako na ako palagi ang inaalagaan niya. Now I got the chance to take care of him.

Kasulukuyan kong pinupunasan ang braso niya nang maramdaman ko siyang gumalaw.

"Corrine..."

"Hmm?" Tuloy-tuloy lang ako sa pagpupunas.

"Gusto ko ng maraming anak."

Bigla akong napatigil sa ginagawa ko. "Ha?"

Nakapungay ang mga mata niya sa 'kin. "Gusto ko, marami tayong anak. Mga walo."

I chuckled. "Nananaginip ka ba? Why are you saying that all of a sudden?"

"Gano'n nga ang gusto ko."

"Okay," natatawa pa rin ako kasi hindi ko alam kung bakit bigla niyang nasabi 'yon. Siguro nga nanaginip siya. "But eight kids are a lot," pagsakay ko na lang din. "Hindi natin kaya 'yon."

"Kaya ko 'yon."

I giggled and then brushed his hair with my fingers. "You're so cute when you're drunk. Kung anu-anong sinasabi mo. Matulog ka na lang ulit diyan."

"Hindi ako inaantok."

"Anong hindi? E bagsak na bagsak nga ang katawan mo at hindi ka pa makadilat nang maayos."

"Nakakadilat ako." Tapos bigla niya na lang nilakihan ang pagkakadilat ng mga mata niya.

Natawa ako kasi hindi ko 'yon inexpect. Hindi naman siya normally nagpapatawa ng gano'n.

"You're acting a little weird," I told him. "Ganito ka ba talaga kapag lasing ka?"

"Hindi ako lasing."

"Okay. Sige na nga lang." Piniga ko na ulit ang bimpo at muli siyang pinunasan.

Pinanood niya naman ako. "Ano bang ginagawa mo sa 'kin?"

"I'm cleaning you. Ang lagkit kasi ng katawan mo at amoy alak pa."

"Ayoko niyan. Tabihan mo na lang ako rito." Bigla niya akong hinila.

Buti na lang nabawi ko agad ang kamay ko. "No. I need to finish this."

"Ayoko niyang punas-punas." Inaalis niya pa 'tong bimpo sa balat niya.

Natawa na naman ako. "Alam mo, ang ingay mo. Hindi ako sanay. Can you just go back to sleep, please?"

"Galit ka na?"

"Hindi ako galit. Gusto ko lang na makapagpahinga ka kasi napagod ka."

"Gusto nga kitang yakapin e."

"We'll cuddle later. Just let me finish this, hmm?"

Hindi na ulit siya nagsalita. Pinanonood niya na lang ako habang pinupunasan ko ang mga kamay niya, tapos ang tiyan niya.

Ang cute niya nga. Para siyang bata na nacu-curious sa ginagawa ko.

Nawala na ang lamig ng tubig sa basin kaya papalitan ko muna.

"Wait lang, ah," paalam ko kay Lukas. "Kukuha lang ako ng bagong tubig."

Pero saktong pagtayo ko mula sa silya, bigla niya akong hinawakan sa damit at hinila para tumabi sa kanya.

Nabitiwan ko tuloy ang basin at natapon ang tubig sa sahig. "Lukas!"

Nilingkis niya agad ako ng yakap at siniksik pa ang mukha niya sa batok ko. "Saan ka pupunta?"

"Natapon 'yong tubig! Wait lang, pupunasan ko."

Tatayo dapat ako, pero mas lalo niyang hinigpitan ang yakap niya para hindi ako makaalis. "Dito ka lang."

Oh my god, hindi ko alam kung matutuwa ako sa pagiging clingy niya or what.

Pinilit ko na lang na tumihaya ng higa. I couldn't move properly because he's squeezing me so tight. Kulang lang na lang madurog na ang mga buto ko sa higpit ng lingkis niya.

"I'm not going anywhere," I told him. "Papalitan ko lang dapat ng tubig 'yung basin kasi pupunasan ko pa ang katawan mo."

"Ayoko na nga no'n."

"Ang tigas naman ng ulo e. Ayaw mo bang ma-refresh ang pakiramdam mo?"

Hindi na siya sumagot. Mas siniksik niya lang ang mukha niya sa leeg ko.

I had no choice but to relax. Ang bigat ng yakap niya sa 'kin kaya hindi rin naman ako makakaalis.

