Chapter 21

"CORRINE?" MULI AKONG PINUNTAHAN ni Lukas sa kwarto ko. "Hindi ka pa rin ba babangon? Kanina pa kita tinatawag."

"I'm still sleepy." Sinubsob ko ang mukha ko sa unan at hindi umalis sa pagkakatalukbong sa kumot.

"Bumangon ka na diyan." 'Yon na lang ang sinabi niya.

Kanina pa ako ginigising ni Lukas, kaso inaantok pa kasi talaga ako dahil puyat na naman.

It's been weeks since we got official. Pero halos gabi-gabi yata, nagce-celebrate pa rin kami.

I couldn't help it. Lalong sumarap si Lukas nung naging boyfriend ko na siya. And I'm really enjoying the butt play. Palagi na nga 'yong kasali sa session namin. Getting fingered backdoor was a different kind of pleasure. Iba 'yung satisfaction na nabibigay nito.

Just like last night when we did it in the bathroom, his fingers in both my holes gave me multiple orgasms. Halos makalimutan ko na ang pangalan ko sa sobrang sarap. Naka-ilang rounds pa tuloy kami.

Lukas was so good at anal play. Parang expert. Bigla ko ngang naisip na mukhang sexual fantasy niya 'yon. Lalo kasi siyang nagiging wild kapag may kasamang buttplay sa sex namin. As in performance level siya.

Kaya ito ako ngayon, bagsak pa rin. Hindi ko nga maintindihan kung bakit pinipilit niya akong gisingin, e alam niya namang pinuyat at pinagod niya ako kagabi.

"Corrine."

Nataranta na lang naman ako kasi nandito pa pala si Lukas at hindi pa umaalis!

Napabangon na ako ng kama. "Nandyan ka pa pala?"

"Kanina pa 'ko nakatayo rito. Ano bang ginagawa mo diyan sa ilalim ng kumot, hindi ka na umalis diyan."

Inirapan ko siya kunwari, pero sa loob-loob ko, natatawa ako kasi akala ko talaga wala na siya.

"Pagod pa nga kasi ako. And I was thinking of you. Iniisip ko kung kailan ulit ang next session natin kasi nabitin ako sa nangyari kagabi sa C.R." Joke ko lang 'yon, pero I'm sure nagustuhan niya kasi napangisi siya.

"Bumaba ka muna ro'n," sabi niya lang naman. "Tingnan mo kung may kulang pa sa ginawa ko."

"Ginawa mo? Bakit, anong ginawa mo?"

"Bumaba ka muna." Tumalikod na siya at tuluyang umalis.

Bigla naman akong na-excite! Nawala ang antok ko. Parang may pa-surprise 'tong boyfriend ko sa 'kin ah.

Humabol agad ako sa kanya pababa, at nanlaki na lang ang mga mata ko nang makitang ang daming naka-prepare na pagkain sa table.

May mga sandwiches, hotdogs, fruits, sodas, at mga chips. Naka-pack lahat na para bang magpi-picnic kami!

"Bakit may ganito?" tanong ko sa kanya habang nanlalaki pa rin ang mga mata sa mga pagkain sa table. 

"Dadalhin natin."

"Saan?"

"Naalala mo 'yong nakita mong batis? 'Di ba sabi mo gusto mong pumunta ro'n?"

"Oh my god! Magsi-swimming tayo?!"

Ngumiti siya at tumango. "Ayusin mo na mga gamit mo. Kanina pa kasi kita ginigising, ayaw mong bumangon."

"E hindi mo naman kasi sinabing magsi-swimming pala tayo! Wait lang, I'll pack my stuff!"

Kumaripas ako ng takbo pabalik sa taas.

OMG, OMG! Nakaka-excite! Nakalimutan ko ng inaantok ako at masakit ang katawan ko.

Ito naman kasing si Lukas, laging pabigla-bigla magplano ng date. Kung kagabi niya pa sinabi sa 'kin na magba-batis kami, e 'di sana naihanda ko na agad ang mga bikini ko. Natataranta tuloy akong maghagilap sa cabinet ngayon.

Ang bilis ko pa rin namang nakapag-prepare. After an hour, ready na ako at bitbit na ang bag ko pati na rin si Pebbles.

