Chapter 24

BUONG GABI AKONG hindi nakatulog.

Ang daming what ifs na pumapasok sa utak ko dahil sa nangyari kagabi.

Maaga pang umalis ng bahay si Lukas kanina para pumunta sa Bayan. Tumuloy talaga siya nang wala ako. Kaya lalo akong hindi nakapagpahinga.

Nandito lang ako sa sala ngayon, hinihintay siya na umuwi. Saradong-sarado ang bahay na para bang walang tao rito sa loob.

I couldn't rest my mind. Hanggang ngayon, kinakabahan pa rin ako sa mga pwedeng mangyari. Kahit nga si Lukas, pansin kong hindi maganda ang pakiramdam niya. Ni hindi ko man lang siya nakausap nang maayos kanina bago siya umalis. It's like his mind and attention were not with me.

Inintindi ko na lang. 'Yon nga lang, mamamatay na ako sa pag-aalala. Kung alam ko lang na hindi talaga ako mapapakali rito sa bahay, sana sumama na lang talaga ako sa kanya.

Lumipas ang tanghali, at hindi pa rin umuuwi si Lukas.

Hindi na maganda ang pakiramdam ko. Nakapag-ayos na ako ng bahay, nakapagluto ng pagkain at lahat-lahat para aliwin ang sarili ko, pero wala pa rin siya.

Nahirapan ba siyang ma-contact si Daddy? May nangyari bang masama sa Bayan? Lahat na ng possibilities, naisip ko na. Feeling ko maiiyak na lang ako sa sobrang pag-aalala rito.

Saglit akong nakaidlip nang bigla na akong nakarinig ng paparating na sasakyan.

Ang bilis kong nabuhayan ng dugo at tarantang napabangon mula sa sofa! Tunog na 'yon ng truck ni Lukas!

Sinabihan niya ako na wag na wag magbubukas ng bahay, kahit na bintana lang, pero hindi ko mapigilan. I simply peeked out the window to see if it's really him, at dumating na nga talaga siya! Pakiramdam ko natanggalan ako ng malaking tinik sa dibdib.

Inabangan ko na lang siya sa nakasarang pinto.

Pagkapasok na pagkapasok niya, mabilis ko agad siyang niyakap. "Lukas! I'm so glad you're safe!"

Niyakap niya rin naman agad ako pabalik. Pero iba ang dating ng yakap niya ngayon, parang puno ng pangamba. Ni ayaw niya akong pakawalan.

"Lukas?" I mumbled against his shirt. "What happened?"

Hindi siya sumagot. Nakayakap lang siya nang mahigpit sa 'kin. Bumalik na naman tuloy ang nararamdaman kong bigat sa dibdib.

Ako na lang ang kumalas mula sa pagkakayakap at tiningnan siya. "Anong balita sa lakad mo?"

He still didn't answer me. Umalis siya at dumiretso na sa kusina para ipatong ang susi ng sasakyan sa table.

Kumirot ang dibdib ko, pero pinilit kong umasta na parang walang nangyari.

"I already prepared our food," I just said, forcing my voice to sound calm. "Kain na tayo? Kanina pa kita hinihintay."

"Ikaw na lang muna. Magpapahinga muna ako saglit, pagod ako."

Namanhid ang mga kamay ko sa sinagot niya. He's not like this. Gusto niya kapag sabay kaming kumakain.

Sinundan ko agad siya at niyakap nang mahigpit mula sa likuran. I buried my face on his back. "Lukas, why are you acting like this? May problema ba?"

Hindi na naman siya sumagot.

Bumitiw ako at lumipat sa harapan niya. Dito ko naman siya muling niyakap, pero hindi na niya ako niyayakap pabalik.

Nag-umpisa nang uminit ang sulok ng mga mata ko. I hugged him tighter so he could feel me. "Please say something. You're scaring me again."

Kaso hindi pa rin talaga siya nagsalita.

Tiningnan ko siya, pero hindi na rin siya tumitingin sa 'kin. Hindi ko na maintindihan ang nangyayari. Nanginginig na ang mga kamay ko sa pinaghalong pag-aalala at takot.

Bumuntonghininga na lang ako at pilit na nagpakatatag. "Kapag hindi mo pa talaga ako sinagot, magagalit na ako sa 'yo. 'Yon ba ang gusto mong mangyari, ha?"

Doon niya lang ako nagawang tingnan. I couldn't explain the look on his face anymore. I feel like he's hiding something.

