Chapter 18

PANAY ANG TINGIN ko sa unicorn balloon na nakatali sa kamay ko habang mag-isang namimili.

Hindi pa rin ako maka-get over sa fact na ginawa akong 7 years old ni Lukas. Ibang klase 'tong tracker na nilagay niya sa 'kin. Ang seryoso niyang tao, pero ito pa talaga ang naisip niya.

But to be honest, I find it sweet. Lalo na nung sinabi niyang babantayan niya ako kahit nasaan pa ako. Sobrang nakaka-inlove kasi ang sweet niya nang hindi niya namamalayan. Iniisip ko tuloy ngayon kung nakaka-pamili ba siya nang maayos o pinagmamasdan niya lang kung nasaan 'tong lobo.

Kung saan-saan pa naman ako napapadpad. Nag-eenjoy naman akong mag-shopping mag-isa, pero iba pa rin pala ang saya kapag kasama ko si Lukas. Sayang nga, dapat pumayag na lang ako na magpasama sa kanya para nakikita niya rin kung anong mga nakikita ko ngayon.

'Di bale, babalik na lang agad ako. Para matawagan ko na rin muna sina Beverly at Felicia. Tsaka marami na rin naman akong nabili. I went on a shopping spree as I'm not sure when I'd be able to go out again.

Pabalik na sana ako sa kainan kung saan kami magkikita ni Lukas, pero may napansin akong cute na pink shirt mula sa isang boutique, kaya doon muna ako dumiretso.

Natatawa ako kasi naisip kong bilhan si Lukas kahit hindi naman siya nagsusuot ng ibang kulay ng damit. Itim lang ang alam na kulay ng lalaking 'yon e. I just thought pink would look good on him.

Bumili na rin ako ng pink floral dress para partner kami. Natatawa talaga ako, I could imagine the look on his face. Malamang pagagalitan na naman ako no'n.

Pinasok ko na ang mga pinamili ko sa dala kong malaking plastic bag, tapos tumuloy na sa meeting place namin ni Lukas.

Ine-expect ko na ako ang mauuna kasi binilisan ko na nga ang pagbalik para matawagan ko sila Beverly, pero nagulat na lang ako nang makitang nandito na si Lukas at naghihintay.

My shoulders slumped as I walked toward him. "Bakit nandito ka na agad?"

Kumunot ang noo niya. "Bakit parang ayaw mo?"

Napapigil ako ng ngiti. "It's not that. Akala ko kasi mauuna ako sa 'yo e. Tatawagan ko pa sana sila Beverly." Umupo na muna ako sa katapat niyang silya. Grabe, pawis na ako. 

Titig na titig naman siya sa mga dala kong plastic bags. "Ano 'yang mga pinagbibili mo? Ang dami."

"Nag-shopping ako para sulit ang paglabas. Ikaw nga rin, ang dami mong binili." Tinuro ko ang mga paper bags niya sa mesa. "Bakit ang bilis mong natapos?"

"Binilisan ko para mapasyal pa kita."

My eyes widened. "Papasyal pa tayo? Hindi pa tayo uuwi?"

Tumango siya sabay bigla nang tumayo. "Tara na. Ilagay muna natin 'to sa sasakyan." Kinuha niya na rin ang mga dala ko at pinasunod ako sa kanya.

My god, hindi pa nga nag-iinit ang puwet ko sa upuan, tapos aalis na agad kami. Ang sakit na ng paa ko kalalakad.

Pero okay lang, nakaka-excite kasi akala ko uuwi na agad kami pagkatapos mamili pero extended pala ang date namin.

• • •

"SAAN TAYO PAPASYAL?" Lumingkis ako ng yakap sa braso niya nang mailagay na namin ang mga pinamili namin sa sasakyan.

"May palaruan dito."

Bigla akong napahinto sa paglalakad at napatitig sa kanya. "Palaruan? Ginagawa mo talaga akong bata."

Napangisi lang naman siya sabay hinawakan na ulit ako sa kamay. "Basta sumama ka na lang."

