Chapter 15
AUTHOR'S NOTE: This chapter contains mature scenes and languages not suitable for young readers. If you're not into this kind of story genre, PLEASE DO NOT READ!
• • •
"Corrine?"
Tuluyan akong nagising sa kalabit ni Lukas.
Sinilip ko siya kahit na ang bigat pa ng mga mata ko sa antok. Akala ko nananaginip lang ako na ginigising niya 'ko, 'yon pala ginigising niya talaga ako.
I closed my eyes again because I still couldn't move yet.
"Corrine." Muli niya akong kinalabit. "Kain na tayo."
"Ikaw na lang muna. I can't get up."
Hindi na siya sumagot. Naramdaman ko na lang na umalis na siya sa tabi ko.
Gusto ko man siyang sabayan, pero nanghihina pa kasi talaga ang katawan ko. Dito na nga ako nakatulog sa sofa pagkatapos ng two rounds namin. I'm still naked, pero may nakapatong na sa 'kin na blanket.
Mayamaya lang, bumalik ulit si Lukas. I peeked at him and saw him pulling a chair towards me. May dala siyang plato ng pagkain tsaka 'yong shirt na suot ko kanina.
Tinabi niya muna 'yong plato, tapos dahan-dahan niya akong inalalayan para bumangon. Binihisan niya ako ng damit at hinaplos-haplos ang buhok ko para ayusin.
"Susubuan na lang kita para makakain ka," sabi niya sabay kinuha na 'yong pagkain at naghanda nga talaga para subuan ako.
Nawala na tuloy ang nararamdaman kong antok at napalitan agad ng kilig. "Bakit ang sweet mo? Bumabawi ka ba sa 'kin kasi masyado mo akong pinagod?"
He just smiled a little, tapos hinipan na 'yong pagkain sa kutsara bago tinapat sa bibig ko.
Kinain ko na lang din kasi kumukulo na rin naman ang tiyan ko sa gutom.
Ang sarap. Napapikit agad ako sabay sandal ng ulo ko sa sofa. Wala talaga siyang palya pagdating sa pagluluto. Nagiging comfort food ko na ang mga hinahanda niya para sa 'kin.
"Matagal ba akong nakatulog? I asked.
"Medyo. Hindi na kita inakyat sa taas."
Dumilat ulit ako para tingnan siya. "Nakatulog ka rin?"
"Oo, tumabi ako sa 'yo. Hindi mo ba naramdaman?"
"Paano ko mararamdaman e ni-knock out mo 'ko."
Napangiti siya nang mapait. "Sorry."
Ang cute niya. Para siyang nagi-guilty na ewan. "Joke lang, nag-enjoy naman ako. I just got really exhausted." Sinandal ko na ulit ang ulo ko habang ngumunguya.
"Ubusin mo lang 'to, tapos magpahinga ka na ulit," sabi niya naman. "Hindi kita pakikilusin."
I squinted my eyes. "Sure?"
Tumango siya.
"Okay. Wala na tayong reward mamayang gabi, ha? Next week na ulit."
Biglang kumunot ang noo niya. "Ang tagal?"
"Syempre. Pang-isang linggo na 'yong ginawa mo sa 'kin kanina e, kaya next week na ulit."
Napapigil siya ng ngiti, tapos tumango na lang. Sinubuan na ulit niya ako ng pagkain.
Pinagmamasdan ko lang naman siya. Gusto ko kapag inaalagaan niya ako ng ganito. 'Yung feeling na, hindi dahil trabaho niya, pero dahil gusto niya talaga akong alagaan. Aside from Dad, no other man has taken care of me like this.
And his is back to his true form. Sa amo ng mukha niya at sa pagiging tahimik niya, hindi ko talaga naisip na wild siya.
Silent but deadly—that's how I describe him now.
Akalain mo, may tinatago pala siya na gano'ng galing. Pakiramdam ko pa naman ang tagal niya akong hinanda. Halos gabi-gabi niya akong binibigyan ng reward para siguro ready na ako kapag umatake na talaga siya. Pero nagulantang pa rin ako.
Though as I always say, I enjoy every bit of it. Hindi ko rin inexpect na may tinatago rin pala akong landi sa katawan, that I would love submitting to him and find our sex so addictive. Kung hindi pa ako pinatikim ni Lukas, hindi ko malalaman na uhaw rin pala ako sa ganito.
"Corrine."
Natauhan ako nang bigla niya akong tinawag. "Hmm?
"Bakit ka nakangiti sa 'kin?"
"Nakangiti ba ako?"
