Chapter 23

TODAY MARKS MY fifth month living with Lukas. Malapit ng matapos ang kontrata niya kay Daddy.

Kung tutuusin, saglit pa lang kaming magkakilala at ilang buwan ko pa lang siyang boyfriend, but I already know he's the man I want to spend the rest of my life with.

Lalo kaming sumasaya habang tumatagal. At syempre, lalo ring tumitindi ang mga sexy times namin.

Anal has become a normal part of our sessions. Na-enjoy ko talaga, lalo na't alam kong nasa-satisfy ko ang wildest fantasy ni Lukas.

Pakiramdam ko mag-asawa na kami, at walang katapusan ang honeymoon phase namin. Palagi lang kasi kaming masaya. As in hindi ako binibigyan ng problema ni Lukas. He spoils me and takes care of me all the time.

Kahapon nga, nag-kabit na siya siya ng shower sa C.R namin. Naalala ko na hiniling ko 'yon sa kanya last time, at talagang tinupad niya. Nakakatuwa kasi iniisip niya rin na mag-eextend talaga ako rito. Ngayon naman, nagpaka-housewife ako at ako ang nagluto ng dinner namin.

Canned corned beef lang naman, pero at least, cooked with love.

Tinawag ko na si Lukas sa labas ng bahay. Inaasikaso niya kasi si Clementine "Lukas? Let's eat?"

Hinanda ko na muna ang mga plato sa table. Nagtimpla na rin ako ng juice. Feel na feel ko talaga na mabuting maybahay ako.

Mayamaya lang, pumasok na rin si Lukas. Natigilan nga agad siya nong makita na ang hinanda kong corned beef.

"Ta-da! Maganda ba?" Proud na proud ako kasi finorm ko pa na 'I love you' yung corned beef with matching onions sa top. "O 'di ba, may plating pa 'yan."

Natawa siya sa 'kin. "Bakit ginanyan mo pa?"

"Ayaw mo ba? Ang cute nga e. Nag-effort ako diyan."

Napangiti siya sabay umiling-iling, tapos bigla na lang akong hinalikan sa noo. "Ang galing mo talaga."

I giggled because I felt like he was really proud of me.

"Okay, wash your hands now so we can eat," sabi ko sa kanya, tapos nauna na akong pumwesto sa table.

Sa ilang buwan naming magkasama ni Lukas, ngayon lang talaga ako nag-try na magluto para sa 'min. Proud na proud talaga ako sa sarili ko.

Umupo na si Lukas sa katabi kong upuan at nag-umpisa na kaming kumain. Ako ang naglagay ng ulam sa plato niya.

"Ubusin mo 'yan, ah?" sabi ko. "Pinaghirapan ko 'yan."

Napapigil siya ng ngiti, pero wala siyang sinabi. Siguro sa loob-loob niya, natatawa siya kasi corned beef lang naman ang hinanda ko sa kanya pero sinabi ko pang pinaghirapan ko.

"Don't worry," depensa ko naman agad kahit wala naman siyang comment. "Mag-aaral akong magluto para mahahandaan din kita ng masasarap na ulam. Baka hindi nga lang kasing level ng mga niluluto mo sa 'kin, but I'll try my best."

"Kahit ano namang lutuin mo, kakainin ko."

"Really?" My eyes twinkled.

He sweetly pinched my nose.

Pinauna ko na muna siyang kumain. Pagkasubo niya ng corned beef, tinanong ko agad siya. "You like it?"

He smiled at me. "Masarap."

"Talaga? Matutupad ko na ba ang pangarap kong maging housewife?

He chuckled and just nodded.

Kumain na rin ako pagkatapos. Kahit ako, nasarapan din sa niluto ko. "Ang sarap nga! Pwede na nga talaga akong mag-asawa. Kailan na tayo magpapakasal?"

Napatingin siya sa 'kin. "Gusto mo na ba?"

Hindi ko naman siya magawang tingnan pabalik kasi kinikilig na ako. I feel like my cheeks were turning red. "Am I still too young?"

Hindi siya sumagot.

Ako na lang ulit ang nagsalita. "Pero kapag iniwan na natin ang lugar na 'to, siguro nasa tamang edad na ako that time para magpakasal."

