Chapter 30
NAKAKATAWA 'TONG SI Lukas, siya na talaga ang nag-decide na dito ako matutulog.
'Yong pagkakasabi niya pa, parang bawal akong humindi e.
I caressed his cheek. "I want that too. Kaso si Daddy, baka sobrang nag-aalala na 'yon. Tumakas lang kasi ako sa bahay."
"Tatawagan ko si Mayor. Ipagpapaalam kita."
"H-hindi na, ako na lang ang tatawag." Naglabas ako ng phone. "Sana lang buhay pa 'tong phone ko. Nabitiwan ko kasi kanina nung tinulak ako ng bad guy."
"Ako na ang tatawag." Naglabas na rin siya ng cellphone.
Hinawakan ko agad siya sa braso. "Sinabi na ngang ako na lang. Gusto ko rin kasing malaman kay Dad kung ano pang ibang pinag-usapan niyo."
Hindi naman na siya nagpumilit.
"Stay here, hmm?" I just told him. "Baka makinig ka sa 'min ni Dad." Iniwan ko na muna siya at pumunta ako malapit sa bintana. Dito ko tinawagan si Daddy.
Halata ngang inaabangan niya ang tawag ko kasi pagka-ring na pagka-ring pa lang, sinagot niya na agad.
"CORRINE! Jesus! Where are you?!" Tarantang-taranta ang boses niya.
Kalmado lang naman ako. "Hey, Dad."
"Nasaan ka? Kanina pa kita tinatawagan, hindi kita ma-contact! Gusto mo yata akong mamatay sa kahahanap sa 'yo."
"Daddy, relax."
"How can I relax? Where are you, young lady? Inutusan ko na ang mga tao ko para hanapin ka, pero walang makahanap-hanap sa 'yo. Saan ka ba nagpunta?"
"I'm okay, Dad. Don't worry now. I'm in a safe place."
Biglang kumalma sa linya niya. "Are you with Lukas?"
Napapigil ako ng ngiti. "Paano mo nahulaan agad?"
"Bukod sa 'kin, sa kanya lang ang alam kong ligtas ka."
Napangiti ulit ako. "Yes, we're together. You lied to me."
"What? When?"
"Sabi mo, bumalik na si Lukas sa New York. Hindi naman pala."
Bigla siyang natawa. Kanina, alalang-alala siya sa 'kin, tapos ngayon patawa-tawa na siya riyan.
"Pinagti-trip-an mo ba ako, Dad?"
"No, no, sweetheart. Hindi naman talaga umalis si Lukas. Sinabi ko lang 'yon sa 'yo kasi gusto kong malaman kung anong magiging reaksyon mo, kung maaapektuhan ka ba o wala kang pakialam."
"Oh my goodness." Napasapo ako sa noo ko. "How could you? Ilang buwan ko 'yong pinaniwalaan. Anak mo ba talaga ako? Kasi parang hindi mo ako mahal."
Natawa na naman siya. "I love you so much, honey. But at least you're with him now."
"Yeah. Pero muntik pa muna akong mabaliw bago mangyari 'yon."
He chuckled again. But I know he really loves me. Hindi kasi siya nagalit na may relasyon kami ni Lukas. At based sa tono ng boses niya at pang-aasar niya sa 'kin, alam kong tanggap niya kaming dalawa.
Sumulyap muna ako kay Lukas na nakatingin lang sa 'kin.
Bumuntonghininga ako pagkatapos at seryoso nang kinausap si Daddy. "Dad...totoo ba na binalik ni Lukas ang pera na binayad mo sa kanya?"
Ang tagal bago siya nakasagot. Huminga pa muna siya nang malalim. "He did. Pinuntuhan niya ako mismo para aminin ang tungkol sa inyo at ibalik ang cheke."
Napapikit ako nang mariin. "Lukas needs that money. He did his job well, you should pay him."
"I know. Ilang beses kong inalok ulit sa kanya ang pera, pero ayaw niya na talagang tanggapin."
Nilingon ko ulit si Lukas, pero hindi na niya ako matingnan. Palibhasa, tungkol na sa bayad niya ang pinag-uusapan namin.
"Corrine..." Biglang tawag sa 'kin ni Dad. "Do you really love Lukas?"
Nabigla ako sa tanong niya, pero mabilis akong sumagot. "Yes. So much. I-I'm sorry, we should've told you earlier. Hindi ka naman galit sa 'min, 'di ba?"
"'Pag nagalit ba ako, titigil kayo?"
"Hindi." Sabay tawa ko.
Natawa na lang din siya. "See. You never listen. Pero napahanga ako ni Lukas, matapang siyang humarap sa 'kin para sa inyong dalawa."
"I know. That impressed me too." Bumuntonghininga ako pagkatapos. "I love you, Dad. I'll stay here with him tonight. Hindi na ako makakauwi diyan kasi late na."