I rolled my eyes. Tsk, itong si Lukas parang hindi dalaga ang tingin sa 'kin e. Dadalhin pa ako sa palaruan, e ang tanda ko na. Halos laspagin niya na nga ako sa bahay.

Ang layo ng nilakad namin, pero pagkarating na pagkarating namin sa sinasabi niyang palaruan, natigilan na lang ulit ako at natulala.

I thought he'd take me to a playground, but he took me to this lively small-town carnival!

Nagniningning ang mga mata ko nang tingnan ko siya. "May ganito pala rito?"

Nakangiti lang siya sa 'kin na para bang proud na proud siya sa ginawa niya.

Hindi ko naman na mapigilan ang tuwa ko. "THIS IS SO FUN!" Bumitiw na agad ako sa kamay niya at tumakbo papasok sa loob ng carnival.

Ang saya! Ang daming booths, games, at amusement rides. So sobrang excitement ko, nakalimutan ko na si Lukas. Dire-diretso ako sa paglalakad kasi namamangha ako sa mga nakikita ko.

May ganito pala rito. There was nothing like this the last time I came here. Hindi ko rin 'to napansin kanina habang nagsha-shopping. Grabe, sinasabi ko pa naman na hindi na ako bata, pero parang bata pa rin pala ako kasi aliw na aliw ako ngayon.

Ang galing talaga ni Lukas. Alam niya kung papaano ako mapapasaya.

Tumuloy ako sa paglilibot. Habang masayang namamasyal, napatigil ako sa tapat ng isang game booth.

Ang cute ng prize! Malaking stuffed toy na octopus at kulay pink pa. Gusto ko ng gano'n!

Tinanong ko sa nagbabantay kung paano maglaro, at madali lang pala. Babarilin lang daw 'yung mga yellow rubber ducks.

Bigla kong naalala si Lukas! Marunong 'yong bumaril e.

Tumakbo muna ako pabalik sa kanya. Ang bagal-bagal niyang maglakad, paano ba naman kasi, pinagmamasdan niya ako na nag-eenjoy dito sa carnival.

"Lukas!" Hinila ko agad siya sa manggas ng T-shirt niya. "Halika, may ipababaril ako sa 'yo."

Nanlaki ang mga mata niya sa gulat. Pati 'yong ibang mga tao rito sa paligid, biglang napatingin sa 'min.

I just giggled. "I mean, 'yung mga ducks. Barilin mo para makuha ko 'yong stuffed toy. Dali!" Hinila ko na siya para sumunod sa 'kin.

Natatawa na lang naman siya habang sunod-sunuran sa paghila ko.

"Ayun oh!" Tinuro ko ang stuffed toy pagkarating namin sa booth. "Ang cute, 'di ba? Gusto ko niyang stuffed toy na octopus."

Madali talaga siyang kausap. Dumiretso siya ro'n para kausapin ang nagbabantay, tapos binigyan na siya ng fake na baril.

Moral support lang ang kaya kong ibigay, kaya pumwesto lang ako sa tabi niya at nag-cheer like a proud girlfriend. "Go, Lukas, go!"

Nakuha ko tuloy ang atensyon ng ibang tao. Bigla na lang silang nagsipuntahan dito sa booth at nakinood.

Si Lukas naman, hindi namalayan na may audience na siya. Pumwesto na siya sa tapat ng booth at isa-isa nang binaril ang mga yellow ducks. Walang mintis, sunod-sunod niyang napatumba ang mga target!

Napatulala na lang ako sa kanya kasi ang gwapo niya palang bumaril.

Ang seryoso pa ng mukha niya at para siyang action star kahit na mga laruang ducks lang naman ang binabaril niya. Jesus, sino bang hindi mai-inlove sa kagwapuhan ng lalaking 'to.

Manghang-mangha rin tuloy ang mga tao rito na nanonood sa kanya. May mga babae pa nga na nagbubulungan at kinikilig sa galing ni Lukas.