Suot ko 'tong pink dress na binili ko sa Bayan. May malaking beach hat din ako at shades. Naka-swimsuit na rin ako sa ilalim para mamaya, tatalon na lang ako sa tubig.

Si Lukas, nasa kwarto niya pa.

Himala nga, nauna akong natapos mag-ayos ngayon. Akala ko mapapagalitan na naman ako sa bagal kong mag-handa e.

Ilang saglit lang naman, bumaba na rin siya. And my eyes instantly went huge when I saw him wearing the pink shirt I gave!

Hindi pa ako makapagsalita kasi para akong na-love at first sight. Titig na titig lang ako sa kanya at kulang na lang malaglag ang panga ko sa sahig.

Nung makalapit na siya sa 'kin, tsaka lang ako nakapag-react. Hinaplos ko ang damit niya. "I knew it. Pink will look good on you. Kaya naman pala ang tagal mo sa taas. Nagpa-gwapo ka pa para sa 'kin. E 'di lalo akong mai-inlove sa 'yo niyan?"

Umiwas siya ng tingin. "Hindi ako sanay sa ganitong damit."

"I know. And I'm loving you even more because of the little things you do just for me. Mamaya mag-picture tayo sa phone ko, ah? Look. Matchy-matchy tayo, naka-pink din ako."

Napangisi lang siya. "Tara na. Dadalhin pa natin 'tong mga pagkain sa sasakyan." Pumunta na siya sa kusina.

"I'm bringing Pebbles with us. Pwede rin ba nating isama si Clementine? Para magsi-swimming din siya sa batis."

"Hindi pwedeng isama si Clementine. Walang magbabantay rito."

"Sige na. Para nga happy family tayo."

Natawa siya. Pero hindi naman ako sinagot. Busy na siya roon sa mga pagkain.

Lumapit na muna ako. "Lukas, please? Isama na natin si Clementine para mailabas din natin siya. I'll be the one to take care of him."

He looked at me. Tapos siguro bumigay siya sa pagpapa-cute ko kasi napabuntong-hininga na lang siya at tumango. "Sige na, isasama na natin si Clementine."

"Yay! Let me help you with these." Kinuha ko na ang ibang mga pagkain para dalhin sa sasakyan.

Ang dami pa naming ibang binitbit. Meron pa kaming dalang blanket kasi sabi ni Lukas, magpi-picnic pala talaga kami do'n sa tabi ng batis. Kaya lalo akong na-excite. I feel like I'm a kid again!


UMALIS NA AGAD kami matapos mailagay sa sasakyan lahat ng kailangan namin.

Handang-handa si Lukas. He made sure everything's complete. Buti na lang nga gano'n siya, kasi ako, sobrang makakalimutin at hindi organized sa buhay.

Habang nasa byahe, nakadungaw lang ako sa nakabukas na bintana habang tinatanaw kung malapit na ba kami sa batis. Ang sarap ng simoy ng hangin, nililipad nga ang buhok ko na humaba na ngayon. Lagpas na sa shoulders ko.

Yakap-yakap ko si Pebbles, habang si Clementine naman, nasa likod nitong pick-up truck. Enjoy na enjoy rin siya sa ganda ng view. Kanina pa nagwa-wag ang tail niya.

I looked at Lukas while he's busy driving. I still can't get over sa suot niyang pink shirt na lalong nagpagwapo sa kanya.

"You should wear that more often," I told him.

Tumingin din siya sa 'kin at napangiti na lang nang makitang T-shirt niya ang tinutukoy ko. "Ngayon lang 'to kasi gusto kong matuwa ka. Hindi bagay sa 'kin."

"Bagay nga e. You look so cute! Bibigyan pa ulit kita ng ganyan."

Ngumiti lang ulit siya. "Mamaya pala, maglalakad pa tayo bago makapunta sa mismong waterfalls."

"Like a little trekking?"

Tumango siya.

"That sounds fun! Okay lang sa 'kin, hindi naman ako naka-boots ngayon e."

Napangiti siya sabay tingin sa OOTD ko. Kanina niya pa kasi ako sinasabihan na mukha raw akong turista kasi may malaking beach hat at shades pa ako kahit na sa batis lang naman talaga ang punta namin. 

