Chapter 27

"ARE YOU READY?"

Tanong sa 'kin ni Dad nang makasakay na kami sa kotse.

Tumango lang ako sabay sandal ng ulo ko sa balikat niya. Hinalikan niya naman ako sa ulo at hinaplos sa pisngi, tapos ay inutusan na ang driver para umalis.

Finally, I'm going home.

Hindi ko masabi na masaya na ako kasi hindi pa rin talaga. May kulang pa rin at hindi ko sigurado kung magiging kumpleto pa ulit ako. I just wish na makatulong sa pagmu-move on ko ang pag-uwi sa Almeria.

I looked up at Dad. Tumingin din naman siya sa 'kin at ngumiti.

"You're not taking good care of yourself," I told him.

"Paano mo naman nasabi 'yan?"

"Nangayayat ka at ang laki ng eyebags mo. Mukhang nagta-trabaho ka na yata 24/7 e."

"I just couldn't sleep properly the past few months. Pero ngayon, siguro makakatulog na ulit ako nang maayos kasi uuwi ka na."

Bumuntonghininga ako. "Hindi mo naman pala kaya kapag wala ako e. Tapos nilalayo mo pa ako."

Hindi na siya nagsalita, pero okay lang kasi mukhang alam ko naman na ang isasagot niya. I'm sure sasabihin niya na naman na he needed to do that because he wanted to protect me. Nagsawa na lang ako sa katatanong sa kanya tungkol do'n kasi hindi niya rin naman inaamin.

"Don't worry," bigla niya uling salita. "This would be my last term. Magre-retire na ako para magkaroon ako ng mas maraming oras sa 'yo."

"You don't need to do that. Hindi naman kita pinatitigil sa pagtatrabaho e. I know how much you love serving people."

"Pero gusto kong bumawi. Gusto kong magpaka-tatay sa 'yo."

Ako naman ang hindi nakasagot. Hindi ko inexpect na tatatak pala sa kanya ang sinabi ko kanina.

"So, are you excited to go home?" Pag-iba niya na lang sa usapan. "I'm sure you already miss your friends."

Kusang tumaas ang isa kong kilay. "Friends? Sinong friends?"

"Sina Felicia at Beverly. Ilang buwan ka lang nawala, nakalimutan mo na agad sila?" He even chuckled.

Hindi ko na ulit siya sinagot. Umalis ako sa pagkakasandal sa balikat niya at tumingin na lang sa bintana. Hindi niya pa nga pala alam ang ginawa sa 'kin ng mga taong 'yon. Hindi niya alam na wala na akong mga kaibigan.

"And perhaps you already miss Nigel, too." Dagdag niya pa talaga.

Kumunot ang noo ko. "Bakit ko naman mami-miss 'yon?"

"Because I know you like him. Kaya ka nga pumayag sa deal natin, 'di ba? Nagawa mo ang pinag-usapan natin, kaya papayagan na kitang makipag-date kay Nigel."

"No, thanks. Ayoko na sa kanya."

"Why? Hindi ba't baliw na baliw ka sa kanya simula pa dati?"

"I don't like him anymore."

"Hmm. Let me guess...may bago na bang nagpapatibok sa puso ng anak ko?"

Gulat akong napatingin sa kanya. "Saan mo naman nakuha 'yang kabaduyan na 'yan, Dad?"

He chuckled. "Just guessing. Baka lang may iba ka ng gusto. Meron na ba?"

"Tsk, stop teasing me like that. Hindi bagay sa 'yo."

Natawa lang ulit siya.

Ako naman, bumalik na ulit sa pagtingin sa labas.

Hindi ako sanay na binibiro ako ni Daddy ng gano'n, especially when it comes to boys. Ayaw na ayaw niya nga kapag mga kakilala kong lalaki ang pinag-uusapan e. Parang bigla siyang naging weird.

GABI NA NG makarating kami sa Almeria.

Nakatingin pa rin ako sa labas. Inaasahan ko na mae-excite ako at mabubuhayan na ng dugo once na makauwi na ako, pero wala akong naramdamang gano'n. Parang mas nalungkot pa nga ako. Kasi gusto ko sana kasama ko si Lukas sa pagbalik, but he's not with me anymore.

Mahal na mahal ko ang lugar na 'to dati e. Pero ngayon, parang ang layo-layo na ng loob ko rito. It's like I no longer belong here. Kung wala lang siguro rito si Daddy, hindi ko na gugustuhin pang bumalik.

Pagkarating namin sa bahay, humalik lang ako kay Dad, tapos ay dumiretso na agad sa kwarto ko at natulog.

• • •

"MA'AM CORRINE?" Muling katok ng maid sa bathroom ng kwarto ko. "Pinatatawag na ho kayo ng Daddy niyo. Mag-aalmusal na raw ho."

But again, hindi ko siya sinagot.