"What happened?" I asked him once again. "Nakausap mo ba si Dad tungkol sa nangyari kagabi? Anong sabi niya sa 'yo?"

Huminga siya nang malalim, tapos hinawakan ako para maupo kami sa hagdan. Lalong tumindi ang takot ko. This looks serious.

He held both my hands and stared at me with his worried eyes. "Hindi mo 'to magugustuhan, pero kailangan mong intindihin."

Lumakas ang kabog ng dibdib ko. "What is it? Tell it to me now."

"Aalis ka na rito."

I felt like something pinched my chest. Ako naman itong hindi nakapagsalita. Nakatitig lang ako sa kanya habang pinipigilan ang panginginig ng mga labi ko.

He squeezed my hands so I would speak.

Napapikit ako at pilit na kumalma. "Bakit ako aalis? Wala pang six months, ah? Dahil ba sa nangyari kagabi?"

"Ililipat ka ng Tatay mo sa ibang lugar. 'Yong mas ligtas."

Dumilat ako para muli siyang tingnan. "Saan tayo lilipat?"

Siya naman 'tong umiwas ng tingin at hindi ulit sumagot.

"Lukas?" Pinisil ko rin ang mga kamay niya. "Saan tayo ililipat ni Dad?"

He now stared at me as if this was the last time he would see me. "Corrine...hindi mo na ako makakasama. Kukuha ng bagong bodyguard si Mayor para magbantay sa 'yo."

Pakiramdam ko bigla akong binangungot.

Napatayo na lang ako mula sa hagdan sa kabila ng pamamanhid ng buong katawan ko. "What are you saying? Bakit hindi na lang ikaw?"

Tumayo na rin siya. "Para sa kaligtasan mo. May galit sa Tatay mo ang mga taong pumunta rito kagabi. Siguradong minukhaan nila ako at malakas ang kutob namin ni Mayor na hindi na nila ako titigilan."

"At basta-basta ka na lang pumayag na iba na ang magbabantay sa 'kin?"

"Hindi ako pwedeng humindi."

"Of course, you can! You're my boyfriend!"

Hindi na naman siya nakasagot.

"Sinabi mo na ba kay Daddy ang tungkol sa relasyon natin? Sinabi mo ba sa kanya na hindi siya pwedeng kumuha ng ibang tao dahil ikaw ang boyfriend ko?"

Umiwas siya ng tingin at umiling.

I balled my hand into a fist. Ayokong magalit sa kanya, pero hindi ko mapigilan. "Sabi mo, ipapaalam natin kay Daddy. Bakit hindi mo ginawa?"

"Hindi na muna importante ang bagay na 'yon. Mas kailangan ka naming protektahan."

"Wow! Hindi importante? Gano'n lang ba ang tingin mo sa relasyon natin? Hindi ka man lang lumaban?"

Hinawakan niya ulit ang kamay ko. "Corrine, intindihin mo muna. Kailangan mong madala sa mas ligtas na lugar."

"No!" Galit kong binawi ang kamay ko mula sa kanya. "Hindi ko kayang intindihin kasi hindi niyo naman inaamin sa 'kin kung ano talagang nangyayari e! Ano ba, may papatay ba sa 'kin? Mamamatay ba ako? Ano ba talaga ang totoong problema ni Daddy?"

"Hindi ko alam lahat. Sinusunod ko lang kung anong inuutos niya sa 'kin."

"Pero ayokong mahiwalay sa 'yo! I am safest when I'm with you, Lukas. Bakit mo ako ibibigay sa iba? At gaano ako katagal do'n? Another 6 months? Kaya mo 'yon, ha? Kaya mo na hindi mo ako makakasama?"

Sinubukan niya uling abutin ang kamay ko, pero iniwas ko agad. "Don't touch me! Why the hell are you allowing this to happen! Kung alam ko lang na magkaka-ganito, sana pala nagpumilit na lang akong sumama sa 'yo sa Bayan. Sana ako na lang ang nakipag-usap kay Daddy. Kasi kung ako 'yon, hindi ako papayag na ibigay niya ako sa iba. Ilalaban ko 'yong tayo!"

My lips were trembling because I'm so close to bursting into tears. Para na ring sasabog ang dibdib ko sa sobrang bigat.

Pumikit na nga lang ako para paatrasin ang mga luha ko. "Why does this look so easy for you? Bakit parang wala lang sa 'yo 'tong nangyayari?"

"'Yan ba talaga ang tingin mo? Hindi rin 'to madali para sa 'kin. Nahihirapan din ako."