Ilang saglit pa kaming bumyahe bago kami tuluyang nakarating sa batis.

I was in awe of its beauty! Ito 'yong klase ng ganda na hinding-hindi ko makikita sa Almeria kahit pa mayaman ang lugar na 'yon.

Nakalimutan ko na ngang tulungan si Lukas na ilabas 'yong mga baon namin kasi bumaba agad ako ng sasakyan para pagmasdan ang kahabaan ng batis. Sobrang linaw ng tubig at mukhang napaka-refreshing. Naririnig ko na nga rin ang tunog ng waterfalls. It's my first time to see one, kaya ni-ready ko na ang phone ko para kumuha ng maraming pictures.

"Corrine," pagtawag na sa 'kin ni Lukas. Bumalik na muna ako sa kanya kasi baka pagbi-bitbitin na niya ako ng pagkain.

"Sobrang ganda rito!" Kulang na lang mapatalon ako sa tuwa. "Kunan mo ako ng pictures, ah? Ipapakita ko kay Daddy pagbalik ko sa 'min."

Ngumiti siya at tumango, tapos pinakawalan na si Clementine. Hindi na niya tinali kasi marunong daw 'yong sumunod sa kanya. Nakakatuwa, feeling ko talaga nag-family outing kami.

"Saan dito ang mga dadalhin ko?" tanong ko habang pumipili ng bibitbitin sa mga baon namin.

"Wala kang dadalhin. Ako na lahat diyan."

"No. I wanna help."

"Mahihirapan ka, mabato sa daan. Kargahin mo na lang si Pebbles." Dinala na niya lahat ang mga baon namin, tapos nauna na siyang naglakad.

Pinagmasdan ko na lang muna siya saglit habang palayo siya. He's really such a gentleman, and so strong. Kinikilig ako na nakikita siyang dala-dala lahat ang mga baon namin nang walang kahirap-hirap.

Sumunod na rin ako sa kanya pagkatapos. I kept snapping photos while walking. Pati si Lukas, pinipicturan ko at vini-video-han mula sa likod habang naglalakad siya. Sinasabayan ko rin siyang maglakad minsan para may picture kami together. Kaso naiinis siya. Ang dami na raw masyadong picture. Natatawa na lang ako, hindi pala siya mahilig sa gano'n. Wala tuloy kaming maayos na kuha. Lahat nakasimangot siya.

I'm also taking videos of Clementine. He looks like he's having fun while we're trekking! Nauuna pa nga siyang maglakad, tapos hihintayin niya na lang kami ni Lukas kapag nakita niyang masyado na kaming nahuhuli. Para siyang tour guide. 

After a 15-minute trek, we finally reached the waterfalls!

Natigilan talaga ako at natulala nang makarating na kami. It looks majestic! Para ngang hindi totoo e. Parang picture lang sa Google, pero totoo talaga. Sulit na sulit 'yong mabato na dinaanan namin. And the best part, walang ibang tao kung 'di kami lang.

Nag-umpisa na kaming maglatag ni Lukas ng blanket malapit sa batis. Pinaupo ko si Pebbles, tapos nilabas na namin ang mga pagkain at inayos sa gitna.

Ang gusto nga ni Lukas, kumain muna kami. Pero excited na kasi talaga akong mag-swimming kaya sabi ko, magbabad muna kami sa tubig kasi pinagpawisan din ako sa pag-trek.

Hindi ko na siya hinintay na pumayag. Naghubad na agad ako ng dress ko. And I'm now just wearing my skimpy, fuschia bikini.

Natigilan tuloy agad si Lukas sa ginagawa niya at napatulala sa 'kin.

I squinted my eyes at him. "I know that look. What? Naglaway ka ba agad sa sexy body ko?"

Hindi naman siya umiwas ng tingin. Titig na titig pa rin siya. "Bakit nag-suot ka ng ganyan?"

"Of course! Magsi-swimming tayo e. Ano ba dapat ang suot ko?"

Napangisi lang siya, tapos bigla na ring naghubad ng T-shirt. Aayaw-ayaw pa siya kanina na mag-swimming, 'yon pala, katawan ko pa rin ang magiging kahinaan niya.

"Let's go!" Tumakbo na agad ako papunta sa batis.