I just started brushing his hair gently. "Bakit ba sobrang clingy mo ngayon?"

"Nami-miss kita."

"But I'm already here."

"Ang tagal mong nawala sa 'kin. Akala ko nabuntis kita at magkaka-anak na tayo, pero hindi pala."

I laughed a little. "That's what I thought, too."

"Hindi ako titigil hangga't hindi 'to nagkakalaman." Hinawakan niya pa ang tiyan ko. "Kailangan maka-walo tayong anak."

"Seryoso ka ba talaga diyan sa walo mo? Kaya naman pala pinauwi mo na ang kapatid mo kanina, kasi balak mo palang maka-walong anak."

"Sagabal lang sa 'tin si Jenny kaya pinauwi ko na."

Natawa ako! "Hey! That's your sister."

Natawa rin naman siya sabay tumingala sa 'kin. He's smiling from ear to ear. Ang cute niya, ngayon ko lang siya nakitang ngumiti nang ganito. He looks so happy kahit na ang pungay pa rin ng mga mata niya dahil sa kalasingan.

I just pinched his nose. "Ikaw, kung anu-ano ng lumalabas diyan sa bibig mo. Hindi ako sanay."

"Kapag nagka-anak na tayo, gusto ko puro babae," dagdag niya pa talaga. "Tapos katulad mo."

"Katulad kong maarte?"

Tumango naman siya. "Aalagaan ko kayong lahat."

I smiled sweetly, then brushed his hair up. "I know you'll do that. You're the most caring man I've ever known."

Bigla na ulit siyang humiga sa 'kin. But this time, sinubsob na niya ang mukha niya sa boobs ko at ginawang parang unan. "Ang lambot-lambot talaga ng dibdib mo. Akin lang 'to, ah?"

"Lukas!" Bumungisngis ako habang pilit siyang tinutulak paalis. "Ang kulit mo na masyado."

Pero hindi naman siya nagpapigil. Talagang gusto niyang umunan sa boobs ko.

"Ito ang una kong napansin sa 'yo dati," pag-amin niya pa talaga.

I was shocked! "OMG, ang bastos mo?"

Natawa siya. "Ang saya ko nga nung binilhan kita ng mga bra dati. Gusto pa kitang bilhan ng maraming kulay, kaso baka sungitan mo na naman ako. Ba't ba ang sungit-sungit mo?"

I chuckled. "Sanay lang akong magsungit para hindi ako ma-bully. But seriously, attracted ka pala sa boobs ko? E bakit sinabi mo sa 'kin dati na hindi naman ito katingin-tingin."

"Kelan ko sinabi 'yon?"

"That one time when you suddenly entered my room, and I'm not wearing any bra."

"Umaarte lang ako no'n."

"Oh my god." Napasapo ako sa noo ko.

Ang saya pala kapag nalalasing siya kasi may nalalaman akong mga secrets. Hindi ko talaga na-imagine na attracted na pala siya sa 'kin umpisa pa lang.

Hinigpitan niya ang pagkakayakap niya. "Pero nagandahan din ako sa mukha mo nung una kitang nakita sa picture na binigay ni Mayor."

"Tsk, wag ka na ngang magsinungaling. Kasasabi mo lang na boobs ko ang una mong napansin e."

"Hindi. Nagandahan talaga ako sa 'yo kahit na binalaan na 'ko ng Tatay mo na may kakaiba kang ugali."

"Grabe naman si Daddy sa kakaibang ugali. But that's true. Maldita naman talaga ako."

"Pero isa rin 'yon sa nagustuhan ko sa 'yo. Kapag inaaway mo ako o nagkakasagutan tayo, lalo akong ginaganahan na makuha ka."

"Really? So you like the challenge?"

"Natutuwa ako kapag napapaamo kita. Kapag sumusunod ka sa 'kin. Hanggang sa hindi ko na namalayan na nababaliw na 'ko sa 'yo."

Napangiti ako nang malapad sabay yakap sa leeg niya. "Oh, Lukas. I like that you're saying all these things to me. Dapat pala palagi ka na lang lasing para nagiging makwento ka e."

Hindi na ulit siya sumagot, pero marahan niyang hinalikan ang itaas ng dibdib ko. He's so sweet.