"I understand. Sasabihan ko ang mga tao ko na tumigil na sa paghahanap."
"Actually, can I stay here for a while?"
Saglit siyang natahimik bago muling sumagot. "'Yon ba ang gusto mo?"
"Mm-hmm."
He heaved a deep sigh. "Can you please give the phone to Lukas first? I want to talk to him."
Bumalik na ako kay Lukas at binigay sa kanya ang phone. "Kauusapin ka raw ni Daddy."
Kinuha niya naman agad, tapos lumabas siya ng bahay para roon makipag-usap.
Sinundan ko siya para sana makinig, kaso napansin ko si Clementine na excited na namang makita ako. Kaya sa kanya na lang muna ako lumapit at naglaro kami.
I petted him and gave him sweet little kisses. "Oh my god, I missed you so much! Did you miss mommy, too?"
Tuwang-tuwa siya na halos mabali na ang katawan niya sa sobrang bilis ng pag-wag ng tail niya, tapos hinahalikan niya rin ako sa mga kamay ko at pisngi.
I held his face and made eye contact with him. "Nagkabalikan na kami ng Daddy mo, kaya happy family na tayo ulit. Do you like that?"
Parang naintindihan niya naman ako kasi lalong bumilis ang paggalaw ng buntot niya. Ang saya, may kalaro na ulit ako.
Ilang saglit lang, natapos na rin si Lukas sa pakikipag-usap.
Pabalik na siya. Sinalubong ko siya at agad na niyakap. He hugged me too.
"Anong pinag-usapan niyo ni Daddy?"
"Wala, may mga binilin lang siya sa 'kin kasi gusto mo raw munang dumito."
"Mm-hmm, nagpaalam ako sa kanya e."
"Hindi mo yata sinabi sa kanya na muntik ka nang mapahamak kanina."
"Hindi nga. I'll just tell him when I get home. Lalo kasing mag-aalala 'yon. Baka ipasundo pa ako rito, e 'di hindi tayo makakapag-moment."
Natawa siya, tapos hinaplos ako sa buhok.
Hinigpitan ko naman ang pagkakayakap sa kanya. "Lukas, sobrang saya ko ngayon. Alam mo ba kanina, iyak ako nang iyak sa mall, pero ngayon ang saya-saya ko na."
"Masaya rin ako." He gave me a gentle kiss on my head. "Halika na, pumasok na tayo sa loob."
"Okay!" Lumingkis agad ako ng yakap sa braso niya. "Lukas, nagugutom ako. May pagkain ka ba diyan?"
Natawa na naman siya sabay halik ulit sa 'kin. "Lulutuan kita."
"Yay! Sobrang miss ko na ang mga luto mo."
Masaya kaming bumalik sa bahay.
###
MATAPOS KUMAIN, PINAPASOK na ako ni Lukas sa kabilang kwarto para makapagpahinga.
"May naghihintay sa 'yo diyan sa loob," sabi niya pa sa 'kin bago ko buksan ang pinto.
"Sinong naghihintay?"
"Tingnan mo."
Excited naman akong pumasok sa kwarto, at may nakita agad ako sa kama niya. "PEBBLES!"
Ang saya! Napatakbo agad ako papunta sa kama at niyakap siya nang mahigpit. "Oh my god, I'm so happy you're here! Palagi kitang iniisip, akala ko naiwanan ka sa dating bahay."
Nakangiti lang naman sa 'kin si Lukas. "Nakalimutan mo siyang dalhin."
"I know. But I'm so glad you still took care of Pebbles."
"Katabi ko siyang matulog habang wala ka."
Napangiti ako. "And now I'm here. Tabi-tabi na ulit tayong matutulog."
Ngumiti rin siya, tapos nagpaalam muna para lumabas saglit.
Pagbalik niya, may dala na siyang damit. Isang mahabang T-shirt na pantulog. "Magpalit ka muna. Hiniram ko 'yan kay Jenny."
"Is it okay with her? Nahihiya ako sa kanya."
"Ayos lang, mabait 'yon."
Tinanggap ko na lang din ang damit. "Okay. Labas ka muna, magpapalit ako."
"Kailangan pang lumabas?"
"Ano ka ba. Nandito ang kapatid mo, hindi ka nahihiya diyan."
Napangisi siya, tapos lumabas na lang din.
Binilisan ko ang pagpapalit ng damit para makapasok na ulit si Lukas at makapagpahinga na kami.
Hindi ko alam kung makakatulog ako. Masyado kasi akong masaya e. Parang gusto ko lang na mag-cuddle kami ni Lukas buong magdamag para pambawi sa ilang buwan naming hindi pagkikita.
Magkatabi na kaming nakahiga sa kama ngayon.
Nakayakap ako sa kanya at nakaunan sa malapad niyang dibdib. Nakakarelax pakinggan ang tibok ng puso niya. I missed listening to this.
"Lukas?"
"Hmm."
"About your sister, does she really live here with you?"