I'm just here, sitting on the toilet bowl and staring at my undies. Nagising ako ngayong umaga na ang sakit ng puson ko. I went to my bathroom and saw that I already had my period.

Hindi ako buntis.

Alam ko na dapat mas matuwa ako kasi hindi nagbunga ang huling nangyari sa 'min ni Lukas, pero lalo lang akong nasaktan.

Sinubsob ko ang mukha ko sa mga palad ko at napaiyak.

Bakit ganito? I hate him for hurting me and not fighting for us, but in the back of my head, I still wanted to carry his child. I still love him, and I still want it to be him.

I know this sounds stupid. Iba ang lumalabas sa bibig ko sa totoong nilalaman ng puso ko.

Sinabi ko na kung sakaling mabuntis ako ni Lukas, hinding-hindi na niya ako makikita. When in truth, my plan was to use my pregnancy so I could see him again.

Iniisip ko na magkakaroon ng dahilan para magkabalikan kami. Na kahit papaano, magkikita at magkikita pa rin kami dahil may anak siya sa 'kin. This was supposed to be my last shot, pero hindi niya naman ako nabuntis!

"Ma'am Corrine?" Kinatok na naman ako ng maid.

Inis ko nang pinahid ang mga luha ko at nag-ayos.

Pagkalabas ng bathroom, sinabihan ko ang maid na susunod na lang ako sa baba.

I can't face my father like this. Namumula na naman ang mga mata ko dahil sa luha at wala ako sa sarili.

Umupo na lang muna ako sa tapat ng dressing table at sinubsob ang mukha ko rito. Tahimik akong umiyak kasi sobrang nakaka-frustrate talaga na wala kaming nabuo ni Lukas.

Mayamaya pa, muling bumukas ang pinto nitong kwarto ko.

"Sweetheart?"

Si Daddy na pala ang dumating.

Umalis agad ako mula sa pagkakasubsob sa table at pasimpleng pinunasan ang mga luha ko. "Y-yes."

"Are you okay?" Lumapit siya sa 'kin. "Kanina pa kita pinatatawag. Ang sabi ng maid, bababa ka na raw, pero hindi ka naman bumaba."

"Sorry." 'Yon lang ang nasabi ko, tapos ay tumayo na at inunahan na siyang lumabas.

Hindi ko siya matingnan kasi ayokong makita niya na umiiyak na naman ako. Dire-diretso lang ako papunta sa dining area.

Alam kong alalang-alala na sa 'kin si Daddy, pero hindi ko kasi talaga maitago ang lungkot ko. Lalo pa ngayong nalaman kong hindi ako buntis. Kung pwede nga lang, ayoko sana muna siyang sabayan na mag-almusal. Ang bigat-bigat ng pakiramdam ko ngayon na mas gusto ko na lang sanang magkulong sa kwarto.

Pagkaupo ko sa hapag-kainan, dumating na rin ulit si Dad. Tumabi siya sa 'kin.

"Honey, are you still not feeling well?" He asked.

Hindi ako nakasagot. Lumilipad ang isip ko at bigla-bigla na lang akong natutulala.

"Corrine?"

Napayuko na lang ako. "I'm ok."

Ang hirap na umaktong ayos lang ako kahit na hindi naman talaga. Feeling ko, isang tanong pa sa 'kin ni Dad kung okay ba ako, maiiyak na lang ulit ako.

"Anak." Bigla niyang hinawahan ang mukha ko para iangat. "Umiyak ka na naman ba? Namumugto na naman ang mga mata mo."

I didn't answer him again. Umiwas lang ako ng tingin at nag-umpisang kumuha ng pagkain.

Bumuntonghininga siya. "Can you please tell me what's wrong? Tatlong linggo na noong bumalik ka rito sa Almeria, pero palagi ka pa ring umiiyak. Ano pa bang nagpapaiyak sa 'yo? You're already here with me."

"I'm ok, Dad."

"I know you're not. Simula noong nagkita tayo, parang hindi pa bumabalik ang totoong Corrrine."

"What are you talking about? Ako naman 'to."

"I don't know, siguro nami-miss ko lang ang kaingayan at kaartehan mo. It's seems like a lot has changed in you. Palagi ka na lang mag-isa. Sinabihan na kita na papuntahin mo sila Beverly rito kasi hindi ka pwedeng lumabas ng bahay, pero ayaw mo naman."

"I don't want to see them."

"Bakit? Matagal mo silang hindi nakita, ah."

"Basta ayoko lang."

Bumuntonghininga ulit siya. "Bukas, kapag hindi pa gumanda ang pakiramdam mo, papupuntahin ko na rito ang family doctor natin para matingnan ka."

"No need. I just...I just had my period this morning, kaya wala ako sa mood." Palusot ko na lang.

"Oh, I see. Sige, magpahinga ka na lang buong araw. Hahatiran na lang kita ng pagkain mamaya sa kwarto mo."

Tiningnan ko siya. "Aren't you going to work?"