"O sige na." Pilit ko na ulit siyang pinaalis sa ibabaw ko. "Kailangan ko nang punasan 'tong natapon na tubig. Tsaka magluluto ako ng noodles. Gusto mo rin bang kumain?"

Tumango siya, tapos pinakawalan na rin ako.

Mabuti naman. Tumuloy agad ako sa kusina para kumuha ng pamunas. Si Lukas kasi, imbis na hindi na sana ako maglilinis ng sahig, mapapalinis pa tuloy ako.

Matapos kong punasan ang natapong tubig, nag-umpisa na akong mag-prepare ng noodles.

Medyo nahihilo pa ako sa tama ng alak kaya nagke-crave ako sa sabaw. Sayang nga, gusto ko sanang lutuan ng masarap na pagkain si Lukas, pero ito pa lang ako kaya ng skills ko ngayon.

"Corrine..."

Nilingon ko si Lukas. Nakaupo na pala siya sa couch at nakahilig ang ulo sa sandalan. Hinang-hina pa rin talaga siya dahil sa kalasingan.

"Humiga ka na lang," sabi ko. "Pupunasan kita ulit. Wait lang, magpapakulo lang ako ng tubig."

"Halika ka na rito."

"Wait nga lang."

"Corrine..."

Tsk, ang kulit talaga nitong alaga ko.

Matagal pa naman 'tong pinapakulo kong tubig para sa noodles kaya binalikan ko muna siya dala ang palanggana.

Umupo ako sa tapat niya at inabot agad ang isa niyang kamay para punasan.

"Saan ka ba galing?" Tanong niya naman. "Iniwan mo ako."

I glanced at him. Nakapikit ang mga mata niya habang nagsasalita. Natatawa ako kasi wala pa rin siya sa sarili.

"Hindi kita iniwan," I replied. "Kita mong nasa kitchen lang ako."

"Mahal na mahal kita, Corrine."

Napangiti ako habang pinupunasan siya. "I love you too."

"Gusto kong magpasalamat kay Amanda, kasi kung hindi dahil sa kanya, hindi ako mapapadpad sa 'yo."

Bigla akong natigilan.

Tiningnan ko agad siya kasi nagtaka ako ba't may iba na naman siyang sinabi. "Amanda? Who's that?"

"Kapatid ni Isabela. Naaalala mo si Isabela?"

"Mm-hmm. Siya 'yong babaeng gustong-gusto mo dati."

"Sinabi na sa 'kin ng Tatay mo na si Amanda pala ang nagbigay ng impormasyon ko sa kanya. Ang tagal kong inisip kung paano nalaman ni Mayor ang tungkol sa 'kin. Dahil pala kay Amanda."

Napangiti ako nang mapait. "Say thank you to her then."

"Hindi na pwede. Wala na siya."

"What?"

"Gusto ko siyang pasalamatan, pero nalaman kong wala na pala siya. Nabaril siya."

Napabagsak ako ng mga balikat.

Nilublob ko na muna ulit itong bimpo sa basin, tapos kumandong ako sa kanya at yumakap para i-comfort siya.

Sa totoo lang, hindi ko alam kung bakit bigla niya 'tong sinasabi sa 'kin.

Pa-iba iba ang mga lumalabas sa bibig niya. Naisip ko na lang na ito siguro 'yong mga tumatakbo sa isip niya na hindi niya nailalabas kasi nga tahimik siyang tao. Kailangan niya pa ng alak para ma-express niya ang sarili niya.

Now I'm thinking, maybe this is what he meant when he said to me na hindi ko siya kilalang malasing?

I know he's going to be wilder when drunk. Given na 'yon. But to be this open, chatty, and clingy? 'Yon ang hindi ko inexpect.

Hinalikan ko siya sa noo. "Don't be sad. I'm sure alam niya namang thankful ka sa ginawa niya. I also want to thank her because she brought you to me."

Tiningnan niya ako. His eyes were still heavy. "Dalawin natin kung saan siya nakalibing. At dalawin din natin ang Mama ko."

I was speechless for a while and was just staring at him. Ito kasi ang unang beses na binanggit niya ang Mama niya.

Sinabi sa 'kin ni Jenny na ayaw na ayaw ni Lukas na pinag-uusapan ang tungkol sa Mama nito. But now he mentioned her.