Ang bilis nga niyang sumunod sa 'kin kasi gusto niya, aalalayan niya ako dahil ang lalaki ng mga bato na tatapakan namin. Humabol din sa 'min si Clementine, at nagulat na lang ako kasi nauna pa itong nag-dive sa tubig!

"OMG! Clementine, be careful!"

"Kaya niya 'yan, wag kang mag-alala. Kumapit ka lang sa 'kin."

Nang makalusong na kami ni Lukas sa tubig, napayakap na lang agad ako sa kanya kasi sobrang lamig pala talaga!

"Shocks, mali yata ang suot kong outfit."

He chuckled. "Magkakasakit ka niyan. Ipatong mo na lang 'yong t-shirt ko."

"No, I'm okay. Just hug me so I won't get cold." Hinigpitan ko ang yakap sa leeg niya. Niyakap niya rin naman ako sa bewang kaya nagkikiskisan na ang mga katawan namin.

"Do you know how to swim?" I asked.

Tumango siya.

"Good. Kasi ako, hindi masyado. Takot ako sa malalim."

"Takot ka naman sa lahat. Pero hindi naman malalim 'tong batis."

"Kahit na, takot pa rin ako kaya wag mo akong bibitiwan. I'm like a damsel in distress and you're my knight in shining armor, right?"

Napasalubong siya ng mga kilay.

I giggled. "I'm just kidding. Kaya ko naman talaga ang sarili ko. Pero iba pa rin kapag nandyan ka."

He smiled at me, tapos inalalayan na ako para makapunta na kami sa ilalim ng waterfalls. Enjoy na enjoy ako kasi ang sarap ng pressure ng tubig!

Mabuti na lang din at walang ibang tao rito, kasi ang clingy namin sa isa't isa. Naghaharutan kami sa batis.

I combed his wet hair and wrapped my arms around his neck. "Lukas, thank you for letting me experience this kind of adventure. Dinala mo talaga ako rito. Minsan akala ko hindi ka nakikinig sa 'kin kasi ngumingiti ka lang."

"Hindi lang ako nagsasalita, pero inaalam ko lahat ng gusto mo para maibigay ko."

"That's really sweet. You know what, nagpapasalamat ako na ikaw ang kinuhang bodyguard ni Daddy."

"Ang sungit mo nga no'ng unang beses kitang nakita. Gusto mo pa akong pauwiin."

Natawa ako. "E syempre, naiinis ako no'n dahil aalis ako ng Almeria. Baliw na baliw pa kasi ako kay Nigel, ngayon sa 'yo na ako baliw na baliw." I tightened my hug and looked deep into his eyes. "But I'm serious. I'm really thankful that Dad hired you. Kung hindi siguro ikaw ang kinuha niya, hindi ako magiging ganito kasaya ngayon. Hindi ko na nga ma-imagine na hindi ikaw ang kasama ko e."

He smiled but didn't say anything anymore. He just pinched my nose.

I pouted my lips. "Why?"

Umiling naman siya habang nakangiti pa rin. "Wala. Masaya lang ako sa mga sinabi mo."

"Kinilig ka?"

Bigla siyang napaiwas ng tingin.

Natawa ako sabay haplos sa basa niyang pisngi. "You're so cute when you get shy."

Tumingin na ulit siya sa 'kin at ako naman ang hinawakan sa mga pisngi.

Sa tingin pa lang ng mga mata niya, alam ko na kung anong gusto niya. And I was right. He leaned in, tilted his head, and pressed his cold lips over mine. I snaked my hand over the back of his neck so he wouldn't stop.

Ginalaw na niya agad tuloy ang mga labi niya. He started kissing me passionately, pushing his tongue inside my mouth then pulling it out to gently nibble my lower lip.

Napatigil na lang ako kasi bigla akong napangiti. I wrapped my arms around his neck again and just hugged him tight.

Niyakap niya na lang din naman ako sa bewang. Siguro nagpigil na siya ng sarili, kasi kung hindi, magkaka-make out session kami rito sa batis. 

Ang tagal naming magka-yakap, hanggang sa nagsalita na ulit ako. "Lukas, ahon muna tayo."

"Nilalamig ka na?"

I nodded. "And I'm hungry too. Gusto ko nang tikman 'yong mga baon natin."