"Bakit, ilang taon mo bang balak tumira rito?"

"Kung pwede nga, habangbuhay na e."

Natawa lang siya, pero hindi na ulit sumagot.

Bigla naman akong napaisip dito sa topic namin. Uminom muna ako ng juice, tapos pinagmasdan ko siya. "But Lukas, on a serious note, I really do wanna get married. Kapag nakabalik na tayo sa Almeria, kauusapin ko si Dad na magpapakasal tayo."

He looked at me.

I smiled from ear to ear. "You like that too, right? Us settling down and living together forever."

Lumapad din ang ngiti niya. "Ako dapat ang nagpa-plano niyan."

"E ako na nga para wala ka ng problema e. Ang gagawin mo na lang, sumipot sa simbahan. Pero ikaw pala magbayad ng kasal, ah? Wala akong pera. Mayaman kami, pero wala akong pera. Si Dad lang ang may pera sa 'min."

Natawa siya.

"Hey, I'm serious. I have no job, remember? Umaasa lang ako sa binibigay sa 'king allowance ni Dad. Pero wag kang mag-alala, babawi ako kapag mag-asawa na tayo. I'll be the best housewife. Sa 'yo ako magta-trabaho gabi-gabi."

Natawa lang ulit siya sabay napailing-iling. "Inuunahan mo akong magplano ng mga bagay."

"Syempre, advance akong mag-isip," biro ko tapos sumubo na ulit ng pagkain.

Nakakatuwa na ganito na ang topic namin ngayon.

Noong mga unang buwan kasi namin na magkasama, puro kaartehan ko ang pinag-uusapan namin e. Ngayon pagpapa-kasal na.

"Tsaka Lukas..." Hindi pa rin talaga ako tapos sa mga pinaplano ko. "...I want us to have babies, too."

"'May anak na tayo, 'di ba. Si Clementine at Pebbles."

"Oo nga. Pero gusto ko ng DIY."

Natawa na naman siya.

"Bakit?" Natatawa-tawa rin naman ako. "That's true. I want us to have a real baby."

"Akala ko ayaw mong magka-anak."

"Who told you that?"

"Ayaw mong mabuntis kita."

I giggled. "Syempre sa ngayon lang 'yon kasi hindi pa tayo legal kay Dad. Pero sa future kapag mag-asawa na tayo, pwede na tayong magka-baby."

Napatitig siya sa 'kin na para bang na-excite siya.

Siguro gusto niya na akong mabuntis. Hindi niya lang pinipilit kasi alam niyang hindi pa pwede.

Kumain na ulit kami habang patuloy lang sa pagki-kwentuhan. 'Yung mga topic namin, tungkol na sa future naming dalawa. Nagpa-plano na talaga kami.

"Kailan mo pala gustong pumunta sa Bayan?" bigla niyang tanong.

Natigilan ako sa pagnguya. "Pupunta tayo sa Bayan?"

"'Di ba kauusapin natin si Mayor na magtatagal ka rito?"

Bigla akong napatuwid ng upo! "Kauusapin na natin si Dad? Gusto ko! How about this weekend? Para wala ring work si Daddy, makakausap natin siya."

"Sige, aalis tayo sa Linggo."

"Yes! Sakto, gusto ko na rin talagang bumalik sa Bayan para magawan na kita ng Facebook e."

"Wag mo na 'kong gawan. Ayoko ng gano'n."

"Tumahimik ka nga! I'm the boss here, so listen to me. Pag sinabi kong magfe-Facebook ka, magfe-Facebook ka sa ayaw at sa gusto mo."

Napapigil siya ng ngiti. Dapat nga yata may sasabihin pa siya, pero parehas na lang kaming natigilan nang makarinig kami ng paparating na kotse.

Ang bilis kumilos ni Lukas!

Tumayo agad siya at kinuha ang baril niya sa pinagtataguang drawer.

Ako naman, tila nanigas rito sa pwesto ko. Kinabahan ako sa pagkuha niya ng baril kahit na hindi ko pa naman talaga alam kung anong meron. Si Clementine, tahol pa nang tahol sa labas na parang gustong kumawala.

Pagbalik sa 'kin ni Lukas, hinawakan ko agad ang kamay niya. "B-baka si Daddy 'yon?"