Tumango siya sabay sinubuan na ulit ako ng pagkain.
"Hindi ko namalayan," sabi ko na lang. "Iniisip ko kasi 'yung ginawa natin kanina."
"Gusto mo pa?"
Tinaasan ko siya ng isang kilay. "Ako pa talaga ang tinanong mo, e ikaw nga yata diyan ang gusto pa. Kulang ang two rounds?"
Napapigil lang siya ng ngiti.
Tumuwid naman ako ng pagkakaupo at tinitigan siya sa mga mata. "Lukas, could you be honest with me?"
Napatuwid din agad siya ng upo, siguro dahil bigla akong naging seryoso. "Bakit?"
"Bukod sa pagiging chef, ano pang ibang trabaho mo dati sa New York? Do you do porn?"
Hindi na niya napigilan, napangiti na siya nang malapad.
"Ano nga?"
Umiling siya.
"Then why are you such a performer?"
Ang tagal bago siya nakasagot. "Hindi ko alam, sa 'yo lang ako naging ganito."
I couldn't help but smile. "Ang yummy ko kasi, 'no? Na-adik ka sa 'kin?"
Tumango naman agad siya. Ang dali talagang kausap nitong lalaking 'to. Pero hindi yata ako makaka-get over sa fact na sa akin lang siya wild. Kaya pala isang box agad ng condoms ang binili.
And speaking of that. Lumingon ako sa kusina. "Where are the condoms?"
"Tinago ko muna."
"Saan?"
"Sa kwarto ko."
"Akin na, ako na ang magtatago para sure na next week pa talaga ulit natin magagamit. Mahirap na, kapag nasimulan ka pa naman, hindi ka na tumitigil."
Napangisi siya. "Marunong akong sumunod sa usapan."
"Okay, pero gusto ko ako pa rin ang magtatago. Kukunin ko 'yon sa kwarto mo mamaya."
Hindi na siya lumaban. Ang cute ni Lukas kapag ganito siya sa 'kin. Parang ang bait-bait niya.
I smiled at him and caressed his cheek. "Mag-e-exercise na lang din muna ako the whole week para makasabay ako sa stamina mo. Para higit pa sa dalawang rounds ang magagawa natin."
Bigla siyang napatingin sa 'kin na parang nagningning ang mga mata. Natatawa na lang ako. Gustong-gusto niya naman 'yon.
Kinuha ko na ang plato ng pagkain sa kanya pagkatapos. "Kaya ko na. Go get your food. Gusto ko sabay tayong kumain."
• • •
MATAPOS NAMING KUMAIN, tuluyan na akong nakabawi ng lakas.
Inayos ko na muna ang pinaghigaan ko habang si Lukas naman ay naghuhugas ng mga pinggan. Ang gulo nitong sofa namin. May mga parts pa na medyo nag-marks kasi dito nagpaputok kanina si Lukas ng sperm niya. Kung gaano siya kalinis sa bahay, gano'n siya ka-kalat pagdating sa sex.
Pagkatapos mag-ayos, napansin ko 'yong paper bag na inuwi ni Lukas kanina. Alam ko may isa pa akong nakita ro'n na binili niya bukod sa condoms e.
Tiningnan ko nga muna ulit habang busy pa siya sa paghuhugas.
Buti hindi niya pa natatabi itong paper bag. Kinuha ko sa loob yung tube. Lubricant nga talaga.
"Corrine."
Nagulat na lang naman ako, biglang nasa likod ko na si Lukas! How the hell did he get here so quick?
Kinuha niya agad sa 'kin yung lubricant, tapos umalis na siya ulit.
Sinundan ko nga. "What is that for?"
Hindi siya sumagot.
Binilisan kong maglakad para unahan siya at harangin. "Lukas, saan mo 'yan gagamitin?"
"Tsaka mo malalaman."
I smirked at him. "May pinaplano ka pa bang iba sa 'kin bukod sa araw-arawin ako?"
Ngumisi lang din siya, tapos pinatabi na ako para makatuloy na siya sa paghuhugas.
This man is full of surprises. Sa tahimik niyang 'yan, ang dami niya palang kapilyuhan na tinatago.
• • •
KINAHAPUNAN, LUMABAS kami ni Lukas kasi magli-litson daw siya ng manok para sa dinner namin.
Hindi ko na talaga kailangang maghanap ng restaurant dito e. Lukas can completely satisfy all my food cravings.
Habang busy siya, nakipaglaro muna ako kay Clementine. I'm teaching him to fetch. Nakakapagod nga at pawis na ako, pero okay na rin. Umpisa na 'to ng exercise ko para magpalakas.