"Hindi, nagbabakasyon lang siya kasi gusto niya akong samahan. Doon siya nakatira sa Mama niya."
"Why don't you live with them? You're not on good terms with her mom?"
"Mabait sila sa 'kin. Hindi na lang talaga ako sanay na may kasama."
"I understand. Gets ko nang mas peaceful kapag mag-isa lang. Siguro umingay 'yung buhay mo no'ng dumating ako, 'no?"
Hindi siya sumagot, pero alam ko namang 'oo' ang sasabihin niya. Ayaw niya lang akong masaktan.
Sumiksik na ulit ako sa dibdib niya.
"Corrine..."
"Hmm?" My eyes were closed.
"Hindi ko gusto 'yong ginawa sa 'yo ng mga kaibigan mo kanina sa restaurant."
Napadilat ako sabay tumingala sa kanya. "Y-you heard them?"
He nodded. "Lumayo ka sa mga taong 'yon."
Nagbuntonghininga ako at bumalik sa pagkakahiga sa dibdib niya. "I will. Hindi ko nga inexpect na makikita ko sila kanina e. At hindi ko rin inexpect na ico-confront nila ako. Hindi tuloy ako nakalaban."
"Hindi mo kailangang lumaban sa mga gano'ng klase ng tao. Wag mong sayangin ang pagod mo sa kanila."
I just nodded. "Have you seen Nigel? He was there too."
"Oo, 'yong may kasamang babae."
"Ang pangit niya, 'no? Hindi ko nga alam kung bakit nagustuhan ko 'yon, e walang-wala siya sa kalingkingan mo." Hinigpitan ko ang yakap ko sa kanya. "I'm so lucky to have you."
Bigla naman siyang nagbaba ng tingin sa 'kin. "Hindi ba talaga kita nabuntis?"
Gulat ulit akong napatingala sa kanya. "What?" Pinipigilan ko ang ngiti ko kasi parang ang random yata no'n. Ang layo sa pinag-uusapan namin.
Inayos niya ang ilang hibla ng buhok na nakaharang sa mga mata ko. "Sabi mo kanina, hindi kita nabuntis. Hindi ba talaga?"
"Ba't parang nagdu-duda ka pa diyan? Hindi nga e. Palpak ka." Inirapan ko pa siya kunwari.
Hindi na siya sumagot. Tumitig na lang ulit siya sa kisame na para bang may malalim na siyang iniisip.
Napangiti na lang ulit ako, tapos yumakap na ulit sa kanya. "Lukas, una't huling beses na 'to ah?"
"Ang alin?"
"Itong nawala ka. Ayoko nang maulit na magkakahiwalay ulit tayo. I got really hurt. Kung hindi ka pa nagpakita sa 'kin kanina, siguro mababaliw na talaga ako."
He gave me a sweet kiss on the forehead. "Hindi na 'to mangyayari ulit. Hindi na ako mawawala kasi hindi ko rin kayang malayo sa 'yo."
"Promise, ah? Kapag naulit pa 'to, wala ng another chance."
Ngumiti siya at tumango, tapos bigla na lang bumangon nang bahagya. Napatuwid tuloy ako ng higa sa kama.
He stared deep into my eyes, then gazed down at my lips.
Alam ko na ang gusto niya, kaya pumikit agad ako. Hindi naman na niya ako pinaghintay. He held my cheek and kissed me right away.
Pakiramdam ko, first time niya ulit akong hinalikan. My stomach got butterflies and my cheeks went numb.
Akala ko pa simpleng halik lang, pero ilang saglit lang ay gumalaw na kaagad ang mga labi niya. He kissed me passionately, showing me how much he missed me. I missed him too, kaya binabalik ko rin ang bawat halik na binibigay niya sa 'kin.
Mayamaya pa, napasinghap na lang ako nang bigla na siyang pumatong sa ibabaw ko.
His whole weight on top of me makes my heart skip a beat.
Muli niya akong hinalikan, but this time, mas madiin na at sabik na sabik. I gripped his hair so he won't stop. Ang sarap sa pakiramdam. Para akong maiiyak kasi mahal na mahal ko siya at ang saya ko na magkasama na ulit kami ngayon.
After a few more torrid kisses, I moved my lips away because I'm starting to lose my breath. Humabol pa nga siya ng isa pang halik na para bang ayaw niyang pakawalan ang mga labi ko.
I just smiled at him. "You're everything to me, Lukas. I love you so much."
"I love you."
I brushed my thumb on his cheek while staring straight at him. Nahihiya ako kasi nandito rin ang kapatid niya sa bahay, pero miss na miss ko talaga siya. "Lukas . . .
. . . I want us to have a baby. Let's make a baby."
TO BE CONTINUED
Thank you so much for reading this chapter! Feel free to share your thoughts or feedback on social media and please use the hashtag #TSBS2LukasZamora so I can see your posts! 🖤
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top