"Your mom..." 'Yon na lang ang nasabi ko.

Muli siyang napapikit. "Wala na rin siya. Araw-araw ko siyang iniisip."

"Lukas..."

Hindi ko alam kung anong sasabihin o ire-react ko kasi baka may mabanggit ako at maging uncomfortable siya.

He looked at me again. "Heart attack," bigla niyang sinabi. "Inatake sa puso si Mama. Sinugod ko siya sa ospital, pero hindi siya umabot. Pakiramdam ko kasalanan ko kasi hindi ko agad napansin na nahihirapan na pala siyang huminga."

Nangilid ang luha sa mga mata ko. Ramdam ko ang sakit at bigat sa pagkakasabi niya. "Hey, don't blame yourself. Wala kang kasalanan."

Bigla siyang napayuko na para bang tinatago niya sa 'kin ang naluluha rin niyang mga mata.

"Sorry kung hindi ko sinabi sa 'yo ang tungkol do'n," dagdag niya pa. "Hindi ko kayang pag-usapan."

"It's okay." Hinaplos ko ang buhok niya para pakalmahin siya. "Naiintindihan ko."

And that's true. I completely understand him because I also lost my mother. Alam na alam ko kung gaano kahirap at naiintindihan ko kung ba't hanggang ngayon, nasasaktan pa rin siya.

Bigla niya na akong niyakap at sinubsob ang mukha niya sa dibdib ko. "Kung hindi ka siguro dumating sa buhay ko, baka hindi na ulit ako naging masaya."

My heart melt.

Niyakap ko na lang din siya at hinalikan sa ulo. "Don't worry now. You're my happy place too and I promise to be by your side until the end."

I felt his muscles relaxed. Hindi na ulit siya nagsalita pagkatapos.

Mukhang napagod na naman siya, kaya hindi na muna ako gumalaw at nanatili akong nakayakap.

Ilang saglit lang naman, kumulo na 'yong tubig na hinahanda ko para sa noodles.

Nagpaalam muna ako kay Lukas. I went back to the kitchen to prepare our noodles. Tapos binalikan ko siya para makakain na kami.

Sinusubuan ko siya. Gutom pala talaga siya kasi tinatanggap niya lahat ng sinusubo ko.

Nakakatuwa. I like this side of him—soft and vulnerable.

Inaamin kong hindi ako sanay na ganito siya kasi kilala ko siya na matapang at walang kahinaan. He's a big man, but right now, I feel like he's my baby.

###

MAGDAMAG KONG INALAGAAN si Lukas.

Pinilit ko pa siyang bumalik sa kwarto para makapagpahinga siya nang maayos. Kahit nga nakatulog na siya, ang clingy niya pa rin talaga. Nililingkis niya ako ng yakap at ayaw niya akong pagalawin. Hindi tuloy ako masyadong nakatulog.

Ang ending, 5AM pa lang, gising na ako.

Himala nga, nauna akong bumangon kay Lukas. Tulog na tulog pa siya nung iniwanan ko siya sa kwarto. Ginamit ko na lang ang chance na 'to para siya naman ang paghandaan ng almusal.

Saktong patapos na ako sa paghahanda ng pagkain nang bigla siyang lumabas ng kwarto.

"Good morning!" Masayang bati ko sa kanya.

Kaso mukhang wala siya sa mood. Nakakunot ang noo niya at ang sungit ng itsura niya.

I smiled to myself. Looks like the real Lukas is back.

Dumiretso siya rito sa kusina at humila ng isang silya para umupo. Tapos bigla niyang hinilot ang sentido niya.

"Hangover?" tanong ko naman. "Titimplahan kita ng coffee, just wait there." Tumalikod ako para magpainit ng tubig.

"Anong nangyari kagabi?" Tanong niya. "Sobrang sakit ng ulo ko."

"Ang dami mo kasing nainom tsaka napagod ka. Maraming nangyari kagabi."

"Anong nangyari?"

"Gumawa tayo ng baby kasi sabi mo, gusto mo ng walong anak."

Hindi siya nakasagot.

Sinilip ko siya. Nakatitig lang siya sa 'kin at takang-taka kasi mukhang hindi niya naaalalang sinabi niya 'yon.

