Chapter 19
NAMAMANHID ANG MGA kamay ko habang titig na titig pa rin sa nakita ko sa Facebook.
It was a recent picture of Felicia and Beverly . . . together with Angela.
Hindi ko alam kung namamalikmata lang ba ako o ano. Bakit magkakasama na sila ulit? They look so happy and having fun as if nothing happened to us before.
Hindi na tuloy ako nakapagpigil, tinawagan ko na mismo si Beverly sa number niya.
My hands were trembling! Ilang buwan pa lang akong wala sa Almeria, pero pakiramdam ko ang dami-dami ko nang hindi alam.
After several rings, Beverly finally picked up. "H-hello? Who's this?"
Napapikit ako nang mariin para pigilan ang inis ko. "Really? You don't know my number anymore?"
"Oh my god! Corrine?"
Hindi na muna ako nagsalita kasi naiinis talaga ako.
"I'm sorry!" sabi niya naman. "I bought a new phone, kaya wala pa akong contacts. Hindi ko pa naililipat. But oh my god, it's really you! How are you?"
"What do you think? Nakita ko ang picture niyo kasama si Angela. Bakit magkakasama na ulit kayo?" Diniretso ko na talaga siya.
"Oh, that." Parang wala naman siyang balak mag-deny. "Tinanggap na ulit namin siya ni Felicia sa group. Ang saya nga e. We missed her so much."
Bigla nang nangilid ang luha sa mga mata ko. "Hindi niyo man lang ako tinanong kung okay lang ba sa 'kin na bumalik siya?"
"Uhm, do we always have to ask for your permission? Tsaka bakit, nasaan ka ba? 'Di ba wala ka naman dito?"
My jaw almost dropped. "Why are you talking to me like that?"
"E ikaw naman ang nag-umpisang makipag-usap ng ganito e. Kinumusta na nga kita, pero binara mo ako."
"Because I'm so pissed to see her with you two. You know how much I hate her!"
"My god, Corrine, can't we just move on? Mga bata pa tayo no'n e. And you know what, Felicia and I realized na simula nung umalis ka rito, parang bigla kaming nakahinga nang maluwag. Angela was like a breath of fresh air. Ang saya na niya lalong kasama ngayon. No wonder why Nigel fell for her."
Doon ako muling natigilan. "What did you just say?"
Bumuntonghininga siya. "Nothing. Baka mas lalo ka lang mag-hysterical diyan."
"Beverly, what is it!"
"Okay, okay!" Muli siyang nagbuntonghininga. "Well, umamin si Nigel na matagal na pala niyang type si Angela. It's not you who he wants; it's Angela. Sila na ngayon."
Hindi ko na nakayanan. Binabaan ko na siya ng phone kasabay ng pagtulo ng mga luha ko.
Sakto naman na binalikan na ako ni Lukas. Hinawakan niya agad ang mukha ko, at kitang-kita ko ang pag-aalala sa mga mata niya. "Anong nangyari?"
Umiwas lang ako at umiling. "Gusto ko nang umuwi." Tumayo na agad ako at naunang naglakad paalis.
Ang bigat-bigat ng pakiramdam ko habang nagmamadaling bumalik sa sasakyan. Feeling ko magco-collapse na lang ako bigla kasi nanginging pa rin ako at hindi na rin ako masyadong makakita dahil sa kapal ng luha sa mga mata ko. Hindi ko na kaya. Gusto ko na lang magkulong sa bahay at iiyak lahat ng sama ng loob ko.
Ito pala ang kapalit ng sobrang kasiyahan ko kanina. Kung alam ko lang, sana hindi na lang ako tumawag. Hindi ko matanggap e! Why does this always happen to me? I got betrayed again by the people I thought were my friends!
Pagkapasok sa loob ng sasakyan, iyak pa rin ako ng iyak.
Hindi tuloy magawang makapag-drive ni Lukas. Inalis niya ang seatbelt na kasusuot ko lang at pinaharap ako sa kanya.
"Ano bang nangyari?"
Umiwas ako ng tingin. "Nothing. I just wanna go home."
"Pwede bang wala? Umiiyak ka ng ganyan."
Hindi ko na siya sinagot. Nakatingin lang ako sa gilid habang patuloy sa pag-iyak.
"Corrine? Nag-aalala ako rito."