"Sige." Inalalayan na niya ako. 

Tinawag na rin namin si Clementine para sumunod. Pagka-ahon, binalutan niya agad ako ng towel at niyakap sa isang braso para hindi ako lamigin. Alagang-alaga talaga ako nitong lalaking 'to e.

Sa totoo lang, hindi naman kami masyadong gumalaw sa tubig pero parang gutom na gutom ako. Napagod yata ako sa panginginig dahil sa lamig.

Nagpatong muna ako ng cover-up dress at binalutan din ng towel si Clementine, tapos umupo na sa blanket. Una kong kinuha 'yong clubhouse sandwich galing sa basket kasi nakakatakam.

Pasubo na sana ako pero bigla akong may naalala. "OH MY GOD!"

Tarantang napatingin sa 'kin si Lukas. "Bakit?"

"Nakalimutan nating mag-picture bago tayo mag-swimming!"

Bumagsak ang mga balikat niya sabay tiningnan ako na para bang nagsisisi na siyang ako ang girlfriend niya.

Natawa na lang tuloy ako. "Bakit? Ang OA ko na naman ba?"

"Palagi ka na lang ganyan kahit sa maliit na bagay. Akala ko kung ano na."

"E kasi, plano ko na magpi-picture tayo sa view ng falls bago tayo mabasa. Wala na, nabasa na tayo. Sayang."

"Ang dami-dami mo ng picture kanina."

"Iba 'yon. Tsk, first time kong nakalimot. Masyado kasi akong natuwa sa experience na 'to kaya nawala sa isip kong mag-picture. Alam mo ba dati, kapag kasama ko ang mga friends ko, magpipicture muna ako bago ang lahat. Bago kumain, bago manood ng movie, gano'n. Para may remembrance."

Bigla naman akong nakaramdam ng lungkot kasi naalala ko na naman sila Beverly.

Tinabi ko na lang ang phone ko at tumuloy na sa pag kain ng sandwich. "'Di bale. Mas masaya naman 'yung ine-enjoy ko ang moments natin kesa sa nagpi-picture ako. Hindi ko na pala kailangan ng pictures kasi habang buhay ko namang maaalala lahat ng nangyayari sa 'tin."

Nagtaka na lang naman ako, bigla niyang kinuha ang phone ko sa bag. Pinapwesto niya ako malapit sa view ng waterfalls, then he took a photo of us.

Kasasabi ko lang na hindi ko na kailangan ng pictures, pero bigla pa rin naman akong na-excite na tingnan ang kuha namin. "Wow, ang hot natin dito ah. Wet look."

Napangisi siya, tapos kumuha na rin ng sandwich. "Hindi ka na ba malungkot? May picture na tayo."

"Hindi naman ako totally nalungkot." Tinitingnan ko pa rin ang picture namin. "Ang gwapo mo dito kahit ang seryoso ng itsura mo. Hindi ka talaga mahilig ngumiti kahit sa picture?"

He just smirked again.

"I still love it, though. You look sexy and mysterious. Gagawin ko nga 'tong profile picture sa Facebook kapag legal na tayo kay Dad. Ita-tag kita. Ano bang FB mo?"

"Wala akong gano'n."

Natigilan ako sabay tingin sa kanya. "Wala kang Facebook? Tao ka ba?"

He chuckled. "Hindi ako mahilig sa mga ganyan-ganyan."

"Seryoso? Grabe, may tao pala na walang Facebook. Gusto mo gawan kita?"

"Ayoko. Wala akong oras para sa ganyan."

"Sige na! Gusto kitang i-tag e. Para maiinggit ang mga dati kong kaibigan kasi may boyfriend na ako at napaka-pogi pa."

"Iniisip mo pa rin ang mga kaibigan mo."

"Gusto ko lang ipakita sa kanila na kaya kong maging masaya kahit wala sila. Ewan ko na lang kung hindi sila maiinggit sa 'kin." Nagbukas ako ng canned soda para uminom. "Pagbalik natin sa Bayan at nagka-signal ako, gagawan kita ng Facebook."

Hindi naman na siya umangal. Tumuloy na ulit kami sa pag kain habang nagki-kwentuhan ng kung anu-ano. Pinapakain at nilalaro rin namin si Clementine kasi gustong-gusto pala nito na nababasa sa tubig. Ang saya ng ganitong klase ng bonding.