"Really? Hindi halata."

"Hindi mo ba ako kayang pagkatiwalaan?"

"Paano ako magtitiwala sa 'yo, e ito pa nga lang, hindi mo na agad nagawan ng paraan!"

"Subukan mong intindihin 'tong sitwasyon. Hindi naman kita pinababayaan, Corrine. Pino-protektahan nga kita. At hinding-hindi ako mawawala sa 'yo."

"And how can I be sure? Ilalayo na naman ako ni Daddy. Nangyari na 'to sa Almeria, di ba? Iniwan ko ang mga kaibigan ko, thinking na pagbalik ko, nandyan pa rin sila. But what happened? Hinihintay lang pala nila akong mawala. Tapos ngayon, ito na naman ang nangyayari."

"Hindi ako katulad ng mga kaibigan mo." Lumapit siya sa 'kin at pilit akong niyakap. Sinubsob niya ang mukha ko sa dibdib niya.

I shut my eyes tight to hold back my tears. "You don't understand me."

"Naiintindihan kita."

"Hindi. Hindi mo ako iniisip. Basta-basta ka na lang nag-decide."

"Hindi 'yon basta-basta. Nahirapan din ako, pero kailangan ko 'tong gawin." Kumalas na siya sa pagkakayap at hinawakan na lang ako sa magkabilang pisngi. He looked straight into my eyes. "Corrine, gusto ko na sumunod ka sa 'kin. Para sa 'yo 'to. Ihahatid na kita kay Mayor bukas ng umaga."

Doon na ako tuluyang bumigay.

Bumagsak ang mga balikat ko at tumulo na ang mga luha na kanina ko pa pinipigilan. "B-bukas ng umaga?"

"Mag-ayos ka na ng mga gamit mo."

"No."

"Corrine..."

"I said no!" Tinulak ko na siya palayo. "Hinding-hindi ako aalis dito lalo na kung hindi na pala kita makakasama!" Binunggo ko siya at mabilis akong umakyat papunta sa kwarto ko.

Padabog kong sinara ang pinto sabay bagsak ng katawan ko sa kama para dito ibuhos lahat ng sama ng loob na nararamdaman ko.

Umiyak ako nang umiyak. This can't be happening!

Binabangungot ba talaga ako? Sana binabangungot lang ako kasi ayoko nitong nangyayari!

Hindi ko maintindihan. Everything is changing in just a snap! Ang saya-saya na namin ni Lukas e. Naka-set na ang utak ko na magtatagal ako rito. Ang dami na rin naming plano para sa 'ming dalawa, tapos biglang magkaka-ganito. All our hopes and plans have vanished just like that!

Ni hindi ko man lang alam kung ano talaga ang totoong dahilan kung bakit ako ililipat; kung sino ba 'yong bago kong bodyguard. Mag-a-adjust na naman ako at babalik ulit sa umpisa! Ito 'yong hindi nila maintindihan e. Hindi nila ako tinatanong kung okay lang ba sa 'kin na ilalayo na naman ako. Sila na lang basta ang nagde-desisyon na para bang wala akong pakiramdam.

Kung kailan naman kasi kumportable na ako; kung kailan alam ko na kung anong totoong magpapasaya sa 'kin, ganito pa ang gagawin nila.

I buried my face in my pillow to suppress my sobs.

Iniisip ko pa lang na malalayo ako kay Lukas, hindi ko na kinakaya. Sanay na ako na kasama ko siya araw-araw. Pero bakit gano'n, mukhang para sa kanya, madali lang talaga ang lahat. Hindi man lang siya lumaban kay Daddy. He's my boyfriend yet he's allowing me to be with someone else. Malay ko ba kung sino na naman 'yong kinuha ni Dad. For the first time, binigo ako ni Lukas.

Natatakot ako. Paano kung pagkatapos nito, hindi na talaga kami maging katulad ng dati? Paano kung maulit lang ang kagaya ng nangyari sa 'min ng mga kaibigan ko? Paano kung tuluyan ng mag-iba lahat?

Pinahid ko ang mga luha ko sa magkabilang pisngi.

No. I will not let this happen. Gagawa ako ng paraan para hindi kami matuloy sa pag-alis. Hindi ako papayag na malalayo ako kay Lukas ng ganon-ganon na lang.

TO BE CONTINUED

Thank you so much for reading this chapter! Feel free to share your thoughts or feedback on social media and please use the hashtag #TSBS2LukasZamora so I can see your posts! 🖤

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top