Doon ko lang pinahid ang mga luha ko, pero hindi ko pa rin siya tiningnan. "My best friends betrayed me." My voice almost cracked when I said those words.
"Bakit, anong ginawa nila sa 'yo?"
"Nakita ko sa Facebook na kasama na nila sa picture si Angela. Tinawagan ko si Beverly, sinabi niya na tinanggap na ulit nila sa grupo ang babaeng 'yon nang hindi man lang pinaaalam sa 'kin kasi wala naman daw ako. Magkakaibigan na ulit sila."
Muli akong naiyak kasi ang sama-sama talaga ng loob ko. It's been long since I felt this kind of pain. 'Yung pakiramdam na nawalan na naman ako ng importanteng tao sa buhay.
Sumandal ako at tinakpan ang mga mata ko kasi hindi na talaga ako makatahan. "How could they do this to me? We've been friends for many years, pero feeling ko bigla na nila akong kinalimutan. Na para bang ayaw naman talaga nila sa 'kin kaya sinamantala nila na wala ako."
"Gusto mo ba silang tawagan ulit? Baka hindi lang kayo nagkakaintindihan. Sasamahan kita."
"No! I don't want to talk to them anymore!" Tumingala ako at pumikit para subukang pigilan ang mga luha ko. "Kung narinig mo lang sana kung paano nakipag-usap sa 'kin kanina si Beverly, parang may galit siya sa 'kin kahit wala naman akong ginagawa. Sinabi niya pa na nakahinga raw sila nang maluwag simula nung nawala ako. I never expected to hear those words from her."
Pinaharap na ulit ako ni Lukas sa kanya para punasan ang mga pisngi ko. "Kung nagawa ka nilang saktan ng ganito, hindi mo sila totoong kaibigan."
"And why's that? I've always been true to them. I loved them like my real sisters, pero masyado nila akong sinaktan. Sa dinami-rami ng pwede nilang gawin, 'yung tanggapin pa talaga ang Angela na 'yon. Napaka-balimbing nila. The last time we talked, nag-kwento pa siya ng against sa babaeng 'yon, tapos ngayon biglang magkakaibigan na sila ulit. I hate them, I fucking hate them all!"
"Corrine. Kumalma ka lang." Pinunasan niya ulit ang magkabila kong mga pisngi.
Pero iniwas ko na ang mukha ko kasi naiinis pa rin talaga ako. "And you know what's even worse? Boyfriend na raw pala ni Angela si Nigel. Ang daya-daya! They all know I like him ever since, pero hinayaan pa rin nila na maging sila ni Angela. Ako dapat 'yon e! Akin dapat si Nigel!"
Bigla siyang natigilan. Napalayo na siya at tumitig na lang sa 'kin.
Inis ko naman nang pinahid ang mga luha ko sabay tumingin sa bintana. "Can we just go home? Pagod na ako, gusto ko nang umuwi."
Huminga siya nang malalim, tapos ay kinabit na ulit ang seatbelt ko at binuhay ang makina ng sasakyan.
• • •
BUONG BYAHE, IYAK lang ako nang iyak. Hanggang sa makauwi kami ni Lukas sa bahay, umiiyak pa rin ako.
Hindi ko na nga siya napapansin. Kanina niya pa ako pinatatahan at binibigyan ng advice para gumaan ang loob ko, pero wala talaga akong ganang makipag-usap.
Pagkapasok sa bahay, dumiretso lang ako sa sala.
Binagsak ko ang katawan ko sa sofa at dito muling umiyak. Ang bigat-bigat pa rin talaga ng dibdib ko.
Mayamaya lang, sumunod na rin sa 'kin si Lukas. Naramdaman ko siyang umupo sa katabing sofa at may nilagay sa gitnang table.
"Nagawan ko ng paraan na hindi matunaw ang ice cream mo. Kumain ka muna."
Umiling lang ako sabay takip ng braso sa mga mata ko.
"Corrine."
"I don't want to. Wala akong ganang kumain at wala rin akong ganang makipag-usap. Just leave me alone."
"Ayoko ng nakikita kang ganyan. Sanay ako na umiiyak ka, pero hindi ganyang klase ng iyak."
"You don't understand what I'm going through right now."
"Naiintindihan ko."