"Corrine." Bigla namang tawag sa 'kin ni Lukas. Nandoon siya sa gilid ng bahay nagli-litson.
"Wait, Clementine, I'll be back," pagpapaalam ko muna sa anak namin sabay takbo ko papunta kay Lukas.
Nakakunot nga ang noo niya pagdating ko. "Ba't takbo ka nang takbo?"
"Wala, exercise lang. Why did you call me?"
May kinuha siyang roast hotdogs. "Nilutuan kita," sabi niya tapos sinubuan ako.
Hindi ko mapigilang hindi mapangiti habang ngumunguya. "Ang sweet mo talaga. Why are you doing this? Siguro gusto mo ng reward mamayang gabi, 'no?"
"Wala akong sinasabi."
I chuckled. "Joke lang, ito naman masyadong serious." Then I gave him a kiss on his cheek. "Thank you sa hotdog. Nagustuhan ko." Kinuha ko na 'yong stick ng hotdog sa kanya para muling kumagat.
Habang kumakain, bigla niya namang pinahid ang pawis sa gilid ng noo ko. "Wag ka nang makipaglaro kay Clementine, pawis ka na."
"I'm fine. Nagpapalakas nga ako ng stamina para sa 'yo e."
Napangisi siya. "Hindi ko naman sinabing magpalakas ka. Umupo ka na lang dito, samahan mo 'ko."
"Okay!" Madali naman akong kausap basta siya ang hihiling.
Humila na lang ako ng upuan at dito na ako kumain ng hotdog habang pinanonood siya na nagli-litson. Ang babaw ko, pero manghang-mangha ako sa ginagawa niya.
"You know what," I said. "Mas magaling ka pang magluto kaysa sa mga chefs sa mga restaurants ng Almeria. Akala ko masarap na ro'n, pero nung natikman ko ang mga luto mo, wala pala silang sinabi."
"Nakainan mo na ba lahat ng mga restaurant do'n?"
"Of course. I grew up there. 'Yon nga lang ang ginagawa ko sa 'min e. Kumain at mag-shopping at magpa-salon."
"Bakit, wala kang trabaho?"
Umiling ako sabay kagat sa hotdog. "I don't need a job. Binibigyan naman ako ng monthly allowance ni Dad."
"Dapat may trabaho ka pa rin. Hindi habang buhay nandyan ang tatay mo."
Saglit akong natahimik bago muling nakasagot. "But I'm not good at anything. Ang alam ko lang, maging maganda. Okay lang ba 'yon?"
Napangiti lang siya, tapos umupo na rin sa tabi ko. Wala siyang sinabi.
"I want to be a housewife," dagdag ko naman. "Katulad ni Mommy. Housewife siya kasi hindi na siya pinagtrabaho ni Dad. Kaya nga hands-on siya sa 'kin. She's the best mom, and I want to be exactly like her."
Napatingala ako sa makulimlim na langit para mag-imagine. "'Yung tipong, gigising ako nang maaga para magluto ng breakfast namin ng asawa ko. Tapos ipe-prepare ko na rin ang susuotin niya papasok sa trabaho niya. Pakakainin ko siya ng breakfast at ihahatid sa kotse. Tapos habang nasa trabaho siya, maglilinis muna ako ng buong bahay. Sa gabi naman, magluluto ako ng dinner tapos sabay kaming kakain pagkauwi niya. Magki-kwentuhan kami ng tungkol sa ginawa namin buong araw, tapos magkatabi na kaming matutulog. We will cuddle all night or even make love if he's not tired. Gano'n ang gusto kong buhay. Ang ganda, 'di ba?" Binalik ko na ang tingin ko kay Lukas.
Ang lapad-lapad pa naman ng ngiti ko kasi natuwa ako sa inimagine ko, pero itong si Lukas, nakakunot lang ang noo sa 'kin.
"Why are you looking at me like that?" I questioned. "Parang hindi ka natuwa."
"Sa pag-gising pa lang nang maaga, alam ko nang papalpak ka."
"How dare you!" Pinalo ko agad siya sa braso. "Kaya ko namang gumising nang maaga, ah? Nasasabayan na nga kita."
"Minsan lang 'yon. Ang sungit mo pa kapag ginigising."
"E kasi, I'm not really a morning person. Pero masasanay din naman ako. Grabe ka."
"Hindi ka rin marunong magluto. Anong iluluto mo sa 'kin?"