I just smirked to myself. Sorry na lang sila diyan, this guy is mine.

Napatumba na ni Lukas lahat ng mga ducks, at parehas na lang kaming nagulat kasi biglang nagpalakpakan ang mga tao.

Nahiya na tuloy si Lukas. I know he's not used to this kind of attention. Kaya pagkaabot sa kanya ng prize, binigay na agad niya sa 'kin, tapos hinawakan na ako sa kamay para umalis.

Pagkalayo namin sa booth, tsaka ko lang nailabas ang saya ko.

Tinaas ko sa ere 'tong malaking octopus stuffed toy. "OH MY GOODNESS, IT'S SO CUTE!" Tapos niyakap ko si Lukas nang mahigpit. "Thank you! Ang galing mo talaga. Nakita mo, ang dami mong fans!"

Napangiti lang naman siya sabay napailing-iling.

"But seriously, you're so great back there. Ang hot mong bumaril." I then smirked at him and whispered. "Gusto ko na tuloy umuwi para ako naman ang magpapabaril sa 'yo. I'll let you fuck me and shoot me with your creamy cum."

Napapigil siya ng ngiti tapos bigla na lang akong inakbayan para takpan sa bibig. Kinahihiya na yata ako ni Lukas kasi ang kalat ko.

• • •

ENJOY NA ENJOY ako sa carnival! Halos lahat na nga yata ng game booths dito, nasubukan ko na.

This place really brought out the child in me. Lalo pang naging masaya kasi game na game rin si Lukas na maglaro. Kahit alam kong matanda na siya para sa ganito tsaka hindi naman talaga siya mahilig sa mga ganitong lugar, naglaro pa rin siya para sa akin. 

Ang competitive niya nga! 'Yung tipong dapat chill lang kami, pero sineseryoso niya talaga ang mga laro. Hindi niya pinagbigyan ang mga kalaban niya kahit puro bata lang naman. Wala siyang awa. Tinalo niya silang lahat kaya nakuha namin ang mga magagandang premyo. Ang dami na naming napanalunan! But my octopus stuffed toy is still the best.

Ngayon, nagpapahinga na muna kami ni Lukas. Dito kami nakaupo sa wooden bench at kumakain ng corn dog. Hindi na namin namalayan, inabot na kami ng hapon.

"Pag-uwi natin sa bahay, matutuwa si Clementine kasi may kapatid na siya," sabi ko.

Kumunot ang noo ni Lukas. "Kapatid?"

"Oo, itong napanalunan natin." Niyakap ko ang octopus stuffed toy. "Ano kayang ipapangalan natin sa kanya? Ikaw nga ang mag-isip."

"Hindi ako magaling sa ganyan."

"Sige na! Mag-isip ka ng pangalan para rito sa bunso natin. She's a girl."

Nag-isip nga naman siya, tapos tiningnan ulit ako. "Anna."

Napabagsak ako ng mga balikat. "Hindi ka man lang nag-effort na mag-isip. 'Yung creative naman!"

Napapigil na lang siya ng ngiti. "Sinabi na ngang hindi ako magaling magpangalan."

"Tsk! Kapag nagka-totoong anak na talaga tayo, ayokong ikaw ang magpapangalan, ah." Inirapan ko siya sabay tingin naman dito sa yakap kong stuffed toy. "Aha, alam ko na. Let's just call her Pebbles!"

Kumunot na naman ang noo nitong si Lukas. "Bakit Pebbles?"

"E related sa tubig, 'di ba? Gano'n magpangalan. Hindi ka kasi marunong."

"Ang arte-arte mo palaging magpangalan."

Inirapan ko na lang ulit siya, pero sa loob-loob ko natatawa ako kasi ang cute niya na namang mainis.

"Oo nga pala, may ibibigay ako sa 'yo mamaya sa bahay." Bigla kong naalala 'yong binili kong pink na shirt.

"Ano 'yon?"

"Surprise. Basta gusto ko gagamitin mo, ha?"