Pinahid ko ang mga luha ko sa pisngi, pero hindi ko pa rin siya tinitingnan. Nakatitig lang ako sa kisame. "Ang bilis nila akong nakalimutan. Ang lungkot-lungkot ko pa naman noong umalis ako ro'n kasi magkakahiwa-hiwalay kami. 'Yon pala, masaya pa sila na nawala ako." Muli akong napaiyak kasi bumabalik ang sakit. "Bakit kasi kinailangan ko pang umalis e. Kung hindi naman ako pinadala ni Daddy sa lugar na 'to, hindi sana 'to mangyayari. I wanna go back to Almeria! Ayoko na rito, hindi ako masaya rito!"
"Bakit, hindi pa ba kita napapasaya?"
Bigla akong napahinto sa pag-iyak at agad siyang tiningnan.
He was staring at me with sad eyes. Ngayon ko lang siya nakitang ganito.
Bigla tuloy akong natauhan. Umupo ako sa sofa habang titig na titig pa rin sa kanya. My heart is beating fast like it's going to jump out of my chest.
Napahinga naman siya nang malalim sabay nilapit sa 'kin ang baso ng ice cream na nasa gitnang table. "Kainin mo na ang ice cream mo, matutunaw na 'yan."
'Yon lang ang sinabi niya bago tumayo at umalis.
I crumpled my chest.
Tumagos sa puso ko ang sinabi niya. Bakit gano'n, ang bilis nagbago ng pakiramdam ko. Ilang salita lang 'yon, pero nawalang parang bula na ang sakit na pinadama sa 'kin ng mga kaibigan ko. Like, why am I even crying my eyes out over those fake friends when I already have this man by my side?
I wiped my cheeks and followed him to the kitchen. Nasa tapat siya ng ref at pinapasok ang binili niyang galon ng ice cream.
Agad ko siyang niyakap mula sa likuran. "I'm sorry."
Natigilan naman siya. "Bakit sorry?"
"Kasi hindi kita kinakausap nang maayos. Nasusungitan kita at alam kong nalungkot ka sa sinabi ko. I didn't mean it."
"Hindi ako nalungkot. Hahayaan lang sana muna kitang mapag-isa kasi 'yon ang gusto mo."
"No, I know I said something that hurt you. Sorry kung naparamdam ko sa 'yo na hindi mo ako napapasaya. Na hindi ko naa-appreciate lahat ng efforts mo sa 'kin. Nadala lang ako ng sama ng loob, but I didn't mean it. Masaya naman talaga ako rito e, at dahil 'yon sa 'yo. You make me happy, Lukas." I hugged him tighter and buried my face on his back. "You make me so happy."
I felt his muscles relax.
Umikot na siya paharap sa 'kin at hinaplos ang buhok ko pataas.
My arms were still wrapped around his waist while I'm staring up at him. Nginitian ko siya nang matamis kahit na nangingilid na ulit ang luha sa mga mata ko.
He gently wiped my cheeks and stroked my hair again. "Kanina mo pa ako pinag-aalala. Wag mo na silang iyakan."
"I know. It's just that, I thought they were my friends."
"Nagbabago ang mga tao. Hindi lahat ng mga kaibigan mo ngayon, magiging kaibigan mo pa rin sa huli. Alisin mo sa buhay mo 'yong mga taong sinasaktan ka."
When he said those words, my tears began to flow again. Sinubsob ko na lang agad ang mukha ko sa dibdib niya para pigilan ang sarili ko.
He wrapped his arms around my neck and inhaled the scent of my hair. "Tahan na."
Pinatatahan niya ako, pero lalo lang naman akong napaiyak. But this time, though, hindi na dahil sa lungkot. Umiiyak na ako kasi ang sarap sa pakiramdam na may naiiyakan ako. All these years, I always act like a tough maldita around my friends, but deep inside, I'm a baby who needs someone who can comfort me and tell me that it's okay.
Tama ang sinabi kanina ni Lukas. If Beverly and Felicia were my real friends, they would never hurt me like this.
I looked up at him again with tears still at the corners of my eyes. "I feel better now, thank you. Kalilimutan ko na lang sila Beverly, kasi sa totoo lang, hindi naman nila ako napasaya katulad ng kung paano mo ako pinasasaya ngayon."
"Kalimutan mo na rin si Nigel."
Bigla akong napapigil ng ngiti. Oo nga pala, may nasabi ako kanina sa sasakyan na hindi ko dapat sinabi.