"I told the office I'll work from home for a few days because I want to take care of you."

"Okay lang naman ako rito. Hihintayin na lang kita na makauwi."

Hindi na siya nagsalita. Sinilip ko siya at nakitang nakatingin na lang siya sa 'kin.

I know he's worried about me. Pinipilit ko naman, pero hindi ko pa talaga magawang maging malambing sa kanya katulad ng dati.

I just heard him took a deep sigh again. "By the way, kumusta pala ang trabaho sa 'yo ni Lukas?"

Agad akong natigilan sa pag kain sabay nag-igting ng panga. "Bakit naman nasama pa sa usapan 'yong lalaking 'yon?"

"I just wanted to know."

"I don't wanna talk about him. Wala na akong kilalang Lukas."

"Come on, Corrine. Why do you talk like that?"

Hindi na ako sumagot.

"Akala ko okay na kayong dalawa. 'Di ba no'ng nag-usap tayo dati, sinabi mo pang inaalagaan ka nang maayos ni Lukas?"

"Sinabi ko lang 'yon para hindi ka mag-alala sa 'kin."

Ang tagal niya uling napatitig sa 'kin bago siya nagsalita ulit. "Nag-away siguro kayo. Masama rin ba ang loob mo sa kanya dahil sinunod niya ang utos ko na ilipat ka ng tirahan?"

Hindi ko na ulit siya sinagot.

"Corrine, kung may nasabi o nagawa man si Lukas sa 'yo, sana intindihan mo na lang siya. He just wanted to protect you too."

Takang-taka ko siyang tiningnan. "Bakit parang pinagtatanggol mo siya?"

Bigla siyang napapigil ng ngiti. "No, I'm not."

"Yes, you are. Kinakampihan mo 'yon, e ako 'tong anak mo."

"Hindi ko siya kinakampihan o pinagtatanggol. Napansin ko lang kasi na hindi mo man lang siya kinausap bago kayo naghiwalay."

"He deserves that."

"Ano ba talagang nangyari?"

"I just hate him. Period."

Napabuntonghininga na lang siya. "Sa tagal niyong nagkasama sa iisang bahay, hindi pa rin pala kayo nagkasundo?"

"He doesn't like me. Ang gusto niya lang, 'yong perang makukuha niya sa 'yo."

"Of course, sweetheart. He came here just because I offered him a job. What do you expect?"

Napatigil na naman ako sa pag kain at napapikit. Lalo akong nasasaktan kasi diniin pa talaga nitong si Daddy na trabaho at pera lang talaga ang habol ng Lukas na 'yon.

"Sayang," bigla niya uling salita. "Dapat kinausap mo siya kahit saglit para nakapag-paalam ka. Ang alam ko, tutuloy siya sa pagbalik sa New York."

Gulat akong napatingin sa kanya. "What?"

"Yes. He told me he'll fly back to the U.S. Teka, anong araw na ba ngayon?" Sinilip niya ang date sa phone niya. "Oh, noong isang araw pa pala ang flight niya. Siguro ay nasa New York na siya ngayon."

Para akong nanigas dito sa kinauupuan ko. My heart shattered and my throat started to feel tight.

Nabitawan ko na nga lang ang hawak kong kutsara't tinidor nang hindi ko namamalayan. "N-no, that impossible."

"Are you okay, sweetheart?" Hinawakan ni Daddy ang isa kong kamay kasi bigla na iyong nanginig.

"He won't do that." Bulong ko pa rin naman habang nangingilid na ang luha sa mga mata ko.

"Corrine? What's the matter?"

Hindi ko na kinaya ang sakit, kinuyom ko ang mga kamao ko sabay padabog nang tumayo at mabilis na tumakbo paakyat sa kwarto ko.

Pinagbabato ko lahat ng mga unan ko sa kama. He's really a liar! Wala talaga siyang isang salita!

Ang sabi niya sa 'kin, hindi na siya babalik sa New York. Sabi niya hindi niya ako iiwan dito, pero umalis pa rin siya! Napakasinungaling niya!

Bumagsak ako sa sahig at hinawakan ang dibdib ko na parang sasabog na sa sobrang kirot.

Mahal na mahal ko siya e. Kahit na sinaktan niya ako, mahal na mahal ko pa rin siya. Pero paano niya 'to nagawa sa 'kin? Paano niya ako nakayang iwanan? Hindi niya ba talaga ako mahal?

Ang daya-daya niya! Ako dapat 'tong hindi na magpapakita at lalayo, pero ako pa rin pala ang naiwanan. Alam ko na hiwalay na kami, pero ang sakit-sakit pa ring malaman na wala na talaga siyang pakialam sa 'kin.

Lukas is gone and I will never see him again.

TO BE CONTINUED

Thank you so much for reading this chapter! Feel free to share your thoughts or feedback on social media and please use the hashtag #TSBS2LukasZamora so I can see your posts! 🖤

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top