I just chuckled. "Last night was memorable. Iki-kwento ko na lang lahat sa 'yo."

Pinuntahan ko na siya dala ang tinimpla kong kape.

Tinanggap niya naman agad sabay humigop. His face calmed down a bit and his shoulders relaxed.

"Feeling better?" Tanong ko.

Tumango siya, tapos pinaupo ako sa kandungan niya. "Sorry, hindi ako nagising nang maaga para paghandaan ka ng pagkain."

"Oo nga e. Natalo kita for the first time."

"Dapat ginising mo 'ko. Napagod ka tuloy."

"Hindi naman ako napagod. Tsaka tulog na tulog ka e. Ayokong masira ang pahinga mo."

He closed his eyes tight like he was guilty. "Wala akong masyadong maalala pagkatapos ng nangyari sa 'tin kagabi. Bumalik ba tayo agad sa kwarto para matulog?"

"You really don't remember? Hindi mo naaalala ang mga sinabi mo?"

"Anong mga sinabi ko?"

Napapigil ako ng ngiti. "Nevermind. Sa 'kin na lang ang mga 'yon."

"Corrine. Ano nga?"

"Wala. Sinabi mo lang naman na gusto mo, marami tayong anak at dapat babae lahat para katulad ko."

His brows furrowed. "Puro babae na anak? Ang sakit na nga ng ulo ko sa 'yo, magdadagdag pa tayo ng katulad mo?"

Napanguso ako sabay palo sa dibdib niya. "How dare you! Hindi ganyan ang sinabi mo sa 'kin kagabi, ah. You told me you want 8 girls and you'll take care of all of us."

Hindi naman na siya ulit sumagot. Parang hindi pa rin siya makapaniwala. Inabot niya na lang ulit 'yong tasa ng kape at humigop.

Ibang klase pala talaga siyang malasing. Nagkaka-amnesia siya. Anyway, sasamantalahin ko na lang 'to.

"May isa ka pa palang sinabi."

Tumingin siya sa 'kin, pero hindi siya nagsalita.

"You told me you already want us to get married. Kauusapin mo si Daddy na pakakasalan mo na ako."

Napasalubong ulit ang mga kilay niya. Pero mayamaya lang ay bigla na siyang napangisi. "Naaalala ko nga na sinabi ko 'yon."

I chuckled then wrapped my arms around his neck. Nakakatawa kasi wala naman talaga siyang sinabing gano'n kagabi. Umaarte lang yata 'to na wala siyang naaalala.

Niyakap niya rin naman ako at inamoy pa ang buhok ko. "Gusto mo, gawin ko na 'yon?"

"Ang alin?"

"Pakakasalan na kita."

Gulat akong napabitiw mula sa pagkakayakap at tiningnan siya nang diretso. "Are you still drunk?"

"Hindi." Titig na titig siya sa mga mata ko.

"Lukas..."

I don't know if he's just joking or what. Pero alam ko namang hindi siya palabirong tao. Ako pa nga 'tong nagbibiro kasi wala naman talaga siyang sinabi kagabi na tungkol sa kasal, tapos ngayon bigla na siyang nagsasalita ng ganito.

Ang lakas-lakas tuloy ng tibok ng puso ko dahil sa excitement.

He tucked my hair behind my ear. "Nangako ka sa 'kin kagabi na mananatili ka palagi sa tabi ko."

"S-so you remember everything?"

He nodded. "Salamat at inalagaan mo ako kagabi. Gusto na kitang maging asawa, Corrine. Magpakasal na tayo."

Ngumiti ako nang malapad sabay muli siyang niyakap nang mahigpit. "Of course! Let's get married! Kahit bukas na bukas na agad."

Mas hinigpitan niya ang yakap niya sa 'kin at siniksik ang mukha niya sa leeg ko.

Hindi ko napigilan, napaiyak agad ako sa sobrang saya habang magkayakap kami. I've been dreaming about this. Hindi ko na 'to kailangang pag-isipan at hindi ko na rin kailangan ng fancy proposal.

I love this man so much, and I will marry him as soon as possible.

TO BE CONTINUED

Thank you so much for reading this chapter! Feel free to share your thoughts or feedback on social media and please use the hashtag #TSBS2LukasZamora so I can see your posts! 🖤

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top