"I'm sorry," I just told him. "Don't take that seriously, hmm? Galit na galit lang talaga ako kanina kaya ko nasabi 'yon. But I don't like Nigel anymore. Hindi naman na dapat ako naiinggit at wala na dapat akong pakialam kung magka-girlfriend pa siya ng iba, because I already have you, right?"
Ngumiti na siya at tumango.
Binalik ko ang pagkakasubsob ng mukha ko sa dibdib niya. "I just wish you're really my boyfriend."
"Anong ibig mong sabihin?"
"I mean, we have sex and stuff, but technically, you're not yet my boyfriend, right?"
"Hindi naman bawal, 'di ba?"
My heart jumped a little. Napakalas agad ako ng yakap sabay titig sa kanya. "What?"
Hindi naman na siya makasagot. Nakatitig na lang kami sa isa't isa ngayon.
"W-wait, what do you mean?" Tanong ko ulit.
"Tayong dalawa. 'Di ba pwede naman?"
My eyes widened as I placed my hand on my beating chest. "Lukas, do you like me?"
"Hindi mo ba ramdam 'yon?"
"Oh my god, bakit patanong palagi ang sagot mo. Nagtatanungan tayo e. Kung gusto mo na pala ako, bakit hindi mo sinasabi?"
Hindi na siya sumagot. Nakatingin lang siya sa 'kin.
"Okay, I get it, you're not good with words. Pero pagdating sa mga ganitong bagay, wag mong gamitin ang pagiging man of few words mo. You tell it straight to me. Malay ko ba na hulog na hulog ka na pala diyan? Tsaka mag-I love you ka sa 'kin, tapos sasagot ako ng I love you too. And then we will be official."
Hindi pa rin siya sumagot.
Napasapo na lang ako sa noo ko. "My goodness, parang mas nakaka-stress ka pa kesa sa ginawa sa 'kin ng mga kaibigan ko. Hindi ka marunong!"
"I love you."
Agad akong natigilan. Pati 'yong buong mundo ko, parang biglang tumigil.
My cheeks went numb as I looked at him. Ang seryoso ng mukha niya na halatang wala siyang balak bawiin ang sinabi.
Nangilid na naman tuloy ang luha sa mga mata ko. Is this real? My god, para akong lumulutang sa ere ngayon. I don't know what to do with all these feelings na nag-halo-halo na.
Ramdam ko naman e. Based sa mga actions niya at sa dami ng rewards na nangyari sa 'min, alam kong hindi lang ako ang nafo-fall. Pero iba pa rin ang epekto no'ng sinabi niya na mismo sa 'kin. Ang sarap iiyak nitong saya na nararamdaman ko ngayon, pero pinipigilan ko kasi kanina pa ako nagda-drama.
"Corrine, nagsabi na ako ng I love you. Sagutin mo na 'ko."
I chuckled. Hindi ko na tuloy napigilan, tuluyan na ulit akong napaiyak. Para akong baliw dito na ang lapad-lapad ng ngiti pero lumuluha. "Bakit may pagpilit? Wait lang, pag-iisipan ko muna."
Nagkunwari ako na aalis, pero ang bilis niya akong niyakap sa leeg mula sa likuran. He pulled me closer to him that I could already feel his heartbeat pounding against my back.
He buried his face near my ear and whispered. "I love you."
Napapikit ako. "Can you say that again?"
"I love you." He squeezed me tight like he didn't want to let go of me anymore. "Kahit na madalas ang tigas ng ulo mo."
Natatawa ako na kinikilig. Ang sarap marinig ang mga salitang 'yon galing sa kanya. Akala ko buong hapon na akong malungkot dahil sa ginawa ng mga kaibigan ko, pero siya pa rin talaga ang nagpasaya sa 'kin. Ang bilis niyang nabago ang mood ko. Sana lang totoo talaga 'tong nangyayari ngayon. Sana hindi ako nananaginip.
I looked up at him and smiled. "I love you too. Kahit na hindi ka naku-kuntento sa isang round ng sex."
Napangiti lang din siya habang binibigyan ako ng nakatutunaw na titig.
"So, we're official now," I said. "Can we seal it with a kiss?"
Pinaharap niya agad ako sa kanya. He gently held both my cheeks and gave me the sweetest kiss that lingered on my lips.
TO BE CONTINUED
Thank you so much for reading this chapter! Feel free to share your thoughts or feedback on social media and please use the hashtag #TSBS2LukasZamora so I can see your posts! 🖤
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top