Natigilan agad ako at napatulala sa kanya. "B-bakit, sinabi ko bang ikaw 'yung magiging asawa ko?"
Bigla siyang napaiwas ng tingin sabay tumayo na lang at bumalik sa ginagawa niya na parang walang nangyari.
Natatawa na lang ako sa loob-loob ko. Ang cute niyang mahiya. I was just kidding, though. Kasi ang totoo, habang nag-iimagine ako kanina, siya ang nasa isip ko.
• • •
LUMIPAS NA ANG isang linggo.
Pinanindigan nga talaga ni Lukas ang usapan namin na wala munang rewards na mangyayari. As in kahit na himas, wala. He was able to control himself.
Ang problema, ako naman 'tong naghahanap.
Akala ko naisahan ko si Lukas kasi napapayag ko siyang magpigil, pero ako pala ang naisahan niya kasi mas lalo niya lang akong pinasabik sa kanya.
I already miss the feeling of him inside me. How he moves, the way his hands feel, and how he looks at me when he's making me cum. Ilang araw ko na nga siyang hinihintay na yayain ako, pero totoo nga talaga na marunong siyang sumunod sa usapan.
It's midnight now. Mag-isa lang ako dito sa kwarto ko. Umuulan sa labas at hindi ako makatulog. Ilang gabi na rin kaming hindi nagtatabi ni Lukas para mapanindigan ang usapan namin, kaya siguro mas lalo ko siyang hinahanap-hanap. Ang hirap pala, hindi nagwo-work sa 'kin yung ganito.
Tumagilid ako ng higa at tiningnan ang box ng condoms na nakuha ko na kay Lukas at nasa bedside table ko lang ngayon. Kapag ako hindi na talaga nakapag-pigil, ako na mismo ang papasok sa kwarto niya. Bahala na kung mapalabas ko na naman ang pagiging halimaw niya sa kama.
Nagulat na lang naman ako, narinig ko na biglang bumukas ang pinto ng kwarto ni Lukas. Gising pa rin pala siya?
I was about to get up to go to him, pero naunahan niya ako. Bigla siyang pumasok dito sa kwarto at dire-diretsong tumabi sa 'kin.
"W-what are you doing here?" Umarte muna ako na nagtataka.
Tiningnan niya ako. "Umuulan. Hindi ka ba natatakot?"
"Mahina lang naman."
"Baka natatakot ka. Dito na lang ako matutulog."
I couldn't help myself but smirk. "Stop it. Hindi bagay sa 'yo magsinungaling. I know exactly why you're here."
Tumitig siya sa 'kin nang matagal, tapos bigla na lang akong hinawakan sa likod ng ulo at hinila palapit para halikan.
I moaned softly with the force of his lips. Natukso agad ako. I brushed my fingers through his hair and kissed him back. "You missed me, don't you?" I murmured in between our kisses.
Tumango siya sabay buhat sa 'kin para pumatong sa ibabaw niya. I felt his crotch twitched with excitement. Pati tuloy ako lalo na ring na-excite.
Gumapang agad ang kamay niya at pumasok sa loob ng undies ko. I moaned softly again when he started rubbing my pussy from behind. Napatigil pa ako sa paghalik, pero hinabol niya agad ang bibig ko para magpatuloy.
Shit, he's making me horny. Ilang araw akong nagtiis, feeling ko lalabasan agad ako sa simpleng paghimas niya pa lang.
He kept rubbing my pussy until it got so wet. Sobrang aroused na ako. Binilisan ko ang pakikipaghalikan para iparamdam sa kanya ang pagkasabik ko. And he understood what I wanted. He opened my legs while I'm still on top of him then slid a finger inside my wetness.
"Uhh..." Tuluyan na akong napahinto sa paghalik. That was the first time he fingered me and it felt incredible.
Hindi pa siya tumigil kasi alam niyang nasarapan ako. Nilabas-pasok niya ang daliri niya sa hiwa ko at nagdagdag pa siya ng isa pang daliri.
Napasubsob na ako sa dibdib niya at dito umungol.
Jesus, his fingers filled me up so perfectly. Inangat niya pa ako para mas malaliman ang pasok ng mga daliri niya, tapos nilaro ang mga 'yon sa loob. Pinipilit kong pigilan ang sarili ko, pero hindi ko na kaya.
I looked at him with my lustful eyes. "Please fuck me."
TO BE CONTINUED
Thank you so much for reading this chapter! Feel free to share your thoughts or feedback on social media and please use the hashtag #TSBS2LukasZamora so I can see your posts! 🖤
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top