"Imposible." Tinago niya ang baril sa likod niya at hinaplos ang pisngi ko. "Magtago ka sa kwarto. Kahit na anong mangyari, wag na wag kang lalabas."

Tumango ako at sumunod agad sa kanya. Hindi na ako nagtanong ng kung anu-ano.

My hands were trembling as I ran up to my room. Hindi ko alam kung anong nangyayari pero takot na takot ako ngayon.

Hindi na nga ako nakapag-isip nang maayos. Binuksan ko ang cabinet ko at dito ako nagtago. I hugged my legs and buried my face on my knees. My hands were still shaking.

Ang init dito at nakakatakot ang dilim pero titiisin ko kasi sabi ni Lukas magtago ako. My chest is pounding so fast. I have no idea kung sino 'yong dumating. We're in the middle of nowhere, kung hindi iyon si Daddy, hindi ko na alam kung sino pa ang pwedeng makaalam sa bahay na 'to. Ang sama-sama ng kutob ko.

Tagaktak na ang pawis ko sa noo, pero hindi pa rin ako pinupuntahan ni Lukas.

Hindi ko pa rin naririnig na umalis na 'yong sasakyan. Tahol pa rin kasi nang tahol si Clementine.

Nag-aalala na ako. Ang tagal na nila sa labas. Ano na bang nangyayari? Iniisip ko si Lukas. He brought a gun. Ayokong mag-overthink pero hindi talaga maganda ang pakiramdam ko.

Ilang minuto pa ang lumipas, narinig ko na ring umalis 'yong kotse.

Napatuwid agad ako ng likod. Nabuhay ang dugo ko, pero hindi pa muna ako lumabas dito sa cabinet. I will wait for Lukas.

Mayamaya lang, may pumasok na rito sa kwarto. Bumukas 'tong cabinet, at nakita ko si Lukas na alalang-alala sa 'kin.

Lumabas na agad ako at mabilis siyang niyakap. "Oh my god, I was so worried!"

I hugged him tighter before I pulled away. Hinawakan ko ang mga kamay niya. "What happened? Sino 'yong dumating?"

Napapikit siya na para bang hindi niya alam kung anong sasabihin. "Naliligaw raw, pero hindi ko alam kung nagsasabi sila ng totoo."

"W-why?"

Huminga siya nang malalim. He looks so uneasy. "Ang dami nilang tinanong. Kung ako raw ba ang may-ari nitong bahay at kung may iba ba akong kasama rito. Malakas ang kutob kong napag-utusan ang mga 'yon."

"Napag-utusan?" Napabitiw ako sa mga kamay niya at napabagsak ng mga balikat. "Lukas, I don't understand what's happening. Dad kept telling me about this. Is my life really in danger?"

Hindi siya makatingin sa 'kin. "Kailangan kong pumunta sa Bayan bukas. Kailangan kong makausap si Mayor."

"Sasama ako."

"Hindi, dito ka lang."

"Lukas! I'll come with you! Natatakot ako, wag mo akong iwan dito mag-isa."

Hinawakan niya ang mga pisngi ko at tinitigan na ako nang diretso. "Sumunod ka muna sa 'kin. Dito ka lang. Wala ng pwedeng makakita sa 'yo, naiintindihan mo ba?"

Napayuko ako. "You're scaring me."

Bigla niya akong niyakap. He held the back of my head and buried my face on his chest. "Basta makinig ka muna sa 'kin. Wag kang lalabas ng bahay bukas. Babalik agad ako."

Hindi ko pa rin talaga naiintindihan, kaso wala naman akong magagawa kung 'di ang sumunod.

I hugged him back and just nodded. 

Hinawakan niya naman ang mukha ko pagkatapos at mariin akong hinalikan sa mga labi. 

Dapat gagaan na ang pakiramdam ko dahil sa ginawa niya, pero bakit gano'n? Ang bigat-bigat pa rin—na para bang ito na ang huling beses na hahalikan niya ako ng ganito. 

TO BE CONTINUED

Thank you so much for reading this chapter! Feel free to share your thoughts or feedback on social media and please use the hashtag #TSBS2LukasZamora so I can see your posts! 🖤

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top