Chapter 1
CORRINE DELGADO
"WHAT?! YOU WANT me to live with a guy I don't even know?!"
My father, the mayor of Almeria City, heaved a deep sigh and rubbed his forehead while sitting behind his home office desk. "Corrine, calm down. Hindi ito katulad ng iniisip mo."
"Then what?"
My gosh, nakakainis 'tong tatay ko! Nag-e-enjoy ako sa bahay ng isa kong best friend, tapos bigla-bigla akong pinasundo pauwi sa sipsip niyang tauhan para lang sabihin 'tong nonsense stuff na 'to sa 'kin.
"I need to protect you," he answered. "Nasangkot ako sa isang malaking gulo. Puwede kang madamay at malagay sa panganib. I want you to leave Almeria as soon as possible. I've already hired someone to take care of you, and you will stay with him in secret."
Natawa ako. "I don't understand, Dad. Anong gulo? Matagal pa ang eleksiyon. Bakit nathe-threaten ka na naman sa mga kalaban mo sa politika?"
"Hindi sa politika."
"E, saan? Bakit, may iba ka pa bang ginagawa bukod sa pamunuan 'tong Almeria? What was the issue at kailangan mo pa akong paalisin?"
Nagbuntonghininga siya. "You won't understand. You're still young for that, sweetheart."
"My goodness, Dad, I'm already old enough. I'm twenty-three!"
"Still young. Just listen to what I said."
"E, sino pang ibang makakasama ko sa pag-alis? Will I have maids? Personal chef? Sinong magluluto ng food para sa 'kin? Baka magutom ako ro'n."
"Oh. I thought you're already old enough?"
Tiningnan ko siya nang masama. I love my dad, pero minsan talaga nakaka-high blood siya. Ang hilig niyang mang-asar nang ganyan; ang hilig niya ring mandikta. Oh well, kung nagagawa niyang pasunurin ang buong Almeria, ibahin niya ako.
I crossed my arms and put my bitch face on. "Kung nabubuhay pa si Mommy, hindi niya papayagang mangyari 'to. She won't let me out of her sight."
"Evelyn is no longer here with us, so just listen to me. Pack your things now. You will leave this house tomorrow."
Nanlaki ang mga mata ko! "B-bukas na agad? No way!"
"Corrine. Isang beses lang akong magsasalita."
"Pero ayoko, Dad! Paano naman ang mga best friends ko rito? I don't want to leave them."
"Magpa-miss ka muna kila Beverly at Felicia. Besides, you'll only be away for six months."
"Six months?!"
"Oo, para masiguro kong malinis na talaga ang problema at hindi ka na mapapahamak."
"No . . ." I already stepped back and waved my hands to refuse. "No, no. It's a fucking no!"
"Corrine!" Biglang nanlisik ang mga mata ni Daddy at napatayo siya mula sa upuan. "Talaga bang hindi na titino 'yang bibig at ugali mo?"
"Ah, basta! I won't leave. Dito lang ako sa Almeria!" Tinalikuran ko na siya at dapat lalabas na ng office, pero sakto namang pumasok 'yung sipsip niyang tauhan. May kasama itong lalaki na naka-all-black outfit na akala mo ay spy. Naka-black cap pa. Feeling cool, kadiri!
"Mayor, nandito na siya," sabi ng sipsip na tauhan ni Dad.
"Finally," sagot naman ng daddy ko tapos naglakad papunta sa likuran ko at hinawakan ako sa magkabilang balikat. "Corrine, this is the man I hired to guard you. His name is Lukas Zamora."
Tinaas ko ang isa kong kilay at tiningnan 'tong Lukas na 'to from head to foot. He's a tall guy, probably a six-footer. Pero mukha namang lalamya-lamya at hindi mapagkakatiwalaan. I'm sure kukunin lang nito 'yung perang ibabayad ng daddy ko tapos magdi-disappear na.
Inirapan ko nga. "It's NOT nice to meet you. Umuwi ka na lang kasi wala ka naman talagang magiging trabaho rito. Tsupi!" Binunggo ko siya sabay labas ko na sa opisina.
Hinabol naman agad ako ni Daddy at hinigit ako sa braso. "Corrine! Will you stop being such a brat?"
"Ayoko kasi, Dad! I'm living my life here with my friends, tapos ilalayo n'yo ako sa kanila."
"Dahil nga ba talaga sa mga kaibigan? O dahil diyan sa Nigel na 'yan na kinababaliwan mo?"
Natigilan ako at umiwas ng tingin. Hindi na ako nakasagot kasi alam kong wala akong laban. There's this guy I really really like, but Dad doesn't like him for me.
Binitiwan na ni Daddy ang braso ko. He composed himself and let out a deep sigh. "Okay, let's have a deal then. Do what I want, and after six months when you return, I will already let you date that Nigel."
My eyes widened in disbelief! "S-seriously?"
"Yes. Just stay hidden and safe, and let Lukas protect you for six months."
"Deal! It's a deal! I'll pack my things now." Tumalikod na agad ako at tumakbo pabalik sa kuwarto ko para mag-empake.
I fucking hate this idea. But if this is the only way I can finally and legally date the guy I've been crushing on for years, I'll do it. Pero 'wag sanang isipin ng Lukas Zamora na 'yon na magiging madali ang buhay niya kasama ako. Dahil ako na ang pinaka-bitchesa at bratinelang babae na makikilala niya.
TO BE CONTINUED
• • •
Author's Note: 'Almeria' is just a fictional city in Manila. Thank you! 🖤
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top