Tumango naman siya kahit hindi niya pa talaga alam kung ano 'yon. Tapos tumuloy na ulit siya sa pag kain ng corn dog.

I was just watching him.

Manghang-mangha na naman ako sa kanya kahit kumakain lang naman siya. I just couldn't believe that the man I hated before is now the source of my happiness. I never thought I would fall so deep with thim. Ito pala 'yong totoong pakiramdam ng in love. Hindi kasi ganito ang naramdaman ko kay Nigel dati, kahit pa ilang taon ko siyang naging crush.

"Lukas, are you happy today?" bigla kong naitanong.

Tumingin ulit siya sa 'kin at ngumiti. "Oo. Ikaw?"

"Sobrang saya. Alam mo ba, 'yong huling beses na nakapunta ako sa ganito, noong nabubuhay pa si Mommy. Palagi niya akong pinapasyal. Si Dad, hindi masyadong gano'n. Madalas kasi siyang busy kaya sometimes, kakain lang kami sa restaurant or mag-a-out of town. Sa 'yo ko na lang ulit na-experience na makapunta sa ganito kaya feeling ko talaga bumalik ako sa pagkabata." Ngitian ko siya nang matamis. "Siguro noong nawala si Mommy, sa 'yo pumasok ang kaluluwa niya kaya alam na alam mo kung paano ako pasasayahin."

He just smiled a little. "Hindi ka naman mahirap pasayahin. Tuwang-tuwa ka na agad diyan sa laruan mo."

I giggled and hugged Pebbles tighter. "Pero sabi ni Nigel at ng iba kong mga kakilalang boys sa Almeria, parang ang hirap ko raw i-please. Kaya wala akong boyfriend e. They call me too high-maintenance sometimes."

"Hindi lang sila marunong mag-alaga."

My smile widened.

Yeah, he's right. You'll always be too much for the wrong person. Si Lukas lang ang tanging lalaki na nakaya akong kontrolin. All of them are weak to handle me.

Kumain na ulit ako ng corn dog. "But I really had fun today," I told him. "Thank you kasi dinala mo ako rito kahit na halata kong hindi ka naman talaga mahilig sa mga ganitong lugar based sa personality mo."

Ngumiti lang ulit siya.

"Ang sakit nga lang ng paa ko kalalakad," dagdag ko naman. "May pa-boots-boots pa kasi akong nalalaman e."

"Pagod ka na?"

"Not really. I'm okay."

"Alam kong pagod ka na. Ubusin mo na 'yan, uuwi na tayo. Hapon na rin."

"Uy, may promise ka pa sa 'king ice cream, baka nakalimutan mo na, ah."

"Hindi. Dadaan tayo ro'n."

"Hindi kaya 'yon matutunaw sa byahe?"

"Ako ang bahala."

Inubos ko na lang din kaagad ang natitira kong corn dog, tapos umalis na kami ni Lukas sa carnival.

Dumaan kami sa ice cream shop. Sabi ko kay Lukas, siya na ang bumili at uupo muna ako kasi hindi ko pa nga pala natatawagan ang mga kaibigan ko. Gusto ko silang makausap kahit saglit bago ako mawalan ng signal.

Excited ako nang magbukas ng internet sa phone. Ine-expect ko na na sunod-sunod ang pagtunog ng Messenger ko kasi I'm sure tadtad ako ng chats galing kila Beverly.

Pero nagtaka ako kasi kahit isang notification mula sa Messenger, wala. Hindi ba ako naka-connect sa internet? 

I opened my Messenger app, at wala talagang bagong message. Parang imposible naman na kahit sa GC namin, hindi nag-uusap si Beverly at Felicia. Hindi na tuloy maalis ang pangungunot ng noo ko. Tumuwid ako ng upo at nagbukas na ng mismong Facebook.

And then I saw one picture that instantly shattered my heart into pieces.

TO BE CONTINUED

Thank you so much for reading this chapter! Feel free to share your thoughts or feedback on social media and please use the hashtag #TSBS2LukasZamora so I can see your posts! 🖤

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top