Hindi na tuloy namin namalayan na halos makalahati na namin ang mga baon naming pagkain. Busog na busog ako, ang sarap ng mga hinanda ni Lukas!

Panay nga ang haplos ko sa tiyan ko. "Shocks, nahihiya na akong mag-swimsuit. Ang laki ng tiyan ko."

Natawa na lang si Lukas. "Mag t-shirt ka na lang pag nag-swimming ulit tayo mamaya."

"Ayoko. Sayang ang ka-sexy-han ko. Magpapahinga lang ako saglit." Humiga na muna ako rito sa blanket.

Humiga rin naman si Lukas sa tabi ko at pinaunan pa ako sa braso niya. Tapos ay pinagmasdan na lang namin ang asul na langit at ang mga ulap na gumagalaw. Napangiti ako kasi ang sarap sa pakiramdam ng moment na 'to.

"Lukas..."

"Hmm?"

"Sana ganito na lang tayo, 'no? Simple and peaceful. I was raised as a city girl, at akala ko 'yon na ang gusto kong buhay hanggang sa pagtanda. But then this happened. Na-realize ko na mas masaya pala 'yung ganito." I looked at him. "Seryoso ako sa sinabi ko a few weeks ago na ayoko nang bumalik sa Almeria. Kakausapin ko si Dad. Tutal, malapit na rin namang matapos ang kontrata mo sa kanya. Sasabihin kong dito na lang ako."

Ngumiti siya sabay halik sa ulo ko. "Dati halos magwala ka na kasi gustong-gusto mong umuwi. Ngayon ayaw mo na."

"'Yon na nga e. Nilalagyan mo siguro ng gayuma 'yong mga niluluto mo para sa 'kin. Gusto na kitang patayin dati para lang mawala ka na sa paningin ko. But now, just the thought of losing you already scares me." Pinatong ko ang ulo ko sa dibdib niya at niyakap siya sa tiyan. "I love you so much, Lukas."

Hindi na muna siya sumagot. Inangat niya ang mukha ko at tinitigan ako nang diretso sa mga mata. "I love you," sabay halik niya sa mga labi ko.

Katulad ng kanina sa batis, uhaw pa rin ang mga halik niya ngayon. I got turned on so I kissed him back with the same intensity. Mayamaya pa ay hindi na niya napigilan, bahagya na siyang pumatong sa ibabaw ko.

Napatigil naman ako sa paghalik sabay harang sa dibdib niya. "S-someone might see us."

"Walang ibang tao." At muli na niya akong hinalikan.

Oh my god, it feels so wrong to do this out here, pero gusto ko rin 'yong thrill ng ganito. Mas nakaka-arouse. Kaya pinulupot ko na ang mga braso ko sa leeg niya at diniinan din ang paghalik.

Ilang saglit pa ay nag-umpisa nang bumaba ang mga labi niya sa leeg ko. He left little hickeys on my skin before going down to my tits.

Binaba niya ang strap ng cover-up dress ko at nilabas ang isang umbok ng dibdib ko mula sa suot kong bikini top para agad niyang masubo.

I moaned softly. Napatingin pa ako sa paligid kasi baka mamaya may tao na pala, pero kaming dalawa pa rin naman ang nandito.

His other hand started caressing my smooth leg while he was still busy sucking and playing his tongue with my nipple.

Shit, nakaka-horny! Ang init na ng pakiramdam ko, lalo na ng bigla niyang pinasok ang daliri niya sa bikini bottoms ko.

He looked up at me and smirked. "Basa ka na."

I bit my lower lip naughtily. "Do you wanna do something about that?"

Muli siyang napangisi sabay binuka na ang mga hita ko at tinapat ang mukha niya sa gitna.

Pero gusto ko pa sana ng added thrill. Kaya bigla akong tumayo at hinubad agad ang bikini ko sa harapan niya mismo.

"Catch me if you can!" Sabay takbo ko papunta sa batis nang naka-hubo't hubad!

TO BE CONTINUED

Thank you so much for reading this chapter! Feel free to share your thoughts or feedback on social media and please use the hashtag #TSBS2LukasZamora so I can see your posts! 🖤

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top